Tanghali ng dumating si Mika sa bahay namin at sobrang excited sa Pool Party, at talagang may dala pa itong mga two piece niya.
Napailing nalamang ako.
" Sapphira, marami akong dalang two piece. Pwede kang humiram." Aniya na nakangiti habang tinutulungan ako nitong maghugas ng pinagkainan namin.
Muntik pa akong masamid sa sinabi niya. " Wag nalang Mika, salamat."
" Ay ano ka ba ayaw mo? Maganda naman ang mga iyon. Bigay sa akin ng kapatid ko galing Singapore." Aniya at nakangusong tumingin sa hinuhugasan niyang plato.
" Pag yan nagsuot ng ganon sa maraming tao Miks! Magpapahanda talaga ako ng bongga." Biro naman nitong si Gab ng pumasok sa kusina.
Umirap nalang ako at nagtawanan ang dalawa. " Saka oy bakla! Pool party pupuntahin natin ah, hindi patay. Baka magdaster ka dyan mahaba pa sa kurtina nila doon ang suot mo."
Muli ay nagtawanan ang dalawa. " Tumigil nga kayo dyan." Anas ko at pinunasan ang lamesa.
" Ako nanaman ang nakita niyo!" Binitawan ko ang hawak kong basahan at naghalukipkip. " Kayo nalang kaya ang pumunta Gab."
Nanlaki ang mata ni Gab. " Hayan ka nanaman e! Sige na kahit mahaba pa sa long gown suotin mo pwede na. Kaysa hindi ka sumama."
" Oo nga naman Sapphira, E mukhang ikaw talaga iniimbita nila. Imposible naman kasing imbitahan itong si Gabby." Biro ni Mika at tumawa.
" Tseh! Manahimik ka nga dyan, kaya ikaw sumama kana. Mga bigatin na customer ni Auntie na nagyaya sa atin aayaw pa ba tayo? Take note, susunduin pa tayo." Ani Gab sabay pumalakpak. " Di ba bongga!"
Wala na akong magawa kundi ang sumama. Gusto nga din sumama ni Samuel ngunit hindi ko pinayagan dahil nakakahiya kung magsasama pa ako ng bata. Lalo na e mukhang mga bigatin nga ang mga bisita nila.
Nakasuot ng parehong summer dress si Mika at Gab kung saan tinatago nila ang two piece na suot nila. Napailing nalang ako kay Gab. Habang ako ay nakasuot lamang ng sleeveless dress na kulay abo at sandals. Wala sa plano kong magswimming o magparty. Pupunta lang ako doon para makita nila na pumunta ako.
Nakakahiya naman din kasi kung hindi pa ako pupunta. Ayoko naman na isipin nila na nagiinarte ako.
Alas singco y media palamang dahil excited ang dalawa at nagaayos palamang sa bar ni Auntie ay nandito na kami. Baka daw kasi maghintay si Ed at nakakahiya.
Napairap ako, alas siyete palang naman ang usapan. Gaya ng pinagusapan huminto ang itim na SUV sa tapat ng bar ni Auntie.
Binaba ni Ed ang glass window nito at kumaway sa amin. Bumaba ito sa kanyang sasakyan.
Napaawang ako ng nakasuot ito ng button down polo na ang diseniyo ay mga dahon dahon at summer short.
" Para akong nasisilaw sa aking nakikita." Bulong ni Gab sa aking likuran.
" Pasensya na nauna pa kayo sa akin, naghintay ba kayo ng matagal?" Tanong ni Ed ng papalapit ito sa amin.
Napatingin ako sa dalawang kasama ko na nakanga ngang nakatingin sa kanya. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon ng dalawa at mabuti naman at nakuha nila ang gusto kong iparating.
" Ah e, h-hindi halos kakarating lang namin Ed." Maarteng sagot ni Gab.
Nasamid ako sa kanyang sinabi, pinandilatan niya ako ng tingin. Kakarating? E magdadalawang oras na kaming nakatambay sa bar ni Auntie tapos kakarating? Napailing nalamang ako.
" Sapphira, I thought hindi ka makakasama. It's nice to see you." Baling ni Ed sa akin at matamis na ngumiti. Nailang ako dahil sa totoo lang ayoko talagang sumama.
" Ah-"
" Ay sasama yan Ed, excited nga yan e." Sabat ni Gab at kinurot ako nito sa tagiliran.
Parang gusto kong magwala ako? Excited?
" Buti naman. So, Let's go?"
Pinagbuksan pa kami nito ng pinto. Lahat kaming tatlo ay umupo sa backseat nasa dulo ako habang si Gab ay sa gitna tapos si Mika.
" Tumahimik ka dyan Mika may asawa yan." Bulong bulong ni Gab.
Napakunot ang noo ko ng maalalang siya nga pala iyong groom noon na dapat kong sayawin pero kay Tross niya ako ipinasa.
Napakagat ako ng labi ng maalala iyon, nakakahiya. Buti nalang hindi niya ako kilala.
" Alam ko! Masama bang humanga." Bulong naman ni Mika at tumahimik din silang dalawa ng pumasok na ito sa driver's seat.
Pinaandar na nito ang sasakyan. Akala ko buong biyahe na tahimik ngunit biglang nagsalita si Gab.
" Ah Ed, kanino ba iyong bagong bahay na pupuntahan natin?" Tanong ni Gab ng lumiko na ang sasakyan upang makaalis na sa Bar ni Auntie.
Tumingin si Ed sa salamin at ngumiti.
" Bahay ni Jackson." Anito at ngumiti. Sumilip pa ito sa salamin upang makita ang reaksiyon namin.
Napaawang ang labi kong tumingin kay Gab na ngayon ay halos lumuwa ang mata sa gulat.
" Huh?!" Sabay pa nilang tanong ni Mika.
Humalakhak si Ed sa reaksiyon ng dalawa at napailing. " Yes, Jackson's house."
Napahinto ako ng mapagtanto na baka nandoon ang kapatid niya at gaya ng sabi ko ayaw ko siyang makita tapos bahay pa pala niya ang pupuntahan namin. Napakagat ako sa labi at parang gusto ng magbackout.
Tumingin ang dalawa sa akin at parang naninimbang. I know what they're thinking, because the last time na nagkita kami ni Tross ay sinampal ko siya. At sa tingin ko nahihiya na silang magparty dahil sa ginawa ko.
Nagkibit balikat nalamang ako. Kapag nga naman minamalas ka. Hindi naman ako ang nagpumilit na pumunta kami, ang mga kaibigan din naman niya ang magimbenta. Pwes! Kung papaalisin niya ako aalis ako ng walang salita. Mas pabor pa nga sa akin iyon.
Sa sikat at mamahaling subdivision dito sa City ay pumasok ang sasakyan ni Ed. Nagsaludo pa ang security ng pinapasok ang sasakyan ni Ed sa subdivision. Hindi pa kami nakakalayo sa entrance ay namangha na kami sa mga sumalubong na magagarang bahay na nakikita namin.
Lumiko si Ed sa kanan at iilang malalaking bahay pa ang nakikita namin bago ito huminto sa isa sa pinakadulong bahagi nito.
Ito na siguro iyon dahil maraming nakapark na mamahaling sasakyan sa labas.
" Okay, we're here." Ani Ed at pinatay na ang sasakyan.
Hindi na hinintay ng dalawa na pagbuksan sila ni Ed sa sobrang excited nila ay sila na mismo ang nagbukas ng pinto.
Huli akong bumaba sa sasakyan at tumingin ako kay Ed na sinara ang pinto paglabas ko.
Naglakad kami palapit sa gate ng bahay at mula dito ay rinig na namin ang ingay ng speaker sa loob.
Nagtawanan sina Mika at Gab at sabay sayaw pa habang papasok kami sa loob. Napamangha ako sa garden palamang nito na punong puno ng mga halaman. Medyo malayo pa ang bahay dito ngunit sa pwesto ko ngayon ay nakikita ko na ang sobrang garbong mansiyon sa harapan ko.
Napamangha ako sa magaling na pagkakadiseniyo nito at maging ang mga materyales ay mamahalin. Kulay abo at itim ang nagsisilbing tema ng bahay nito.
Papalapit na kami sa bahay ng dumaan kami sa garden sa gilid ng bahay nito. Unti unti ng lumalakas ang tugtugin.
Namangha kaming muli ng makita ang isang malaking pool sa likuran ng mansiyon. Sobrang daming tao at ang iilan ay sikat na mga modelo at business tycoon sa industriya.
Ngayon parang gusto ko nalang talagang umatras. Halos sila ay nagkakasiyahan at nagtatawanan. Halos lahat ng babae ay nakatwo piece or swimsuit ang mga lalaki naman ay walang damit pang itaas.
May malaking table sa side ng pool at nandoon lahat ng mga drinks. Sa kabila naman ay mga finger food at desserts.
" Blake!" Tawag ni Ed ng makita si Blake na may kaakbay na babae. Lumapit kami sa kanila.
" Oh feel at home, wag kayong mahiyang magparty." ani Blake.At ng may dumaan na waiter na may hawak na juice ay inabot ito sa amin.
" Where's Jack?" Tanong naman ni Ed kay Blake. Nagkibit balikat lamang si Blake at hinarap ang babaeng kasama niya.
" Maiwan ko muna kayo." Bulong ni Ed sa amin. At nakihalubilo sa maraming tao.
Tumawa si Blake at iginiya kami sa mga upuan malapit sa pagkain. " Kumain na muna kayo." Anito. " Don't be shy. Let's enjoy the party!" Dagdag pa nito.
Parang umurong yata ang sikmura ko sa nakikita. Tumingin ako sa dalawa na enjoy na enjoy.
" Excited akong magswimming Gab!" Tili ni Mika at sumasayaw sayaw pa habang kumukuha ng pagkain.
" Blake baby, come on let's swim." Anang babaeng nakahawak sa hubad na katawan ni Blake.
" Girls, iiwan ko muna kayo. Don't be shy." Ulit nito at saka nakita ko nalang silang nagbabad sa swimming pool noong kasama niyang makinis at maputing babae.
" Sapphira you're here." Salubong ni Gio sa akin na may hawak ng bote ng alak. Ngumiti lang ako sa kanya.
Inikot ko ang buong paligid. May iilang pamilyar na modelo akong nakikita na madalas sa Bar ni Auntie. May iilan pang foreigner na wari ko ay mga modelo din.
Hindi kalaunan ay umalis din si Gio ng tawagin siya ng isang kaibigan niya na lalaki. Nakaupo kami na malayo sa pool ngunit malapit sa mga pagkain.
" Grabe ang saya!" Sigaw ni Mika ng tumunog ng mas malakas ang music.
" Gusto kong sumayaw Miks! Ngayon lang 'to!" Sagot naman ni Gab.
Halos magiisang oras na kaming nakaupo at niyayaya ako ng dalawa upang magswimming at sumayaw dahil sa galing ng dj na kinuha nila.
Iling lang ang sagot ko sa kanila. Hindi din ako nakasuot ng kahit anong pagswimming kaya wala silang choice kundi ang iwan nalamang ako. Nilagok ni Gab ang huling martini sa baso niya bago tumayo.
" Bakla ano ba? Ayaw mo ba talaga?" Naiinis na pahayag ni Gab.
Umiling akong muli. Mula kaninang pagdating hanggang ngayon ay wala akong nakikitang ni anino ni Tross, o baka naman ay natatabunan lamang siya ng maraming tao sa pool.
Kaya mas okay na nandito lang ako dahil baka magkrus pa ang landas namin, at sabihan pa akong makapal ang mukha pagkatapos ko siyang sampalin ay nandito ako. Nakikikain. Napailing nalamang ako sa kaisipang iyon.
Hindi ako mapakali sa inuupuan ko dahil naiihi ako. Sa dami yata ng juice na iniinom magsimula kanina.
" K-Kuya saan po may cr dito?" Halos pabulong kong tanong sa binatang waiter na kinukuha ang walang lamang mga baso sa lamesa malapit sa akin.
" Pasok lang po kayo sa pinto na iyon Ma'am." Turo niya sa likod ng bahay ni Tross at may pintuang nakasarado. " Sa may kusina po meron. Doon po kasi ay basa po maging sa flooring baka po mabasa kayo." Aniya na tumingin sa suot ko.
" Ah ganoon ba. Salamat." Tumayo na ako, tumingin ako sa cr sa labas ng bahay kung saan may parang maliit na bahay. May nakikita akong labas pasok na basang basang ang katawan ng dahil sa pagswiswimming.
Sa paglalakad ko ay may bumabati sa aaking iilang mga modelong mga lalaki. Ang iba ay binigyan pa ako ng shots pero tinanggihan ko.
Nagbuntong hininga ako at tumungo sa pinto na sinabi ni Kuya kanina. Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin ang tahimik na kusina nito.
Dim lamang ang ilaw at mukhang sa labas lang talaga ang party. Pagsara ko ng pinto ay medyo humina ang tugtugin.
Maging sa kusina ay napamangha ako sa modernong diseniyo nito. Sa gitna nito ay ang mga lutuan. Naglakad akong muli at inasikaso ang paghahanap ng banyo dahil naiihi na talaga ako.
Hindi kalayuan ay nakita ko din ito. Maging sa banyo ay hindi pinalampas ang magandang diseniyo nito at pulidong pagkakagawa.
Hindi ko na napigilan ang paglalakad palabas ng kusina pagkatapos kong magbanyo. May roon pa akong nakitang mga pintuan na hindi ko alam kung ano ang nasa loob hanggang sa makita ko ang malaking chandelier sa gitna ng sala nito. Mataas ito at sobrang ganda talaga.
Inikot ko ang aking mga mata sa paligid na kahit dim ang ilaw ay kitang kita ko pa din ang loob nito. Ang ilaw na nanggagaling sa buwan ay pumapasok sa malaking up down window nito kaya mas lalo ko din nakikita ang loob nito.
Manghang mangha ako sa nakita. Nakasara ang pintuan nito sa harapan. Inikot ko ang aking mga mata sa buong paligid ngunit ni isang katulong ay wala akong nakita. Ang tugtugin lamang sa labas ang naririnig ko.
Tumingin ako sa taas kung saan may iilan din mga pinto ang naroon. Sa dulo ay naroon ang hagdaan patungo sa taas. Sa pagkamangha ay dinala nalamang ako ng aking mga paa sa pagakyat sa hagdan.
Maaaring bago palamang ito dahil amoy ko pa ang pinturang ginamit dito. At ang mga sofa ay mukhang bago pa maging ang iilang materyales. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansin ang malaking letrato ni Tross na nakasabit sa dingding.
Maaaring nakuhanan ang pormal na kuha na iyon ngayon lamang taon dahil hindi siya mukhang bata dito. Nakasuot siya ng black suit at may baso ng wine siyang hawak. Napakalinis ng pagkakagupit ng buhok niya at madilim ang titig niya. Hindi man lang niya nagawang ngumiti. He really look so ruthless and furious.
Luminga ako sa paligid upang tignan ang ibang larawan ngunit mga paintings nalamang ito ng mga sikat ng pintor sa mundo.
Hindi ko namalayan na nasa pangalawang palapag na pala ako ng bahay. Dalawang pinto ang sumalubong sa akin. Dinaanan ko ito at napahinto ng sumabong ang aking mahabang buhok sa aking mukha dahil sa hangin na nagmula sa veranda. Napahinto ako at napabaling sa aking kaliwa at sumalubong sa akin ang nakabukas na veranda nito. Napangiti ako at naglakad patungo doon.
Umihip muli ang simoy ng hangin. Lumabas ako sa veranda kung saan mayroong dalawang upuan at may maliit na center table..
Halos kita ko ang ganda ng tanawin dito. Dahil nasa kabilang dulo ang bahay ni Tross masisilayan mula dito ang naglalakihang mga halaman.
Niyakap ko ang aking sarili ng maramdaman ang lamig. Pinatong ko ang aking magkabilang siko sa railings.
Napaigtad ako ng tumunog ang cellphone ko sa aking maliit na side bag at dali dali ko itong kinuha.
Hendrix Calling...
" He-Hello?"
" Sapphira... I'm sorry did I disturb you?" Nagaalangan niyang tanong.
" No Hendrix, it's okay. Bakit ka nga pala napatawag?"
" Are you in the house?" Napatiim ako sa aking bibig at tumayo ng tuwid.
" W-Wala Hendrix. M-May importante lang kaming pinuntahan ni Gab." Napangiwi ako sa aking sinabi. Hindi ko pwdeng sabihin sa kanya na nasa kina Tross kami dahil alam kong hanggang ngayon hindi pa sila okay.
" Oh..." naramdaman ko ang pagkadismaya sa kanyang tinig at napapikit ako. " I thought I can visit. Maybe tomorrow then?"
Napakagat ako sa aking mga kuko. " Yeah sure.."
Tumahimik ang kabilang linya na wari ko ay nagiisip siya.
" Okay see you tomorrow Sapphira."
" Sure, bye Hendrix." Dahan dahan kong binaba ang cellphone ko.
" You're man called?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking likuran.
Para akong tuod na nakatayo at hindi siya kayang harapin. Bakit siya nandito? Hindi pa naman tapos ang party sa baba, hanggang ngayon dinig ko pa din ang lakas ng tugtog.
Tumikhim ako upang alisin ang bara sa aking lalamunan. Huminga ng malalim upang makakuha ng madaming lakas. Dahan dahan ay humarap ako sa kanya.
Napaawang ang labi ko ng makita siyang nakasuot ng sweatpants at walang saplot sa itaas. Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa hubog ng kanyang katawan.
May dala siya maliit na tuwalya na nasa kanyang balikat. Gulo gulo ang kanyang medyo basa pang buhok. Kumunot ang mukha ko ng maamoy ang pamilyar na mabagong shower gel nito.
Seryoso ang bawat titig nito sa akin. Nailang ako ng maglaro ang mga mata niya sa aking katawan patungo sa aking mukha. Maaaring nagtataka siya kung bakit ganito ang suot ko o bakit nandito ako.
Kaya ba hindi ko siya nakita magbuhat kanina dahil nandito siya? Imposible naman yata! Madaming babae sa labas.
" A-Ah, p-pasensiya na. H-hinahanap ko kasi ang banyo. O-Oo tama, magbabanyo sana ako." Palusot ko at napakagat sa labi dahil parang naging defensive pa ako.
Umangat ang kaliwang bahagi ng labi nito. " The comfort room was there."
" S-Sige s-salamat." Sabi ko at mabilis na nilagpasan siya. Akmang lalakad na ako patungo sa hagdan ng maramdaman ko ang mainit na haplos nito sa aking kamay. Marahan niya akong hinarap sa kanya.
Kunot noo ko siyang tinignan na seryosong nakatingin sa akin. May itinuro siya sa kanyang likuran na hindi ko maintindihan.
" A-ano?"
" On the last door Sapphira." Aniya. Tumingin ako sa pintuan na nasa huli.
Bigla kong inalis ang aking kamay na hawak niya. " Okay, thanks." Sabi ko at nilampasan siya.
Pagpasok ko sa pinto ay para akong tumakbo dahil sa paghabol sa aking hininga. Inilibot ko ang aking tingin sa banyo na mas malaki ito kumpara sa baba. Pero salungat ng sinabi ko sa kanya hindi ako naghahanap ng banyo! Jusko.
Plano ko pa naman sana ang bumaba na. Napailing ako at naghugas ng mukha at tinignan ang sarili sa salamin. Na-conscious ako bigla sa aking mukha.
Pinagalitan ko ang aking sarili at nagayos. Siguro naman ay paglabas ko ay wala na siya. Hindi nga ako nagkamali wala na siya sa kinatatayuan niya kanina, dahan dahan akong bumaba dahil baka marinig pa niya ang aking pagbaba.
" I'm busy right now." napaigtad ako ng ultimo iaapak ko palang sana sa pinaka huling hagdan ang aking paa ay narinig ko muli ang boses niya.
Inangat ko ang tingin ko ng makita siyang may kausap sa kanyang phone at nakaharap sa bintana. Nagtaas ang kilay nito ng makita ako.
" Okay bye." Tipid niyang sagot at binaba ang kanyang hawak na cellphone.
Nagiwas ako ng tingin sa kanya at parang nakagat ko ang dila ko dahil ayaw ng magsalita nito. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang naglakad na ako patungo sana sa kusina.
" Sapphira..." Aniya kaya napahinto ako.
" Tross..." sagot ko at tumingin sa kanya na seryoso ang mga mata. Ngayon ay may suot na siyang puting t shirt. Pinagalitan ko ang sarili ng naramdaman ang paghihinayang dahil may damit na siya.
" Where are you going?"
" S-Sa labas..." sagot ko.
Tumango siya at nakita ko ang pagtangis ng kanyang mga bagang.
Akmang tatalikod na ako ng hinigit niya ang aking palapulsuhan. Naging mas mahigpit ito ng inilapit niya ako sa kanya.
" T-Tross..."
" Hendrix will fetch you here?" Tanong niya sa matigas na tono. Napaawang ang labi ko sa kanyang tanong.
" H-Hindi..."
" Kaya kaba nagmamadali dahil nasa labas na siya?" Kumunot ang noo ko ng makitang dumilim ang kanyang mga mata.
" Hindi kita maintindihan Tross." Nalilito kong tanong.
" Tell me, kayo na ba?" Marahas kong binawi ang kamay ko.
" Ano ba Tross, walang kami. At iyong iniisip mo noon na nagpapagamit ako nagkakamali ka. Hindi ko alam kung bakit mo naiisip ang mga bagay na yan!"
Napayuko ito at mas lalong nagtangis ang nga bagang.
" Hindi ko alam papano nangyare. Maging si Hendrix nagulat! But damn you Tross for accusing me!" Sigaw ko.
Nanginginig ang aking mga kamay. Nagtaas siya ng tingin sa akin. Nanlambot ako ng makita ang mapupungay nitong mga mata. Naninimbang sa aking sasabihin.
" I-I'm sorry..." bulong nito. Para akong tuod ng marinig ang sinabi niya. Dinig ko ang pagbubuntong hininga nito.
Huminga ako ng malalim at muling naglakad palayo ngunit gaya kanina hinigit niya ako at hinawakan ang aking likuran. Nanlaki ang mata ko ng marahan akong tumama sa kanyang mainit na katawan.
" Tross..."
" I'm sorry baby for being a jerk, and I didn't let you explain." Bulong niyang muli. Napaawang ang labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng agresibo niyang ginawaran ang aking labi ng maiinit na mga halik. Nagulat man ngunit alam ko sa sarili ko na namimiss ko ito. Nanlambot ang buong katawan ko sa kanyang mga halik. Galit dapat ako!
Naalala ko iyong sinabi ni Trinity noong nakaraan. Ginagamit niya nga lang ba ako? Para saan? Pampalipas niya?
Habol habol ko ang hininga ko ng pinakawalan niya ako sa malalalim niyang halik.
" Tross..."
Ngumisi ito. " That's right, call my name Sapphira."
" Mali ito, may girlfriend ka Tross!" Ngunit hindi man lang siya natinag.
" Now I will make it right." Aniya at napatili ako ng binuhat niya ako.
" Oh my gosh Tross! Put me down!" Tili ko at naglakad siya habang buhat niya ako ng pangkasal.
" Hush baby, we should make it slow." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bago pa makapagsalita ay binuksan na niya ang pinto sa kwarto sa baba at bumungad ang queen size bed nito.
Parang tambol na ang aking dibdib sa kaba. Hiniga niya ako sa kama at pumatong siya sa akin.
" T-Tross ano ba!" Nagkatinginan kaming dalawa. " Magagalit si Trinity-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng inilapat niya ang labi niya sa labi ko.
Naging agresibo ang kanyang mga halik na unti unting nagpainit lalo ng aking buong katawan at nanlalambot ang aking mga tuhod, sinuklian ko ang mga halik nito.
" s**t! I will make you mine!" Anas niya ng bumaba ang mga halik niya sa aking leeg.
My mind tell me to stop but my body says no. Mas lalong nagliyab ang aking buong katawan ng maramdaman ang marahang paghaplos nito sa aking kaliwang dibdib.
Napakagat ako sa aking labi. Mali ito hindi dapat nangyayari ito. Kahit wala na akong lakas dahil sa kanyang ginagawa ay pinilit ko paring itulak siya.
Hindi ako pwedeng bumigay, hindi kami pwede. Gaya ng paulit ulit kong sinasabi. Mayaman siya. Nasaan na ang bakod na itinayo mo Sapphira? Unti unti nanaman bang natitibag?
" Tross, s-stop please..."