Twenty years ago. Tumatakbo ang batang si Niccolo sa mansyon ng mga Moretti upang puntahan ang pinakamagandang babaeng kilala niya. Ayon sa babae ay ngayon ang pinakaimportanteng araw sa buhay nito. Kaya naman todo suporta siya sa kanyang ‘nanay-nanayan’. Oo, nanay-nanayan dahil ito ang babaeng nagsalba ng nagmahal sa kanya na parang tunay na anak. Namatay ang nanay niya noong nakaraang buwan. At ang babaeng ito ang nagbigay sa kanya ng bagong pamilya. At ayon dito ay mas magiging kompleto na raw sila dahil magpapakasal na ito. Kung siya lang ay masaya naman siya kahit si Mama Abegail lang ang kasama. Mabait ito at masarap pang gumawa ng tinapay. Binubusog siya nito lagi ng pagkain at pagmamahal. Malungkot siya dahil namatay ang kanyang mama at papa pero masaya siya dahil napunta s

