Kabanata 8

2707 Words
Parang tambol ang aking dibdib dahil sa lakas ng t***k nito. " You owe me something Sapphira." Aniya na mas lalong nagpakaba sa akin. Kumunot ang noo ko at muling humakbang. " I don't get you." Marahan kong sagot. Muli ay humakbang ito. Napatili ako ng hinigit niya ang aking kaliwang kamay at ikinulong ako sa sink. Mabigat ang mga bawat paghinga niya. Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin. Nanlambot ako ng maramdaman ang mainit niyang kamay sa aking likuran. Pumungay ang mga mata ko ng mas lumapit siya sa aking mukha. Idinikit niya ang kanyang katawan sa akin, at napakagat sa aking labi ng maramdaman ang kanya sa aking puson. " I didn't sleep well Sapphira." Bulong niya sa akin at inamoy ang aking buhok. Umusbong ang init na aking nararamdaman. Napaliyad ako ng maramdaman ang munting halik niya sa aking tenga. Napakapit ako sa kanyang leeg ng marahas nitong inangkin ang aking mga labi. Nagulat pa ako bago tumugon sa kanyang nagaalab na mga halik. Sabik na sabik itong halikan ang aking mga labi. " Tross.." Halinghing ko ng huminto ito sa pagkakahalik. Pareho kaming habol habol ang aming hininga. He taste like mint green and a beer. Muli niya akong hinalikan at this time ay mas malalim, binuhat niya ako upang makaupo sa sink. " I want to own you here Sapphira! f**k!" He cursed na mas lalong nagpainit sa aking katawan. " Then do it." Wala sa sarili kong pahayag. Hindi ko alam kung kuryoso ako sa ginawa nila kahapon o nadadala na ako ng aking damdamin. Sapphira get back to your senses before you do stupid things! But my body didn't move a bit. I should remind myself na may girlfriend na siya and he was doing this to satify himself, pero kahit anong paliwanag ko sa utak ko hindi ko parin siya kayang itulak. Dammit Sapphira! " Please..." napakagat ako sa labi ko ng marinig ang kagustuhang kong gawin niya ang iniisip niya. Nakita kong umakyat baba ang adam's apple nito. Muli ay ginawaran niya akong ng nakakaliyong mga halik. It was my first time to kiss someone, hindi ko malaman ang pakiramdam. Dati iniisip ko na hahalikan ako ng taong mahal ko sa isang napakagandang lugar. Pero hindi sa wash room but I didn't see any problem with that now. " Not a right place for that baby.." bumaba ang halik niya sa aking panga. Saan nga ba dapat? I know he was expert on this thing, he can do this on the basement. So why not here? Bigla akong nainis ng maalalang may girlfriend nga pala siya, hindi niya dapat ito ginagawa at hindi dapat ako magpadala sa akin emosyon. Huminga ako ng malalim at kahit nanghihina ay itinulak ko siya ng natitira kong lakas. " T-Tross, magagalit ang girlfriend mo." Mapait kong sambit at parang may bumara sa aking lalamunan. Mapupungay parin ang mga mata nito nakatitig sa akin. Nagtangis ang mga bagang niya at naging seryoso ang mga malalalim na mata. Tinignan niya akong mabuti at para na akong malulusaw sa kanyang titig. Umiwas ako at umalis sa pagkakaupo sa sink. Tumayo siya ng tuwid at huminga ng malalim. " Damn it!" He murmured before he went out of the wash room. Napaawang ang labi ko at napahawak sa sink dahil sa panginginig ng aking tuhod. Maybe now he realized na may girlfriend nga siya. Kung ako ang girlfriend hindi ko hahayaan na makipaginuman ang boyfriend ko at hahalikan kung sino man lang babaeng gustong halikan. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko dahil sa isipan na hinalikan niya ako. Nanikip ang dibdib ko at napasandal sa sink. Ito ba ang tamang pagiwas? Ang hinayaang mahalikan ka? Papano ko pa siya maaalis sa utak ko dahil maging ako ay gusto ko ang mga nangyayare. Tulad ng dati ay pakiramdam ko ay umiiwas nanaman siya. Kapag alam na niyang maglilinis na ako sa condo niya ay siya namang alis niya. Hindi ko man lang siya nakitang sumulyap sa akin, o kahit pagusapan man lang ang nangyare. He acts normal, while my heart don't stop from beating so loud whenever I see him. Sa club ay hindi ko na muli silang nakita pa o maging siya. Panay din ang meeting nila kaya maging si Hendrix ay busy sa mga gawain. " Sapphira..." umikot ako sa aking kinalalagyan upang makita ang nakangiting si Hendrix. " Oh Hendrix." Nakangiti kong tugon at ibinaba ang hawak kong basahan, inatasan kasi akong maglinis ng mga malalaking glass window sa waiting area ng mga guest. " We have a meeting at one o'clock in the afternoon, I went here to ask you for lunch?" Kumain na ako bago pa ako nagumpisang maglinis, pero naalala ko noong sabi niya sa akin na madalas siyang kumain na magisa kaya hindi na ako nakatanggi. Pumunta kami sa isang fancy restaurant malapit lang sa condo, hindi na kami lumabas pa ng hotel and casino dahil baka hindi kami makabalik sa tamang oras. " Sobrang busy mo lately ha." Sabi ko at ngumiti bago isinubo ang steak na binili niya. Marahan itong tumango. " Yeah, we have a major event na gaganapin sa susunod na linggo. We are planning to expand our hotel and casino in States. Kaya busy akong gumawa ng reports, they might like my proposal." " Really? Wow. Good luck sa iyo kung ganoon." " It was a tough week Sapphira, and I know Jackson is doing his best for this." Aniya na nakatuon ang pansin sa pagkain. Naging akong interesado sa kanyang sinabi dahil sa narinig ko ang pangalan niya. Nakakahiya man aminin pero namimiss ko na siya. Maging ang mga simpleng bagay na about sa kanya ay nakakapagpagana sa akin. " Ba-Bakit?" Sumalyap siya sa akin at ngumiti. " He wants to prove something." Ngumisi muli siya at malungkot na tinignan ako, mabilis din itong napalitan ng saya. Kumunot ang noo ko at hindi malaman kung ano ang isasagot. " I don't want to take it seriously, but I should create my own name too. Jackson is one of the greedy tycoon in this industries, he wants all the investors to invest in our businesses. Kaya pinaghahandaan niya talaga ang kanyang proposal." Napatingin ako kay Hendrix na nakatingin sa malayo ng seryoso. " I thought I am doing my best, but I am not. He is good at it. Ngayon na nakikita ko na siyang kaya na niya, I am planning to go abroad to create my own name. Matagal ko nang plinaplano ito pero gusto ko bago man ako umalis, I know that he can manage all of the hotel and casino on his own." " What do you mean Hendrix? Hindi kita maintindihan." Ngumiti siya ng pagak. " You saw it last time Sapphira, I know that. Ginagawa niya ang lahat para sakanya lahat ang approval. Nakikipagkompetensiya siya sa akin kapag sa ganitong bagay. At first I thought he was doing it for himself, but it is not. He want to prove a point, and I don't want him to do that. I promised to a person that no matter what, I won't leave him until he can manage to stand up on his own." " Kaya aalis kana kasi kaya na niyang magisa?" Tumingin siya sa akin, uminom siya sa kanyang inumin at ngumiti. " I'm wondering why I can tell you all of this Sapphira, maybe I can sense that you also care for Jackson." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. " H-Hah? A-Anong care pinagsasabi mo? Nakita mo naman kung pa-papaano akong utusan noon. Nakakainis kaya siya!" Sagot ko at umiwas ng tingin at itinuon ang sarili sa pagkain. Ang kaba sa aking dibdib ay ang nagpapatunay na salungat ang gusto kong sabihin. Narinig ko ang munting pagtawa niya ngunit hindi ko man lang siya kayang sulyapan. " Kumain kana dyan Hendrix." Matigas kong pahayag na mas lalong nagpatawa sa kanya. Hendrix is a good man. I know he was doing it because he cared for Jackson. I wonder why? At kung bakit iba naman ang pakikitungo sa kanya ni Jackson. Kapag nagkakasalubong sila pakiramdam ko ay may giyera na namumuo sa pagitan nila. " Salamat sa pagkain Hendrix." Nakangiting sabi ko ng pabalik na kami ng building. " It's my pleasure Sapphira. Ako nga dapat magpasalamat dahil sinamahan mo ako." Ngiti niya. Napahinto ito sa paglalakad patungong elevator kaya huminto din ako. Tumingin ako sa direksiyon kung saan siya nakatingin. Napaawang ang labi ko ng makitang si Tross at si Ms. Cassandra ay patungo din sa elevator. Seryoso silang naguusap. Napahinto sila ng maramdaman nila ang presensiya naming dalawa ni Hendrix. Ms. Cassandra was glowing on her formal suit, and Tross was smokily hot on his black suit. Napalunok ako ng maalala ang ginawa namin noong isang gabi sa wash room. Umiwas ako ng tingin dahil sigurado akong namumula na ang aking mga pisngi. " Look who's here." Maarte ngunit may diin na sabi ni Ms. Cassandra. I know she wasn't referring for me. Napasulyap ako kay Hendrix na ngayon ang dalawang kamay ay nasa kanyang mga bulsa. Ngumisi ito ng tumingin kay Ms. Cassandra. " Nice to see you here, Cas." Malumanay na sabi ni Hendrix. Tumingin ako kay Ms. Cassandra na naiinis na ang kanyang mukha. Napabaling ako sa katabi niya na ngayon ay masama ang tingin sa akin, nagtatangis ang kanyang mga bagang at wari mo ay manunugod ng kalaban anoman gustuhin niya. " Well you just ruin my day Hendrix." Naiinis na tugon nito. " I'm sorry, my bad." Malumanay na tugon ni Hendrix. Bumukas ang elevator, ngunit bago pa ako makahakbang ay naramdaman ko na ang init ng kamay ni Hendrix na humawak sa palapulsuhan ko. " Let's go to the other side." Bulong niya sa akin. Bago pa ako tumango ay hinila na niya ako. Hindi rin naman ako tatanggi dahil hindi ko kaya na makasama sa loob ng elevator si Tross. Hindi ko nga siya kayang tignan ng matagal dahil bumabalik sa akin ang alaala noong naghahalikan kaming dalawa. Pumikit ako ng mariin upang ialis ito sa utak ko. Paghatid sa akin ni Hendrix ay pumasok na ito ng meeting area. Hindi na ako nagatubili pang tumingin dahil alam kong doon din ang punta nilang dalawa kanina ng kapatid niya. " Isa nanaman big event ang paparating, kapag talaga ganito ang daming ginagawa." pahayag ni Mona sa akin habang kaming dalawa ay nasa locker. " Madalas bang ganito dito?" Tanong ko habang kinukuha ang damit ko upang magpalit ng damit upang makauwi na. " Oo, gusto kasi nila na mapaimprove at mapalawak ang kanilang hotel at mga casino. Alam mo na sa ganitong negosyo kailangan mong matutong pumusta." Sinara ko ang locker ko at pumasok sa cr upang magpalit. " At walang ibang makakagawa noon kundi si Sir Jackson..." naphinto ako sa pagbubukas ng isang cubicle sa cr ng pumasok din si Mona at tumungo sa malaking salamin. " Kilala siya bilang isang ruthless bachelor when it comes to business. Gagawin niya ang lahat para mapapayag ang mga ito na maginvest sakanila." Napangiti ako ng tipid bago tuluyang pumasok sa cubicle. Gaya ng sabi ni Hendrix, he was furious on his field. " Hindi ko nga makuha e, ang daming naghahabol na mga sikat na artista at modelo kay Sir pero mukhang wala siyang interes." Aniya na kahit nasa loob na ako ng cubicle ay pinagpapatuloy niya parin. Nagkakamali ka Mona, may girlfriend siya ayaw niya lang malaman ng ibang tao. " Baka naman ayaw lang ng showbiz." Sagot ko paglabas ng cubicle at tumabi sa kanya upang magayos. " Sa tingin mo ba, Si Sir Jackson at si Ms. Trinity? Sobrang bagay kasi nila." May biglang kumirot sa aking dibdib na hindi ko malaman ang dahilan. Hindi ako sumagot. Yumuko ako at binasa ang aking mukha. Bagay nga sila, mayaman si Tross kaya he deserve a well-known woman in this industry, famous, sophisticated , intelligent and talented. Lahat yata na kay Trinity na. " Ikaw Sapphira, hindi ka ba nagwagwapuhan kay Sir? Oh my ang gwapo niya kaya!" Aniya at pumikit pa ito, at kinilig. Napangiwi ako at iniwas ang tingin at nagpatuyo ng mukha. Hindi na ako sumagot sa tanong niya at inabala nalamang ang sarili sa pagaayos. " Mauuna na ako Mona." Maggagabi na ng nakauwi ako sa bahay. Nadatnan kong si Gab na nagaayos sa sala. Sumulyap siya sa akin at ipinagpatuloy ang paglalagay ng kolorete sa kanyang mukha. Sumulyap ako kay Samuel na abalang naglalaro sa phone ni Gab. " Nay!" Aniya ng makita ako at tumayo at sinalubong ako ng yakap. Yumuko ako upang yakapin siya. " Kumain kana ba?" " Hindi pa po, hinihintay ko po kayo." Tumingin muli ako kay Gab na tahimik na nakatingin sa amin. Nagtaas ako ng kilay dahil nararamdaman ko na mukhang may problema siya dahil tahimik ito. " Magbibihis lang si Nanay at magluluto, dito ka lang okay?" Tumango ang anak ko at hinalikan ko ito sa pisngi at nagpatuloy na sa kwarto. Pagbukas ko ng kwarto ay tumungo ako sa aking cabinet. Tumikhim sa likod ko si Gab kaya napaigtad ako sa gulat. Tumingin ako sa kanya na nakasandal sa hamba ng pintuan. Nagtaas ang kaliwang kilay ko dahil sa nakakunot nitong mukha habang nakahalukipkip. Humarap muli ako sa aking kabinet at kumuha ng damit. " Wala ka man lang ikwekwento sa akin?" Sarkastiko niyang tanong. Kunot noo ko siyang hinarap. " Ikwekwento? Ang alin?" Umupo ako sa kama at inalis ang sapatos ko. Mabilisan kong tinanggal ang aking damit. " Iw girl!" Ani Gab at tinakpan ang mata. " Kakadiri ka!" Aniya, tumawa lamang ako at pinagpatuloy ang pagpapalit ng damit. Bata palang kami ay kasama ko na siya at wala na sa akin ito. " Ano ba kasi kailangan mo?" Tanong ko ng nakapagbihis na. Lumabas ako ng kwarto at dinaanan ko siya upang magtungong kusina. " Ano bang meron sa inyong dalawa ni Mr. Del Rio?" Napahinto ako sa tanong niya at huminga ng malalim. " Siguro boss ko siya." Sarkastiko kong sagot at nagpatuloy sa kusina. " I saw you last night Sapphira. Nakita ko siyang lumabas ng wash room tapos ikaw!" Aniya. Nanlamig ang aking buong katawan sa sinabi niya. " Kindly explain to me what did you two do inside the wash room?" " Wala! Nagkamali lang siya ng-" " That is bullshit! Alam ko ramdam ko may iba. Gosh! Sapphira hindi ka pa ba nadala?" Parang tuod akong nakatayo sa tapat ng lamesa sa sinabi ni Gab. " Gab.. wala iyon." Malumanay kong sagot. Nanghihina ako humarap sa kanya na ngayon ay nakapamewang. " Wala iyon? Sige tignan natin kung saan aabot yan. Sapphira mayaman si Sir Jackson, mayaman siya. At yan ang itatak mo sa utak mo. He is one of the famous bachelor and a ruthless business man in this industry. Kilala siyang womanizer when he was on his early twenties.At hanggang ngayon maaaring wala ng naririnig na nalilink sa kanya but I'm telling you he can satisfy his needs whenever he wants." " Gab wala iyon, kung ano man ang nakita mo noong isang gabi wala iyon." Masakit man pero totoo naman ang sinabi ko. Wala lang naman iyon, sakanya. " Sinasabihan na kita dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan ka Sapphira. Tama na, please. Gusto kong maging masaya ka pero, wag si Sir Jackson, iba nalang. Mayaman siya, langit ka lupa lang tayo. Ang isang tulad niya ay hindi seseryoso sa mga kagaya mo. Kilala siya bilang isang lalaking mayaman, gwapo, sikat at maraming nalilink na elite na mga babae sa kanya. Sinasabi ko sa iyo ito para habang maaga pa huminto kana." Alam ko iyon, pero para parin akong sinasampal sa katotohanan na tama siya, na hindi kami pwede. Dahil mayaman siya. Ang mayaman ay kahit kailan ay hindi papatol sa kagaya ko. Tama na iyong pagkakamali noon. Ayoko ng maulit pa iyon. Si Samuel, gaya noon sa kanya ko nalang ulit ibibigay ang buong oras ko. Umiwas ako pero hindi madali, siguro kailangan ko pang tatagan ang puso ko. Mas tatagan ang unti unting paglusaw ng yelo na nagbabalot dito simula ng makilala ko siya. " I'm aware of that Gab. Thanks for reminding me." Marahan ako nagayos ng aming kubyertos. " Don't worry ipapakilala ko sa iyo iyong kaibigan ko na nakilala sa club. Gwapo yun at-" Binalingan ko ng masamang tingin si Gab. Tumingin siya sa ginagawa ko. " Baka lang naman gusto mo." " Stop it Gab. I know when to stop." And believe me, I'm trying.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD