Chapter 1: Mistaken

2804 Words
Chapter 1: Mistaken "Alam mo ikaw, ang stupid mo," sabi ko kay Echo na nakahiga ngayon sa hospital bed dahil nahulog sa hagdan. Tumawa lang siya habang binabalatan ang dala kong orange. I rolled my eyes and slapped his injured leg. "Aray! Grabe ka, Savi! Sinabihan mo na nga akong stupid na sobrang sakit sa damdamin bilang isang lalaki, tinamaan mo pa 'tong binti ko?" madrama niyang sinabi at sinapo pa ang dibdib. "Wala kang puso!" I arched my brow at him. If he was just not so stupid for making out on the stairs in our school with his jowa, he won't be here! Baka sa sobrang wild nila, nagtulakan sila kaya ayan. Siya nga lang ang napuruhan. Tapos wala pa rito ang dahilan ng pagkahulog niya para samahan siya? Poor Echo. "How will you play soccer now that you're injured? You're so stupid kasi! Kakairita." Ngumisi siya at hinagis sa side table ang balat ng orange bago nagsalita. "Para namang hindi mo ako kilala. Kahit pilay o tulog man ako, kayang-kaya kong ipinalo ang laro. Watch me," he said before winking at me. Umirap muli ako. "Ang yabang mo kasi kaya ka napipilayan! Bahala ka na nga. Aalis na ako!" Kinuha ko na ang bag na ipinatong ko sa sofa noong pumunta ako rito. Umayos siya ng upo sa kama at pinagmasdan ako. "Hoy, iiwan mo na ako rito? Isama mo na ako!" I smiled wickedly. "Sige, sumama ka kung makakapaglakad ka." Naningkit ang mga mata niya. "Ikaw, Savi, ha. Wala nang klase. Umuwi ka na kung aalis ka na rito. Kapag nalaman kong makikipag-date ka pa, 'yang boyfriend mo na ang nandito sa ospital!" he threatened. Wow. As if he'd do that! "Wala akong boyfriend, duh. And don't worry, I'll go straight home. May final rehearsal kami bukas nang maaga kaya kailangan ko ng matinding beauty rest," I said and walked towards him to kiss his cheeks. He pursed his lips tightly and tilted his head with furrowed brows. "Uuwi nga ako agad! I swear, mapilayan man ang isang paa mo." Naiangat niya bigla ang binti na walang pilay at niyakap na para bang pinoprotektahan. "Sobra ka na, ha. Umalis ka na nga rito. Bully!" Umamba akong hahampasin ulit ang pilay niya nang iharang niya rin doon ang kamay niya. "Ah! Mama! Isusumbong kita kay Mama ko!" sabi niya. Humagalpak ako sa tawa at umiling-iling bago lumabas ng kuwarto niya. Nakabantay sa labas ang driver namin na si Kuya Paeng kaya nang makita niya akong lumabas ay tumango na ako. "Let's go, Kuya Paeng. Mamita's probably waiting for me na." "Mag-isa lang ang kaibigan niyo, Ma'am?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Darating naman mamaya ang kapatid ni Echo kaya ayos lang na iwan ko na siya roon. Ang tanong ay bakit parang concern ang tono niya? "Darating ang kapatid niya mamaya, Kuya. Pero kung gusto niyong samahan muna..." Umiling agad siya at naglakad na. "Hindi, Ma'am. Tara na po." I smirked as we went out of the hospital. Pinatunog niya agad ang sasakyan namin at pinagbuksan ako ng pinto sa likod kaya pumasok na ako. Napasulyap ako sa mga bulaklak at chocolates na nasa tabi ko bago napalingon sa kanya na nagda-drive. "Kuya Paeng, bakit wala ka pang girlfriend? You're like... twenty-five!" Sumulyap siya sa akin saglit mula sa rearview mirror. "May pinag-aaral pa akong mga kapatid, Ma'am, kaya wala pa sa isip ko 'yan. Magastos." "What if you are to court someone, what will you buy for her?" I asked him while smelling one of the flowers I received earlier at school. Mahilig ako sa bulaklak kaya sa tuwing may nagbibigay sa akin nito ay madalas kong tinatanggap. Siyempre, maliban na lang kung bulaklak para sa patay iyon. Who in the right mind would give an alive person that kind of flower anyway? Nakita kong sumulyap ulit siya sa rearview mirror bago ibinalik ang mata sa kalsada. "Depende sa liligawan, Ma'am. Hangga't maaari ay 'yong hindi mayaman at hindi mahilig sa materyal na bagay. Baka mabutas po ang bulsa ko," sagot niya at bahagyang tumawa. Tumaas ang isang kilay ko sa sagot niya. Bakit? Hindi naman lahat ng mayayaman ay mahilig sa materyal na bagay. Itong si Kuya Paeng, kung maka-generalize! "So, tingin mo sa akin ay mukha akong mahilig sa materyal na bagay?" "Hindi naman, Ma'am. Kusa lang talagang may nagbibigay sa 'yo ng mga mamahaling regalo dahil lahat ng iyong manliligaw ay mayayaman." Ngumuso ako. "Hindi naman ako nagpapaligaw, e..." He chuckled a bit. "Ma'am, kung hindi pala kayo nagpapaligaw, dapat hindi po kayo tumatanggap ng mga ibinibigay sa inyo ng mga lalaki. Kapag tumanggap po kasi kayo ng kahit ano sa kanila, ibig sabihin lang noon ay binibigyan niyo sila ng permisong ligawan ka." "What?!" I exclaimed. "E, paano 'yong mga nagbibigay sa akin ng flowers after our play sa theater? Ibig sabihin, lahat ng lalaking nagbibigay sa akin ay gustong manligaw?" I'm confused! If I only knew that receiving flowers from them means I'm giving them my consent to court me, then I shouldn't have accepted that! But... I love flowers! "Hindi naman lahat, Ma'am. Halimbawang may nagbigay sa inyo ngayon tapos tinanggap niyo, kapag nasundan pa ang pagbibigay ng bulaklak, chocolates o kaya teddy bears... ayun, Ma'am. Panliligaw na iyon. Lalo na kung binibigyan kayo kahit wala namang okasyon o ano man." Kumunot ulit ang noo ko at binitiwan na ang bulaklak na hawak. I'm suddenly annoyed with these flowers. Dapat ay hindi na lang ako nagtanong dito kay Kuya Paeng, e. Humaba ang nguso ko lalo at hindi na siya kinausap pa. Inabala ko ang sarili sa pag-scroll sa i********: hanggang sa may nag-notif ng nag-like sa latest post ko. I immediately deleted the picture. That one is the photo of these flowers. Napatingin ako sa harap nang maramdamang tumigil ang sasakyan. Nasa gitna pa kami ng kalsada. "Kuya, what happened?" He unfastened his seatbelt after trying to rev the car for multiple times. "Saglit lang po. Titingnan ko ang makina at mukhang nasiraan tayo," aniya bago lumabas ng kotse. What? Nasiraan ulit? Parang noong nakaraan, tumirik din itong sasakyan, ah? Hindi kaya need ng palitan ito? Limang minuto na yata ang lumipas pero hindi pa rin siya pumapasok ulit. Nakaangat na ang nguso ng sasakyan at noong lumingon ako sa likod, may nakatigil nang sasakyan doon at bumubusina. Hello? Bakit diyan pa siya huminto kung kitang nandito na nga kami at hindi gumagalaw dahil nasiraan? Maluwang naman sa kabilang side, ah? Lumabas ako agad at pinuntahan si Kuya Paeng. "Kuya, what's wrong? Hindi ba maayos iyan agad? Binubusinahan na tayo," inip kong saad at napahawak sa bibig ng sasakyan. "Ma'am!" aniya kaya napahawak ako sa dibdib sa gulat. "Marurumihan kayo. Doon na po kayo sa loob." Inalis ko agad ang kamay roon at sumimangot. "Kaya mo ba 'yan, Kuya? Kasi kung hindi, magtawag na lang tayo ng taxi o magpa-book ng grab at ipakuha na lang natin 'to sa mekaniko or whatever." Tumayo siya nang tuwid at pinagpag ang kamay. Lumagpas ang tingin niya sa likuran ko kaya napasunod din ako ng tingin. I saw a tall man in navy blue shirt and maong pants walking towards us. I was staring at him warily when he talked to Kuya Paeng. "Anong problema?" he asked in his deep voice. Tumikhim ako at binalingan ulit si Kuya Paeng. "Kuya, hayaan niyo na iyan. Mukhang matatagalan pa tayo lalo. Let's just take a taxi or grab." Ang tingin sa makina ng lalaki ay napabaling sa akin. Napaatras ako nang makita kung gaano kadilim ang tingin niya. His lips twitched a little before he returned his gaze at my driver. "Titingnan ko muna. Baka may magawa ako. Pero... baka puwedeng itabi muna natin ito dahil nakakaabala na sa iba," aniya at muli akong sinulyapan. Hmp! Tingin-tingin pa 'to. Why? He wants me to push this car? "Why? Are you a mekaniko?" I asked. Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay nagkasundo sila ni Kuya Paeng na itulak ang sasakyan sa gilid ng kalsada para hindi nakakaabala. May isa pang lumapit sa amin para tumulong na tingin ko ay kasama nitong lalaki. Oh, wow. They're both tall, lean and... okay, good looking, too. "Ma'am, sa loob na lang po kayo maghintay para hindi kayo mangawit sa katatayo," ani Kuya Paeng. "I'm gonna watch you." "Kayo ang bahala, Ma'am." Tumango siya at pumunta sa likod ng sasakyan para kunin yata ang hinihinging gamit ng guy. Lumapit ulit ako sa nguso ng sasakyan at sumilip. Pero ang pagsilip ko sa makina ay napunta ulit sa lalaking nakayuko roon at may seryosong mukha na tinitingnan iyon. "So, what's the problem in our car?" Kumunot ang noo niya. Dumating na si Kuya Paeng kaya hindi niya na nasagot ang tanong ko at naging abala na sa pagkalikot doon. Napapadyak ako sa semento at napairap bago bumalik sa loob ng sasakyan kahit mainit. Nag-chat ako kay Echo kung naroon na ba si Loke para may bantay siya. Echo: dumating para umalis ulit haha. pinuntahan yata ang jowa. Savi: alam mo kayo, puro kayo jowa! kaya kayo naaaksidente e. Echo: nasa bahay ka na? picture nga bilis dapat nakapambahay ka na. wag isama mukha ah Savi: we're not yet home. nasiraan ang sasakyan and someone's helping us Bumukas ang pinto sa harap at dumungaw si Kuya Paeng. "Ma'am, hindi po talaga kaya ayusin. Kailangang ipatingin na talaga." "What? So mag-grab na tayo? It's okay naman sa akin." "Kung ayos lang sa 'yo, Ma'am, nag-alok po 'yong tumulong sa atin na ihatid na lang daw tayo. May talyer naman daw po sila kaya ipakukuha niya na lang itong sasakyan, Ma'am." Napakunot ang noo ko at napakamot sa ilong. Kinuha ko agad ang bag bago lumabas ng sasakyan. I fanned myself using my hand because it was really hot inside the car and I'm already sweating. Naabutan kong nag-uusap sila ng guy na nag-offer ng tulong sa amin. Lumapit ako sa kanila kaya napating sila sa akin. "I thought you're a mekaniko?" I asked the guy. "Ma'am..." The guy swiped his tongue over his slightly pouting lips. "May sinabi ba akong mekaniko ako?" "But you offered..." Napatigil ako nang makitang para siyang natatawa habang nakatingin sa akin. Kumulo agad ang dugo ko. "What are you laughing at?!" Kinagat niya ang ibabang labi para pigilang ngumiti at binalingan si Kuya Paeng. "Pakitanong kung gusto niyang sumabay sa amin. Hindi ako kumakausap ng supladang madungis," aniya, medyo natatawa. What? Supladang madungis? Is he referring to me? Lumingon sa akin si Kuya Paeng at tinuro niya ang mukha ko tapos ang mukha niya. Kumunot ang noo ko at napahawak sa mukha. Humalakhak lalo ang lalaki. Oh my gosh. What's funny?! "Ma'am, may grasa po kayo sa..." aniya tapos tinuro ang pisngi at ilong niya. Nanlaki ang mata ko at nag-init ang pisngi. Napayuko agad ako sa side mirror ng sasakyan at nakitang may itim nga sa mukha ko. I groaned in annoyance when I looked at my dirty hand. Padabog kong nilabas ang panyo sa bag at pinunasan ang mukha gamit iyon habang nakayuko pa rin sa side mirror. "Okay na? Okay na?" sarkastikong tanong ko sa lalaki. "Ma'am, sasabay po ba tayo o maghihintay tayo ng masasakyan dito? Wala pa naman masyadong taxi rito at puro jeep lang..." "How about we book a grab?" Nagpamulsa ang lalaki at naglakad na palayo sa amin. Tumigil siya sa tapat ng isang pulang Honda Civic bago lumingon ulit sa amin. "Anong oras pa 'yon darating, Ma'am? Mukhang uulan pa naman," sabi ni Kuya Paeng at tumingala sa langit. Napatingin din ako at nakitang tama siya. Maulap at maitim ang kalangitan. "Saka, Ma'am, libre naman daw ang pagsabay natin. Doon din sa subdivision niyo ang punta nila," he insisted. "Why? Does he live there?" He shrugged his shoulders. "Hindi ko po sigurado." Umismid ako nang makitang nakahilig na sa sasakyan ang lalaki at tina-tap ang bubong nito gamit ang mga daliri. He smirked when he saw me looking at him so I rolled my eyes. Nauna na akong lumapit sa Honda Civic habang nilalagay sa camera app ang phone. I stopped in front of the car and took a picture of the plate number. Umangat ang tingin ko nang marinig ang mahinang tawa niya. "What's funny? I just wanna be safe! I'll send this to my friend and relatives so if we won't get home by five, they'll know how to find us." Tumango siya. "Send mo na agad kung gusto mo." "Dito na kami sa likod, Sir," ani Kuya Paeng. "Ma'am, sakay ka na po." Inis kong binaba ang phone at inismiran ang lalaking nasa harap. "What's your name? So they'll know what is my kidnapper's name!" Naningkit ang mata niya habang nakaangat pa rin nang bahagya ang gilid ng labi. "Ariz Padua," he said lowly. "Pakisabi, 'yan ang pangalan ng kidnapper mo. Ngayon, pumasok ka na sa loob, binibining madungis." Sabay lahad niya sa pintong nakabukas. Isang irap ulit ang ginawa ko bago pumasok nang padabog sa loob ng sasakyan. Sumunod naman agad si Kuya Paeng sa tabi ko at si Ariz sa harap. "Saan kayo banda, Miss?" the guy on the driver's seat asked playfully. Driver siguro siya ni Ariz? Lumingon nang bahagya si Ariz sa amin. Sinabi naman ni Kuya Paeng ang exact address namin kaya binuhay na ng driver ang makina ng sasakyan. What if they're really kidnappers? Oh, yeah! I'll send this pictures to Echo. Echo: ano gagawin ko diyan. Savi: stupid!! try mong kainin! kapag hindi pa ako nakapag-reply mamaya, ipahanap mo agad ang plate number na yan. Echo: ano? di kita gets. ayusin mo at baka ikaw na ang pilayan ko haha Savi: we're being kidnapped, stupid!! Echo: tanga. kung kini-kidnap kayo ngayon, bakit nakakagamit ka ng phone para magsumbong? sinong bobo: yung kidnapper o ikaw? "He's so stupid! Paanong ako ang naging stupid?!" napalakas kong sabi kaya napatingin sa akin si Kuya Paeng. "Kausap mo, Ma'am?" nagtataka niyang tanong. Nakarinig ako ng tawa sa harap. Nakatingin lang naman sa akin si Ariz kaya tingin ko, si driver ang tumawa. Lumapit ako nang bahagya kay Kuya Paeng. "I told Echo that we're being kidnap and he said I'm stupid," sumbong ko. Nagsalubong ang kilay ng driver ko. "Bakit daw, Ma'am? Pero... hindi naman po tayo kini-kidnap, ah?" "I sent him the pictures of this car's plate number. Sabi ko, kapag hindi ako nakapag-chat mamaya ay ipahanap niya na agad ang sasakyan na ito," I whispered. Baka marinig, e. Lumapit naman nang bahagya pa si Kuya Paeng. "Oh, tapos, Ma'am? Paano ka naging stupid daw?" I glared at him. "He told me that if we're being kidnap by now, bakit daw ako nakakagamit ng phone para magsumbong. And he asked me who's stupid: me or the kidnapper?" Tumango-tango siya. "Hindi naman tayo kini-kidnap, Ma'am." I pursed my lips grimly. "So who's stupid now?" Napakamot siya sa ulo. "Ako na lang, Ma'am, para walang gulo." Hay naku! Ayaw pa kasi sabihin na si Echo nga 'yon! Sa inis ko, hindi ko na ni-reply-an si Echo at baka maihagis ko lang ang phone sa labas. Nakahinga naman ako nang maluwang nang makitang nasa loob na kami ng subdivision namin at tinatahak ang direksiyon patungo sa address namin. "You seem familiar here, Manong. Dito ba nakatira ang amo mong si Ariz?" pagbasag ko sa katahimikan. Mabilis na lumingon sa akin si Ariz at tumawa ang driver. Kumunot ang noo ko sa kanila. "Takte, na-manong na nga ako, napagkamalan pang driver! Saka bakit Ariz?" Tumawa lalo ang nasa harap ko. "Huh? W-why? You're not his driver?" Sabay baling ko kay Ariz. "Hindi ko siya driver," sagot ni Ariz gamit ang seryosong tono. "Sa kanya itong sasakyan at nakikisakay lang ako." Nanlaki ang mata ko at agad natutop ang bibig. My cheeks suddenly heated up because of embarrassment. So hindi kanya ang sasakyan na ito? Bakit hindi niya sinabi agad? Napahiya pa tuloy ako! "Dito na lang po kami," sabi ni Kuya Paeng kaya itinigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Agad siyang lumabas kaya sumunod agad ako. Lumabas din ang may-ari ng sasakyan at si Ariz. Yumuko ako nang lumapit siya banda sa amin habang nakapamulsa. "Maraming salamat sa inyo," ani Kuya. "Ma'am, magpasalamat po kayo," bulong niya sa akin. Duh, I'd really do that. Kinagat ko ang aking labi at nilingon ang nakangising driver na siya palang may-ari ng sasakyan. "U-uh... salamat po sa paghatid sa amin." I smiled awkwardly. "What's your name pala?" "Walang anuman. Luke ang pangalan ko." Lumawak ang ngiti niya at nilingon si Ariz na nakatingin sa akin. "Same to you," labas sa ilong kong sinabi. Bahagyang kumibot ang kanyang labi at nag-iwas ng tingin. "Anong pangalan mo?" Umismid ako. "Savannah. Or just Savi." "Savannah... suplada," aniyang nakangisi bago ako tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD