Kabanata 6

3037 Words
Maaga akong pumasok kinabukasan. Tulog pa si Tross ng magumpisa akong linisin ang kabuuan ng condo niya. Inipit ko ang mahaba kong buhok dahil sa init na nararamdam dahil sa paglilinis. Nahigit ko ang hininga ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kung saan nakatapat ako na kung saan ako nagwawalis. Tumaas ang tingin ko sa inaantok pa nitong mga mata at gulo gulo nitong buhok. Nakasweat pants siya at gray tshirt. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumabi sa side upang makadaan siya. Nang hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya ay tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako ng mabilis dahil sa nararamdamang kaba. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba. Nasapo ko ang dibdib ko ng lumapit siya at ikinulong ako sa dingding gamit ang dalawang mga kamay niya. " Where did you go last night?" Malamig niyang tanong. Kunot noo ko siyang tinignan at nagtataka sa tanong niya. Lumapit ang mukha niya sa akin kaya mas lalo kong idinikit ang ulo ko sa dingding. " L-last night?" Paglilinaw ko. Ano ba ang kanyang itinatanong? Yung bang umalis kaming dalawa ni Hendrix? Imposible namang alam niya iyon. Ngumisi siya na para bang alam na ang sagot sa tanong niya, at negatibo ang tingin ko doon. Napakurap kurap ako ng agaran siyang umalis sa harapan ko at tumungong kusina. Nakahinga ako ng maluwag at binilisan nalamang ang paglinis ng condo niya dahil sumasakit ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siyang mas malapit. Umiwas ako ng tingin ng nahuli niya akong nakatingin sa kanya habang busy siyang may kausap sa phone niya, habang nasa veranda siya. Niligpit ko ang mga ginamit ko at hinawakan ang cart na dala. Sumulyap muli ako sa kanya ngunit nagsisi kaagad ng nakatingin pa rin siya sa akin. Tumaas ang mga kilay niya. Walang salitang lumabas ako ng condo niya dahil pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko sa kahihiyan. " Namumula ka." Puna ni Mona sa akin pagkaupo ko sa tabi niya habang kumakain ng noodles. Tipid ko siyang nginitian at hindi na sinagot dahil hindi ko din alam ang idadahilan ko. " Nako Sapphira saan ka ba pumunta kagabi? Inis na inis si Sir Jack sa amin dahil hinahanap ka." Napabaling ako kay Mona na kuryosong tumingin sa akin. "H-hinahanap ako?" "Oo!" " Bakit daw?" " Ewan ko. " Nagkibit balikat ito. " Baka may ipapalinis sa iyo. E saan ka nga ba kasi pumunta kagabi? Hindi pa tapos yung programme bigla kang nawala." Umiwas ako ng tingin kay Mona dahil baka akala niya may itinatago ako sa kanya. Hindi na kasi ako nakapagpaalam ng isinama ako ni Hendrix. " A-ah may emergency lang sa bahay. Biglaan kasi." Pagdadahilan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng tingin ko ay bumenta naman ang palusot ko. Hindi ko din kasi maaaring sabihin na magkasama kami ni Sir Hendrix, or Hendrix kasi baka mag isip siya ng iba. Mas mabuti nalang din na hindi nila alam, para hindi nalang sila magtatanong. Ang bilis ng araw at ngayon ay unang pasok nila Samuel, excited siya gayon din ako kaya hindi na ako nagatubiling ihatid siya upang makita kung gaano siya kaexcited pumasok. Magiisang buwan na din ng huli namin pagkikita ni Hendrix. May usap usapan na tumungo silang Singapore, dahil maging si Tross ay wala. I was in a hurry when I went in to the hotel. Late na late na kasi ako ngayon, dahil ngayon ang unang klase nila Samuel. Hinatid ko pa siya sa school niya, at hinintay si Gab na palitan ako dahil baka umiyak siya. But he always reminding me that he is now a big boy kaya pwede ko na daw siyang iwan. Pero hinintay ko pa si Gab para bantayan siya. Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sa bilis ng takbo ko, dalawang oras na kasi akong late. Napahinto ako sa pagtakbo ng makasalubong ko si Ms. Cassandra on her halter nude dress and 4inch stilettos na may hawak pang mga papel. Pagkatapos ng presentation nila ni Hendrix noon, halos isang buwan din iyon ay ngayon ko lang ulit siya nakita. Maaaring si Ms. Cassandra ay kasama din sa pagalis nila. Kung sakaling kasama nga siya... baka ay maging si Tross at Hendrix ay nakauwi na. Ang sabi ay nagkaroon daw ng issue sa Hotel nila sa Singapore, kaya maaari sigurong magkasama silang tumungo sa Singapore. Napalunok ako ng sinamaan niya ako ng tingin, ganoon pa din. Her beauty speaks authority. Ngumisi siya at lumapit sa akin na ngayon ay hindi man lang ako makatingin sa kanya. I am wearing may plain shirt, a converse and faded jeans. " Ang kapal din naman ng mukha mo no, you are making your own rules while we are away?!" Tumingin ako sa kanya na ngayon magkasalubong ang dalawang kilay. I want to defend myself but I remain silent. Ito palang naman ang unang araw ko na nalate ako. " Sorry po." Halos bulong ko at yumuko muli. I heard her tssed. " Sorry?" Bumaling siya sa mamahaling watch wrist niya at tumingin muli sa akin. " My goodness! You are 2hrs late!" She hissed. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, kaya napatingin ako sa kanya. May poot at pagkamuhi ang bawat titig na iginagawad niya sa akin. Namuo ang iritasyon sa kanyang mga mata. Hindi ako makapagsalita dahil mukhang sobrang laki ng kasalanan na ginawa ko sa kanya, e late lang naman ako. For Whoever's sake ngayon lang ako nalate. " You don't know how to be responsible!"Giit niya. Napaawang ang labi ko ng mas diniin niya pa ang kanyang hawak sa aking braso. " Cass stop it." Para akong tuod ng marinig muli ang lamig ng boses niya. Hinigit nito si Ms. Cassandra dahilan ng pagkalas niya sa aking braso na ngayon ay namumula, mukhang magkakapasa ito dahil sa tindi ng paghawak niya dito. Napangiwi ako sa sakit. Pero mas pinili kong manahimik nalamang. " I can't stop it Kuya! Dahil everytime na nakikita ko siya-" Tumingin muli siya sa akin ng masama. " I said stop!" Mariin niyang ulit. Napaawang ang labi ko at kumunot ang noo sa hindi malamang dahilan gusto kong ihayag ni Cassandra ang kanyang gustong sabihin ngunit huminto siya ng marinig ang seryosong boses ni Tross. Kumabog ang dibdib ko ng unti unti kong masilayan ang mukha niya, it's been a month since I last saw him. And I can tell, he still manage to look handsome kahit madaming problema ang pinuntahan niya sa Singapore. Ano kaya ang ginawa niya doon? Trabaho lang ba? O tulad ng ginagawa niya dito. Magbabar after ng work. Sino naman kaya ang kasama niya? Obviously girls. For sure, dahil di ko mapagkakailang maraming nalilink sa kanyang foreign models dito palang sa Pinas. " Let me handle this." Umirap si Ms. Cassandra sa akin bago niya kami tinalikuran. Mas lalo lang akong kinabahan, parang mas gugustuhin ko pang si Ms. Cassandra nalang ang kumausap sa akin. " T-Tross, I-i mean Sir. H-hinatid ko po kasi ang anak ko kaya nalate ako. A-at ngayon palang po ako nalate. Pasensya na po." Paliwanag ko at hindi man lang siya matignan ng diretso. Hindi siya naka tuxedo ngayon, he was wearing a plain button down dark blue shirt and his black slack. Humaba na din ang buhok niya, mas bagay ang buhok niya noon. But he looks hotter this time. " Since you are late, late ka din uuwi mamaya. The in charge on the 4th floor condo units is on the leave, and you need to double your time, because you are going to clean it all by yourself." Kumunot ang noo ko, hindi ako pwedeng malate dahil baka walang kasama mamaya sa bahay si Samuel. Pero bago pa man ako makapagprotesta ay naglakad na siya patungong elevator. Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Siguro, kasalanan ko naman dahil nalate ako. Wala akong magawa kundi itext si Gabrielle na gagabihin ako umuwi at kung maaari ay ipasuyo muna si Samuel kung wala pa ako sa bahay at papasok na siya sa trabaho. Dala ang mga panlinis ay nagumpisa akong maglinis sa unang units sa 4th floor. 10units ito kada floor at nakakaisa palang ako. Hindi ko mapigilang mainis sa sobrang kalat ng unang unit na napasukan ko kaya halos magisa at kalahating oras din ako. Sa pangalawa at pangatlo ay okay naman, naglinis lang naman ako ng banyo, nagwalis at mop at nilinis ang kusina. Sa minamalas ko nga naman, ngayon pa ang araw ng pagpapalit ng mga bed sheets. Tinapay at tubig lang ang kinain ko sa tanghalian na dapat ay miryenda ko lang, dahil sa sobrang pagod ko at hindi ko na kayang bumaba pa, para mabilis nalang din akong matapos. Napatingin ako sa huling units na nilinisan ko ngayong araw. Magaalas syete na ng gabi at kakatapos ko lang, padabog akong umupo sa sofa. Maliit lang ang unit ng unang palapag ng hotel. Ang alam ko ay dalawa ang in charge sa bawat floor depende sa laki ng mga units. Kaya sa ibang palapag kung hindi tatlo ay apat sila. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit ako lang magisa, nagleave ba ng sabay ang dalawang in charge dito? Pag nga naman minamalas ka oh. " Oh Sapphira okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Kyla sa akin ng pasalampak akong humiga sa sofa namin. " Naglinis ako ng buong units ng 4th floor. Grabe nakakapagod!" Ngayon ko lang naramdaman ang pagkamanhid ng mga paa ko. Sobra sakit din ng balakang ko. Gusto ko nalang matulog sa sobrang pagod ko. " Huh? Bat ikaw naglinis doon?" " Nalate ka ba kanina Sapphira?" Dagdag na tanong ni Mona. Tumingin ako sa kanilang dalawa na hinihintay ang sagot ko. Marahan akong tumango sa tanong ni Mona. " Nagleave daw kasi ang in charge na maglinis doon." Sagot ko at pinikit ang inaantok na mga mata. Parang gusto ko nalang umuwi at matulog. " Pero nakita ko si Mang Reden kanina. E diba Mona siya yung isa sa mga in charge sa 4th floor?" " Oo, hindi ka ba niya tinulungan?" Napaupo ako sa pagkakahiga at tumingin sa kanila. " H-hindi." Nagaalangan kong sagot, dahil hindi ko din naman kilala ang sinasabi nila. Hindi na rin naman ako nagtanong. " Oh baka naman may iniutos sa kanya kaya sa iyo lahat ibinigay." Suwestiyon ni Kyla at tumango sila pareho. Nagbuntong hininga nalang ako at pumasok sa banyo upang maghilamos at magpalit ng damit. Nakapagayos na ako lahat lahat at ready ng umuwi. " Sapphira nasa loob kaba?" Boses ni Ma'am Mich na nagmula sa tapat ng pintuan ang narinig ko. Mas lalo akong nagmadaling magbihis upang pagbuksan siya. " Bakit po Ma'am?" Sumilay ang ngiti ni Ma'am Mich sa akin. " Bago ka daw umuwi, linisin mo iyong unit ni Sir Jack, at bukas ikaw pa din ang maglilinis sa ibang floors. Pasensya na ha, busy kasi ang ibang mga tauhan dahil hinihiram sa casino para maglinis. Kaya kailangan mong pumasok bukas." Mabait sa akin si Ma'am Mich simula palang ako dito, at ang tanggihan siya sa mga tulad nito ay nakakahiya. " Sige po Ma'am." Sagot ko. Kinuha ko ang gamit panlinis maging ang cellphone ko para itext ko si Gab. Papasok palang ako nang elevator ay tumunog na ang phone ko. From Gabriella : Bakla iniwan ko na si Samuel kay Aling Tinay. Baka naman yumaman ka dyan sa pagoOT mo. Pagpasok ko palang sa condo niya ay amoy na amoy kona ang niluluto nitong adobo. Napangiwi ako ng maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi pa nga pala ako ng hahapunan at tinapay lang ang kinain ko kaninang tanghalian. " Magsisimula na po akong maglinis!" Sigaw ko sa sala dahil nagugutom na ako, gusto ko nalang umuwi at kumain. Mabilis kong inumpisahang linisin ang kanyang center table. Napahinto ako ng maramdaman ang presensiya niya sa aking likod. " You should eat first." he said on a serious tone. " Ah wag na Tross, paguwi -" " Don't tell me you will reject my offer again? The food is too much for me." Tumikhim ako at umayos sa pagkakatayo at tinignan siya. Napaawang ang labi ko ng makita ko siyang naka-suot ng kulay pulang apron. He was wearing his usual clothes compare kanina, sando and short. Mas lalong nadepina ang magandang hubog ng katawan niya sa kanyang suot. " Busog pa kasi -" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil kumalam ang sikmura ko. Napangiwi ako at napahawak sa akin tiyan. Umiwas ako ng tingin sa kanya maaaring pulang pula na ako dahil sa kahihiyan. Narinig pa talaga niya ang pagkalam ng sikmura ko. " I can see that." Sagot niya at may namumuong bulto ng ngiti sa kanyang mga labi habang tinitignan ako. " The food is ready, you must eat first." Ulit niya at naglakad na patungong kusina. Inalis niya ang kanyang apron at inilagay ito sa likod ng high chair. Dahan dahan akong sumunod sa kanya na nananalangin na kainin nalang ng sahig dahil sa kahihiyan. May apat na high chair sa tapat ng kusina niya. Mayroon ng nakahandang mga plato para sa aming dalawa. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nagsasalin ng tubig sa baso. Seryoso ba siya? Inaya niya akong kumain? O baka naman naawa sa akin dahil sa dami ng pinagawa niya ngayong araw na ito. Bawat galaw niya ay hindi ko mapigilang mamangha, ang tagal ko siyang hindi nakita. Parang gusto ko nalang magalit sa kanya dahil hindi man lang siya nagpaalam sa akin. At least diba? Nainform man lang ako. Magkasalubong ang dalawang kilay niya ng tumingin sa akin. " You can seat here." Turo niya sa high chair na katapat niya. Tumikhim ako upang maibsan ang kaba ko. Umupo ako ng dahan dahan na maging sa pagkilos ko ay nagiingat ako dahil baka mapuna niya. Pasimple akong tumingin sa kanya na seryosong kumukuha ng niluto niyang adobo. Napalunok ako dahil sa sarap ng amoy ng niluto niya. Napatingin ako sa kanya ng nilagyan niya ang plato ko. Parang bigla nalang akong nabusog bigla at ayaw ng kumain. Nang magumpisa na siya kumain ay saka na ako sumabay sa kanya. Ngumiti ako dahil gaya ng inaakala ko, masarap ang luto niyang adobo. I wonder kung ilang babae na ang nakakain ng luto niya. Tumingin ako sa kanya na seryosong kumakain. Sabay kaming napahinto sa pagkain ng tumunog ang phone ko dahil sa isang mensahe. Bago ko pa kunin ito sa bulsa ng jeans ko ay tumingin ako sa kanya na nakatingin sa pagkain. Tumikhim muli ako dahil sa lakas ng t***k ng dibdib ko. From Grabirella : Hindi yon matutulog ng wala ka. Sabi niya hihintayin ka daw niya. Napangiti ako sa text ni Gab sa akin, bigla kong namiss si Samuel sa sinabi niya. Kahit big boy na siya hindi niya pa rin kayang matulog ng wala ako sa tabi. Itinuon ko ang tingin ko kay Tross na ngayon ay nakatingin sa hawak kong maliit na cellphone. Nabigla ako sa bigla niyang pagtingin sa akin. Seryoso siya sa bawat titig niya. Hindi na ako nagreply kay Gab, mamaya nalang. Inilagay ko itong muli sa bulsa ko. " S-salamat nga pala sa pagkain. Hindi ko alam na marunong ka palang magluto." " Not really." Pinagpatuloy ko muli ang pagkain ko. Kung wala kaya ako ngayon, wala kaya siyang kasabay kumain? Si Trinity kaya? Madalas ba dito? Sumimsim ako ng tubig pagkatapos kong kumain, hindi pa rin siya tapos kumain. " I-ikaw lang ba mag-isa kumakain kapag ganito?" Hindi ko mapigilang tanong. Binitawan niya ang kanyang kutsara't tinidor at wari ko'y tapos na din siya, hinilig niya ang kanyang mga kamay sa lamesa at itinuon ang pansin sa akin. " Yeah." Tipid niyang sagot at tumango. Nakaramdam ako ng pagkailang sa panandaliang katahimikan. Tumayo ako para sana iligpit na ang aming pinagkainan. " Ako na maghuhugas nito." Hindi ko pa nahahawakan ang plato niya ng hawakan niya ang kamay ko. Nagtiim ang bagang niyang tumingin sa aking kaliwang braso, rumehistro ang galit sa kanyang mga mata. Tinignan ko ang pasa na dulot ng mahigpit na hawak ni Ms. Cassandra sa akin kanina. " You okay?" Iniwas ko ang kamay ko sa kanya at pinagpatuloy ang pagkuha ng plato niya. " Okay lang ako, salamat nga pala sa pagkain." Ngumiti ako sa kanya at naglakad na patungo sa sink. " No, you don't need to wash the plates, ako na." Aniya at nagkatinginan kami ng maglapat ang braso niya sa braso ko. Umiwas ako kaagad ng tingin at kahit na nahihiya ay hinayaan nalamang siya dahil hindi ko na makayanan ang tindi ng presensiya niya. " O-okay." Tangi kong nasagot. Sumulyap muli siya sa pasa ko, at hinigit ako para umupo muli sa high chair. " Just wait me here, I'll just get the cold compress." Aniya at may kinuha sa cr ng kusina. Napangiwi ako ng dumampi ang lamig sa aking pasa. Sobrang lapit niya sa akin at hindi ako mapakali. His familiar scent and his shower gel filled my nose. " A-ako na." Sabi ko at kinuha ang cold compress sa kanyang kamay. Hindi ko na makayanan ang sobrang lapit ng seryosong mukha nito. Napahinto ako ng nahawakan ko ang kamay niya, bumilis bigla ang t***k ng dibdib ko. Parang may bolta boltaheng kuryente na dumaloy sa aking kamay at uminit ang aking buong katawan. Lumayo ako sa kanya dahil takot na marinig niya ang bawat t***k ng dibdib ko, pakiramdam ko ay sobrang lakas nito na maging siya ay maririnig niya ito. Sabi ko naman diba, iiwas ako. Iiwasan ko siya, pero heto ako ngayon pinaglalaruan ng sarili kong damdamin. " Maglilinis nalang ako. Salamat ulit sa pagkain." " No, its okay Sapphira." Napapikit ako ng marinig ang marahang pagbigkas niya sa pangalan ko. Parang dinuduyan ako. Bilang lamang ang mga pagkakataong tinatawag niya ako sa pangalan ko. " Okay lang naman Tross-" " Tomorrow then. Maybe your son was looking for you." Seryoso niya akong tinitignan at mukhang tinitimbang. Binuka ko ang bibig ko para magsalita at tiniim nalang ito at tumango ng marahan. " Salamat." " May, uhm." Tumikhim siya at humarap sa akin. " K-know his name again?" Ngumiti ako sa kanya. " Samuel, Samuel Frial." May gumuhit na poot at galit sa kanyang mga mata at tumango ng mabilis. Umiwas siya ng tingin at naglakad palayo sa akin. Tumingin muli siya sa akin at ngumiti ng pilit. " You can go home now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD