Itong mga nagdaang araw ay ginugol ko ang panahon ko sa pagaalaga kay Samuel. Hinahatid at sinusundo ko pa siya sa kaniyang paaralan.
Kapag nasa bahay ay ginugugol ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay. Nahihiya din ako kay Gab dahil ito lang ang kaya kong maitulong sa ngayon dahil wala pa rin tumatawag sa akin.
" Bakla akala ko ba umalis si Sir Hendrix?" Takang takang tanong ni Gabrielle sa akin habang nagluluto ako sa kusina ng hapunan namin.
Si Samuel ay nasa sala kasama si Gabrielle dahil araw ng linggo ngayon at walang pasok.
" Oo nasa US na siya." Sagot ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin dahil aligaga ako sa pagtitimpla sa tinolang niluluto ko.
" Sorry, did I disturb you?" Muntik ko ng mahulog ang hawak kong sandok dahil sa gulat ng marinig ang pamilyar na mababang boses ni Hendrix.
Namilog ang mata ko at unti unting tumingin sa kanya. With his fresh look, wearing a casual gray plain shirt and a maong pants. In just a month he change a lot.
" Hendrix!" Hindi nawala sa tono ng boses ko ang pagkabigla.
Bakit siya nandito?
Ngumisi siya at inabot ang puting paper bag sa akin. " For you." Aniya.
Kukunin ko na sana ito ng naunahan ako ni Gabrielle. " Wow! Chocolates how thoughtful you are." Maarte pang pahayag nito.
Pinatay ko na ang kalan bago tuluyang ibigay sa kanya ang atensiyon ko.
" Anong ginagawa mo dito? Sabi mo you are staying in US for good?"
" Upo ka muna Sir Hendrix, ano gusto mo? Juice or coffee? Water?-"
" Water will do. Thank you." Parang hihimatayin si Gab ng ngumiti si Hendrix sa kanya.
" O-Okay honey, este Sir Hendrix."
Umupo si Hendrix sa dining area namin. " I already manage my business in US, but I have some issues to settle before I settle down."
" Kailan kapa nandito?"
" Here's your water Sir Hendrix, na may halong pagmamahal." Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan tumawa sa sinabi ni Gab, pinandilatan ko siya ng tingin upang umalis muna at sa sala magstay.
" Damot!" Narinig kong bulong niya bago lumabas ng kusina.
" Yesterday eve. Pupuntahan sana kita, kaso gabi na baka tulog na kayo." Tumango ako. Nakakahiya naman kung ganoon.
Tumingin ako sa kanya na parang may gustong sabihin.
" I'm sorry Sapphira from what happened. Nadamay kapa."
Umiling ako at ngumiti. " It's okay Hendrix, alam ko naman na wala kang ginawa." Umupo ako sa tapat na upuan nito.
" I will talk to Jack later, I know he is still mad. Pero hindi tama ang ginagawa niya sayo. He was manipulating other establishments, para hindi ka matanggap sa trabaho."
Napahinto ako sa sinabi ni Hendrix. Para hindi matanggap sa trabaho?
Napakuyom ako sa aking kamay. Magsimula ng umalis ako sa hotel, wala akong sawang kakapass ng resume ko.
Kahit nga alam kong tumatanggap ng undergrad ay in-applyan ko. Pero ni isa walang tumawag sa akin. O kahit man lang interview. Madalas ay pinapaiwan sa akin ang resume o kaya naman ay tinataboy na ako.
" I'm sorry, I don't have any idea about that before. So I settle all my works before I go back in the Philippines as soon as possible."
Napailing ako, hindi makapaniwala. All this time I questioned my abilities dahil akala ko hindi sapat ang skills ko kaya hindi ako kinukuha. Right now, I felt relieved. Pero bakit pati iyon kailangan nilang gawin?
" B-Bakit nila gagawin iyon?"
" Pasensya na Sapphira. Nadamay kapa."
Umiling ako ng mabilis. " No...no it's okay."
Tama, okay lang. Kailangan ko nalang tatagan ang loob ko. They thought na nagpagamit ako kay Hendrix to stole his important proposal, for whoever's sake ni minsan hindi iyon sumagi sa isipan ko.
" You have a son." Aniya na hindi makapaniwala.
Napakagat ako sa aking ibabang labi.
" Yeah..."
" He's smart. He reminds me of someone." Aniya at nakangiti.
Kung hindi niya lang binuksan ang topic sa issue sa mga Del Rio, masaya pa sana akong kwentuhan siya tungkol kay Samuel. Pero hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na okay lang ang lahat.
" D-Dito kana kumain. Nagluto ako."
Magaalas tres y media na ng nagpagpasyahan ni Hendrix na umuwi na. Dito na din siya kumain at pagkatapos ay nakipaglaro kay Samuel. Samuel is so happy dahil meron siyang kalaro. Kung alam lang daw ni Hendrix ay binilhan niya sana ng pasalubong si Samuel, pero mas mainam na iyon dahil sobra sobra na ang pasalubong na ibinigay niya.
" Bet ko siya bakla!" Ani Gab ng kumaway ako kay Hendrix bago niya ipinaandar ang kanyang sasakyan.
" He's a good friend Gabby."
" But a perfect boyfriend Sapphira." Umirap ako at pumasok sa loob.
Tulog na si Samuel dahil napagod sa laro nila ni Hendrix na basketball sa loob lamang ng bahay.
" Mayaman siya Gab, kaya tumigil ka." Nagkibit balikat ito at umupo sa sofa upang ipagpatuloy ang teleseryeng pinapanood niya.
Napaisip ako sa sinabi ni Hendrix kanina. Kaya hindi ako nagkakaroon ng trabaho dahil minapanipula ng mga Del Rio ang mga establishments na papasukan ko palang sana.
Naalala ko iyong bar ni Auntie Anna. Napailing ako. Money can rule everything huh.
" Gab?" Nagangat siya ng tingin sa akin. " K-Kamusta na iyong bar?" Nakita ko ang pagkabalisa ni Gab at ibinalik muli ang tingin sa tv.
" S-Sympre okay, bakit mo naman natanong?"
" Wala lang." Ngumiti ako at iniwan na siya sa sala.
Hindi ako mapakali sa pagaayos ko ng gamit namin ni Samuel. Iniisip ko pa din iyong bar ni Auntie, okay na kaya?
Masaya na ba siya na huminto na ako sa pagtatrabaho doon? Ano ba gusto nila? Gipitin ako? E hindi naman ako mayaman, napakasama naman nila kung ganoon nga.
Napailing ako, at padabog na inaayos ang mga damit. Masakit ang loob sa mga nangyayare.
Pagpasok ni Gab sa bar ay saka naman labas ko sa taxi. I need to see on my own eyes na okay na ang lahat. At tinantanan na sila ng mga Del Rio.
The music was too loud, napangiti ako dahil doon. Pero napawi din ito ng pumasok ako. The KTV was closed, the VIP bar was still functioning.
Pumasok ako sa loob at ni isang modelo o artista ay wala akong nasalubong. Parang gusto ko nalang magwala sa mga nangyayare.
Ano ba ang gusto nila? I stopped working here, but they still didn't stop.
" Gab?" Tawag ko ng makita ko siyang seryosong kausap si Gino. Nasa tabi niya si Mika iyong kasama namin noon sa bachelors party, she was wearing a gold sexy lace.
Nagulat siya ng makita ako. " Bat walang tao?" Tanong ko kahit alam ko naman na. Ang akin lang why he need to hide it from me.
Matamlay ang ngiti ni Mika. " Siguro magdadalawang linggo na Sapphira." Seryosong sagot naman nito.
Umiwas ng tingin sa akin si Gabrielle. All this time? Wala man lang siyang sinabi sa akin.
Kumirot ang puso ko, ng dahil sa akin nangyayare ito. I know kasalanan ko 'to. I sighed in disbelief.
" Gab ikaw ang tinatanong ko. Gabi gabi nandito ka. Wala ka man lang nabanggit sa akin. Anong nangyayare?"
" Sapphira, you are too preoccupied, ayoko ng dumagdag-"
" Ako ang may kasalanan hindi ba?" Matabang kong tanong. Tumingin siya sa akin at umiling.
" Hindi ganito talaga-"
" No, hindi. Hindi ganito, sino? Sino Gab? Ang mga Del Rio ba? Ano ba ang kasalanan ko sakanila? Ni hindi ko nga ginawa iyon e!"
Huminto ang music, at tumahimik sa buong paligid. Hinihintay ko pa din ang sagot ni Gabrielle ngunit hindi man lang siya nagsalita.
" Sapphira you're here." Isang hindi pamilyar na boses ng lalaki ang nagsalita na nagmula sa aking likod.
