Kabanata 7

3714 Words
Tuliro ako habang tinitimpla ang gatas ni Samuel, maaga ko siyang ginising dahil pangalawang araw niya ito sa paaralan. Excited naman siya dahil marami na daw siyang mga bagong kaibigan. Paguwi ko kagabi ay gising pa siya at hinihintay ako. Inayos ko na ang mga damit niya na susuotin mamaya. He was taking a bath now, he always kept on reminding me that he is now a big boy. Minsan napapaisip ako kung saan nagmana si Samuel, he's young but he already knows his responsibility. Kapag sinasabi niyang kaya niya, kahit nakikita ko siyang nahihirapan hindi siya humihingi ng tulong. He do his duties on his own, minsan napapangiti ako dahil alam ko na he can do things without me. Pero minsan napapaluha dahil baka dumating yung araw na binata na siya at hindi niya na kailangan ng tulong ko. " Layo ng iniisip Te? Saan naba tayo nakarating?" Sumulyap ako kay Gab na ngayon ay papaupo sa tapat ko. " Aga mo yata nagising Gab?" Nagkibit balikat ito at tumingin sa akin. Sa suot niyang ripped jeans at fitted na damit. Nakaayos pa ang mukha niya. Sa lagay niya ay mukhang may lakad. " May pupuntahan lang ako ngayon, mamaya nga pala maaga tayong aalis dahil sobrang daming tao ngayon sa bar." Napangiwi ako sa sinabi ni Gabrielle, naalala ko nga pala hindi ko pa nasabi sa kanya na may pasok ako ngayon sa hotel, at hanggang ngayon ramdam ko pa din ang sakit ng buong katawan ko ng dahil sa paglilinis ko kahapon. " Hindi ako pwede e, pinapapasok ako ngayon. " " Akala ko ba every other day iyang pagiging housekeeper mo Bakla?" " Eh kulang kasi kami ngayon, dahil naka leave yung ibang mga taga linis, saka yung iba nasa kabilang building sa casino." Lumabas si Samuel sa kwarto at bihis na bihis na. Natawa pa ako dahil nahihirapan siyang suklayin ang buhok niya. "Good morning Nay! Good morning Tito Gab!" " Aba! May binata na yata tayo Ira." Natatawang pahayag ni Gab at hinalikan sa pisngi si Sam. Ganoon din ako. Tinulungan itong umupo ni Gab at nagkatinginan kami. " So, ako maghahatid kay Samuel?" Aniya at bumaling sa anak ko. Nilagyan ko ng pagkain si Sam sa kanyang plato. " Ihahatid ko, ikaw nalang sumundo?" " Oh sige. Mabilis lang naman ako." Aniya habang tumatango. Pagkatapos nga naming kumain ay hinatid ko na si Samuel sa paaralan niya. Hindi naman gaanong malayo sa amin pwede naman lakarin. Pero para hindi na siya kaagad mapagod ay sumakay pa kami ng jeep. " Nay, ang dami ko na pong friends." Sabi niya habang nasa jeep kami. " Talaga? Mabait ba sila sa'yo?" " Hm." Tango niya. " Ano ginawa niyo sa first day niyo?" Nalukot ang mukha ni Samuel. Yumuko ito at pinagsalikop ang mga kamay. I find him cute with his little bagpack on his back. " Nagpakilala po kami Nay, t-tinatanong po nila kung bakit daw po wala akong Tatay." Pabulong niya sagot. Parang pipigain ang puso ko ng makita ko ang lungkot sa nga mata niya. Hinawakan ko ang maliit niyang mga kamay. I know my son is strong, but when it comes to family? He will always like this. If I can do impossible things in life, ibibigay ko ang magpapasaya sa kanya. Ngunit tulad niya puro nalang lungkot ang bumabalot sa puso ko, sa twing iisipin ko na hindi na kayang ibalik nino man ang nakaraan. But I need to be strong for him. " Nandito naman kami ni Tito Gab mo anak. Wag ka na malungkot. Akala ko ba big boy na?" Tumango siya ng marahan. Tumingin siya sa akin na naluluha. " Sorry po Nay." Sabi niya at niyakap ako. Minsan naiisip ko kung aaminin ko na kaya sa kanya ang totoo? Para maibsan ang bigat sa dibdib ng anak ko. Pero sa tuwing iisipin ko palang nanghihina na ako, hindi ko yata kaya. Hindi pa siguro ako handa, darating din iyong oras na malalaman niya din, saka masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat. " Sapphira!" Napahinto ako sa pagpasok sa elevator ng marinig ang pamilyar na boses. Napangiti ako at tumingin sa likod ko. With his button down white polo and slacks, wala pa ring pinagbago sa kanya. Mas lalo akong napangiti ng ngumiti siya at lumitaw ang kanyang dimples. " Hendrix." Pabulong kong tawag dahil hindi makapaniwalang nandito siya ngayon. " Long time, no see?" Natatawa niyang sabi. Napailing ako dahil umamba pa itong yayakapin ako. " You are so busy this few months?" " I just need to fix some things. I'm sorry I didn't even inform you, biglaan kasi. Itetext sana kita, but I remember I don't have your number." Aniya at tinulungan akong magpasok sa kart sa elevator. Sabay na kaming pumasok, kami lang dalawa ang nasa elevator at tingin ko ay aakyat siya sa kanyang unit. " Kakauwi mo lang ba?" " Kagabi pa." Tumango ako ng marahan. Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng katawan ko. Hindi niya iton napansin dahil nakatingin siya sa mga button. " Saang floor ka?" " Sa 5th floor. Doon ako inilagay ngayong araw." Tumango siya at pinindot ito. " You looked pale." Halos pabulong niyang pahayag. Humarap ito sa akin at hinawakan ang aking pisngi upang makita ng kabuuan ang aking mukha. " Tss, I will call someone to clean the 5th floor, you can rest on my office. You look sick." Aniya sa nagaalalang tono. Hindi naman ako nilalagnat, pero hindi ko mapagkakailang masakit ang aking katawan. At wala pa akong sapat na pahinga. Nabigla kasi ang katawan ko kahapon sa sobrang dami ng ginawa. Biglang tumunog ang elevator dahilan ng pagbukas nito. Sabay kaming napatingin ni Hendrix ng may pumasok galing sa 3rd floor ng building. Isang babaeng nakapormal na puting dress at malinis na nakapusod ang buhok ang pumasok. " Good morning Sir Hendrix." Napakunot noo itong tumingin kay Sir Hendrix ng napagtanto niya ang kamay niya ay nasa pisngi ko. Umawang ang labi nito at yumuko. Napakurap kurap ako at akmang iaalis ang kanyang kamay ay nanlaki ang mata ko ng kasunod nito ay si Tross na nakapamulsa habang seryosong nakatingin sa aking mga mata. Wala sa sariling umiwas ako sa hawak ni Hendrix at saka yumuko. Biglang namuo ang kaba sa aking dibdib. " Jackson." Ani Hendrix, tumango nalang ito at humarap na sa pinto ng elevator. Umusog ako para hindi sila masikipan sa dala kong kart. " Hello, yes good morning. Can you call a man to clean the 5th floor for today?" Nanlaki ang mata kong tumingin kay Hendrix na ngayon ay may kausap na sa telepono niya, masyado yata akong napre-occupied sa pagpasok niya kaya hindi ko napansin na kinuha na ni Hendrix ang cellphone niya sa bulsa niya. " H-Hendrix, I-I told you I can manage." Bulong ko. Ngunit alam kong dinig din nito ang mga nasa harapan namin. Ang malapad nito likod sa aking harapan ay gumalaw na ani moy nakikinig sa aming pinaguusapan. " Hendrix, you can't just call someone to clean up the 5th floor. She was in charge on that, you know our people are busy." He said on a cold tone without even looking at us. " She's sick Jackson, she need to rest. Don't worry about that, I will in charge someone to cle- " This time ay humarap na siya kay Hendrix na nagaalab ang mga mata sa inis. " I said we can't, I'm the boss here ako ang masusunod." Nangatog ang tuhod ko ng marinig ang lamig ng boses niya. Tumingin ako kay Hendrix na ngayon ay nagsusukatan sila ng tingin. Ngumisi si Hendrix at binaba ang telepono. " Inatasan ko ng maglinis ang housekeeper ng condo ko at ng office ko, so nothing to worry." Tumunog ang elevator hudyat na nasa palapag na kami ng office ni Hendrix. Humarap ito sa akin at siya ang naglabas ng kart na gamit ko. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Tross at naningkit ang mga matang tumingin kay Hendrix ng dumaan ito sa gilid niya. Mas lalo akong nanlambot sa presensiya niya, kaya hindi ko na din tinanggihan si Hendrix dahil nakakaramdaman ako ng hilo at panlalambot. Ngayon ay para na akong lalagnatin sa sakit ng pakiramdam ko. Tanghali na ng magising ako sa pagkakatulog sa sofa ni Hendrix. Pumungay pungay pa ang mata ko ng mapagtanto na kanina pa pala ako natutulog. Mas umayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina, siguro ay kailangan ko lang talagang magpahinga. Umupo ako ng mabuti at iniikot ang mata sa loob ng office niya. Malaki ito sa inaakala ko. Maganda at pulido ang mga diseniyo ng kanyang opisina. Itim at kulay abo ang napiling kulay sa kanyang mga muwebles at pasilyo. " Sorry, kanina ka pa ba gising?" Napabalikwas ako sa aking pagkaupo ng marinig ko ang matigas na tono ng boses ni Hendrix. Kakapasok niya lang sa kanyang opisina at nakangiti ito nakatingin sa akin. Sumulyap ako sa hawak niyang paper bag na may naka lagay na sikat na logo ng restaurant. " Ah, ka-kagising ko lang." inayos ko ang aking mukha at pinanood siya umupo sa aking harapan. " So, let's eat then?" Aniya at ipinakita sa aking ang paperbag. Binuksan niya ito at naamoy ko agad ang maraming ulam na kanyang inorder. Hindi na ako humindi dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Nahihiyaman ay tumango ako at kinuha ang inabit niyang paperplate. Ngumiti siya sa akin at saka kumain na. " Mas masarap palang... kumain ng may kasama." Wala sa sarili niyang pahayag habang mataman na kumakain. Masarap ang binili niya kaya naman naparami din yata ang pagkain ko. " Wala ka bang kasabay kumakain?" Tanong ko at inilibot ang tingin sa malaki niyang opisina at napansin na walang ibang table kundi ang sakanya lang. I wonder kung si Tross din ba ay magisa sa opisina niya. Did he also eat alone? O baka may kasama siyang iba? Umiling siya at ngumiti. " Sometimes I'd rather eat outside." " Si T-Tross?" Napahinto si Hendrix sa pagkain at tumaas ang tingin sa akin. Bigla akong kinabahan sa tanong ko. Nakahalata kaya siya na masyado akong kuryoso kay Tross. " I-I mean bakit hindi ba kayo nagsasabay kumain ng mga boss dito?" Pagiiba ko sa tanong ko at inabala nalang ang sarili sa pagkain. Napangisi siya at natawa. " That will never happen." Hindi na ako nagtanong pa at kumain nalang. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa trabaho, pinapauwi na ako ni Hendrix para makapagpahinga ngunit hindi ako pumayag. Masyado na akong nakakaabala pa at pati ang paguwi ay hindi na kaya ng konsensya ko. Naglinis ako sa condo ni Tross at buong hapon ay wala siya. Inikot ko pa ang buong condo niya upang makita siya ngunit wala ito. Nagbuntong hininga ako pagkatapos kong maglinis. Nagpalit na ako ng damit at nagayos na upang makauwi na. Paglabas ko ng department namin ay parang gusto ko nalang ulit bumalik ng makita ko si Ms. Cassandra at iyong Trinity na nasa sofa malapit sa labasan habang umiinom ng kape. Umikot na ako bago pa man niya ako makita ay pumunta na ako sa elevator at sa basement nalang ako dadaan. Okay lang kung medyo mahaba ang lakaran kaysa naman sa makita pa ako ni Ms. Cassandra at masyadong mainit ang ulo sa akin. Iniikot ko ang paningin ko sa buong paligid sa dami ng kotseng nakapark sa basement. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Naghanap ako ng security guard upang itanong kung saan ang exit ngunit wala akong nahanap. Nasagot din naman ang tanong ko dahil may nakita akong sign na kulay pula na nakaturo sa exit. Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ang mumunting halinghing ng isang babae. " Ahhh." Nanginig ang buong katawan ko ng muling umungol ito ngayon na mas malakas kaysa sa una. Hindi ko alam kung humihingi ba ito ng saklolo o ano. Tumingin ako sa aking kaliwa kung saan nanggaling ang ungol na iyon. Naglakad ako sa dami ng kotseng nakaparada hindi ko alam kung saan ko ito hahanapin. " Oh God Jackson! Ah!" Naginit ang buong katawan ko ng muling marinig ang ungol ng isang babae. Jackson? Anong ginagawa mo sa ba- Nakita ko ang paggalaw ng isang pamilyar na Lambo sa hindi kalayuan. Nanlaki ang mata ko ng makita ang pamilyar na likod na hubad na katawan ng isang matipunong lalaki, nakaharap ang likod nito sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Habang may nakapalupot na mga makikinis na binti sa kanya na nakaupo sa hood ng kaniyang sasakyan hindi ko maaninag ang babae dahil natatakpan ito ng likod ni Tross. Nagflex pa ang mga muscle nito habang mabilis na gumagalaw. Mabilis akong nagtago sa isang SUV sa malapit sa akin upang tignan sila ng maaayos. Habang ang dibdib ko naman ay ang lakas ng bawat pagtibok nito. " Oh Jackson! You are so good." Para akong tuod sa aking kinatatayuan habang nakita ang ginagawa nila. Uminit ang buong kalamnan ko ng makita ang namamawis na likod nito. Napahawak ako sa aking dibdib na malakas ang t***k nito, nanunuyo ang aking lalamunan sa aking nakikita. Sa hindi malaman na dahilan ay nagiinit ako at nagpapawis. Dapat ay hindi ko na tinignan pa at mukha namang gusto ng babae ang ginagawa sa kaniya ni Tross. Marami akong nababasa na ganito sa mga pocketbook na binabasa ko, pero iba parin pala kapag ikaw mismo ang nakasaksi ng ganito. I should not be here, nakakahiya baka makita nila ako. Napakagat ako sa aking labi ng mas uminit ang aking nararamdaman. Ngayon palang ako nakakaramdaman ng ganitong init. Tahimik akong naglakad palayo sa kanila. Parang dinudurog ang puso ko ng maalala kung papaano nito bigyan ng kaligayahan ang babae. Somehow I wish I was her. Inalis ko iyon sa aking isipan. Si Trinity ba iyon? I bet not, because she was with Ms. Cassandra. Sabi nila wala pa naman pinal na announcement na engage sila. O baka naman girlfriend iyon ni Jackson na itinatago niya para hindi nalang malaman ng iba pa at para narin sa privacy. Nilunok ko ang bara sa aking lalamunan ng maisip iyon. For whoever's sake bakit pa nila doon naisipan gawin iyon? Didn't they realize na baka naman may makarinig sa kanila? Hindi ako nakatulog buong gabi sa kakaisip sa nakita ko. Nakakahiya man sabihin pero gusto kong maramdaman ang kaligayang iginagawad sa babaeng iyon ni Tross. Naginit ang pisngi ko sa aking naisip. " Uy bakit tulala ka dyan?" Tanong ni Gabrielle ng makita akong huminto sa pagsusuklay. " Namumula te?" Tukso niya. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nagaayos na kami para sa pagpasok mamaya sa Bar. Inayos ko ang spaghetti strap na kulay pula kong damit, kita ang guhit sa gitna ng aking dibdib. Habang nakafitted leather pants ako at 4 inches heels. Hinayaan ko ang aking mahabang buhok na nakalugay. " W-wala." Wala sa sarili kong sagot habang nilalagyan ng konting lipsticks ang aking mga labi. Pinilit kong alisin sa aking isipan ang nakita kahapon. Kailangan kong magfocus sa trabaho. Sabi ko nga, kailangan ko na siyang iwasan. Hindi siya nakakabuti sa puso ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita ko siya hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaiba. One more thing, my girlfriend na siya, at mayaman si Tross kaya mas nababagay sa kanya ang mga babaeng may kaya at may pinagaralan. Kahit kailan ay hindi niya ako magugustuhan, isa pa baka hindi niya din matatanggap ang anak ko. Gusto ko man aminin sa puso ko na tanggap ko ang mga bagay na iyon, pero may parte sa puso ko na umaasa pa rin. Madami ng tao ng pumasok kami ni Gab sa Bar. Pumunta ako sa VIP habang sa ordinary bar siya tumungo. Pinasadahan ko ang buong paligid at nagkakasiyahan na. " Want some drinks?" Bungad sa akin ni Gino na nagpapatuyo ng mga baso ng alak. Umiling ako at kinuha ang order form sa gilid niya, at binulsa naman ang ballpen. " Bakit hindi ka yata nakapasok noong nakaraan Sapphira?" Nagkibit balikat ako at itinuon ang pansin kay Gino. " Miss me?" Biro ko at tumingin sa ilaw na tumunog. Pilyong ngumiti si Gino. " Wait lang." sabi ko at naglakad na sa dagat ng tao na nagkakasiyahan. Pinuntahan ko ang grupo ng mga modelong babae at lalaki. May iilan na sumalyap sa akin may iilan naman na wala lang. Umalis din ako kaagad ng ibinigay sa akin ang order nila. Umupo ako sa harap ni Gino upang hintayin ang order nila ng tumunog muli at may umilaw. " Ako na." Sabi ko at hindi na siya hinintay na magsalita at pinuntahan ang medyo malayong VIP seats. Bumagal ang paglalakad ko ng pamilyar ang mga grupo ng mga lalaking nakaupo sa mahabang sofa. Anim silang lahat at wari ko ay sila din iyong nasa hotel noon. " Blake, you should try harder to find her. You are spending more time with your girls, try to focus." Ani ng isang pamilyar na lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay siya iyong groom noon sa party. Medyo nakalapit na ako, mahina na dito ang tugtugin kaya medyo naririnig ko na sila. Nakasuot lahat sila ng button down polo, may mga iilang bote ng alak na rin ang walang laman. Naiilang akong lumapit dahil pakiramdam ko ay kilala nila ako kahit nakamaskara ako noon. Tumikhim ako para makuha ang atensiyon nila at nagsisi din kaagad dahil silang anim ay nakatingin sa akin. Gusto ko nalang maglahonng parang bula. Lahat sila ay nagsisigaw ng awtoridad. Parang kaya nilang baliktarin ang mundo sa bawat tingin palang nila. Inikot ko ang paningin ko at huminto sa mga malalim na matang seryosong nakatingin sa akin. Naginit ako ng bumaba ang tingin nito sa aking dibdib. " Ah, C-can I have your orders?" Kinagat ko ang labi ko ng marinig ang malambing kong isinatinig ang mga salita na iyon. Nakita ko ang pagtangis ng mga bagang nito at walang salitang binuksan ang unang dalawang butones ng polo niya. Nailang ako at tumingin nalamang sa iba pa niyang kasama. " What the hell Blake?" Anas ng lalaking kausap nito kanina. " f**k it Ed! How can I do that?" Naiinis naman na sagot ng Blake na sinabihan ni Ed kanina. Oh so ngayon mas klaro na sa akin ang pangalan nila. " I told you to focus!" Naiinis na sabi ni Ed. " Stop it Ed, Blake will always be a womanizer." Sabi ng isang lalaki sa aking kaliwa. Nagtawanan ang apat maliban kay Tross at Ed. " Look who's talking." Nakangising sagot naman nito. " Hi Gio! Thank you last night I enjoyed your company." May lumapit sa aming sikat na modelo ng isang brand ng sapatos at bags. Nakasuot siya ng sobrang iksing lacy dress at kumikinang pa ito dahil sa beads. Napanganga ako ng lumapit ito sa kaliwa ko. Gio on the other hand move so that the woman can seat. Nakita ko pa ang pagpalupot nito sa kanyang bewang, may ibinulong ito dito kaya humagikgik ang babae. I rolled my eyes. I admit they are all good looking men. Lahat sila ay mukhang may maipagmamalaki. Kaya siguro hindi na ako magtataka kung bakit maging mga sikat na modelo ay kilala sila. " Hi Sapphira. Another bucket of beer again, and a juice." Anang lalaking kanina pa nagmamasid lang sa aking kanan. Tumingin ito sa kanyang katabi na na seryosong nakatingin sa kanyang mobile phone. " Adam, should I order for El?" " No. She's not coming." Matigas naman na sagot ng katabi niya. Nabalik ako sa aking ulirat ng mapagtantong nandito nga pala ako upang kunin ang order nila. " Ah, o-okay Sir!" Sabi ko at medyo nanginginig pa ng kunin ko ang ballpen na nakaipit sa aking bulsa ngunit naihulog ko ito sa pagkataranta. Yumuko ako upang kunin ito. " s**t!" I heard Tross cursed. Pero hindi ko iyon pinansin dahil inabot ko ang ballpen na nahulog. Ngunit may unang nakakuha nito. " Fast move Sky!" Natatawang pahayag ni Blake ng tumayo na ako ng mabuti at abutin ang ballpen. Nakita ko si Tross na akmang tatayo ngunit hindi na natuloy dahil nakatayo na ako. " S-Salamat." Nahihiya kong sambit at isinulat ang order nila. " O-Okay na po ba?" Nagaalinlangan kong tanong sa kanila. Kinabahan ako sa nanlilisik na mata ni Tross na nakatingin sa akin. " That's all." Tipid na sagot ni Sky kaya hindi na rin ako naghintay dahil gusto ko na din umalis sa harapan nila. Pagalis ko ay may nakasalubong akong dalawang sikat na artista ang papunta sa upuan nila. Tumingin akong muli sa kanilang table at hindi nga ako nagkamali doon nga ang punta nila, umiwas din agad ng makita ang malalalim na tingin sa akin ni Tross. Nanikip ang dibdib ko na maaaring kasama din niya ang girlfriend niya. Ibinigay ko agad kay Gino ang order nila. " Sa wash room lang ako Gino." Wala sa sariling sabi ko. " Okay, ipapahatid ko nalang sa iba ito." Aniya na nagpaluwag ng dibdib ko. Mabilis akong naglakad para tumungo sa wash room. Maraming mga lalaki akong nakasalubong na binabati ako bago pa makapasok sa wash room. Sinara ko ito at mabilis na nagtungo sa harap ng salamin. Itinali ko ang aking mahabang buhok at naghugas ng mukha. Napahinto ako ng marinig ang paglock ng pinto. Umangat ako upang makita sa salamin kung sino ito. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Tross na naka cross ang mga kamay na naka sandal sa pintuan habang seryosong nakatingin sa akin. Nagaalangan akong tumayo ng tuwid at kumuha ng tisyu upang patuyuin ang aking mukha. Tumingin ako sa mga cubicle at kung minamalas ka nga naman ako at siya lang ang tao ngayon dito. Hindi rinig ang ingay sa labas. Naglakad ako patungong pinto upang makalabas ngunit hindi man lang siya natinag sa pagkakasandal nito. Magsasalita na sana ako ngunit naitikom ko din ito ng seryoso ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi na makatingin sa kanya. Hindi ko alam kung sinundan niya ba ako dito, o kung ano man ang gusto niya. Hindi ko siya kayang tignan dahil naiisip ko ang mga tagpong nakita ko kahapon. Biglang may kumirot sa aking dibdib. " T-Tross." Marahan kong pahayag at humakbang palayo sa kanya ngunit humakbang din siya palapit. Bumilis ang t***k ng dibdib ko sa kaba. " A-Ano ang kailangan mo?" He looked at me intently. Serious and full of desire. " You owe me something Sapphira." He said on his husky voice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD