Kung nandoon sana ang ama ay di mararanasan ni Abbey ang lahat ng problemang ito. Ni hindi siguro siya mag-aabroad. Pero wala na ang kanyang pinakamamahal na ama. Siya na lang ang mag-isa. Tunay ngang may asawa siya. Pero sa kanya nga ba ang puso nito? Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng tunog ng sasakyan na tumigil sa harap ng bahay. Si Abbey naman ay nakaupo lang sa couch ng kwarto nila ni Niccolo. Wala pang limang minuto ay narinig na ni Abbey ang pagbukas ng pinto ng kwarto. She’s expecting Niccolo to come to and talk to her. “I don’t know if I want to talk, Niccolo,” pranka niyang sabi. Hindi siya nakatingin sa pinto ng kwarto dahil natatakot siyang lumambot ang puso para rito. “Kay Niccolo, oo. Pero sa akin kaya Abbey? Are you willing to talk to me?” Napasinghap si Abbey nang