Tumingin ako at imbes na magulat ay umusbong ang galit sa aking dibdib. He's here and with his friends.
Madilim ang tingin nito sa akin.
" Sky..." Tinap siya sa likod noong isa pa nilang kasama na si Blake kung hindi ako nagkakamali.
Apat lamang sila. Bahagya akong lumapit sa kanya. Mabibigat ang bawat paghakbang ko. Sa inis at galit ko ay hindi ko na napigilang gawaran siya ng malutong na sampal sa kaliwang pisngi niya.
May narinig akong nagulat pero hindi ko iyon pinansin.
" Really Tross? Are you happy now?" Mapait kong tanong.
Napakunot noo ang tatlo niyang kasama sa nangyare.
Nanlambot ako ng makita kong namula ang pisngi nito. Hindi niya inangat ang kanyang tingin. Madiin kong pinagsalikop ang aking kamay.
Nasaktan ko siya pero bakit parang ako pa din ang mas nasaktan?
Sapphira can you just please stop caring for him? Kahit ngayon lang!
" Ano ba ang gusto mo huh? Ang gipitin ako? Hindi ko na nga alam kung saan ako lulugar e!" Pati sa buhay mo hindi ko na alam kung may lugar ba ako.
Akmang aalis na ako ng hinawakan niya ang aking kamay.
Inangat ko ang aking tingin sa kanyang madilim na mukha.
" Walang wala na ako Tross. Kaya pwede ba, tantanan mo ako. Dahil wala akong ginawa! Wala!" Sigaw ko at padabog na inalis ang mainit niyang kamay.
Naglakad ako palabas ng bar.
" Sapphira!" Narinig kong tawag ni Gabrielle, ngunit hindi ko siya pinansin at tuloy ako sa paglabas.
" Ano ba bakla! Bagalan mo naman nakaheels ako!" Umirap ako at halos tumakbo na.
" Sapp-" huminto ako at humarap kay Gab na napangiwi na dahil siguro sa sakit ng paa niya. Ngumiti siya ng pilit sa akin.
" Gab akala ko ba kaibigan kita? Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganito na pala ang nangyayare!"
" W-Wala naman din tayong magagawa-"
" Oo wala! Pero ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganito. Hindi mo ba naisip iyon? Masakit sa part ko Gab!" Sumikip ang dibdib ko dahil sa bugso ng damdamin.
" Sapphira, s-sorry na."
Sa inis ko at sobrang galit ay hindi na napigilan ng mga mata ang pagluha.
" Sana man lang nagisip ako ng gagawin! Hiyang hiya na ako sa inyo Gab. Masyado ng malaking pasakit ang ibinibigay namin sa inyo ng anak ko."
Umiling ng mabilis si Gab na parang maluluha na din. " Pasensya kana Sapphira. Ayokong isipin mo na pabigat kayo. Para na din tayong pamilya, kayo lang ang meron ako, ikaw lang ang kaibigan ko!" Lumapit siya sa akin upang yakapin ako.
" Ang drama natin bakla! Masisira ang make-up ko!" Sabi nito habang sumisinok.
Suminghap ako at kinurot siya sa bewang niya.
" Pero nakakatakot ka kanina Girl! Bat mo sinampal si Sir Jack!" Kinakabahan nitong sabi.
Umirap ako at pinahid ang luhang lumandas sa aking pisngi.
" He deserves that." For hurting me, and breaking my heart.
Ngumiti ako ng mapait, now it's slowly sinking on my mind that we really not fit for each other. Masyado lang akong ilusyunada.
All this time I know he can control a woman's heart. He can hurt anyone and used anyone. Isa na ako doon. Sa mga nagpauto. Pero lahat ng iyon, hindi ko pinagsisisihan.
Siguro unti unti ko nalang kakalimutan ang mga nangyare, hahayaan ko nalang ang puso ko na mahalin siya at gustuhin siya hanggang ito na mismo ang aayaw.
May anak ako, imposibleng magugustuhan niya ako. He will rather marry a famous model than me, he have many choices. At ang isipin na gugustuhin niya ako ay isang pagiging ilusyunada ko nalang.
I didn't know what happened next after that incident. Pero ang bar ni Auntie ay nagsisimula na ulit umingay dahil sa dagsa ng mga tao. Halos mapuno na ang bar. Magdadalawang araw ng ganito simula ng gabing iyon.
Humingi din ako ng tawad kay Auntie sa nangyare, dahil kasalanan ko. Ngayon ay hinayaan niya akong magtrabaho sa bar.
May umilaw sa board na may nagorder. Kaya dali dali akong nakihalubilo sa mga tao.
Papalapit na ako sa couch kung saan puro mga modelo ng mga babae ang nandoon ng hinigit ako ni Gab sa kabilang table malapit sa pupuntahan ko.
" Girl ikaw na muna kumuha ng order doon." Sabi niya sa nakasalubong naming waitress gaya ko.
Silang dalawa ni Mika ngayon ang kasama kong nagseserve dahil dumarami ang mga tao.
" Ano ba Gab?" Tanong ko ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga tao sa kabilang table kung saan niya ako dinala.
" Ah, Sir wag po kayong magalala papayag po siya. Diba Sapphira?" Pinandilatan niya ako ng tingin kaya napaharap ako sa kanyang kausap.
Ed, Sky and Gio was seating on the sofa while seriously looking at us.
Umirap ako ng hinahanap siya ng mga mata ko. Okay wala siya. Well that's good.
" Di kita maintindihan!" naiinis kong sigaw.
" Umoo ka nalang!" bulong niya.
Ngumisi si Gio. " If you don't mind, can you come in a pool party tomorrow? Ed will fetch you up here."
Napaawang ang aking labi. Gusto niyang umoo ako? NO WAY!
Akmang iiling na sana ako ng magsalita muli si Gab.
" Sure Gio, este Sir Gio. It's a pleasure for us na ininvite niyo kami."
" Wag kang kj dyan! " Bulong niya ulit sa akin.
Tumawa bigla si Ed. " Kakatapos lang kasi ng bagong bahay ng kaibigan namin. Sana pumunta kayo for the after party. Blessings kasi sa hapon." Binigyan ako nito ng makahulugang ngiti.
Ngumiti ako ng pilit at umiwas. Ayoko pa din. Kaibigan niya pa din ang mga ito.
" Zack honey your here!" anang isang babaeng maputi at makinis ang balat na naka suot ng fitted turtle neck sleeveless dress.
Napangiwi ako ng halikan niya sa pisngi si Sky at umupo sa tabi nito.
Tumawa naman si Gio. " All your girls is calling you Zack huh." Ismid nito na binatukan naman ni Sky.
" Talk, or you'll die." anito at humarap sa babae. " It's nice seeing you here Catherine." humagikgik ang babae at may ibinulong sa tenga niya.
Umirap ako, lahat nalang yata sila ay babaero.
Tumikhim si Ed kaya napukol muli ang atensiyon naming dalawa ni Gabrielle.
" So tomorrow night?" ngiti nito.
Tumayo pa ito upang makipagkamay sa akin. Si Gab ang nakipagkamay sa kanya.
" Okay. Sure. See you?" Maarteng sagot nito.
" I will fetch you here around seven." Paninigurado nito, tumingin ako kay Gab na nakangiting aso.
" Sapphira, hope to see you there." Aniya sa akin at ngumiti.
Napatango nalang ako dahil sa kanyang maawtoridad na tingin. It felt like it's a sin if I said no.
" Magsama din kayo ng iba, we don't mind." Dugtong pa ni Gio.
Kinikilig si Gabrielle habang naglalakad na kami palayo sa kanila.
" Ano ba ba't ka ba pumayag?" Naiinis kong tanong.
" Can't you see girl? Gusto nilang mapalapit ako sakanila!" aniya na tumitirik ang mga mata.
" Gaga! Tumigil kanga dyan!"
" Tss, pupunta tayo. Isasama ko si Mika."
" A-YO-KO!"
" Bakit ba ayaw mo?" Naiinis na tanong ni Gab habang papaupo kami sa high chair na tapat ni Gino.
" Nandoon siya, sigurado ako doon." Umismid si Gab.
" And so what? Hindi naman siya ang pupuntahan natin. At saka nakakahiya mukhang ikaw talaga iniinvite nila tapos ano ako lang pupunta?"
Umirap ako sa kanya. " Basta ayoko!"
" Ih!" Tumili si Gab at saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. " Iniiwasan mo ba si Sir Jack? Bakit?"
" H-Hindi no, ayoko lang siyang makita."
" Edi wag mong tignan!"
" What the hell Gab."
" Panigurado madaming dadalo doon kaya hindi mo siya makikita. Saka malay ba natin na nandoon siya."
" Si Samuel walang kasama." Umirap muli siya na parang nawawalan na ng pasensya.
" Duh! Nasan ba siya ngayon Sapphira?" Sarkastikong tanong nito.
" Sige na nga, sige na nga! Tigilan mo na ako. Basta mabilis lang tayo, pagkakain alis na."
" Ano tayo patay gutom? Pwede ba nandoon ako para maranasan ang party ng mga mayayaman! Yeah!" umakto pa siyang sumasayaw.
Napailing nalang ako. Bago kami umalis ay nagpaalam kami kay Auntie na wala kami bukas. Isinama niya din si Mika na mukhang gustong gusto din.
Hanggang sa biyahe pauwi ay iyon ang bukambibig ni Gab.
" Naalala ko nga pala, pool party. Isusuot ko iyong bikini-"
Tumawa ako ng malakas.
" Yuck Gab please! Give me peace." Biro ko pa.
" Ito naman joke lang." Ngumuso siya at saka pinark na ang sasakyan.
Pagkababa ko ng sasakyan ay nagulat ako ng nasa tapat ng gate si Hendrix nakatayo. He was wearing a usual clothes.
" Hendrix."
Nagkamot siya ng ulo.
" Sorry, I came here to see you." Aniya. Tumingin ako kay Gabrielle na may pagtataka sa mga mata.
Ngumiti ito ng makahulugan. " Sandali lang kukunin ko lang si Samuel sa kabila." Sabi nito at iniwan kaming dalawa.
" What brings you here? Malalim na ang gabi." Nanlaki ang mata ko ng ngumiti siya sa akin. " Kanina ka pa ba?"
" Pasensiya na, hindi ko kasi alam kung ano oras kayo makakauwi. Kaya naghintay ako."
Parang may humaplos sa aking puso ng marinig iyon. " Pwede mo naman ako itext-"
Napakagat ako sa labi ng napagtantong lowbat nga pala ako.
" I can't call you either."
Nasapo ko ang noo ko at napailing. " Sorry, naghintay kapa."
" No it's okay. I came here to check on you." Aniya at napatingin sa paparating na si Gab na karga karga si Samuel habang mahimbing ang tulog.
" Pasok ka muna."
" Hindi na, uuwi na ako." Kumaway ito at tinap pa ang likod ng mahimbing na natutulog na si Samuel bago siya sumakay sa kanyang sasakyan.
Nagkatitigan kami ni Gab bago siya pumasok sa loob ng bahay.
" I smell something fishy!" Aniya pagbukas namin ng pinto.
Binuksan ko ang ilaw at naglakad patungo sa kwarto namin ni Samuel at kasunuran si Gab.
" Fishy your face!"
" Hello? Manhid ka ba sinong lalaking maghihintay ng ganoong oras upang makita ka lang niya? As in makita na okay ka lang? Ano yun wala lang?"
Unti unti niyang inihiga si Samuel sa kama. Napangiti ako ng mahimbing na itong natutulog.
" Gab, Hendrix might feel guilty for what happened, kasi nadamay ang pangalan ko sa nangyare sa kanya."
" And then?"
" Then siguro he was checking kung okay lang ako dahil baka ginugulo ako dito ng mga Del Rio."
Nagbuntong hininga si Gab. " Kung sabagay." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
" Kung ako tatanungin, boto ako sa kanya. Mukhang mabait, at mabilis na napalapit kay Samuel." Anito at kinumutan si Samuel.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Gab.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
" Kailan mo nga pala balak magpatuloy sa pag-aaral?"
Natahimik ako sa kanyang tanong. Muntik ko ng makalimutan ang plano ko tungkol dyan. Pero hindi pa rin nawawala sa sarili ko ang kagustuhan na makapagtapos.
" Sa susunod na taon." Sagot ko at humarap sa cabinet upang magpalit ng damit.
" Sige, tutulong ako sa iyong magipon. " Anito na hindi ko na pinansin dahil alam niya naman na ayoko.
Hindi na ako kumibo, nagdadalawang isip na magaaral ba o hindi. Kinakabahan ako baka hindi sapat ang perang maipon ko lalo na at dalawa kami. Nagaaral na din si Samuel. Ngumiti ako ng mapait, kaya ko pa naman e. Kakayanin ko pa.