CHAPTER 44

1048 Words

Ang matandang nakasakay ng wheelchair ay heto at tinutulak ng babaeng nakaputi papalapit kina Abbey. Ang parehong babaeng nakita niya na lumapit sa kanila ng matanda noong nawawala ang huli. Don Antonio. Siya nga. Ang matandang pinagkamalan siyang ibang babae. Noong una ay Abegail ang tawag sa kanya pero sa huli ay naging Sienna naman. Iyon ang mga tawag nito sa kanya. Pero okay lang. Matanda na ito kaya siguro nagkakamali. Nagiging ulyanin. Pero nang tawagin siyang Abegail muli ng ibang tao ay doon na niya nakumbinsi na maaring may koneksyon si Don Antonio kay Abegail. At totoo nga dahil si Abegail ay isang Galvani. Isang Pilipina na nagpakasal sa isang Mafioso. Siguradong ang don ay hindi pa rin tapos sa ideyang baka konektado siya sa mga Galvani. Iyon na siguro ang tamang pagkakataon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD