bc

Walking the Distance (Complete)

book_age18+
691
FOLLOW
2.0K
READ
age gap
opposites attract
arranged marriage
bxg
humorous
witty
poor to rich
engineer
actress
stubborn
like
intro-logo
Blurb

ESCORT SERIES #2

Savannah Irish Fujita has always been a pain in the ass on her parents. Kaliwa't kanan ang nali-link na lalaki sa kanya ngunit hindi naman nito boyfriend. Dahil sa isyung ito, napagpasyahan ng kanyang mga magulang na ipakasal ito sa hindi kilalang lalaki sa kanyang murang edad. Much to her horror, the guy isn't even rich! He obviously doesn't like her and so is she.

She cursed him for being so poor and always grumpy at her but then he's very, very gorgeous and hot. When the time comes that Savi is all ready to walk down the distance in between them and finally accept him as her future husband, she has discovered his past and real identity. Just like that, she disgusts herself so much.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue "Yes, Dona, I'll go tonight. Tier 99, right?" I said over the phone. "Siguraduhin mo, Savi! Kapag hindi ka pumunta, ipagkakalat ko ang s*x scandal mo! Sige, sira career mo!" Humagalpak siya sa kabilang linya. I laughed at her. "Kakabahan sana ako kaso parang ikaw yata ang may mga scandal?" "Hoy! Walang ganyanan! Sa 'yo ko lang sine-send 'yan, ha, kaya kapag kumalat, ikaw sisisihin ko," she joked while still laughing. Napailing na lang ako at ngumisi. It wasn't really true, though. Even with her reputation, there was no scandal of her and her former or current fubus. Pagkatapos ng tawag ay agad tumunog ulit ang phone ko. I answered the call of my manager and laid down on my bed here in my condo unit. "Hello, Ade," pagod kong bungad at niyakap ang isang malaking ulo ng asong stuff toy na bigay sa akin ng isang batang fan noong huli kong mall show. "Where are you? In your condo? I told you, may interview ka mamaya sa isang talk show!" gigil niyang sambit. Huminga ako nang malalim. "What time is it?" "Alas tres ng hapon. Pero kailangang nandito ka na dalawang oras bago iyon!" "At bakit? I can go there by 2 o'clock!" "Anong alas dos pa? Aayusan ka pa! Ire-review mo rin ang mga tanong na ibabato sa 'yo mamaya. Live iyon, Savi. But don't worry, after you review the questions, you can eliminate some if you think that's too personal," tila nanunuyang saad niya. Live? I chuckled sarcastically. Wala talaga akong tiwala sa mga live interview na 'yan. Kahit pa may tanggalin ako sa itatanong nila, dadagdagan pa rin nila iyon kapag nakaharap na sa kamera. Kahit hindi ko pa sagutin, gagawa sila ng paraan para gipitin ako sa pagsagot. I can cover up lies most of the time, though. But I don't really like it when someone's asking me very private questions. But who am I kidding? I chose this path. I chose to live with my career now as an actress. Show business is show business. Kung gusto kong manatili sa kung ano ang meron ako ngayon, kailangan kong sundin si Ade. If I want to reach the top, I need to exceed the expectations of many people. I'll show them what they want to see and tell them what they want to hear. Pero madalas, nakakapagod ding magpanggap at magsinungaling sa harap at likod ng kamera. Nakakalimutan ko kung sino nga ba talaga ako at kung ano nga ba ang gusto ko. But then, I want to prove something... to myself. "Okay. I'll be there by one," I finally replied to her. "Good! Thirty minutes before one ko na papupuntahin ang driver at personal assistant mo riyan, okay? Be ready! And do not forget to eat your lunch. Bye, love." Pinatay ko ang tawag bago gumulong sa kama. Alas onse na. Walang dalawang oras ay paniguradong darating na sina Nilo at Aura, ang personal driver at assistant ko. I dialed a very familiar number and ordered food for my lunch. Pagkatapos ay inihagis ko sa kama ang phone at tumayo. Dahil ako lang naman ang tao sa unit, walang pakialam kong hinubad ang lahat ng damit ko pati na ang underwear sa ibaba ng kama. I took a quick shower and went out of the bathroom wearing only my white robe. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang tumunog ang doorbell ng unit ko. Inayos ko ang pagkakabuhol ng roba at sinuklay ang basang buhok gamit ang daliri. Kinuha ko muna ang wallet ko bago sumilip mula sa peephole at nakita ang isang lalaking naka-cap ng kanilang kainan at nakaitim na jacket. Ngumiti ako nang malawak at binuksan ang pinto. "KFC food delivery for Miss... Irish Fujita," wika ng delivery boy matapos akong pagmasdan mula ulo hanggang paa. Kinuha ko ang paper bag mula sa kanya at inabot ang bayad. "Thank you! Keep the change," I said and smiled sweetly at him. Tagal ko nang nagki-crave ulit sa chicken nila, ah. Hindi kasi ako pinapayagang kumain ng manager ko sa mga 'cheap' fast food chain, ayon kay Ade, tulad nito. She always wants me to diet when I'm not even that fat! Isasara ko na sana ang pinto nang mapansin kong nasa harap pa rin siya ng pintuan ko at nakatingin nang seryoso sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya at pinagmasdan din siya. He was quite tall, probably a 6 footer and few inches, and had obvious massive body even though he was wearing a jacket. Lastly, he looked... handsome but dark. Not dark, really. But still, he looked hot for a delivery boy! "Uh, do you still need anything? Kulang ba ang bayad ko—" Napansin kong may dinukot siya sa likod ng kanyang pantalon kaya natigilan ako. He advanced forward and so I stepped backwards. "Pasensiya na, Miss. Para sa 'yo rin itong gagawin ko." My eyes went wide when he successfully entered my unit. Nabitiwan ko ang paper bag at tatakbo na sana pabalik sa kuwarto nang hatakin niya ako sa braso. I shrieked and wiggled my arms to escape from him but he expertly covered my mouth and nose with a handkerchief, putting my arm behind me. I tried using my legs to defend myself but he was quick to lock them with only his one strong leg. Umikot ang mundo ko sa malansang naamoy mula roon sa panyo at nagsimula nang manlabo ang mga paningin ko. My arms fell on the sides as I felt his strong arms on my waist, holding it firmly. Naramdaman ko na lamang na lumulutang na ako sa ere. "T-tulong..." "Pasensiya na talaga, Miss. Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. Sisihin mo na lang ang may pakana nito kapag nagising ka." I couldn't comprehend what he said because everything went dark that time. Nagmulat akong muli nang may maramdamang humahaplos sa aking pisngi. Kumabog nang husto ang dibdib ko at agad napabangon sa kinahihigaan. Napapikit ako at napahawak sa sentido nang kumirot iyon. I tried to recall what happened but my head kept on throbbing. Anong nangyari? The last time I remember, I was in my condo waiting for my food! I was supposed to have an interview but then... the delivery boy kidnapped me? "Tumayo ka na riyan. Kumain ka na," baritonong sabi ng isang pamilyar na boses. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "U-Uncle? Ikaw ba ang nagpadukot sa akin?!" bulalas ko. Tumalim ang mga mata niya. "Don't call me that. Get up, brat." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at tinalikuran na ako bago naglakad palayo. Napahawak ako sa dibdib kong mabilis ang pintig sa loob na para bang ilang sandali na lang ay sasabog na ito. Why would he kidnap me? His own niece? I remember when I lived in with him years before, he was always mad at me! I really disliked him! After what he did to me... siya pa talaga ang gagawa sa akin nito? I need to get out of here as soon as possible. Malamang na nagwawala na si Ade kapag nalaman niyang hindi ako dumating sa interview! Teka, anong oras na nga ba? Inalis ko ang nakabalot na kumot sa aking katawan at tumayo mula sa kama. I just then realized I'm now wearing undergarments underneath this loose white shirt that reached my mid thigh. As far as I remember, I was kidnapped only wearing my darn bathrobe! Sino ang nagbihis sa akin kung ganoon? Si Uncle? E 'di nakita niya ang buong katawan ko nang hubad? As if ngayon niya lang naman nakita kung ganoon? I groaned. Ano ba, Savi! Pull yourself together! Kailangan ko pang umalis dito! Regardless if I'm only wearing this piece of cloth. Basta huwag lang sigurong nakahubo't hubad! Nilibot ko ng tingin ang paligid. Isang malaking kama ang hinigaan ko at puro puti ang makikita roon. The walls are painted in combination of plain black, cream and white. Wala masyadong gamit bukod sa side table at isang aparador na gawa sa kahoy. May aircon pero ang nakasindi ay ang stand fan. Ano ba naman 'yan. Nagtipid pa 'tong si Uncle! Hindi na lang binuksan ang aircon para naman kahit paano ay mas komportable ako gayong ni-kidnap niya na nga ako. Dalawang pinto ang makikita mula sa kinatatayuan ko. Isang pinto palabas ng kuwarto at ang isa, nang buksan ko, ay isang banyo. Bukod ang shower room sa may bathtub! Pero walang walk in closet? So cheap! Binuksan ko ang aparador at wala ring gamit doon. Wala pala akong mapapala rito. Padarag kong sinara iyon at dumiretso na sa pintuan para lumabas. "Uncle!" tawag ko pagkalabas na pagkalabas pa lang ng kuwarto. Nilakad ko ang hallway na nadaanan at luminga-linga sa paligid. Binuksan ko ang bawat pintong nadaanan pero lahat ay naka-lock. Nang marating ko ang malapad na hagdanan ay tumigil ako sa paglalakad at tiningala ang napakalaking chandelier na nakasabit sa ceiling. Parang bituin na kumikinang ang siguradong diyamenteng naroon. May ilang mas maliit na chandelier sa tabi ng pinakasentro. Bumaba na ako at tiningnan ang dalawang sundalong nakatayo at may hawak na espada na nasa magkabilang dulo ng hagdanan. Naningkit ang mata ko at hinawakan iyon. "This seems like made from expensive white marble," I said to myself. "Well, it's obvious naman." "What are you doing?" tila iritadong boses ni Uncle ang nagsalita sa likod ko. Nilingon ko siya at sinimangutan. "Uncle! Uuwi na ako!" Salubong ang kilay niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Tumigil iyon sa may paanan ko. I curled my toes. Magaspang ang natatapakan ko kanina pa sa hagdan hanggang dito sa baba dahil sa alpombrang kulay pula. "Bakit nakapaa ka? May tsinelas sa ilalim ng kama na hinigaan mo kanina," galit ulit niyang wika. "So? Aakyat ulit ako para kunin iyon?" sarkastikong balik ko. "Tara na sa kusina at kumain ka na!" pagsusuplado niya pa rin at tinalikuran ako. Sumunod ako pero nagpatuloy sa pagsasalita. "Uncle, hindi ko alam kung bakit mo ako pina-kidnap pero kailangan ko nang bumalik ngayon sa condo. I probably missed my interview and Ade might send herself to a mental hospital if she learns that I've been abducted!" Hindi niya ako pinansin. Bumilis lang ang lakad niya kaya halos tumakbo pa ako para lang mahabol siya. Damn his long legs! I wish I had those! Lumingon ako sa paligid at napansing walang ibang tao. This is more like a mansion and don't tell me he has no maids? Kahit isa? "Uncle, kanino ang bahay o mansiyon na ito? Bakit walang ibang tao? Nasaan na ba tayo?" Nakarating kami sa kusina at doon ko lang naramdaman ang gutom. I held my tummy when it growled louldly like a wild tiger. "I'm hungry!" sabi ko bago naupo sa kabisera ng mahabang mesa at ipinatong doon ang magkabilang braso. He didn't speak. "Uncle! I'm hungry!" ulit ko. "Pina-kidnap mo ako noong lunch ko na sana—" "Manahimik ka na riyan, Savi. Pakakainin kita kaya 'wag kang umatungal na parang bata," malamig niyang putol sa akin. I pouted and placed my palm under my chin. I glared at his back while he was preparing my food. Nang humarap siya sa akin dala ang mga plato at kubyertos pati na ang isang bowl ng kanin, hindi ko pa rin inalis ang masamang titig sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin. I rolled my eyes. "I'll sue you for kidnapping me. Do you know that it is a non-bailable offense?" He smirked without humor in his eyes. "Mas malala pa ang mangyayari sa 'yo kapag hindi kita dinala rito." Naglapat nang mariin ang mga labi ko. What does he meant by that? Bumaba ang tingin ko sa plato nang lagyan niya iyon ng maraming kanin. "That's enough! I'm on diet!" Akala ko ba ay hindi mo kailangan ng diet, Savi?! Kumunot ang noo niya at dinagdagan pa ang kanin ko. I held his wrist to stop him. "Kumain ka nga nang marami. Nakikita mo ba 'yang katawan mo? Halos buto't balat na! Walang kalaman-laman." "What?! Excuse me, I'm not skinny! This is what you call sexy! Huwag mong sabihing hindi mo alam iyon, Uncle, gayong ikaw itong maraming babae na mas payat pa sa akin! Oh! That's what you like right? A body of a coca-cola, boobs like watermelon and ass like—" Naputol ang sinasabi ko nang isungalngal niya sa bibig ko ang kutsarang puno ng kanin. Umubo ako agad at pinunasan ang bibig. "Why the f**k did you do that?!" Umigting ang kanyang panga at yumuko nang bahagya palapit sa akin. Namilog ang mga mata ko at agad naiatras ang mukha sa kanya. Nakapatong ang isang kamay niya sa sandalan ng upuan ko at ang isa ay sa mesa. My heart was stupidly beating so fast at the sight. "Alam mong ayaw na ayaw ko sa mga babaeng nagmumura, Savannah. Especially when it comes to that pretty delectable lips of yours," he whispered coldly and looked down on my lips. Napakuyom ang kamao ko na nakapatong sa mesa at halos lagnatin sa init ng pakiramdam ko. My lips trembled a bit as my eyes started to blur. His gaze returned to my eyes and I looked away. "Stop doing this and stop saying things, Uncle..." Tumulo ang luha ko nang hawakan niya ang aking baba at inangat iyon. Pilit niyang hinuhuli ang tingin kong mailap sa kanya. "Iuwi mo na a-ako, Uncle." Nabasag ang boses ko. Lumunok ako nang maramdaman ang mainit at mabangong hininga niya na umiihip sa aking mukha. Tuluyan na akong nanigas sa kinauupuan at napapikit nang dumampi ang malambot at mainit niyang labi sa akin. "Uuwi ka..." he murmured sexily against my lips. "Sa bahay ko, Savi. Kapag maayos na ang lahat."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook