Chapter 2: Technique
"And he called me suplada, Mamita! Am I suplada? Hindi naman po, 'di ba?"
We're in the dining room and currently eating our dinner. Of course, I told Mamita, my dearest and favorite grandmother, about what happened earlier.
"Of course not, hija! Ikaw ang pinakamabait kong apo na babae. Kaya sige na, kumain ka na ng gulay at nang lumakas pa ang katawan mo. Naku!"
I protruded my lips when she started putting some green vegetables on my plate.
"Mamita, ako lang naman ang apo niyong babae," nakasimangot kong sabi.
She laughed and sipped on her glass. "That's why you're my favorite! Iyang sina Nicholas at ibang mga pinsan mo, napakapasaway. Nagkaka-wrinkles ako. Can you see my face, darling?"
Humilig naman ako sa mesa para makita ang kanyang mukha na nakaharap sa akin. I noticed that she gained some wrinkles like what she assumed.
"Mamita, I think we should go to a spa this coming Saturday since I have no class naman."
Napapaypay siya sa kanyang mukha gamit ang kamay kaya tumayo ako para yakapin siya.
"It's okay, Mamita. You're still gorgeous," I consoled and kissed her cheeks.
Maaga pa lang kinabukasan ay nasa school na ako. Final rehearsal na kasi namin sa musical play na gaganapin sa darating na Lunes. I'm the female lead so it is expected that I won't be late.
"Guys, kuha na kayo rito ng ginger chews. After that, let's start na," ani Kendra at inabot ang isang pack ng Chimes Ginger Chews sa kasama namin.
I took one and put it inside my mouth. Hindi tulad ng mga ginger candy, talagang anghang ang malalasahan sa Chimes at kung may tamis man, nasasapawan iyon. Hindi ko talaga gusto iyon noong una pero habang tumatagal, sumasarap naman siya sa panlasa ko.
I tied my hair into a high messy bun and clipped my bangs as well so it won't distract me. Though sa mismong play, aayusan pa rin ang buhok ko. Naging maayos at malinis ang lahat sa buong rehearsal.
Tumikhim ako. "Do, re, mi, fa, so, la, ti..." I vocalized from low to high notes after the rehearsals.
Tumawa ang mga kasama ko sa backstage nitong Luminous Theater. Nagliligpit na sila ng mga gamit.
"Huwag masyadong galingan, Savi! Maganda na ang boses," ani Julie.
Ngumiti lang ako bago uminom ng tubig sa dalang tumbler. Naupo ako sa isang monoblock at pinatong ang sports bag sa sahig bago binuksan ang phone. Saglit lang akong nag-scroll sa IG at Twitter bago nagdesisyong magpalit na rin ng damit.
Pagkalabas ko pa lang ng theater ay bumungad na sa akin ang friends s***h classmates ko.
"Savampire!" sabay na tawag ng dalawa.
Oh my gosh. Nakakainis talaga kapag tinatawag akong ganyan! I'm not a vampire for Pete's sake!
I rolled my eyes when they got near me. Umakbay agad sa akin si Kana, ngising-ngisi. Pareho silang naka-uniform na samantalang ako, naka-white shirt na v-neck at jogger pants.
Napalingon ako sa paligid at nakitang may mga nakatingin na sa amin.
"Don't call me Savampire."
Tumawa si Mea. "Bakit? Ang cute nga, e! Patingin ng ngipin, dali! Vampire!"
Iniwas ko ang mukha sa kanila nang hawakan nila ang pisngi ko at pilit pinapangiti para ipakita ang dalawang sungki ko. Magkabilaan talaga kaya inaasar ako sa tawag na iyon.
"By the way, we already bought tickets for your play! Galingan mo, madear!" ani Kana sabay wagayway ng hawak niyang ticket.
My lips stretched widely and hugged them both. "OMG! Akala ko ay kailangan ko pa kayong bigyan! I hope you chose the best seat!
"Ah, syempre! VIP kami! Best girlfriends ng bida!" Mea grinned at me.
I laughed at them. They are always supportive of me that's why I'm so glad to have them. Sa lahat yata ng performance ko simula nang sumali ako sa theater club noong Grade 8 hanggang ngayong Grade 12 ay naroon sila.
"Let's take a picture!" Talagang tumigil pa kami sa gitna ng catwalk para lang mag-picture.
"Show your tix, Mea! I'll post this on my IG's my day!" Kana instructed as she stretched out her arm for a picture.
Ngumiti ako sa camera matapos ang dalawang take. Nasa magkabilang gilid ko sila at nakangiti nang malawak habang ipinapakita rin ang ticket.
Kinuha ko sa bulsa ng jogger pants ang phone ko nang maramdaman ang vibration nito. Nagpatuloy na kami sa paglakad habang kausap ang coach ko sa karate.
"Yes, Sensei?" I greeted.
"Savi, do not forget that our training will start today. 3 o'clock in the afternoon. Alright?"
Bumuntong hininga ako at kinagat ang labi. "Yes po. Pupunta ako."
"Okay, then. See you, Sav. Don't worry about your excuse letter. Bye."
Tinago ko na agad sa bag ang phone pagbaba niya ng tawag. Nagpunta kaming tatlo sa cafeteria para bumili ng pagkain dahil magla-lunch time na. Hindi pa talaga sila kumain para daw may kasabay ako.
"May training ako mamaya sa karate ng alas tres," I told them and sighed.
Katabi ko si Kana at nasa harap namin si Mea na tanging carbonara lang ang kinakain. Hindi naman puwedeng ganoon lang ang kainin ko sa ngayon lalo't malapit na ang tournament namin.
"Kailan ba 'yan? Araw-araw ulit?" Mea asked.
Tumango ako. "Two to three hours. Araw-araw."
That's actually too long and tiring. Meron pang one time na nasagasaan ang mismong oras ng performance namin sa theater kaya hindi ako naka-attend noon sa training. Karate ang una kong nagustuhan noong Grade 6 ako pero ngayon, mas priority ko na ang pagiging member ng theater club.
My father was the one who encouraged me to learn that. For self defense purposes lang dapat pero nag-enjoy naman ako kaya tinuloy ko rin. But I'd like to pursue acting more than that. That's why I decided after this tournament and the national game, I'll be quitting in karate. Green belter pa lang ako pero senior naman sa team namin.
"Ahay, hirap talaga maging malakas!" Tumawa si Kana. "Member na ng theater club at dance troupe, nagka-karate pa. Aguy, sana all maraming talent!"
"Tseh!" Umirap ako pero pabiro. "Hindi naman ako active na masyado sa dance troupe."
"Alam mo ang kulang, ma?" sabi ni Mea at humilig sa mesa. "Ito! Ito ang kulang sa kanya! At least, the world's fair!" Tinuro niya ang ulo niya.
Nagtawanan sila ni Kana kaya napasimangot ako.
Pagkatapos namin kumain, pinauna ko na sila sa classroom dahil balak kong maligo roon sa shower room ng gym. May sarili akong locker dito kaya nandito ang extra uniforms at clothes ko.
"Savi!" someone called so I looked around.
Nakasampay pa ang tuwalya sa balikat ko habang naglalakad patungo sa shower room nang salubungin ako ni Echo. My eyes went wide immediately.
"Echo? Bakit nasa labas ka na? How's your leg?"
He smirked and raised his right foot from the ground before jumping three times. "Immune na ako sa pilay kaya mabilis lang gumaling. Ano? Liligo ka?"
Nilapitan ko siya at agad na inabot ang tainga niya. Napayuko naman siya agad dahil hinihila ko iyon pababa.
"Aray! Savi, ang sakit, ano ba!" reklamo niya habang inaalis ang kamay ko.
Binitiwan ko naman at umirap agad sa kanya. Ngumuso siya at hinimas ang namumulang tainga ngayon. Even his face is already red.
"Bakit ka lumabas agad sa ospital? You should've stayed for another day or two. Paano kung hindi pa magaling 'yang pilay mo? You're so stupid talaga!"
Inakbayan niya agad ako at pabirong sinakal gamit ang braso sa leeg. I tried to elbowed him but he held my arm, too. Nabitiwan ko tuloy ang dala kong uniform.
"Tsk, tsk, Savi. Huwag mong kalalabanin ang black belter sa karate."
I rolled my eyes. "Hindi ka pa black belter. Huwag assuming, friend!"
Gamit ang libreng braso ay kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa balikat ko bago hinampas iyon sa mukha niyang nasa gilid ng aking mukha. Pagkatapos ay kinuha ko ang braso niyang nasa leeg ko pa rin at pinaikot iyon. He let go of my other arm and blocked my sidekick on his waist using his arm.
Umabante ako at ilang beses siyang sinipa kaliwa't kanan pero hinaharangan niya lang iyon gamit ang braso o kamay habang umaatras.
"Hoy, hoy, hoy! Huwag kayo rito magsipaan!"
Hinihingal akong tumigil sa pagsipa kay Echo nang may sumipol at sumigaw.
"Ito kasi!" I pointed Echo. "Pati pagligo ko tuloy, naudlot!
Lumawak ang ngisi niya. "Late ka na ulit, Savi. Lagot!" Tumawa siya habang naglalakad palayo sa akin.
"You're so... ugh!"
Napapadyak na lang ako sa sahig at pinulot ang uniform sa sahig bago dumiretso na ng shower room. Wisik wisik na lang tuloy ang nagawa ko sa sobrang pagmamadali. After I showered and changed my clothes, I hastily went back to locker room to grab my things.
Nagsusuklay pa lang ako sa harap ng salamin sa pinto ng locker ko nang marinig kong bumukas ang pinto ng mismong locker room. Hindi ko na pinansin dahil madalas namang ganoon ang nangyayari. Ang mga may access lang naman dito ay 'yong mga kasali sa kahit anong varsity at dance troupe. Of course, magkahiwalay ang sa boys at girls.
"Ah!" I screamed in pain. Napaluhod ako agad at kamuntik pang tumama ang mukha sa locker nang may biglang humampas sa likod ng tuhod ko.
Ngumiwi ako para indahin ang sakit at mabilis na nilingon kung sino ang pumasok. Hinawakan ko ang likod ng tuhod habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa taong nasa harap ko. She was holding a damn baseball bat and her face has a blue surgical mask. Nakasuot lang din siya ng sibilyan at hindi ang uniporme namin.
"Masakit?" Tumawa siya na parang baliw at inangat muli ang baseball bat na hawak. "Tanggapin mo ang isa pa."
Nanlaki ang mata ko at agad siyang sinipa sa tuhod kahit pa nanginginig na ang mga binti ko sa sakit. Sinubukan kong tumayo para muli siyang atakehin nang hampasin niya ulit ako sa gilid ng binti.
Oh, damn it! Ang lakas niyang humampas! She's probably one of the women's baseball team. Hindi biro ang bigat ng baseball bat at halatang sanay na sanay siyang gamitin iyon panghampas. Mukhang kilala niya rin ako dahil alam niya kung saan ako pupuntiryahin para mapuruhan.
"Ano? Masakit ba? Gusto mong lumpuhin kita?" Her voice suddenly changed.
Kinagat ko ang aking labi. "Who are you? Anong kasalanan ko sa 'yo?"
Nag-init ang sulok ng mga mata ko habang iniinda ang kirot sa binti ko. Parang kalahati ng katawan ko ay namanhid sa sakit. I couldn't even move a bit.
"Sino ako?" Muli siyang tumawa bago lumuhod sa harap ko. "Bakit? Sa dami siguro ng lalaking nilalandi mo, hindi mo na alam kung sino ang inaagawan mo."
Nagsalubong ang kilay ko habang mariing nakatingin sa kanya. Her voice isn't familiar with me so I couldn't figure out who is she.
"Wala akong nilalandi at mas lalong wala akong inaagaw," I spat angrily.
This isn't the first time I was being harassed by some stupid girls. Puro verbal lang madalas pero never pang may nanakit sa akin ng pisikal. And it's not funny! My legs are my strength and this girl just made it my weakness!
Dahil mata niya lang ang nakalabas dahil sa mask, nakita ko kung paanong tumalim ang tingin niya sa akin.
"You slut!" she yelled and stood up.
Kumabog ang dibdib ko dahil naisip na hahampasin niya ulit ako pero sinipa niya lang ang binti ko nang malakas. Sumigaw ako agad hanggang sa mapatid ang litid ko. Even if it was just a kick, it still hurt since she aimed for my already injured leg.
"Tingnan natin kung makapag-perform ka pa sa Lunes." I could even see her smirking behind that mask.
Hindi ko na siya pinatulan para hindi na niya ako saktan pa. Tumalikod na siya sa akin dala ang baseball bat bago lumabas ng locker room.
Binalingan ko ang bag na nasa upuan at halos gumapang ako para lang makapunta roon. Ngumiwi ako at hinanap agad ang phone sa bag bago ni-dial ang number ni Echo.
Ilang ring at hindi niya iyon sinagot. The first subject probably has started so he can't answer his phone. Sumandal ako sa upuan habang nakaupo sa sahig at sinubukang tumawag sa adviser ng theater club. Panigurado kasing nasa klase rin ang mga member.
Ilang ring pa lang ay sinagot na ni Sir Jun ang tawag ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Sir Jun, nandito po ako sa locker room ng gym. I need your help po, please."
I feel like crying while talking to him. Parang nakikita ko ang batang Savannah na nagsusumbong kay Mamita dahil inaway ng mga pinsan.
Wala pang sampung minuto nang dumating siya at may kasama pang isang teacher. Doon na ako naiyak habang nagpapatulong sa kanila na tumayo. Agad akong dinala sa ospital malapit dito at hindi na sa clinic ng school namin.
"What happened to my granddaughter?" nanggagalaiting sigaw ni Mamita habang nasa kuwarto na ako ng ospital.
Siya ang guardian ko na tinawagan ni Sir Jun dahil wala naman ang mga magulang ko sa bahay. Natapos nang tingnan at gamutin ang binti ko kaya ngayon ay may bandage na.
"Lola, I really don't know what exactly happened to her. She just called and..." Sir Jun tried to explain.
"I can't believe this! Bakit naman may mananakit sa apo ko?" nagwawala pa rin si Mamita.
Huminga ako nang malalim. Nakakahiya naman na sinisigawan ni Mamita si Sir Jun gayong ito na nga ang tumulong sa akin.
"Mamita, please, don't shout at him," I told her and she sighed. "Now, calm down and breathe in and out..."
Since pareho naman na silang nasa kuwarto ko, kinuwento ko na ang nangyari kanina. Mamita was fuming mad and wanted to file a case against my schoolmate who did this to me but I refused it to happen.
"At bakit hindi? Kung kailangang dalhin ito sa korte, dadalhin ko!" ani Mamita.
Parehong nanlaki ang mata namin ni Sir Jun. Napakamot pa siya sa ulo.
"Mamita, sobra naman na iyon. She just, uhm..."
"Bakit naman kasi nahampas ka, apo? You could've attacked her first! You're an expert in karate!"
Ay, si Mamita talaga, oo. Malay ko ba namang may bigla na lang manghahampas sa akin habang nagsusuklay ako sa locker room? I laughed awkwardly and looked at my teacher.
"Sir, pasensiya na po sa abala at maraming salamat sa pagtulong..."
Tumango siya at napabuntong hininga. "Because of what happened to you, I ain't sure if you'll be able to perform on Monday..."
Lumingon sa kanya si Mamita. "Can't it be moved? For a week, at least. Savi is the female protagonist, right?"
"Gagawan po namin ng paraan ang schedule kung puwedeng i-move. Don't stress yourself too much, Savannah. Magpagaling ka na lang muna." He gave me a warm smile.
Ayaw ni Mamita na mag-stay ako sa ospital kaya kumuha agad siya ng private nurse kahit hindi naman na kailangan. I looked even more pitiful on the wheelchair. Para na tuloy akong lumpo. Well... kinda, I guess.
Tumawag ang coach ko nang hindi ako nakarating sa training. Pinaliwanag ko ang nangyari at kinumusta niya naman ako. Though I could really notice the disappointment in his voice. Para bang siya pa ang nainsulto na napuruhan ako gayong marunong naman akong mag-self defense.
I don't get why they can't understand me. Oo, kaya kong depensahan ang sarili ko kung sakali. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon ay magagawa ko iyon lalo na kung hindi na nga inaasahan ang pag-atake, pinuruhan na agad ang alam nilang gagamitin ko pangdepensa.
"Hindi ka na makakasali sa tournament ngayon. Pero sana ay magaling ka na hanggang sa susunod na linggo. Malapit na ang national game," he said.
Last na talaga iyon. Magku-quit na ako. Isa pa, incoming first year college na ako kaya mas magpo-focus na ako roon.
I called my girl friends and informed them about what happened. They need to know, of course. Galit na galit silang dalawa at parang handa nang sumugod sa giyera habang kausap ko. Tinawanan ko na lang at sinabing hayaan na.
Siguradong ipinaalam na rin ni Sir Jun sa faculty ang nangyari kanina kaya hahayaan ko na lang silang magdesisyon kung anong gagawin sa may gawa sa akin nito. Kung mahuhuli nila.
Kinabukasan ay nagulat ako noong maabutan sina Mommy at Daddy sa dining area. Nakaupo pa ako sa wheelchair at tulak-tulak ng nurse noong lumapit ako sa kanila para humalik sa pisngi. I kissed Mamita's cheeks as well.
"Mom, Dad... this is so unexpected," I tried to joke.
They surveyed me and the look on their faces told me that they weren't pleased.
Huminga ako nang malalim.
"This is... well—"
"Your Mamita told us everything, Savi. Someone did that to you because of what?" Mom raised her brow. "Because of boys? Again?"
Umiling agad ako. "Hindi, Mommy. Napagkamalan lang ako—"
"Savi," si Daddy sa istriktong tono. "Last month, nakailang punta ang Mamita mo sa guidance office ng school mo dahil may nagbugbugan nang dahil sa 'yo?"
Pinigilan kong umirap. Ni wala nga ako sa eksena noong may nagbugbugan! Paano ba ako nadadamay sa ganiyan?
Mamita laughed. "Your daughter is such a pretty lady, Romel. It's not her fault that boys are fighting over her!"
Napatango ako pero agad ding binatukan ang sarili sa isip.
"Mama, walang kaso sa amin kung mag-boyfriend man si Savi pero sana ay iyong lalaking hindi naman barumbado. Paano kung ang lalaki na mismo ang nanakit sa kanya?"
E 'di pakikitaan ko ng ipinagbabawal na technique!
"Oh, Romel. Baka ang lalaki pa ang saktan niya." Tumawa ulit si Mamita.
"Savi!" tawag ni Daddy kaya umangat ang ulo ko.
"Po?"
"Sinong nagsabing kumain ka na?"
My brows furrowed. "Huh? Hindi pa po ba dapat?"
Magsasalita na sana si Daddy nang pumasok ang isa sa mga helper namin sa bahay. Nabitiwan ko ang kubyertos nang pumasok din sa dining area ang isang pamilyar na matangkad at morenong lalaki.
"Magandang umaga po," Ariz greeted cooly as his dark and brooding eyes darted on me.