Chapter 5: Uncle
"I'm gonna call Kuya Paeng—"
Inagaw niya mula sa akin ang phone. "Huwag na. Ako ang maghahatid sa 'yo sa school mo."
Nagtaas ako ng kilay sa kanya bago umirap. "At anong sasakyan natin? Tricycle?"
Naalala ko tuloy kahapon noong dumating siya. Nag-arkila ba naman ng tricycle para iyon ang maghatid sa amin dito sa bahay niya. We could've used our car for free!
"Oo. Maliban na lang kung gusto mong maglakad?"
Padabog kong sinara ang bag na nasa upuan at sinukbit na sa balikat. Nakapamulsa lang siya sa gilid ko at pinagmamasdan ako. He was wearing a white v-neck shirt and maong pants. I rolled my eyes when I saw him staring at me.
"What's your course?"
"Civil Engineering, graduating," he answered before licking his lips. "Ano? Tara na."
"Graduating ka na? Kinontrata ka na ba agad ni Dad sa company namin kahit hindi ka pa nakapag-exam sa board?"
Dumiretso na siya sa pinto at hinihintay akong lumabas. Umismid ako at lumabas na ng bahay dala ang bag. He didn't answer my questions but I didn't mind. For sure, he'll be working under our company. Apprentice nga raw siya ni Daddy, e.
Kinuha ko agad ang panyo sa bulsa ng palda at pinunas sa leeg habang naghihintay kami ng tricycle sa gilid ng kalsada. Ang init-init. Wala pa naman akong payong. Itong kasama ko, mukhang sanay naman sa arawan.
"Don't you have classes today?" Nakasingkit ang mata ko nang tingnan siya dahil nasisilaw sa sinag ng araw.
"May trabaho lang. Bukas pa ang klase ko."
"Saan? Anong ginagawa niyo?"
"Construction site," tipid niyang sagot at pinara ang parating na tricycle. "Valley High, manong," sabi niya sa driver.
Nilagay niya ang kamay sa ulunan ko habang yumuyuko ako para makapasok sa loob nito. Sumunod naman siya agad kaya nagdikit ang mga braso namin. Tumingin siya sa akin saglit. Naglahad ako ng kamay sa kanya.
"Give me my allowance."
"Mamaya na kapag nakarating na tayo sa school mo."
"Psh! Balik mo na lang sa akin ang phone ko."
"Mamaya na rin."
Nagsalubong na ang kilay ko. I can easily punch or kick him but I'm trying to be patient since he cooked my food earlier. Fine. Pakikisamahan ko na nga siya nang maayos. Baka maging mabait na rin sa akin sa susunod.
Hindi naman pala malayo ang bahay niya sa school ko kaya nakarating kami agad nang wala pang sampung minuto. Bumaba ako agad nang makababa na siya. I waited on his side as he paid the driver for the fare.
Hinawakan niya ako sa balikat at bahagyang hinila kasama niya para makasilong kami sa may waiting shed. Lumingon ako sa paligid at nang may nakitang nakatingin sa amin ay tinalikuran ko agad.
"God, I can't believe pumasok ako ng school nang naka-tricycle!" reklamo ko sa kanya. "Ang dami pa namang nakatingin!"
Nagtaas siya ng kilay sa akin bago niya hinugot ang phone ko mula sa bulsa at inabot sa akin.
"Famous ka, 'te?" He smirked. "Ang arte mo talaga. Nakarating ka naman nang buhay rito, oy."
"Whatever! Just give me my damn money!" inip kong sabi.
Napawi ang ngisi niya at tumalim na naman ang tingin sa akin.
"Sabing huwag magmumura, e."
"Bakit? You said I can't cuss only inside your house! We're not in your house. Duh."
"Hindi maganda ang nagmumura, Savi. Tumulad ka sa akin, good boy."
Halos matawa ako roon. "So epal pa rin."
Umiling siya at nilabas naman ngayon ang kulay brown na wallet. Kumunot ang noo ko at bahagyang lumapit para silipin din iyon. Kaya lang, hinawakan niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya at bahagyang tinulak.
I pouted at him. Inabutan niya ako ng 50 peso paper bill.
"Ano 'to?" I waved it in front of his face.
"Pera ang tawag diyan. Iyan lang ang baon mo. Isang daan nga sana kaso nagmura ka," sabi niya sabay iling.
Napapadyak ako sa sahig. "Anong mabibili ko rito? Water? I can't believe you! Marami akong pera sa wallet ko. Bakit hindi ka roon kumuha?"
"Tss. Sige, ano bang binibili mo sa loob ng school?"
Napatingin ako sa puno. "Well, I buy my lunch meal. That's already eighty pesos kapag sa loob lang ng school. Budget meal na iyon. Depende pa kung gusto ko ng meryenda—"
Kinuha niya ang kamay ko at sinampal doon ang isa pang lumang papel na pera tulad sa ibinigay niya kanina.
"Oh, ayan. Isang daan na 'yan. May pang-lunch ka na. May twenty pesos pa para sa meryenda."
"A pizza slice costs fifty pesos! Wala pang juice!" paghihimutok ko.
"O, e 'di huwag kang mag-pizza! Mag-fishball ka na lang o anong tusok-tusok diyan. Magtubig ka na lang din. Kakain ka rin naman mamaya sa bahay pag-uwi. Ako na rin ang susundo sa 'yo rito kaya maghintay ka rito sa oras ng uwian mo."
Para na akong maiiyak sa harapan niya. My daily allowance is three hundred pesos. That is fine with me. Pagkain lang naman talaga ang madalas kong binibili tapos nandiyan naman si Kuya Paeng para sunduin ako.
Mamita's giving me five thousand every weekend, though, for shopping, parlor and spa so I'm not complaining for my daily allowance. Madalas ay siya pa ang sumasagot ng pang-spa ko kapag magkasama kaming dalawa. Kaya nga nakakaipon pa ako.
"Hay, kawawa naman ang bata," natatawa niyang sinabi kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.
"At least give me another fifty pesos! Ayos na ako roon!" huling tawad ko pero umiling siya.
"Tama na 'yan. Sige na, pumasok ka na. Hintayin mo ako rito mismo mamaya." He nodded his head.
"Wait... you sure you're going to pick me up? Baka indian-in mo ako, ha!"
"Oo. Tiwala ka lang sa akin."
Inirapan ko ang likod niya nang maglakad na siya palayo sa akin. Huminga ako nang malalim at inayos ang buhok bago umikot para pumasok na.
"Uy, Savi! Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan, e!" sabi ng isang schoolmate na nakasalubong ko.
Nanlaki bahagya ang mata ko. "Huh? Ah, yeah. Kararating ko lang, e."
Kumunot nang bahagya ang noo niya. Apat silang magkakasama at puro lalaki. Sinasabayan pa ako sa paglakad.
"Bakit ka nasa labas? Hindi ba ay pumapasok naman sa loob ang sasakyan niyo?" usisa pa ng isa.
"Ah, nasira kasi 'yong car namin so I took a..." My lips twitched. "A tricycle."
Umiwas ako ng tingin sa kanila. I heard a laugh from them.
"Nga pala... nabalitaan namin ang nangyari sa 'yo last week. Grabe 'yon, ah. Ba't ka kaya napag-trip-an? Mukhang ayos naman na rin ang binti mo..." sabi pa noong isa at napatingin sa binti ko.
"Na-move rin ang date ng play niyo. Sayang, matagal ko pa namang inaabangan 'yon."
"Oo nga, e. May tickets na ba kayo?"
"Oo naman! Lagi naming pinapanood ang play mo. Gustong gusto ko nga 'yong gumanap kang diyosa. Ang sexy—"
Biglang tinakpan ng isa sa kanila ang bibig noong nagsasalita. Kumunot ang noo ko sa kanila.
"Ah, hehe. Sige, Savi. Mauna na kami, ah? Abangan namin ang play mo next Monday!"
Tumango lang ako sa kanila at nagpatuloy na sa paglakad. May ilan pa akong nakasalubong at nangumusta kaya natagalan pa ako. Malapit na ako sa pinto ng room namin nang may umakbay sa akin at hinila ako paibaba gamit ang braso.
Agad kong siniko si Echo sa dibdib.
"Ouch." Tumawa siya at inayos ang strap ng bag sa balikat. Basa pa ang kanyang buhok at amoy sabon kaya mukhang galing sa ligo.
"Parang tanga 'to. Ang sakit sa leeg, e," reklamo ko at binuksan na ang pinto ng room namin.
"Asus—"
"WELCOME BACK, SAVAMPIRE!"
"Oh, s**t!"
Napahawak ako sa dibdib at napaatras nang may sumabog na confetti sa harapan ko. Tumawa sa likod ko si Echo bago ako inakbayan. Mea and Kana were both holding a pink hotdog ballloon and on the other hand was a confetti popper. My classmates were behind them and holding their own balloons.
"Thank you, guys! Grabe, na-appreciate ko!" sabi ni Echo habang tumatawa.
"You guys..."
"OMG! Mami, na-miss ka namin!" sabi ni Mea at niyakap ako.
Kana faked her cries and hug me, too. "Mabuti magaling ka na! Huhu! Napagkakamalan na kaming mag-jowabels ni Mea dahil kami lagi ang magkasama! So ew!"
I laughed at them after the group hug. May pa-banner at cake pa ang mga kaklase ko kaya hindi ko mapigilang ma-touch sa kanila.
"Gosh, you guys made my day! I was just gone for a week!" I said after receiving a bouquet of tulips. These are my favorites!
"Hoy, hoy! Bakit noong napilay ako, walang ganito? May favoritism talaga kayo! Para kayong hindi pamilya!" ani Echo at pabirong sinipa ang upuan.
Tumawa kami sa kanya. Tinapik naman siya ng kaklase naming lalaki sa balikat.
"Okay lang 'yan, pre. Nandito naman kami. Mahal ka namin." Akma pang yayakap ang kaklase namin sa kanya nang lumayo si Echo.
"Oy, mga siraulo! Ang babading niyo! Pahinging cake na nga lang!"
"Mamaya na! Adik! Maglinis na nga muna tayo at paparating na si Ma'am. Nanghingi lang kami ng thirty minutes na palugit para dito, e," sabi ni Kana.
"Really? Pumayag ang teacher natin?"
"Oo naman! Ikaw pa? Lakas mo sa mga faculty!"
Gusto ko sanang tumulong kaso pinipigilan nila ako. Ngumiti na lang ako sa kanila at umupo na sa puwesto ko. Katabi ko si Echo na nakikipag-usap naman sa isa pa naming kaklase at nakikipagtawanan.
Tinapik ko siya sa balikat nang dumating na si Ma'am. Lumingon siya sa akin, nakangisi pa noong una pero naging seryoso rin.
"Mag-uusap tayo mamaya, Sav," bulong niya.
The classes went on like what we normally do. Kinumusta rin ng mga teachers ang binti ko lalo na't alam nila na sumasali ako sa mga tournament ng karate. Pareho lang naman ang isinagot ko na maayos na ako.
Nang break time namin for thirty minutes, pinaghati-hatian na nila ang cake. May dalawa pa ngang may dalang tupperware kaya tawang tawa ako. Halatang pinaghandaan, ah?
"Hindi na." Sabay iling ko nang abutan ako ng maliit na paper plate ni Kana.
"Sus! Para sa 'yo nga ito tapos hindi naman kakain."
"Sa inyo na lang. I'm okay with these flowers," I said.
I received a short message from the President of theater club. May meeting daw kami saglit kaya nagpaalam muna ako sa kanilang pupunta akong LT. Madilim agad noong pumasok ako pero may ilaw na nakasindi sa may stage. Doon ako agad dumiretso at luminga sa paligid.
Parang ang tahimik? Nasaan na ang mga 'yon? I checked the text message again. Dito naman ang meeting place at ngayong oras ang napag-usapan. Maybe they're late?
"Savi."
I looked up at the stage and I saw Ellie walking towards my place. Seryoso lang ang mukha niya habang naglalakad kaya kumunot ang noo.
"Ikaw pa lang ba ang nandito, El?"
"May sasabihin ako sa 'yo pero sana, huwag kang magagalit." Huminga siya nang malalim at tiningnan ako nang mataman. "Hindi ka na raw kasali sa play. Tinanggal ka na bilang bida."
Nalaglag ang panga ko kasabay ng aking phone sa sahig dahil sa sinabi niya.
"H-huh? T-teka... ito ba ang pag-uusapan natin?"
"Pasensiya na, Savi. Papalitan ka na lang daw namin. Kinausap kasi kami ni Sir Jun tapos ang sabi niya..."
My hands started to shake and I just wanted to fall down on my knees right now. Hindi puwede. Sobra ang hirap at pagod na ginugol ko para sa play na ito tapos basta na lang nila akong tatanggalin? Bakit? I thought they moved the date of our performance?
Napayuko ako para itago ang nanlalabong mga mata dahil sa nagbabadyang luha.
"Ang sabi kasi ni Sir Jun..."
Umiling ako, ayaw nang marinig pa ang dahilan.
"IT'S A PRANK!"
Napatingala ako agad at nakita ang buong miyembro ng theater club na nagtatawanan. Kumurap-kurap ako at tumulo ang nagbadyang luha sa isang mata.
"Uy, gagi! Savi, prank lang 'to! Huwag kang umiyak!" pang-aasar nila. "Yari. Theater actress nga."
"Welcome back, Savi!" Tumatawa ang presidente namin na si Aiden na may dalang cake. "Gulat ka, ano? Akala mo papalitan ka na talaga?"
I couldn't find any words to say. Natulala lang ako sa kanila kaya panay ang panunukso nila sa akin. Biglang lumabas si Sir Jun mula sa backstage at kakamot-kamot sa ulo.
He smiled at me. "Pasensiya na, Savi. Dinamay lang nila ako rito. Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"
Umakyat ako sa gilid ng stage at nilapitan sila. Lumabi ako nang yakapin nila ako isa-isa habang tumatawa pa rin. Nakakainis. Pinagti-trip-an lang pala nila ako!
"Kainis kayo! Akala ko pinalitan niyo na ako agad, e!"
"Uy, hindi, ah! Kapag pinalitan ka namin, e, baka wala nang manood!"
"Pinaiyak niyo pa ako... you're so—"
"Annoying!" they said in chorus and laughed.
Umirap ako pero natawa na lang din. I blew the candles on the cake. Darius, the male lead of our musical play, handed me a bouquet of flowers, too. Alam na alam talaga nila kung paano papawiin ang asar ko.
"Yieee," panunukso nila.
Uminit ang pisngi ko. Ngumiti lang sa akin si Darius.
"Thank you! Naloka ako sa inyo. Kanina sa room, may paganito rin, e. I never thought you'd do the same."
"'Yong cake, si Shai pa mismo ang nag-bake!"
"Oh! Really? Thank you, Shai!" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
Namula agad ang kanyang pisngi.
"Thank you talaga rito. Akala ko talaga..."
"Hindi ka nila papalitan. Kapag pinalitan ka nila, magba-back out ako," ani Darius.
Tumaas ang kilay ko bago ngumisi.
"Yieee, naiihi na sa kilig si Dadey!"
Umiling ako sa kanila habang nag-aasaran sila. Sinabihan nila akong dalhin na ang cake na bake ni Shai kaya tinanggap ko na lang din. Nilagay nila iyon sa box nito at nilagyan din ng tali para hindi ako mahirapang dalhin.
Hindi talaga ako mahilig sa matamis pero ayaw ko namang tanggihan ito. Gusto ko sana silang bigyan pero may kinain na rin daw sila na gawa rin ni Shai.
"Guys, magsibalik na kayo sa klase niyo at tapos na ang break. Mamaya ay ako pa ang pagalitan," ani Sir Jun.
Napalingon ako sa kanan nang makitang sinisiko nila si Darius tapos bumubulong. Ngumuso ako nang tumingin siya sa akin bago lumapit. Kinuha niya mula sa akin ang hawak na box at ngumiti.
"Tulungan na kita," aniya.
"Ah, hindi na. Baka ma-late—"
"No, I insist. Pareho lang naman tayo ng building, remember?"
"Oo nga, Savi! Ang bigat kaya niyang cake!" sulsol ng mga kasama namin.
Wala na akong nagawa noong isa-isa na rin silang nagsialisan. Katabi ko si Darius habang dala niya ang box ng cake at ako naman sa bulaklak.
"Kumusta na ang binti mo? Ayos na ba talaga 'yan?" he asked after awhile.
Tumango ako. "My private nurse was very effective."
"Mabuti naman. Sa susunod na Lunes na nga pala ang performance natin. May huling rehearsal tayo this Friday."
"Yeah, Sir Jun already informed me about that. By the way, who bought these flowers?"
I noticed that his ears turned red and he looked away. "Ako..."
Nakagat ko ang aking labi.
"Ano... pinabili lang, ganoon," dagdag niya at huminto na kami sa tapat ng room ko.
Inabot niya na sa akin ang box ng cake bago nagpaalam. I smiled and nodded my head before waving my hand. Pagbukas ko ng pinto ng room, bumungad agad sa akin ang mga kaklase kong nagkukumpulan. Siyempre, pinapangunahan nina Mea at Kana.
"Hoy, ano 'yan? Ba't may pa-flowers?" Turo ni Kana sa dala kong bulaklak.
"Bakit may cake din?" mas OA na tanong ni Mea.
"At bakit may paghatid?!"
Umirap ako sa pagiging eksaherada ni Echo. Nagtawanan sila habang umuupo ako sa puwesto ko.
"Bigay lang 'to," sabi ko sa kanila.
"Malamang, duh!" Hinampas ni Kana ang desk ko. "Tulips din? Ano ba 'yan, walang originality."
"Gaga, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga admirer niyan na tulips ang paborito niya!" ani Mea.
"Daming alam. Pare-pareho lang namang bulaklak 'yan at hindi nakakain," nakasimangot na sabi ni Echo. "Mabuti pa ang cake."
Hinampas ko siya sa braso. "Excuse me, they have their own differences! Want me to elaborate it for your stupid little brain?"
He mimicked my words with his funny expression. Hinampas ko ulit siya sa braso pero natatawa na.
Alas siete ang tapos ng klase at talagang nagutom na ako. Hindi kasi ako nakapagmeryenda dahil sa ginawa ng theater club members. 'Yong cake na gawa ni Shai ay hindi rin nagalaw hanggang sa nag-uwian na kami.
"Savi, wait," pigil ni Mea nang palabas na rin sana ako ng room.
Kumunot ang noo ko nang pumunta siya sa pinakalikod ng room. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang medyo malaking box bago inilapag iyon sa mesa ko. Sinilip ko agad iyon.
"Araw-araw may nagpapaabot sa amin ni Kana ng bulaklak para sa 'yo. We tried to visit you in your house but your guard won't let us in."
"Huh? Bakit daw hindi kayo pinapapasok?"
"We don't know..." She shrugged her shoulders.
"What am I gonna do with these flowers?"
Nangunot ang noo nilang tatlo na nasa harap ko.
"Usually, inuuwi mo naman, 'di ba? I mean, lanta na nga ang ilan pero..."
I decided not to take those flowers. Itong dalawang bouquet lang at ang box ng cake ang dala ko habang palabas kami ng gate. I told them I'll wait for someone. Si Echo lang ang naiwan kasama ko sa may waiting shed dahil naroon na ang sundo ng dalawa.
"Sino bang hinihintay natin dito?" Pinatong niya ang siko sa balikat ko.
Saktong may tumigil na tricycle sa harapan ko. Umatras ako nang lumabas si Ariz at tila badtrip ang mukha. He looked at Echo's arm on my shoulder.
"Let's go, Savannah," maawtoridad niyang sabi.
"Sino siya, Savi? Pinsan mo?"
Umigting ang panga ni Ariz at magsasalita na sana nang unahan ko siya.
"He's my... uncle!"