“Here, baby!” Napalingon ako sa isang babaeng pamilyar ang mukha. Maganda siya. Masayahin ang mga mata. Matangos ang ilong. Makipot ang labi. Nakasuot siya ng puting sundress at asul na sombrero sa ulo. Nakatingin siya sa akin habang tinatawag ako. “Baby… baby…” Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Napapalapit ako sa kanya. At nang mahawakan ang kanyang kamay ay agad niya akong niyakap. Sobrang higpit. Hindi na halos makahinga. “Amore… amore…” bulong niya sa akin habang ako’y yakap-yakap. Pakiramdam ko ay wala nang mas sasarap pa sa kanyang mga braso na nakapulupot sa akin. Ang kanyang mga labi na nakadampi sa aking pisngi. Napakasaya ng aking pakiramdam. Payapa. Pinapahalagahan. Minamahal. Ngunit ganoon na lamang ay narinig ko ang magandang

