Kabanata 9

2891 Words
Tulad ng dati, sobrang dami ng tao sa bar. Lalo na ay Friday at weekends kinabukasan. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid ng bar kung saan madaming nagkakasiyahan na tao sa gitna kung saan nakaharap ang mga ito sa Dj. " Looking for someone?" Malalim na boses ng pamilyar na lalaki ang nahimigan ko sa aking likuran. Humarap ako. With his thick eyebrows and brooding eyes looking at me. He looks tired. " Tross.." Tumingin ako sa kanyang likuran dahil baka kasama nanaman niya ang kanyang mga kaibigan ngunit wala akong nakita. O baka naman ang girlfriend niya ang kasama niya. In this dim lights I got a chance to look on his face. He is one kind of a hell. Noong ginawa siya siguro ng maykapal ay maraming nilaan na oras para sa kanya. Wala akong makitang kapintasan sa kanya. All his angle was perfect and accurate na parang pinagpaguran. He has a hard feature, serious and mysterious. He wasn't fit to be called handsome. If there is a word that will describe his hard and beautiful face that's the perfect word to define him. " Are you with someone?" He look at me intently. Bigla ay nagsisi sa tanong ko. I felt so desperate to know if he was with someone. I saw glimpse on his eyes. " Ako lang." Napakagat ako sa aking ibabang labi ng marinig ang matigas niyang boses. Hindi ko maintindihan pero bakit parang maraming paro parong lumilipad sa tyan ko? " I came here to see you." Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Did I heard it right? He came here to see me? " B-Bakit?" Nauutal kong tanong. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko at ayaw ng gumalaw. Walang salita niya akong hinila hawak ang kaliwang kamay ko ay lumabas kami sa bar. Huminto kami sa tabi ng Lambo niya kung saan walang masyadong tao. " T-Tross..." nalilito man ay hindi ko maipagkakailang may namumuong kaligayahan sa aking dibdib. Namimiss niya ba ako? Kaya gusto niya akong makita? Buong araw ko siyang hindi nakita dahil wala akong trabaho ngayon sa hotel. " I'm sorry, I swear I will make it fast. I just need ah-" he licked his lower lips at pumungay ang mga mata nito. Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit siya sa akin at kinorner ako sa kanyang sasakyan. Malumanay niyang hinawakan ang aking leeg at itinaas ang aking mukha upang mas lalong makita siya. Lumunok ako dahil sa pagbabara ng lalamunan ko ay hindi ako makasagot sa kanya. " Tross... please if you will leave me again after th-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ginawaran na niya ako ng mababaw na halik. Kumapit ako sa kanyang kamay na nakahawak sa aking leeg. Dahil sa ginawa ko ay mas lalong nagalab ang kanyang mga halik at unti unti ko itong sinusuklian. Hinahalikan niya ang bawat sulok ng aking mga labi. His soft lips were so tender that I won't mind kissing him all day. Damn! Sorry Gab, but maybe this is my way of trying may best to stop my feelings! Habol ang aking hininga ay mas pumungay ang mga mata kong tumingin sa kanya pagkatapos ng aming maiinit na halik. " Tross..." " I like it when you call me my first name Sapphira." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng paginit ng buong katawan ko. " Please stop biting your lips, I might not control myself and I will take you here." Nagbuntong hininga siya. " and I don't like your clothes." Napayuko ako at tinignan ang kulay pulang spaghetti strap na damit ko at fitted black jeans. Umiwas ako sa kanya, siguro dahil luma na ang mga damit na ito kaya hindi niya nagustuhan. Kailangan ko na sigurong bumili ng damit kahit papaano. He gave me a soft kisses on my cheeks. I shut my eyes and trying to control myself too. Hindi tama ito, bakit sa tuwing iiwas ako siya naman paglapit niya? Ramdam ko ang pagbuntong hininga niya. " I need to go. I just really want to see you." Aniya at muli akong ginawaran ng mababaw na halik. Nakatayo ako sa parking lot kung saan niya ako huling iniwan. Litong lito ako ngunit ayoko nalang magisip muli dahil ang aking puso ay umaapaw sa kaligayahan. Ano bang meron sa amin? Now I don't mind if he act again that nothing happened. But what the hell? Nasaan nanaman ang pagiwas na sinasabi ko? Hindi kayo bagay Sapphira. Ang mga bagay na iyon ay wala lang kay Tross. Mayaman siya at ang taong tulad mo ay walang wala sa mga babae niya. I should kept on reminding myself about that, para kapag iiwan niya man ako ay handa ako sa mga posibilidad na iyon. Kaya kung kaya kong umiwas iiwas ako. Meron nanamang papalapit na malaking event kaya naman ang lahat ay abala. Lalo na ang pagsasaayos ng function hall kung saan gaganapin ang pagtitipon. " Kyla ako na bahala sa floor mo, basta maiwan ka dito." Sabi ni Mona habang kinukuha ang cart niya. " Oo sige, dito na ako maglilinis." Tumingin sila sa akin at nagtaas ako ng kilay. " Bakit?" " Ihuli mo ng linisin ang condo ni Sir Jack, Sapphira. Kailangan kasi nating malinis ang buong ground floor okay ka lang ba sa bodega?" Dahil meron nanamang bisita heto nanaman kami at aligaga sa pagsasaayos ng buong hotel. " Sige ako na bahala." Buong hapon ay iyon ang inatupag ko. Matagal tagal din itong hindi nalilinis kaya marami akong inayos. Hapon na ng matapos ako dahil inaayos ko pa ang mga lumang gamit doon. Kumain muna ako bago tumungo sa condo ni Tross. Kumatok ako bago ko dahan dahan na binuksan ang pinto ng condo niya, nakalock ito at may card akong dala upang maswipe ito sa lock niya. Naglakad ako sa sala at may nakitang maraming papeles at isang laptop na mamahalin. Dumaan ako sa likod ng sofa at napahinto ng makita ang mga larawan sa laptop. Larawan ito ng mga sample ng hotel na maaaring gagawin sa isang lugar. Dahil sa pagkamangha ko ay umupo ako sa sofa at tinignan ang larawan. Luminga pa ako sa paligid dahil baka may tao. Kusa itong lumipat sa isa pang larawan kung saan mga interior designs naman ng hotel ang ipinakita. Namangha ako sa mga ito dahil sobrang moderno ng mga diseniyo. Lumipat muli ito at ang park naman ng hotel ang ipinakita. Mga larawan ito ng mga dinesenyo gamit ang computer. Ito siguro ang ipapakita niya sa meeting nila ng mga investors. Napangiti ako dahil alam kong buong linggo niya itong pinagpaguran. Naalala ko iyong sinabi ni Hendrix na he can do everything para maginvest sakanila ang mga investor. Lahat ng nasa larawan ay kamangha mangha at halatang pinaghandaan. I'm in my awe when I heard footsteps on my back. Mabilis akong tumayo at tumingin sa kanya na seryosong nakatingin sa akin. Malalim ang bawat paghinga ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. " Uhm..." Sumulyap siya sa screen ng kanyang laptop at muling ibinalik sa akin ang tingin. Naninimbang ang kanyang bawat titig. Nakapambahay lang siya ngunit he still manage to look hot. " Maglilinis na ako." Mabilis akong umalis doon at kinuha ang mga gamit upang magumpisa na. Wala akong ni isang salitang narinig sa kanya kaya nagpatuloy lang ako sa paglilinis. Kinakabahan ako dahil baka pagalitan niya ako. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa habang ako ay naglilinis sa sala niya. Minsan ay napapatingin ako sa kanya at nahuhuli ko siyang nakatingin. At sabay naman kaming iiwas. Tinitigan ko siya habang hinihilot niya ang kanyang sentido at mukhang pagod na pagod. " U-Uminom ka muna." Sabi ko sabay lapag ng basong may lamang tubig. Pagod na mga matang tumingin sa akin at ininom ang tubig na ibinigay ko. Gusto ko pa sana siyang kausapin ngunit wala na akong narinig pa sa kanya. " Sapphira!" Nagmamadali akong lumabas ng quarter namin ng narinig ko ang boses ni Hendrix. Nakacasual clothes lang siya at tila ba kanina pa ako hinihintay. Sumilay ang mga ngiti niya habang papalapit sa akin. " Uuwi kana ba?" " Oo, tapos naman na din ang trabaho ko." " Great! Ihahatid na kita." Aniya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng hotel ngunit ng huminto siya ay muntik pa akong masubsob dahil sa biglaan niyang paghinto. Sumalubong sa akin ang isang nakakunot na si Tross habang nakatingin sa akin. Itinaas niya ang tingin kay Hendrix. " Bro.." Bulaslas ni Hendrix. Ngumisi lamang si Tross at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kamay ni Hendrix na nakahawak sa aking kamay. Rumehistro ang galit sa kanyang mga mata at mabilis ko ding inalis ang pagkakahawak ni Hendrix sa akin. Naramdaman ko ang pagkagulat nito. " Let's go Sapphira. I'm gonna treat you for dinner." Sabi ni Hendrix, hindi na ako nakapagkomento dahil muli niya akong hinila at dumaan sa tabi ni Tross. Kumain kami sa isang old fashioned style na spanish restaurant malapit sa hotel. Pagkatapos ay hinatid niya nga ako. Sabi niya treat niya daw sa akin iyon dahil malapit na siyang umalis. He was planning to settle down in US for good. The truth was I felt sad about that, dahil kahit sa maikling panahon ay nakilala ko si Hendrix. He treated me like his friend. " Si Sir Hendrix na Mona!" Nanggigigil na sinabi ni Kyla kay Mona ng papasok ito sa amin kung saan sineserve ang pagkain gaya ng dati. Lumabas ako ng hall at tinignan ang engrandeng disensyo ng function hall. Nandito lahat ang mga sikat na investors at kilala sa larangan ng negosyo. Maging ang mga sikat na Arkitekto sa bansa ang dinaluhan ang pagtitipong ito. Isa ito sa pinaka malaking event. Inilibot ko ang aking mga mata upang hanapin siya. Nakita ko siyang seryosong may kinakausap sa telepono. " Thank you very much for coming, this is one of the most important meeting that was held in our place." Tumingin ako kay Hendrix na nagsasalita sa harapan. May idiniscuss siyang mga detalye upang mapalago ang kanilang mga hotels. May hawak siyang isang remote upang ilipat sa ibang slide ang presentation niya kung saan ipinapakita niya ito sa mga tao. " And for the example pictures that I prepared. For the renovation and interior designs of our hotels." Kumunot ang noo nito kaya napatingin ako sa presentation na tinitignan niya. Isang pamilyar na larawan ang nakita ko. Lahat ng tao ay nagpalakpakan. May naririnig pa akong naamaze sa kanyang ginawa. Nilipat niyang muli at tulad noong una ay pamilyar ang mga ito. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ito, ngunit maging ako ay namamangha pa rin. Tumingin ako kay Hendrix na naka kunot ang noong nakatingin sa mga ito. Wala siyang sinasabi at mukhang litong lito. Napatakip ako sa aking bibig ng maalala kung saan nakita ang mga larawang ito. Ito iyong nakita ko sa laptop ni Tross. Hinanap ng mga mata ko si Tross. Nakita ko siyang naglakad palabas ng hall. Muli ay pinalakpakan si Hendrix ng mga ito, dahil humanga sa ganda ng diseniyo ng mga ito. Ngunit, papano nangyaring? Lahat halos ng tao ay sumangayon sa diseniyo ni Hendrix. Ngunit papano nangyaring nasa kanya ang mga larawan na iyon? Nakipagkamay ang iilang foreign shareholder at businessman sa kanya. " Oh Sapphira saan ka pupunta?" Tanong ni Mona ng makita niyang ibinalik ko ang desserts na pinapalabas sa akin. Lahat ay nagkakasiyahan na at kailangan kong kausapin si Hendrix upang tanungin. " Mag-ccr lang ako Mona. Sandali lang." sagot ko at mabilis na lumabas. Hinanap ko sa harapan si Hendrix ngunit hindi ko siya mahanap. Tumungo ako sa kabilang exit kung saan malayo sa mga guest upang makalabas ng hall. " Kuya nakita mo ba si Sir Hendrix?" Tanong ko sa isang security guard sa hotel paglabas ko. " Oo lumabas. Ang sabi magpapahangin daw." " Sige po. Salamat po." Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Hendrix na nakatayo malapit sa up down window ng waiting area. Nakapamulsa siya habang malayong nakatingin sa kawalan. " H-Hendrix." Seryoso ang mga mata niyang tumingin sa akin. May rumehistrong galit dito ngunit yumuko siya at humarap sa bintana. " Sinasabi ko na nga ba e!" Napaigtad ako ng marinig ang galit na boses ni Tross sa likuran ko. Tumingin si Hendrix sa kanya, sa sobrang bilis ng pangyayari ay nagulat nalang ako ng suntukin siya ni Tross sa pisngi na naging dahilan ng pagkaupo niya. Kinilabutan ako sa galit na namumuo sa mga mata ni Tross. Pulang pula ang kanyang mukha at alam ko na galit na galit na ito. Umupo ng maayos si Hendrix at pinunasan ang kaunting dugong malapit sa kanyang bibig. Para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba. " You motherfucker!" Tross hissed. Itinuro niya ito habang dahan dahan na tumatayo si Hendrix. Sumulyap si Hendrix sa akin bago muli ibinalik kay Tross. " Tross!" Sigaw ko. Hindi pa nakakahupa sa pagsuntok niya si Hendrix ay muli niya itong sinuntok. Nanlaki ang mata ko at napatili. " Tross ano ba!" Sabi ko at akmang lalapit kay Hendrix ay sinuntok niya muli ito sa kanyang tyan. " f**k it dude!" Namamalipit sa sakit na sabi ni Hendrix. Alam ko kaya niyang suntukin pabalik si Tross ngunit hindi niya ginawa. " f**k you Hendrix! You stole my proposal!" Nanggagalaiting sabi nito. Nanginginig akong lumapit muli kay Hendrix dahil naaawa ako. " Hendrix..." bulong ko ng sinuntok muli siya ni Tross. Tumingin ako sa paligid para maghingi ng tulong ngunit wala akong nakita. Akmang tatawag na ako ng tulong ng maramdaman ang mahigpit na hawak sa aking palapulsuhan. Napangiwi ako sa sakit at hinarap niya ako sa kanya. Ang sumalubong sa akin ang mga mata niyang punong puno ng galit at pagkadismaya. " T-Tross na-nasasaktan ako." " Jack don't hurt her, please." Napapikit ako ng marinig ang mahinang boses ni Hendrix na nakahiga na sa sahig. Mas lalo akong nakakaramdam ng matinding kaba. " You slut!" May tumusok sa puso ko ng marinig ang sinabi niya. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang pandidiri niya sa akin. Poot at sakit ang tanging nanuot sa aking dibdib. " Magkano ba binayad niya sayo?!" Napaawang ang labi ko sa tanong niya at natulala. " f**k Jack!" Dahan dahang tumayo si Hendrix. Umubo pa ito at may lumabas na dugo. Nanlaki ang mga mata ko at dinaluhan siya pero bago mangyari iyon ay hinila muli ako ni Tross. " Tross ano bang pinagsasabi mo?!" Naguguluhan kong tanong at nanginginig sa kaba. Ngumisi siya at hinapit ako sa aking bewang. " Don't act as if you don't know Sapphira. Ikaw lang ang nakakita noon." Nanlalambot akong itinulak siya ng dahil sa takot. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. " Tell me how much did he pay for you?" Umiinit ang bawat sulok ng aking mga mata ng dahil sa sakit ng pagkahawak niya at ang sakit ng mga sinasabi niyang mga salita. " Magaling ba siya sa kama Sapphira? Magkano ang bayad mo?!" Tumawa siya ng pagak. " Maybe I can pay you, doble pa para naman magamit kita para makapag spy ka sa mga kalaban kong kumpanya." Tuluyan ng bumagsak ang namumuong luha sa aking mga mata. " Don't cry baby! I will pay double for your service. Mukhang magaling ka naman sa kama. Don't you ever wish that you can control every man." Hinila ako ni Hendrix sa kanya at sumubsob ako sa dibdib nito. Nakita ko ang munting pagngiwi nito dahil siguro sa sakit. Hindi ko na napigilan ang tuloy tuloy na pagluha ko. " Jack, I don't know what you're talking about." Seryosong pahayag ni Hendrix. May pumalakpak sa di kalayuan. Papalapit sa amin si Ms. Cassandra na kasama ang iilang mga shareholder at manager kanina. Nasa likuran din niya ang mga guard ng hotel. " Stop it Drix! Trying to clean your mess? It's not working. You act great!" Mabilis kong pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi ngunit ang sakit sa aking dibdib ay mas lalong tumutusok at bumabaon. " And this slut might win the best actress Hendrix." Dugtong niya. "We are very disappointed Hendrix." Narinig kong sinabi ng matandang manager ng hotel. Umiling ang mga ibang manager dahil sa pagkadismaya. Napatingin ako kay Hendrix na seryosong nakatingin sa akin. " Are you alright?" Nagaalala niyang tanong. Mas lalong bumuhos ang mga pinipigilan kong mga luha ng dahil sa pagaalala niya sa akin. Ngunit kung titignan ay siya ang mas nasaktan. I don't know what's going on. Pero naaawa ako sa kanya. Alam ko hindi niya iyon kayang gawin, kailangan ko parin ng explanation niya. Kailangan ko pa rin malaman ang side niya kung bakit niya iyon nagawa. " Hendrix, may sugat ka." Puna ko ng makita ang maliit na hiwa sa kanyang ibabang mata na dumudugo. He looks really hurt but he was trying to stood up. " Get out of here! We don't need you!" Naiinis muling sinabi ni Ms. Cassandra. " Lumayas kayo dito! I have an authority to fired you Drix!" Tumingin ako kay Tross na malalalim ang bawat paghinga. " I don't want to see your face anymore." Tiim bagang niyang sinabi. Kung akala ng iba ay para kay Hendrix iyon hindi. Para iyon sa akin he looked at me with dismayed. May kumirot sa aking puso at mas lalong nanghina. Kung hindi lang ako hinawakan ni Hendrix sa aking likuran ay bibigay na ako. I'm so hurt, and my heart was bleeding right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD