Chapter 3: Bra

3026 Words
Chapter 3: Bra I couldn't eat peacefully the whole breakfast. Sinong makakakain nang maayos kung ang pinag-uusapan ng magulang ko ay ang pagpapakasal sa lalaking ito? Like what the freaking hell? They just introduced him as their scholar s***h apprentice and now, they wanted me to marry him? That's like... super speed! "On your debut, we will announce your engagement with him," ani Daddy. "Dad, don't be ridiculous. I don't know him—" "Hija, Juventus is a good man," sabi naman ni Mommy at hinawakan ang kamay ko dahil siya ang katabi ko. Sinungaling! Paanong mabuting tao 'yan kung nagsinungaling na siya sa akin sa unang araw ng pagkikita namin? He told me his name's Ariz and now, he was introduced as Juventus Serrano! I looked at Mamita, asking for help. "Mamita..." "Savi," si Daddy ulit. "Your Mom and I already talked about this." Tumikhim ang lalaking kaharap ko at mataman akong tiningnan. "Ang totoo po niyan... nagkita at nagkausap na po kaming dalawa." Kumunot ang noo ko at nagparte ang labi. Simula nang umupo siya sa harapan ko, ngayon lang siya ulit nagsalita at iyan pa ang sinabi niya? "Oh, really?" Mamita raised her brow. "Saan mo nakita ang apo ko kung ganoon, hijo? Matagal na ba?" "Noong nakaraang araw po na nasiraan sila ng sasakyan. Inalok po sila ng kaibigan ko na isabay na papunta rito dahil dito rin sa subdivision na ito ang punta namin noon." What? Pabida! Hindi kaya ay kilala niya na ako noon pa at sinadya niya ang pagkikita namin sa araw na iyon? Nakita kong nagliwanag ang mukha ng mga magulang ko sa sinabi niya. Dad smirked at me. "See? Hinatid pa pala kayo rito, Savannah. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin iyon?" "I wasn't informed that I must tell everything about what's happening in my life to you, Dad. First of all, you're not always at home..." Natigilan ako sa pagsasalita nang padarag niyang binitiwan ang kubyertos na hawak. "Savannah," he called dangerously. "Don't talk to me like that. I am your father." "Daddy," pagtawag sa kanya ni Mommy. Gusto kong matawa. Sila nga ang magulang ko pero mas magulang pa si Mamita sa akin. Hindi naman ako nagagalit sa tuwing wala sila madalas dahil nariyan naman si Mamita at laging sinasabi sa akin na ang ginagawa nila ay para sa kinabukasan ko. Pero itong bigla silang magdedesisyon na i-engage at ikasal ako sa lalaking ito? Dad said he is his scholar... that also means he isn't rich, then? Okay lang sana sa akin kung hindi ganoon kayaman pero... naiinis ako sa pang-iinsulto niya sa akin noon. "Sir, tingin ko po ay kami na lang dalawa muna ang mag-usap. May hindi lang po kami pagkakaintindihan," mahinahon niyang sabi kay Daddy. If looks could really kill, he's probably dead by now. Lalo pa noong tumango si Daddy. "Mabuti pa nga, hijo. Hayaan mo at mabait naman ang anak ko. Madalas lang talagang sakit sa ulo dahil sa mga manliligaw niya. Look at her now, she can't even walk because some jealous girlfriend hit her legs." Daddy sighed. OH MY GOD, DADDY! You don't really have to say that! Si Mommy naman, sumang-ayon lang. Gusto ko nang mag-walk out kaya lang ay baldado naman ako ngayon! So annoying! Pagkatapos kumain, tinawag ko agad ang nurse para tulungan akong pumunta sa guest room sa ibaba. Doon daw muna ako pansamantala para hindi na kailangang umakyat baba sa hagdan. Pati pagligo ko, tinutulungan pa ako ng nurse. Mabuti na nga lang at babae kaya ayos lang na makita niya akong naka-undies. "I want to sleep," sabi ko matapos patuyuin ang buhok. "Okay, Ma'am. Babantayan ko lang kayo rito," aniya. Napasimangot ako. "No, actually, you can go out of my room. Do whatever you like while I'm asleep." "Trabaho ko po ang bantayan kayo." "Oo nga. But you see, I'm giving you permission to do things you want to do. Huwag kang mag-alala, kapag kailangan ko ng tulong mo, tatawagan agad kita," I assured her and showed my phone. "Wala naman po akong gagawin—" "Mag-isip ka ng gagawin kung ganoon. Ayaw kong may tao sa loob ng kuwarto ko habang natutulog ako," I cut her off, irritated. Wala na siyang nagawa kung hindi ang lumabas. Humiga na ako sa kama at talagang balak na sanang matulog kung wala lang kumatok sa pinto. "What?" I shouted. Bumukas ang pinto at hindi ang nurse ko ang pumasok. Juventus Serrano entered my room like he was the one who owned this. Napaupo ako agad at nasuklay ang buhok gamit ang daliri. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid bago siya tumingin sa akin. Ang makapal niyang kilay ay nagsalubong nang magtagpo ang tingin namin. "What are you doing here, Juventus?" mataray kong tanong. "And who gave you permission to enter my room?" Naglapat ang mga labi niya at naglakad palapit sa akin. His eyes surveyed my clothes and his brows met again. Napatingin din tuloy ako sa suot kong spaghetti strap. "Sinabihan ako ng Daddy mo na puntahan kita rito para makapag-usap tayo," marahan niyang sinabi. "And you can call me Ariz. Juventus Ariz Padua Serrano ang buo kong pangalan." "I'm not asking!" Tumango lang siya. Nakatingala ako sa kanya dahil matangkad siya at nasa gilid ng kama ko. His biceps flexed when he put his hands inside the pocket of his dark pants. "I don't want to talk to you. As you can see, I'm about to sleep before you went in." "Ako, gusto kitang kausapin," mabilis niyang sabi. "Saka ka na matulog kapag nakapag-usap tayo." Sumeryoso ang mukha niya at nanatiling nakatayo. Mukhang wala yatang balak umupo hangga't hindi ko pinauunlakan. "Anong pag-uusapan natin?" He licked his lips that made them redder. "Ayaw kong magpakasal sa 'yo." Nalaglag ang panga ko. Nag-init ang pisngi at tainga ko sa inis at hiya. As if naman na gusto kong magpakasal sa kanya? Like, hello, I'm just seventeen! Well, turning eighteen this coming June... but still! "Ayaw ko rin. Hindi kita type, 'no." Umirap ako. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. "Hindi rin kita type, 'wag kang mag-alala." Tumango ako. "Hindi natin type ang isa't isa kaya hindi dapat tayo magpakasal. So ano, tutulungan mo na ba akong kumbinsihin si Daddy na huwag ituloy ang balak niya?" He was about to speak when I raised my hand. "In the first place, why did you even agree, huh? Gayong ang sabi mo ay ayaw mong pakasal sa akin?" "Malaki ang utang na loob ko sa mga magulang mo kaya hindi ako makatanggi. Huwag kang mag-alala, alam ko kung bakit nila ito ginagawa." "Oh, talaga? Sige nga, bakit?" sarkastikong tanong ko. "Dahil gusto nilang tigilan ka na ng mga manliligaw mo," he said, emphasizing the words 'mga manliligaw'. "Wala nga akong manliligaw! At hindi enough reason iyon para i-engage ako sa 'yo o kahit na kanino!" Tumango siya, hindi pinansin ang sinabi ko. "Gusto ko lang linawin na posibleng hindi talaga matuloy ang kasal. Lalo na't hindi talaga ako papayag magpakasal sa babaeng tulad mo." "What do you mean by a girl like me?" hindi makapaniwalang singhal ko. "Kapag nakita nilang hindi talaga tayo magkasundo, siguradong ititigil na nila ang pagpupumilit na ikasal tayong dalawa. Kaya dapat, hindi tayo magkasundo." "Hindi talaga tayo magkakasundo dahil ang attitude mo sa akin!" "Attitude ka rin naman," he talked back and smirked. Kumuyom ang kamao ko at gusto na talaga siyang sipain kung maayos lang ang binti ko. "See? Hindi talaga tayo magkakasundo! Hinding hindi talaga kita magiging type! Hambog!" Bahagya siyang ngumuso at yumuko para magpantay ang mukha namin. Nakapatong na ngayon ang mga kamay niya sa kama ko. Bahagya akong lumayo sa kanya dahil naamoy ko na ang pabango niya sa sobrang lapit. "Uulitin ko, hindi kita type," bulong niya habang seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako at napatitig sa mga mata niyang tila humihigop ng kaluluwa ng isang tao. "B-bakit? Ano bang type m-mo?" Nanigas ako sa puwesto nang lumapit pa siya sa akin. Nagtindigan ang balahibo ko nang bumulong siya mismo sa tapat ng aking tainga. "Kung ano ang type mo, iyon din ang type ko," nanunuyang sabi niya bago lumayo at tumayo ulit nang tuwid. I was still in dazed and confused when I looked at him. Anong ibig niyang sabihin doon? Pareho kami ng type? "Ah," aniya na tumango pa. "Pinapasabi nga rin pala ng Daddy mo na kapag magaling na ang mga binti mo, puwede ka nang lumipat sa tinitirahan ko." Napakurap-kurap ako at hindi agad nakahanap ng salita. Lalo pa noong naglakad na siya palayo sa akin pero tumigil saglit para lingunin ako. Para akong hihimatayin nang ngumiti siya at tinapik ang kanyang pang-upo gamit ang pumipilantik na kamay. "Bye, sis!" malanding sabi niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko. What the freaking hell?! I can't believe this! He's gay?! That... face and body! Paanong magiging bakla iyon? Oh, wait. Puwede nga namang mag-gym siya or what kahit na bakla. Nasapo ko ang mukha nang marinig muli sa isipan ang huling sinabi at tono niya sa akin. Sis? As in sister? Oh, dear Lord! Hindi ako naniniwalang bading iyon! Baka sinasabi niya lang na bading siya para hindi nga matuloy ang kasal? Pero teka, hindi nga dapat matuloy ang kasal! Kaya tama lang siguro na bading siya? Sinubukan kong sabihin iyon kay Daddy pero hindi siya naniwala sa akin! "Hija, matagal ko nang nakakasama sa site si Juven. He's actually popular with girls and women. Kaya paanong sinasabi mong bakla siya?" "Pero, Daddy, siya na ang nagsabi sa akin mismo! Sabi pa niya ay pareho kami ng type!" Kumunot lalo ang noo ni Daddy pero parang natatawa. "Bakit, hija? Ano ba ang type mo?" "Well, I like tall, dark but not really dark, and handsome guys... I mean, Daddy! Bading nga siya!" napu-frustrate kong sinabi at napasandal na lang sa wheelchair. He nodded and his eyes narrowed at me. "Tall, dark but not really dark, and handsome, huh?" My cheeks flamed up. "Are you sure you're not generally describing Juventus?" "D-Dad!" I groaned and rolled my eyes. "Bahala ka. Kapag ikinasal kami, baka bading ang magiging apo niyo! I mean... okay lang naman pero... ugh! Basta ayaw ko sa kanya, Dad!" Tumaas na naman ang kilay niya. "And now you're talking about having a child..." Oh my God! That wasn't my point! "And what's wrong with being a gay, hija?" "Wala naman nga po, Daddy! Pero kasi... basta! Nakakainis siya!" "Sige na, Savi. May trabaho pa ako." Nilingon niya ang nurse ko na nasa likuran. "Pakihatid na siya sa kanyang kuwarto, Dahlia." "Daddy, wait! Ayaw ko ring tumira sa kanya! Please, don't let me stay at his house—" He waved his hand as if dismissing me. Sinenyasan niya ulit ang nurse ko kaya wala na akong nagawa noong itulak na nito ang wheelchair ko para lumabas sa opisina ni Dad. The nurse was very effective I wanted to kick her now. Sobrang tutok niya sa pagpapagaling sa binti ko kaya ilang araw pa lang ay magaling na ako. Though one week akong absent sa school dahil iyon ang nakasaad sa excuse letter na binigay sa mga teacher ko. Nabalitaan kong ini-move nga ang date ng musical play namin. Two weeks, actually, kaya may isang linggo pa para paghandaan ulit. "Mamita, please convinced Dad that I don't have to leave here and live with that... gay!" As usual, wala na naman sina Mom at Dad dahil busy sa trabaho. Sanay naman na akong maiwan kay Mamita kaya hindi ko na rin sila hinahanap. Kami lang din madalas ang magkasama sa hapag tulad ngayon. "Hmm... I have an idea, darling," she said and smirked. "Really, Mamita? What is it?" I asked eagerly. "What if magpalumpo ka ulit, darling?" Nabitin sa ere ang kutsarang isusubo ko na sana sa bibig. Mamita laughed so hard her face turned red. I rolled my eyes. "Charot lang, apo," aniya at tumawa ulit. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Mamita is already at 56 but she always acts and talks like a teenager so we're really close. Well, she doesn't look like her age, though. 'Yong mga hindi nakakakilala sa kanya bilang Lola ko, inaakalang siya ang Mommy ko. "Mamita kasi, gusto mo bang umalis ako rito? You can't live without your favorite apo!" I pouted. "Oh, darling. You can't live without me!" she emphasized. "Don't worry, I'm doing a background check with this Juventus guy. Hindi ako papayag na mapunta ka sa isang lalaking..." "Bading," I corrected. "No offense meant, Mamita. Yeah, he's a man but he admitted that he's gay so I'll call him that way." She arched her brow. "Hindi ako papayag na maikasal ka sa lalaking hindi katiwa-tiwala. I'm on your side, darling. Pero sa ngayon, sundin mo muna ang iyong ama. Hahanapan ko ng baho ang lalaking dinala niya rito nang sa ganoon ay hindi matuloy ang gusto ni Romel," she said strictly. I wanted to complain more but she assured me that she would do everything to stop this annoying arranged marriage. It was Sunday the next morning and I was about to start my usual routine every weekend when someone knocked on my door. Naka-pink na akong sports bra at black leggings nang buksan ko ang pinto. It was Helga, one of our helpers. "Yes? You need anything?" "Ma'am, may bisita po kayo sa ibaba. Hinihintay niya na ho kayo." "Huh? Sino? Is it Echo?" Si Echo lang naman kasi ang madalas pumupunta rito para makisabay sa pag-jog ko sa labas dito. Naalala kong hindi ko pa pala siya nasasabihan tungkol sa nangyari last Friday dahil paniguradong aalaskahin niya lang ako. "Ah, hindi po si Sir Echo, Ma'am. Ariz daw po." Yumuko siya nang bahagya bago nagpaalam na bababa na. Ariz, tss. Umirap ako at sinuot na ang Apple watch at airpods ko bago lumabas ng kuwarto. Nilibot ko agad ang paningin sa sala namin at naabutan siyang nakaupo sa couch. His legs were parted widely and arms crossed against his chest. Tumayo siya nang tumigil ako sa harapan niya. Pinasadahan niya ako ng tingin at kumunot ang noo. "Saan ka pupunta?" "Magjo-jogging sana ako kung hindi ka lang dumating." "Jogging? Kagagaling lang yata ng mga binti mo, ah?" I rolled my eyes. "Huwag ka ngang magsalita na parang worried ka. What do you need?" "Ikaw," he said abruptly. "Ikaw ang kailangan ko rito. Umakyat ka na ulit sa kuwarto mo at mag-impake. Sasama ka sa akin." Nanlaki ang mata ko at napaatras. Seryoso bang titira ako sa bahay niya? And how does his house even look like? "Bakit kita susundin? I'm not your pet!" Nagsalubong lalo ang kilay niya bago bumuntong hininga. "Uulitin ko, bumalik ka sa kuwarto at mag-impake na ng gamit mo. Gagawin mo ba o kakaladkarin na lang kita palabas dito nang walang dala kahit na isang pares ng damit?" I curled my palm into a fist and glared at him. "This is our house! You can't do that to me!" His pair of dark eyes turned into slits. "Try me, then," hamon niya gamit ang seryoso at nagbabantang tono. Nakagat ko ang aking dila at tinapatan ang tingin niya. He sounded actually hot as hell as he spoke in english but then I remember his voice when he called me 'sis'! Pati ang pagtapik niya sa ano niya! Oh my goodness. Saan ba ako maniniwala? Kasi hindi ako naniniwalang bading talaga siya, e. Tinatawag ko lang siyang ganoon pero may parte sa akin na naniniwalang straight siya. "Ano? Gusto mo talagang kaladkarin kita?" "Fine!" I sighed. "Hintayin mo ako rito." Napairap ako nang ngumisi siya at naupo na ulit sa couch. Padabog akong nagmartsa paakyat ulit ng kuwarto at hinagilap ang maleta. I tied my hair in a high ponytail before I started grabbing almost everything what's inside my wardrobe and put it in my luggages. May kumatok ulit sa pinto kaya sumigaw na lang ako na pumasok iyon. Hindi ba niya nakikitang busy ako rito? Ah, yeah, right. Paano nga makikita kung nasa loob ako at nasa labas siya? "You might need my help," bungad ni Ariz. Matalim ko siyang tiningnan. Lumapit siya sa kama ko at tiningnan ang laman ng tatlo kong maleta. "Isang maleta lang dalhin mo. Hindi kasya lahat ng iyan sa cabinet ko," aniya at nilingon ako. Halos mag-usok ang tainga ko sa init nito. Isang maleta lang? Baka puro undergarments lang ang kasya roon, ah? "Don't you have a walk in closet?" "Wala. Isang aparador lang." "At kasya lahat ng damit mo roon?" Tumango siya at nagsimulang tanggalin ang laman ng isa kong maleta. Lumapit ako agad para pigilan siya. "Wait! Ano ba? Fine, babawasan ko ang dalang damit but please, let me buy my own cabinet!" He looked so smug when he stared at me. "Maliit na aparador lang ang bibilhin kung ganoon. Ako na ang bahala roon." Suminghap ako nang itaob niya na ang dalawang maleta gamit ang mga kamay nang sabay kaya natapon lahat ng nakalagay roon sa kama. Hinampas ko siya sa braso at bahagyang tinulak. "Ako na ang bahala rito! You're so annoying!" "Ang dami mo kasing damit. Kumuha ka lang ng ilang pares ng pambahay at uniporme. At bakit balak mo pang magdala ng gown?" He almost groaned as he picked up my pink gown. Hinablot ko agad iyon sa kanya. "Hindi ko napansin, okay? Basta nilagay ko lang lahat ng mahagip ko sa damitan ko!" Tumango siya at inisa-isa pa ang mga damit ko. My cheeks burned when he picked up my lacy panties! Ugh! What the heck! Para siyang matatawa habang hawak ang dalawang side ng garter nito at ipinakita pa sa akin. "Seryoso? Ganito ang mga sinusuot mo?" nanunuyang tanong niya. Hinablot ko ulit iyon sa kanya. "Wala kang pakialam! If you want one, then buy for yourself!" Umiling siya habang nakangisi pa rin. "Hindi na. Manghihiram na lang siguro ako sa 'yo para tipid." Sa inis ko, basta kumuha na lang ako ng kung ano sa mga nakakalat na damit at hinagis sa kanya. Namilog ang mga mata ko nang makitang bra ko ang hinagis sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD