CHAPTER 45

1022 Words

Si Abbey naman ay sinulyapan ang kabiyak. Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Hindi yata inaasahan ang sinabi ng matanda. Pero sa huli ay ngumiti pa rin ito at saka tinanguan siya. Inaamin niyang kinakabahan siya sa maaaring mangyari pati na rin sa kung anong gusto ni Don Antonio at kailangan pang makausap nang sarilinan si Niccolo. Pakiramdam tuloy niya ay may kinalaman pa siya kung paanong ang dalawang matataas ang ranggo sa mundo ng mafia ay nag-uusap ngayon. Hindi rin naaalis sa isip niya ang dudang higit pa sa magkakilala lang ang dalawa. Base sa usapan kanina ay tila mas malalim pang ugat. At hindi siya makakapaghintay na tanungin si Niccolo mamaya. Ilang sandali pa ay naiwan na lang si Abbey kasama ang babaeng nakauniporme ng puti. Pero hindi nagtagal ay nagpaalam na r

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD