Kabanata 5

3287 Words
Hapon na ngunit abala pa rin ang mga nagtatrabaho sa hotel. " Anong meron?" Tanong ko kay Mona na nakaupo sa tabi ng lockers habang nilalagay ko doon ang mga gamit ko. " Minamadali nilang ayusin ang function hall, dito kasi gaganapin ang proposal ng hotel para sa mga foreign investors." Tumingin ako kay Mona na kinakalikot ang kanyang mobile phone. " Kailan daw?" Nagkibit balikat ito at ibinigay ang buong atensyon sa akin. " Sa susunod na linggo palang pero aligaga na masyado papano kasi gusto ni Ms. Cassandra perfect ang theme, kaya kahit nakaayos na pinapapalit pa rin niya." " Ahh." Marahan akong tumango at sinara na ang locker ko. Mabilis kong natapos ang paglilinis ng bodega maging narin ang condo ni Tross, buong araw ko yata siyang hindi nakikita malamang ay hindi na umaalis iyon sa opisina niya dahil narin siguro sa event na gaganapin. At hindi ko rin siguro siya kayang harapin sa nangyari kagabi. Tama nga, kailangan ko siyang iwasan. Masyado na niyang ginugulo ang isipan ko. Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa kanya. Bumaba na ako ng building. Maging ang mga nasa front desk ay aligaga sa kanilang mga ginagawa. " Sapphira." Tumingin ako sa likod ko ng marinig ang tawag ng isang pamilyar na boses ng lalaki. In his manly suit ay nagmumukha siyang isang negosyante. " Hendrix." Kunot noo akong napaisip kung anong ginagawa niya dito. " May condo ka ba dito?" Nanlaki ang mata ko sa isipang iyon dahil ang bayad sa bawat condo dito ay hindi biro. Natawa siya sa reaksyon ko at ipinakita ang white folder na dala niya. " May isusubmit lang ako." Aniya at ngumiti. " Ikaw?" Nasagot na ang tanong niya ng makita niya ang cart na nasa likod ko. " Magpapass ka ba ng resume? Aba overqualified kana. Housekeeper ako dito." Sagot ko umaasa akong mandidiri siya sa akin dahil sa trabaho ko ngunit walang bakas ng kahit anumang pandidiri ang kanyang mukha. Halos kasi lahat ng nakakasabay kong mayayaman na nakatira dito ay umaasim ang tingin sa twing may hawak akong basahan at mga panlinis. Bagkus ngumiti pa siya lalo at lumabas ang dimple. " Wow, much better pala dahil madalas na tayong magkita kapag nakapasok ako dito." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at ngumiti nalang. " Pano mauuna na ako." Sabi ko at nagpaalam na. Tumango pa ito at hinayaan muna akong nakaalis. Kumunot ang noo ko ng marinig ang kulog at kidlat sa labas. Mukhang uulan pa yata ng malakas. Nagmadali akong pumunta sa loob upang isauli ang mga gamit at makapagpalit ng damit. " Sapphira?" Salubong sa akin ni Ma'am Mich. " Po?" " Sa susunod na linggo ay kasama ka sa magseserve dito para sa event na magaganap." " Ah sige po Ma'am. Uuwi na ho ako." Napakagat nalang ako sa labi ng marinig ang malakas na buhos ng ulan. Palabas na ako sa kabilang pasilyo ng hotel ngunit hindi ko kayang lumabas dahil kahit na nakapayong ako ay alam kong mababasa din ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto at tumila din ng kaunti. Siguro ay makakauwi na ako nito. Kinuha ko ang payong ko sa bag. Nagulat ako ng may magbusina sa harapan ko. Tinignan ko ang kulay pulang Mercedez Benz sa harapan ko. Umusog ako dahil baka tinatakpan ko ang binubusinahan nito. Bumaba ang bintana nito. Napaawang ang labi ko ng nakita ko si Hendrix ang nagdadrive niyo, kumaway ito sa akin at ngumiti. " Sakay na. " Sigaw niya para marinig ko dahil sa lakas ng ulan. Nanlaki ang mata ko at tinuro ko pa ang sarili ko obvious naman na ako ang tinatawag niya dahil ako lang naman ang magisa na nasa labas. Tumawa pa siya at tumango. Umiling ako ng mabilis dahil hindi ko kayang sumakay sa sasakyan niya. " C'mon Sapphira mahihirapan kang sumakay kapag umuulan." Aniya. Tumingin muli ako sa kanya at binuksan ang payong ko binuksan niya ang pinto ng passenger's seat sa loob. " Okay lang ba kung ilalagay ko dito ang payong ko? Baka kasi mabasa ang sasakyan mo." Sabi ko ng makapasok na ako. " No, it's okay." Aniya at ngumiti muli. Tinanong pa niya ako kung saan ako nakatira gusto niya kasi akong ihatid tumanggi ako ngunit mapilit siya tama na rin iyon dahil hussle magcommute kapag umuulan. Pagkatapos na iyon ay hindi na ako nagsalita pa hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko. " Matagal ka na bang nagtatrabaho doon?" Pagbabasag niya sa katahimikan. " Magiisang buwan palang." Sagot ko. " Doon sa bar?" Tumingin siya sa akin ng seryoso at muling ibinalik ang tingin sa kalsada. " Panaka naka nagraracket ako doon. Alam mo na kailangan kumita. " Sagot ko. Tumango ito at hindi na muling nagtanong pa. Sinandal ko ng maayos ang aking likod sa upuan ngayon ko mas nararamdaman ang pagod. " Dito nalang ako Hendrix." Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Tumingin pa siya dito at tinulungan akong magalis ng seatbelt. " Uhm. Pasok ka muna." Ayaya ko sa kanya nakahinga ako ng maluwag ng umiling siya dahil hindi ko rin alam kung magiging komportable siya sa bahay namin. Hindi na ako nagpilit pa at tumango. " Next time nalang, Sapphira." " Maraming salamat sa paghatid, naabala pa tuloy kita." Umiling siya kaagad. " Okay lang. Thank you also for the company even in a short period of time. " bumaba na ako sa kotse niya at binuksan muli ang payong ko. Maulan ulan pa kasi, kumaway pa siya bago umalis. " Aba't May paMercedes Benz si mayora." Ani Gabrielle na sumalubong sa akin. Tumingin ako sa likod niya at nakita si Samuel na naglalaro sa sala. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. " Sino yun ha?" " Isang kakilala. Malakas kasi ulan kanina kaya sinabay na niya ako sa paguwi niya." Sabi ko at naglakad patungong sala. " Kakilala? Hinatid? Oh talaga." Sagot nito. Tumingin ako sa kanya at naglalaro ang ngiti nito. Umirap ako sa kanya at hinalikan si Samuel. " Hi baby kamusta kana?" Sumimangot ito. " Nay, hindi na po ako baby." Aniya at umiling iling pa. Natawa nalang ako at tumayo para magbihis. Hindi ako tinantanan ni Gab dahil maging sa pagpasok ko sa kwarto namin ng anak ko ay sinundan niya ako. " Bat hindi mo pinapasok? Para sana makita at makilatis ko?" " Pwede ba Gab. Stop what you thinking, its just nothing." Asar kong tugon. Umirap siya sa akin na parang hindi pa rin naniniwala. " First time kasi na may naghatid sayo e, nakakapanibago lang. " aniya at ngumiti ng nakakaloko. " Kumain na tayo Madame. " aniya at lumabas na ng silid ko. Napailing nalang ako sa kanyang sinabi totoo naman ang sinabi niya dahil siya palamang ang unang tao na maghatid sa akin sa bahay. Reasonable naman iyon dahil umuulan. Dati sa mga naging trabaho ko ay mayroon din nagpaparamdam at gustong manligaw ngunit sarado ako para sa ganoon. Iba naman si Hendrix sa kanila dahil ang tulad niya ay hindi bagay sa tulad ko, hindi siya katulad ng iba na nagpapahayag ng dinarama nila nagkataon lang na mabait lang talaga siya. Sabi nga ni Autie Anna gentleman siya. Manghang mangha ako sa kinalabasan ng venue ng event ito marahil ang pinagpaguran nila sa loob ng isang linggo. Gaya ng hotel ginto at puti ang tema nito. Maraming foreigner at malalaking sikat na businessman ang narito. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kong iserve ang juice sa loob. Lumabas muna ako sa area kung saan nakalagay ang mga sineserve naming pagkain. Nasa side ito ng venue kung saan may malaking see-thru na bintana kaya nakikita namin sila ngunit hindi nila kami nakikita dahil salamin naman ang nasa kabila. Mayroon namang taga serve dinagdagan lang namin sila para mas mapadali ang pagserserve at kung mayroon mang pagkain o inumin ang matatapon ay may maglilinis. " Tross." Bulong ko ng lumabas ako sa garden ng function hall. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng fountain nakasuot siya ng suit na babagay sa katawan niya. Gabi ngunit maliwanag ang sinag ng buwan. Sa loob ng isang linggo ay ngayon ko lang siya muling nakita. Naramdaman niya ang presensya ko kaya humarap ito. Blanko ang mata nitong nakatingin sa akin at hindi alam kung ano ang nasa isip niya, mukhang hindi rin maganda ang tulog niya dahil sa pagod na mukha nito. " Sir, magsstart na po." Tawag ng isang babaeng personnel na nakasuot ng pormal na damit. Tumango siya at umalis na ang babae. Nagbuntong hininga ito at naglakad na papasok napayuko ako ng dumaan siya sa tapat ko at naramdaman ang malamig na hangin ng pagdaan niya. Tumingin ako sa malapad niyang likod na papasok sa loob. Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit. Mukhang hindi uulan ngayon dahil maraming bituin. Mga ilang minuto ay pumasok na ako sa area namin at napangiwi ako ng marinig ang pagtili nila Mona at Kyla kaming tatlo kasi ang tumutulong sa mga server. Nakatingin sila sa see-thru na glass window at kahit pa tumili sila ng tumili ay hindi sila maririnig dito kami lang ang nakakarinig sakanila dahil may speaker na maliit na nakakabit sa ikaliwang bahagi ng ceiling. " Ano ba tinitili niyo dyan?" " Hay nako Sapphira sa isang taon ko dito ay ngayon ko lang nakita si Sir Hendrix hindi ko alam na nakauwi na pala siya. My God!" Ani Mona na tinakip pa ang bibig na hindi makapaniwala. Mas nagiging cute tuloy siya kapag ginagawa niya iyon, maganda si Mona morena at maganda ang pangangatawan gaya ni Kyla. Ang kwento niya sa akin ay working student siya. Si Kyla naman ay nagstop dahil nagkasakit ang mama niya at kailangan niyang magtrabaho muna at para matustusan narin ang pagaaral ng mga nakakabatang kapatid nito. Kunot noo akong tumingin sa tinitignan nila at nanlaki ang mata ko ng makita si Hendrix na may hawak na mic at ngumungiti sa lahat ng nasa harapan niya. " Hendrix?" Bulaslas ko. " Bago ka palang kasi dito Sapphira kaya hindi mo siya kilala madalas kasi out of the country siya. Siya ang chairman of board of directors ng hotel and casino." Paliwanag ni Kyla. " Ano?!" Hindi nawala ang tingin ko kay Hendrix hanggang sa magsimula siyang magpresent sa lahat ng board. May powerpoint pa ito. Tumango silang pareho at tumingin sa akin. " Ang gwapo diba?" Sabay pa nilang sinabi at kinilig. Chairman of board? Pero sabi niya magaapply palang- napaface palm nalang ako ng maalala kung papano ko siya kausapin, at naalalang ako lang ang nagconclude na nagaapply siya. Isa din pala siyang boss dito sa hotel na ito. Napakagat ako sa labi patay nanaman ako nito. Pinalakpakan siya ng dahil sa ganda ng presentation nito tungkol kung papano mas mapapaunlad at mapapalago ang mga hotels and casino sa mga tao. Sa huling salaysay niya ay ngumiti pa ito na dahilan ng paglitaw ng kanyang dimples. " Thank you Mr. Hendrix Montemayor, and now let us call our CEO President Mr. Jackson Del Rio. " Pumalakpak ang lahat ng tao sa crowd maging ang mga kasamahan ko. Nakita ko ang pagkagulat ni Hendrix ng tinawag ng MC si Tross at pagkunot ng noo nito. Walang sinuman ang nakapansin noon dahil nakatingin lahat sila kay Tross na pinapalakpakan. Nakita ko si Ms. Cassandra na nakangiti habang katabi iyong babaeng nakita ko noon sa condo ni Tross, Trinity ba pangalan noon? They were both wearing a silky gold dress ngunit mas fit lang ang kay Trinity kaya mas kita ang hugis ng katawan nito at nangibabaw ang kagandahan nito. Binalik ko ang tingin ko kina Hendrix at Tross. Kumunot ang noo ko ng magkatitigan silang dalawa at parang may hidwaan na nagaganap. Ngumisi si Tross at kinuha ang mic na nilalahad ni Hendrix. Ngumiti din si Hendrix pero hindi umabot iyon sa kanyang mga mata hindi tulad kapag ngumingiti siya sa akin. Tumingin ako kina Kyla at Mona na hindi man lang napansin ang hidwaan. Nagumpisa na siyang magspeech at magpresent. Mas dinagdagan niya ang ginawa ni Hendrix at mas magandang idea ang ibinigay niya. Lumitaw na continuation ito ng mga sinabi ni Hendrix ngunit parang hindi alam ito ni Hendrix. " Sapphira magserve na tayo ng tubig." Ani Mona na nagpabalik ng ulirat ko. May ibinigay siya sa aking pitsel at nauna ng lumabas. Pinalakpakan si Tross ng maraming foreigners at yung iba ay tumayo pa dahil sa pagkamangha. Hinanap ng mata ko si Hendrix na nakaupo sa kaliwang banda habang nasa gitna naman ang table nina Tross. Seryosong nakaupo si Hendrix na nakatingin kay Tross. Ngumisi ito at napailing. Tumingin ako sa maraming tao at mukhang nagenjoy sa presentation ni Tross. Nagbuntong hininga ako at naglakad patungo sa table ni Hendrix. May dalawang kasama siya sa table na mga nagtatrabaho rin dito ngunit hindi naman malapit ang upuan sa kanya. " Great ideas Mr. Chairman. " Sabi ko para kunin ang atensyon niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti naman ako. Nagsalin ako ng tubig sa kanyang baso at tumingin sa kanya. " You're here." Aniya na nakangiti sa akin. " Let's enjoy the night ladies and gentlemen. Cheers for the successful innovation of our company." Ani Tross sa gitna habang itinaas ang baso ng wine. Ngiting ngiti ito habang inililibot ang mata niya sa lahat ng tao sa harapan. Nagtama ang tingin namin habang iniinom niya ang wine niya. " Oo kailangan daw kasi kami dito e. " sagot ko kay Hendrix at iniwas ang tingin kay Tross nilagyan ko din ng tubig ang mga baso ng kasama na table ni Hendrix. Tumango lang ito at habang tinititigan niya ang red wine na hawak niya. Dismayado ang mga mata nito na itinatago niya lang sa kanyang mga ngiti. Tumingin ako sa mga tao at ang iba ay sinalubong si Tross lalo na ang mga foreign investors. Inubos kona ang laman ng pitsel para makabalik na ako sa area namin. Lahat ng crew ay aligaga para sa dessert ng mga bisita. Paglapag ko ng pitsel sa table ay napansin ko ang pagtayo ni Hendrix at paglabas niya sa fountain. Walang nakapansin ng pagalis niya dahil busy ang iba sa pagkain at pagtatanong kay Tross. Hindi ko mawari ngunit nakaramdam ako ng awa para sa kanya, kahit na isa siyang Chairman ng board ay hindi niya nagawang magsungit sa akin gaya ng iba. Sinundan ko siya sa labas at nakita ko siyang nakatayo malapit sa fountain habang nakatingin siya sa mga bituin at ang dalawang magkabilaang kamay niya ay nasa kanyang bewang. Tumabi ako sa kanya at ginaya ang kanyang ginagawa. " Sir Hendrix." Bulong ko at naramdaman ang pagsulyap nito sa akin. " Pasensya na ho, hindi ko alam na-" " No please, Sapphira. Mas gusto ko pang tawagin mo ako sa pangalan ko." Napangiti ako at napayuko. " Sorry, hindi ko kasi alam" Ngumiti ito at umiling. " Kaya hindi ko sinabi dahil ayokong maging pormal ang paguusap natin. " aniya at tumingin muli sa taas kaya tumingin din ako. " Ang ganda no!" Saad ko at naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin kaya tinignan ko din siya. " Anong ginagawa mo sa labas habang ang lahat ng tao ay nagkakasiyahan sa loob Mr. Chairman?" Tipid itong ngumiti at tumingin muli sa langit. " Hindi para sa akin iyon. That's for Tross. " marahan akong tumango. " Alam mo kung ano yung para sa akin?" " Ano?" Ngumiti ito at lumabas ang dimple niya. " Ito." Hinigit niya ang kamay ko palabas ng venue at papuntang parking lot. " Wait saan tayo pupunta?" Mabilis kong tanong. " Magsasaya tayong dalawa at sasamahan mo ako. " Aniya at huminto kami sa tapat ng kotse niya. " Hindi ba sasamahan mo ako?" Aniya na nakangiti. Hindi na ako nakahindi dahil ayokong maalis ang ngiti sa kanya na kanina ay sobrang seryoso. " Eh kasi baka mapagalitan ako -" " Don't worry I can handle it. I am the Chairman, remember?" Natatawa niyang tanong at pinagbuksan ako ng pinto. Oo nga pala isa din siya sa mga boss ko. Kunot noo ko siyang sinalubong ng umupo siya sa driver's seat. " E bat hindi mo sinabi sa akin?" " Importante ba yun?" Nagkibit balikat siya at nagsimula ng paandarin ang kotse niya. Huminto kami sa may mini stop at my binili siyang kung ano hindi na niya ako pinababa. Mabilis lamang siya at pagkatapos ay pinaandar niyang muli ang kotse nito. " Saan ba tayo pupunta Hendrix?" " Sa Tagaytay." Tipid niyang sagot habang nakangiti. Nanlaki ang mata ko at alam kong nakita niya ang reaksyon ko. " Don't worry uuwi din tayo kaagad." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Magiisang oras ng makarating kami dahil narin walang traffic, at malapit lamang ito. Huminto kami sa maraming halamanin at saka siya bumaba dala ang ibinili niya kanina. Sumunod ako sa kanya at nanlumo ng makita ang ganda ng paligid. Gabi na ngunit ang liwanang ng buwan at mga mumunting ilaw sa kalye ay sapat na para makita ang ganda ng paligid. Ang lamig ng simoy ng hangin at nakakapresko. Ang gaganda ng sibol ng mga bulaklak at ang labong ng mga puno. Nasa isang parke kami na hindi ko malaman kung anong pangalan. Umupo siya sa isang swing at tumingin sa akin. Tulad niya ay umupo din ako sa tabi niya. " Hindi mo sinabi sa akin na maglalaro pala tayo." Biro ko at narinig ko ang munting tawa niya. Inabot niya sa akin ang isang malamig na bote ng pineapple juice habang hawak naman niya ang isang bote ng san miguel beer. " Baka malasing ka." Aniya at lumagok sa beer niya. Binuksan ko ang aking pineapple juice at uminom din dito. The ambiance was so quiet yet so relaxing and calm. Tanging mga puno na nagsasayaw dahil sa hangin lamang ang iyong maririnig. Mukhang malayo sa mga kabahayan. " Hendrix." " Hm?" " May problema ba?" Napakagat ako sa labi ko ng tanungin ko iyon. " Hindi ba dapat masaya ka kasi nagustuhan ng audience iyong prinesent mo?" Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. " I'm happy Sapphira. Gusto ko lang magcelebrate sa mas kalmadong lugar." Tumango ako ng marahan. Bigla kong naalala ang mukha ni Tross na walang kaemoemosyon sa twing tititigan ako. " Hendrix, gaano mo kakilala si Sir Tross?" Wala sa sariling tanong ko at napalagok sa juice ko. " I know him more than anyone else, I guess. Why?" Sumulyap ito sa akin na may pagtataka. " Ganoon ba talaga siya? I mean sobrang seryoso sa buhay, masungit?" Humalakhak ito at napailing sa tanong ko. Napakunot ang noo ko sa reaksyon niya. " Bakit?" Tanong ko ulit. " Bakit mo natanong?" Pagtataka niya at sumimsim sa kanyang bote ng alak. Nagkibit balikat ako. " W-wala naman. Kinakabahan kasi ako kapag nakikita ko siya. I mean, halos lahat kaming nagtatrabaho dahil nakakatakot siya, hindi katulad sayo na ang gaan kaagad ng pakiramdam ko. Ni hindi man pumasok sa isip ko na isa ka sa mga boss namin." Humalakhak siya at umiling. Napatingin siya sa kawalan at nagtiim bagang. " Kaya ba sinamahan mo ako ngayon?" Aniya na pinaglalaruan ang bote ng alak. Sinuri kong mabuti ang mukha ni Hendrix, he is way better than Tross. Mas charming at mukha at palangiti. Pati ang mga mata niya ay ngumingiti sa twing tumatawa siya kaya hindi mapagkakailang mas mabilis akong nagtiwala sa kanya simula palang ng makita ko siya. On his deep lovely eyes and pointed nose, at sa dimples niya na laging lumilitaw kpg ngumingiti siya. No wonder kung maging siya ay kinahuhumalingan ng mga katrabaho ko. Unlike Tross, he have a hard feature, lagi siyang seryoso. With his thick eye brows and his pair of almond eyes na kapag titigan ka na akala mo kaya niyang basahin ang iniisip mo. Napakunot ang noo ko, hindi ko matandaan ngunit parang familiar ang mga mata niya sa akin. " Siguro." Tipid kong sagot at inubos ang juice na ibinigay niya. Tahimik kami buong biyahe ni Hendrix hanggang sa ihatid niya ako pauwi ng bahay. Gabing gabi ng nakauwi ako at wala na akong makitang tao sa daan kaya nagpasalamat ako dahil hinatid niya ako sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD