Chapter 4: Soldier

2881 Words
Chapter 4: Soldier "Is this some kind of a rat's house?" "Alam mo, ang arte mo." Ariz held my shoulders from behind and pushed me slightly to finally went inside his house. I've been thinking that his house might be small but not this tiny and narrowed! "Mag-isa lang ako rito kaya hindi ko kailangan ng malaking bahay," simpleng aniya at hinila ang maleta ko habang nakasabit ang isa pang bag sa kanyang balikat. Lumabi ako at muling pinasadahan ng tingin ang paligid. Maliit at masikip nga ito pero masasabi kong malinis naman kahit paano. But still, how would we fit here? My walk-in closet is even spacious than his living room. "Saan ang kuwarto ko?" tanong ko at sinundan siya. Binuksan niya ang isang pinto at pumasok sa loob. Pumasok din ako at napatango nang makitang may kama. Malamang ito na ang kuwarto ko. At least, may sarili akong kuwarto. Not bad. "Ito ang kuwarto ko," he said and glanced at me. "Ha?" Kumunot ang noo ko. "E, bakit dito mo nilalagay ang gamit ko? Saan ang kuwarto ko?" Binitiwan niya lang basta ang maleta at bag ko sa sahig. "Kuwarto natin," he corrected. "What? Are you f*****g serious?" Umigting ang panga niya at sinandal ang kamay sa pader habang tinitingnan ako. Napasulyap ako sa braso niyang ma-muscles bago ako humalukipkip at sinamaan siya ng tingin. "Ayaw ko sa mga babaeng magmumura, Savannah. Hangga't nandito ka sa bahay ko, hindi ka puwedeng magmura ng kahit ano. Puwede kang mag-inarte pero huwag kang magmumura," tila nagbabanta niyang saad. I rose my trimmed eyebrow. Bawal pala magmura, ah? Kung ganoon, magmumura ako lalo! Ngumisi ako sa kanya. "f**k you. Damn you. Bullshit. Gago. Tangina-" He immediately advanced forward so I stopped from cursing and stepped backwards. Nag-alab ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Pasaway ka talaga, ano? Gusto mong paluhurin kita sa asin?" "What?! Why would I do that?" "Ganoon ang ginagawa sa mga batang pasaway, Savi. Gusto mong masubukan?" I pursed my lips and pushed him on his chest. Hindi siya natinag sa pagtulak ko. "I'm not a damn kid!" I bellowed. Naningkit ang mata niya at agad na hinuli ang braso ko. I wanted to kick him but my legs won't move. "Kapag sinabi kong bawal magmura, bawal magmura. Kapag sinaway mo ako, wala kang kakainin sa isang buong araw." Ngumiti siya sa akin. Nanlaki ang butas ng ilong ko. "How dare you! I have my own money! Kaya kong bumili ng pagkain sa labas kung gugustuhin ko!" Napahawak siya sa kanyang baba at tila nag-isip. "Ah, sa 'yo ba iyong wallet na kulay pink? Ang kapal. Mukhang maraming laman." Nanlaki ang mga mata ko. Lumawak ang ngiti niya at may hinugot sa kanyang likuran. He waved my pink long wallet in the air. "Ako ang maghahawak nito. Ako ang magbibigay sa 'yo ng allowance araw-araw at pangkain mo. Susunod ka sa akin... at wala kang magagawa roon." My blood boiled. Inangat ko ang binti para sipain siya pero mabilis niyang hinarang ang braso. I tried to punch him, too, while reaching for my dear wallet but he was so fast to dodge my attacks. "You freak! Give me back my wallet! Tatamaan ka talaga sa akin!" "Oh?" Binalik niya ang wallet sa pagkakaipit sa kanyang pantalon. "Alam mo, nag-aalala ako sa mga binti mo. Hindi ba ay kagagaling lang niyan?" Natahimik ako. "Kaya mo pa ba?" he asked. "Ang lumaban sa nationals?" Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman ang tungkol doon? Stalker!" "Your father told me," he said slowly. "Sinasabi ko sa 'yo, huwag mong bibiglain ang mga binting iyan." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sino siya para sabihan ako sa dapat gawin ko? "Wala kang pakialam. This will be my last shot and I'll be quitting, anyway." Nilagpasan ko siya at kinuha ang gamit na nasa sahig. Nilingon ko ulit siya at naabutang pinapanood ako. "Kailan ka bibili ng sarili kong cabinet? Wala akong paglalagyan ng mga damit ko." "Bukas na..." aniya at bumuntong hininga. "Ilagay mo na lang muna ang ilang damit mo sa cabinet ko. Marami pa namang space 'yan dahil kaunti lang ang gamit ko. 'Di tulad mo." Umirap ako at binuksan ang aparador na nandoon. Tiningnan ko muna ang mga damit niyang nakasampay pati ang mga tatak nito. Karamihan, wala. Nilingon ko siya ulit. "Where do you buy your clothes?" "Diyan lang sa tabi-tabi." Ngumiwi ako. "Bukas na lang ako mag-aayos ng gamit kapag nakabili ka na ng sarili kong cabinet." Naupo siya sa kama at pinagmasdan ako. Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang sa titig niya. "I'm gonna change na lang muna." "Kumain ka na ba?" marahan niyang tanong. Napakurap-kurap ako, bahagyang natigilan sa tanong niya. I pursed my lips and shook my head. Tumayo siya at naglakad patungo sa may pintuan bago tumigil. "Lumabas ka na muna. Manood ka na lang dito sa sala at hintayin mong matapos akong magluto." "You do the cooking?" I asked and followed him. "Yes. And I do the cleaning, too," he said sarcastically. Umirap ako at naupo na lang sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Lumapit naman siya sa TV at binuksan iyon. He handed me the remote. Tinanggap ko naman iyon. "May netflix?" Tiningnan niya ako na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. Umiling siya at bumuga ng hangin. "Wala. Mga local channels lang 'yan. 'Di kasi ako mayaman tulad mo." Umirap pa siya at tinalikuran ako. Wow! Umirap si Kuya! Palipat-lipat ako ng channel hanggang sa makahanap ng magandang palabas. Nanonood naman ako ng local series or movies pero hindi ko kilala lahat ng artista sa palabas na ito. Their faces seemed familiar but I didn't know their names. Kumulo ang tiyan ko nang maamoy ang niluluto ni Ariz. Pinatay ko na ang TV at tumayo para puntahan siya sa kusina. I cursed silently when my leg hit the stand near the curtain divider between his living room and kitchen. Sakto namang lumabas siya mula sa kusina at naabutan akong bahagyang nakayuko at hinihimas ang binti. Bahagya siyang ngumuso na para bang pinipigilang tumawa. "Tumama ka? Narinig ko ang tunog." "Ang sikip kasi rito!" reklamo ko.at tumayo na nang diretso. "Masiwal ka lang," aniya. "Masiwal? What's that?" Umiling siya at ngumisi. "Wala. Saan mo gustong kumain? Sala o rito na sa kusina?" "What? Wala kang dining area?" Napahilamos siya ng mukha at nagpamaywang. "Mahal na prinsesa, ang dining area ng mga tulad ko ay sala o kusina. Huwag lang sa kuwarto at mukhang makalat ka pa namang kumain." "Excuse me! I know table manners and dining etiquette!" "Spell etiquette?" Ngumiti siya. "Ewan ko sa 'yo! Nasaan na ba ang pagkain? I'm hungry!" He chuckled and went back to the kitchen. I followed him only to see him preparing our food in the small square table. Kumunot ang noo ko nang makita ang hindi pamilyar na pagkain. "Ano 'yan?" turo ko sa nasa isang mangkok. Umupo siya sa isang monoblock kaya umupo rin ako sa tapat niya. Nilagyan niya ng kanin ang platong nasa harapan ko. "Dried fish." "Dried fish?" He nodded. "Sa tagalog, tuyo. Iyan ang the best na ulam tuwing umaga kasama ang kanin. Tapos may sawsawan din iyan..." Sinundan ko ng tingin ang pagkuha niya sa isang mas maliit na mangkok. "Suka. May toyo't kamatis din kung gusto mo pero maalat na 'yan, e." "Walang sauce?" I asked him. Humalakhak siya at binitiwan ang mangkok. "Dip lang, walang sauce. Kumain ka na. May itlog din dito na may kamatis kung gusto mo." "Kamatis ulit? What's with the kamatis?" "Maghugas ka na nga ng kamay mo. Ang dami mong tanong. Basta lahat ng nandiyan, makakain 'yan. Maliban sa tinik, malamang." I watched him as he put more rice on his plate. Nagulat ako nang kumain siya gamit ang kanyang kanang kamay. "Hey! Bakit hindi ka gumagamit ng utensils? Hindi ka pa naghugas ng kamay! So ew..." Nabitin sa ere ang kamay niyang pasubo na sana sa bibig. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mesa at bahagyang humilig. "Naghugas na ako bago pa kita tinawag dito. Kung ayaw mong magkamay, may kutsara naman dito. Iyon ang gamitin mo." "I want salad." Lumabi ako sa kanya. Kumunot ang noo niya. Gamit ang malinis na kamay ay nilagyan niya ng tubig mula sa pistel ang baso at uminom doon. "Masustansiya ang salad dahil gulay at prutas iyon pero mas mainam kung kumain ka ng kanin sa umaga. Kung gusto mo ng salad, igagawa kita mamayang hapon." My mood lightened up a bit. "Really?" Tumango siya. "Oo. Kumain ka na." Kinuha ko na ang kutsara't tinidor na nasa gilid ng plato ko. Tinusok ko ang dried fish at tinitigan iyon. It was so small! May makakain ba ako rito o puro tinik na lang? Ibinalik ko 'yon sa mangkok at kumuha na lang ng itlog na may kamatis. It tasted okay so I nodded my head while chewing it. I heard him chuckle so I looked up at him. "Bakit?" Umiling siya habang nakangisi. Kumuha siya ng dried fish at hinimay iyon bago nilagay sa plato ko. "Subukan mo lang. Masarap naman 'yan. Isawsaw mo rito. Huwag kang mag-alala, wala akong virus," aniya. "It really looks weird," I murmured to myself. Sinunod ko ang sinabi niya bago isinama sa kanin. His wary eyes were watching me as I chewed my food. "Ano? Masarap?" "Well... kinda..." mahina kong sinabi. It was true, though. Kahit pala ganoon ang itsura ay masarap naman lalo na kapag sinama sa kanin. Naghimay ulit siya ng ilan pa at nilagay iyon sa plato ko habang kumakain din siya. I was so full when we finished eating. Siya ang naghugas kasi hindi naman ako marunong. Nagpahinga lang ako saglit bago nagpalit ulit ng sports bra at leggings. Umupo ako sa kama at kinalikot ang phone nang tumunog iyon. "Saan ka?" Echo's demanding voice greeted me. "Nandito ako sa bahay niyo. Umalis ka raw kasama ang isang lalaki at may dalang gamit." "Uhm, actually, I don't know where it is-" "Ano? Hindi mo alam kung nasaan ka? Sino 'yang kasama mo kung ganoon?" Bahagyang tumaas ang kanyang tono. I rolled my eyes. "Basta. Sasabihin ko na lang kapag pumasok na ako bukas, okay? Promise." I heard his sigh on the other line. "Siguraduhin mo, Savi. Hindi ka na nga nagsabi sa akin sa nangyari sa 'yo tapos pati ito, nililihim mo rin?" "Sorry, okay? I'll tell you everything tomorrow." "Kumusta na ang binti mo? Nakakalakad ka na ulit? Sinong stupid ngayon?" He was teasing me now. "Duh! I'm perfectly fine na. Sige na, Echo. I'll be doing my routine! Bye!" I said and hang up. Dahil mainit sa labas, mukhang dito na lang ako sa sala magwa-warm up. Magsu-zumba na rin siguro ako. Lumabas ako ng kuwarto at naabutan kong may kausap sa telepono si Ariz habang nakasandal sa may pintuan. I checked the living room if I would fit. Tinali ko na ang buhok ko at muli siyang nilingon. "May mat ka? I'm gonna do some stretching," sabi ko nang ibaba niya na ang phone. "Meron. Sandali at kukunin ko." Saglit lang siyang pumunta ng kuwarto at paglabas ay dala na ang mat na mukhang bago. Bahagya niyang inusog ang upuan para mas malawak ang puwesto ko bago niya nilatag ang dala sa sahig. "Okay na 'yan?" Sabay lingon sa akin. Tumango ako at nagsimulang umupo roon. I did my basic stretching routine and all the time I was doing them, he was watching me. Bigla tuloy akong na-conscious dahil may times na parang awkward ang position ko kahit normal naman iyon. Planking ang huli kong ginawa. The timer was set into two minutes. Dahil nakaharap ako sa mat, hindi ko alam kung nakatingin pa rin siya o hindi. Nagulat na lang ako nang may bahagyang tumapal sa pang-upo ko. "Angat mo pa 'to nang kaunti," he instructed. Napadapa agad ako sa mat nang tumunog ang timer. Gumulong ako para tumihaya at bumangon nang makitang nasa gilid ko siya at nanonood pa rin. Nag-iwas ako ng tingin bago inabot ang phone. Balak ko sanang mag-zumba nga kaso ang awkward naman kung panonoorin niya rin ako buong oras na gagawin ko iyon kaya huwag na lang. Wala naman ako masyadong nagawa sa buong maghapon kung hindi ang manood o mag-scroll sa IG at Twitter. Tuwang-tuwa naman ako nang gawan niya nga ako ng salad tulad ng sinabi niya. Naging problema lang ay noong gabi na at inaantok na ako. Naligo muna ako ulit at pinatuyo ang buhok. Nauna akong pumasok sa kuwarto at sumunod naman siya. Umupo ako sa kama at tiningala siya. "I'm gonna sleep now," I informed him. Bagong ligo rin siya at nakapagpalit na ng sleeveless white shirt at shorts. Kahit malayo ay naamoy ko ang sabong ginamit niya. Mabuti na lang talaga at nakapagdala ako ng personal hygiene kit. "Ako rin, matutulog na." Tapos lumapit siya sa kama at inayos ang unan doon. "Saan ka matutulog?" Nagparte ang labi niya nang tingnan ako. "Dito sa kama. Bakit? Kuwarto ko 'to, e." "What? Dito ako matutulog!" "Bakit? Sinabi ko bang bawal ka matulog dito?" he retorted. Ano ba 'yan? Nakakainis naman ang isang 'to. I thought we'd be okay but here we go again! "Iisa na nga lang ang kama tapos ang liit at sikip pa. Dito ako. Diyan ka sa sahig!" Tinuro ko pa ang sahig. "Ayaw ko nga. Kama ko 'to. Makikihiga ka na nga lang, e." He smirked and sat down on the left side of the bed. "Excuse me, ikaw ang nagpumilit na tumira ako rito! Tapos sasabihin mong makikihiga na nga lang ako?" "Kung ayaw mo rito sa kama, ikaw ang sa sahig," sabi niya at humiga na sa kama. Hinampas ko agad siya sa hita. Inangat niya iyon at tumawa nang bahagya. "Can't you be a gentleman, at least?!" "Sorry ka. Hindi ako gentleman. Pero 'wag kang mag-alala, ayos lang naman na tabi tayo dahil hindi kita gagalawin. Sister tayo, 'di ba? Halika na, sis. Tulog na tayo." Kumindat pa siya sa akin. Napatayo ako at napaawang ang labi. I can't believe this! "Alam mo, nakakairita ka talaga. Seryoso bang bading ka?" Nanatili ang maliit na ngisi sa kanyang labi. "E, ikaw? Sigurado bang babae ka?" "You... ugh!" Napapadyak ako at kinuha ang unan sa tabi niya bago hinampas iyon sa kanya. Tumatawa niyang inagaw ang unan sa akin. "Bahala ka kung ayaw mong matulog dito sa kama. Ikaw rin, malamig ang sahig. At least itong kama, may kutson. Malambot." "You're really annoying! Bibili na ako ng kama sa susunod!" sabi ko at walang nagawa kung hindi ang pumuwesto sa tabi niya. "At saan mo ilalagay? Sa sala?" I slapped his chest. He groaned and held where I hit him but he was laughing. Umirap ako at inagaw ang isang unan na nasa ulo niya at nilagay sa pagitan naming dalawa. "Huwag mong aalisin 'yan diyan, ha? Sisipain talaga kita kapag wala na 'yan bukas," banta ko sa kanya. "Marunong din akong manipa. Sisipain din kita kapag ikaw ang nagtanggal niyan." "Shut up!" irita kong saad. "Akin na ang kumot!" Hinagis niya naman sa mukha ko ang nakatuping kumot kaya mas lalo akong nairita. He smirked and turned his back on me. Humiga na rin ako at tumalikod sa kanya. Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog pero nang nagising ako, sobrang bigat ng katawan ko. I lazily opened my eyes and rubbed it lightly. I heard a groan from my behind. Napamulat ako at agad na nilingon ang nasa likuran pero may pumipigil sa katawan ko. Bumaba ang tingin ko sa baywang nang maramdamang may gumalaw roon. Pati sa paa ko, may nakapatong! And something hard was poking on my ass! What the heck! Ariz suddenly moved as well as his hand on my waist. Bago pa dumapo iyon sa dibdib ko ay inangat ko na ang braso at siniko siya nang malakas sa kung saan man siya natamaan. Umungot siya at napahiwalay agad sa akin kaya bumangon na ako. Walang hiyang 'to! Sabi niya ay hindi tatanggalin ang unan sa gitna namin, e, bakit nakalingkis na siya sa akin? "Hey!" Hinampas ko siya ng unan sa mukha nang hindi pa rin dumidilat. "Hmm?" Dumilat siya at tiningnan ako gamit ang mapupungay na mga mata. My eyes went down what's in between his thigh. I pointed it out to him. "You maniac! Bakit nakasaludo agad 'yan?" Nanliit ang mga mata ko. "Don't tell me you're having a morning boner? Akala ko ay bakla ka?" Pumikit siya at kumuha ng unan para ipantakip doon. "Anong oras ang pasok mo?" he asked huskily, neverminding my concern about his saluting soldier! "Alas dose," sagot ko. "Get up ka na nga! Nakakainis ka! Nakayakap ka pa sa akin, ha? Come here and I'm going to give you a flying kick." He groaned and opened his sleepy eyes again. Umupo siya at napahilamos sa mukha. His hair's disheveled but he still looked... no. Ayaw ko nang purihin siya. Nagpamaywang ako nang bahagya niya akong tingalain. "Ang gulo mo matulog. Ilang beses kang nahulog at hindi ko alam kung paanong hindi ka nagigising. At gusto ko lang linawin, ikaw ang nagtanggal ng unan sa pagitan natin at pumatong ka pa sa akin. Ikaw ang manyak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD