Chapter 22: Talk Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Patuya akong tumawa at humalukipkip. Mas lalo nagdikit ang kanyang kilay kasabay ng pag-igting ng panga. "Sorry if I made a stupid decision, ha? Bakit? Hindi ba ay alam mo naman na noon pa man ay ganoon na ako kaya anong pinagkaiba sa katangahang ginawa ko ngayon?" I was spouting those words like a venom. I just... can't believe that he subtly called me stupid. Ni hindi man lang muna ako kinumusta at nagalit agad. "Don't use that tone on me, Savi," may banta sa kanyang tinig. Nagtaas ako ng kilay, mas lalong nairita. "You know what? Why don't you just leave me alone because I'm not in the mood to talk to you. You're annoying me." Akala niya ba ay hindi ko nakalimutan iyong sumagot sa tawag ko sa kanya kanina? Sino at bakit may

