Huli na nang mabatid ni Abbey na sobra pala ang kanyang sinabi. Hindi na niya kasi mapigilan ang inis. “Huwag kang mag-alala, Abbey. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo.” “Anong gagawin ko, yaya? Baka totoo ang sinasabi ni Sonya? Baka totoong hindi ako ang mahal ni Niccolo? Paano kung Si Sonya pa rin ang mahal nito at panakipbutas lang ako?” Hindi na sumagot si Yaya Cora. Bagkus ay niyakap lang siya ng mahigpit nito. Ilang segundo silang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa naisip niyang magpahangin muna. Pumayag naman ang matanda nang magpaalam siyang pupunta sa may dalampasigan. Suot ang roba ay bumaba si Abbey sa hagdan na magdadala sa kanya pababa malapit sa dagat. Binagtas niya ang dalampasigan at tinanaw ang malawak na dagat. Maganda ang tanawin dahil sa maliwanag na buwan

