Chapter 6: Tired

3008 Words
Chapter 6: Tired "Anong uncle? Mukha ba akong matandang kamag-anak mo, ah?" I rolled my eyes at him. Kanina pa niya ipinuputok ng butsi niya ang sinabi ko kay Echo na uncle ko siya. Nakarating na kami sa bahay niya ay iyon pa rin ang bukambibig niya. "Excuse me, there are cases that nieces or nephews are older than their titos and titas." "O, e, ano ngayon? Uncle mo ba ako? Pamangkin ba kita?" Salubong pa rin ang kilay niya habang naghahanda ng pagkain. "Ano ba ang ikinagagalit mo talaga?" "Sana sinabi mo na lang ang totoo," iritadong sabi niya at padabog na umupo sa monoblock. Umupo rin ako at kinuha ang kutsara't tinidor. "Na ano? Na fiancee kita? Duh. Ayaw ko nga. Tulad ng sabi mo, may possibility na hindi matuloy ang kasal kaya anong point kung sasabihin ko sa kanyang fiancee nga kita?" "Sino ba 'yon? Crush mo? Manliligaw o boyfriend?" He was still annoyed. "He's my bestfriend! His name is Jericho—" "Tinatanong ko?" putol niya at kumain na. "You're asking me!" "Kumain ka na nga lang. Naiirita ako sa boses mo. Ang sakit sa tainga." Hinawakan niya pa ang tainga. I really can't believe him! Nagtatanong siya kung sino si Echo tapos noong sinabi ko na, binabara naman ako. Nakakainis talaga kausap ang mga ganiyang tao. Sana hindi na lang siya nagtanong. Hindi ko siya pinansin hanggang sa matapos ang pagkain namin. Bumalik ako agad sa sala habang naghuhugas siya ng pinggan nang maalala ko ang cake na dala. Nakapatong 'yon sa sofa katabi ng bag at 'yong mga bulaklak. Kinuha ko iyong cake at bumalik ng kusina. "Kumakain ka ng cake? May dala ako," I said to him. Tapos na siyang maghugas at nagpupunas na ng kamay sa hand towel na nakasabit sa handle ng refrigerator. Sinulyapan niya lang ang box ng cake sa mesa. "Hindi. Ayaw ko sa matatamis." "What? E 'di sinong kakain nito? I don't eat too much sweets either." "Bakit hindi mo ibinigay sa bestfriend mo?" sarkastikong tanong niya. "May isang cake na silang kinain kanina—" "Tinatanong ko?" Ugh! I really hate him! Napakawalang kuwenta niya kausap! Padabog kong kinuha ang box ng cake at lumapit sa kanya. Tumaas ang kilay niya nang itulak ko siya sa braso para palayasin doon. Nilagay ko sa loob ng ref ang cake at lumabas na ng kusina, hindi na siya pinansin pa. Kinuha ko ang bag at flowers sa sala at dinala iyon sa kuwarto. Natigilan ako nang makita ang isang aparador sa tabi ng kay Ariz. Tulad din iyon ng sa kanya pero kulay pink naman. So he did really buy this, huh? Ang bilis naman. Kulay pink pa. Well, I love pink. I wonder if he does, too? Habang tinatanggal ko ang mga damit sa maleta ay pumasok si Ariz para kumuha ng damit. He didn't even dare to look or talk to me so I rolled my eyes. How would I thank him when we're both mad at each other? May mga hanger na sa loob ng cabinet kaya isinabit ko na roon ang ilang panlakad na damit. Marunong naman akong magtupi ng damit kaya maayos ko 'yong nilagay sa loob. Patapos na ako nang pumasok ulit si Ariz, nakasuot lang ng shorts at tumutulo pa ang tubig sa katawan mula sa buhok. His towel was hanging on his shoulder. Napatitig ako sa abs niya at napalunok. Nag-g-gym ba siya or anything para magkaroon niyan? Baka pumupunta roon para makakita ng mga lalaki? Pero hindi talaga ako naniniwalang bakla siya, e. Pinaglololoko lang yata ako. Binalik ko ang tingin sa loob ng cabinet nang lumapit siya at dumaan sa likod ko. I held on my clothes tightly when he spoke. "Maligo ka na. Para kang engot, naka-uniform pa rin hanggang ngayon." Engot?! Me? Hinarap ko siya at bubugahan na sana ng apoy pero napatigil dahil nakatambad sa akin ang hubad niyang dibdib. Kumunot ang noo ko at tiningala siya. "Puwede bang magbihis ka naman? Babae ang kasama mo rito!" "Sure ka talaga diyan?" "What?" Naupo siya sa kama at kinuha ang bulaklak na ipinatong ko roon. Inamoy niya iyon at ngumiwi. Nag-init agad ang tainga ko. "Saan galing 'tong mga 'to? Ibebenta mo?" Sabay tingin sa akin. "Of course not! Bigay sa akin 'yan!" His thick eyebrow rose. "Nino? Boyfriend mo?" "No! Wala nga akong boyfriend! Bigay 'yan ng mga kaibigan ko." "Lalaki?" Umangat nang bahagya ang labi niya. "Pakilala mo nga ako sa mga lalaki mo at baka type ko rin." Hinagisan ko siya ng damit sa mukha sa sobrang gigil ko. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang confused sa aming dalawa sa p*********i niyan, e. One moment, he'll act like a real man, and then suddenly... he'll act like this! Kumuha na ako ng spaghetti strap at dolphin shorts bago naligo. Balak ko sanang mag-pajamas kaya lang ay wala namang aircon kaya mainit. Komportable rin naman ako na ganito matulog kaya ayos lang. Pumasok agad ako sa kuwarto habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. Nakahiga na siya sa kama habang nakaunan ang dalawang braso at nakapikit. Nakasuot na siya ng damit. Pumuwesto ako sa tapat ng electric fan para doon patuyin ang buhok dahil wala akong nadalang hair blower. "Ano ba 'yan," sabi niya sa likod ko. Inaano ko 'to? Sarap sipain. "Umalis ka nga sa tapat ng electric fan. 'Yang amoy ng shampoo mo ang naamoy ko at hindi na ako mahanginan. Ang init." "E 'di pakabit ka ng aircon kung naiinitan ka. Magtiis ka riyan. I'm drying my hair!" "Wow." He laughed. "Ginawa mo talagang hair blower 'yang bentilador?" Sinulyapan ko siya at inirapan. "Umalis ka diyan. Magkakasakit ka niyan kapag tumutok ka." "Pakialam mo? Just sleep!" "Bahala ka. Ikaw na nga sinasabihan. Tss..." Hindi pa masyadong tuyo ang buhok ko nang tumigil na ako. I was already sleepy but I took time to scroll down on my social media accounts. Maliban sa f*******: dahil hindi ako gumagamit noon. Messenger, yes, for communication purposes. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang linya sa screen. Tinutok ko iyon sa ilaw at nakumpirmang nagkaroon nga iyon ng crack dahil siguro sa nabagsak ko ito kanina. But it was okay since screen protector naman ang nag-crack at hindi ang mismong screen. I looked at Ariz when he moved beside me. Nakaharap siya sa side ko ngayon. Mukhang tulog naman na siya. Nilagay ko na ulit ang unan sa pagitan namin. "Kapag ito inalis mo ulit," bulong ko at pinatay na ang phone bago nahiga. His lips twitched. "Ikaw nga ang nag-aalis," he muttered huskily. Dumilat siya at nagkatinginan kami. We were having a staring competition for some minutes until I looked away. I couldn't stand his intimidating stares. It was like he was looking at me deep down of my soul. "Bakit hindi mo inaalis ang bra mo kapag natutulog?" bigla niyang tanong. Nag-init ang pisngi ko. "P-pakialam mo?" "Tss." He chuckled lowly. "Sabi nila, magkaka-breast cancer daw kapag hindi tinatanggal ang bra kapag natutulog." "Nag-aalis ako ng bra sa bahay. Syempre, katabi kita kaya bakit ko tatanggalin? Mamaya, kapain mo pa 'tong dibdib ko!" Humagalpak siya sa tawa kaya napalingon ako sa kanya. He looked so amused when he stared at me. "Alam mo, ang assuming mo talaga. Wala naman akong kakapain diyan. Parang tabla." Napabangon ako, kumukulo na ang dugo. I looked down on my boobs. Hindi naman tabla 'to, ah? I even have a cleavage! He's seriously insulting me! "Excuse me! Anong tabla ka diyan? It might not even fit in your hands fully!" Tumihaya siya at inunan ulit ang isang braso habang nakatingin sa akin. "Kung sinasabi mo 'yan para hawakan ko ang dibdib mo, huwag ka nang umasa." He smirked. "Hindi tayo talo, oy." Gigil ko siyang hinampas ng unan sa mukha. Seriously? Hindi na yata ako makakatulog nang payapa dahil sa kanya. "Badtrip ka! Huwag ka talagang yayakap sa akin, ha!" "Ang kapal naman nito. Kung puwede lang maglagay ng CCTV dito para makita mong ikaw pa ang pumapatong sa akin. Inaalipusta mo ang p********e ko." Sabay yakap niya sa katawan. Napahawak ako sa dibdib. Hindi ko na kinakaya ang paratang niya, ah. At anong p********e niya? Kainis! "At bakit naman ako papatong sa 'yo?!" Tinakip niya na ang braso sa mga mata bago nagsalita. "Malay ko. Basta tinawag mo akong 'Jumbo'. Anong malay ko kung sinong demonyo ba 'yon." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Jumbo is my huge hotdog pillow with a face in my bedroom! Iyon palagi ang yakap ko, e. Maybe... he's telling the truth? Hindi na ako nagsalita at nahiga na lang sa tabi niya pero may nakapagitan pa ring unan. Kinabukasan, nagising akong nanginginig sa lamig at masakit ang katawan dahil matigas ang hinihigaan. What the heck? Bakit nandito na ako sa sahig?! Bumangon ako at kinusot ang mata. Tiningnan ko si Ariz na ang himbing ng tulog. Nagngitngit ang ngipin ko at agad tumayo. Halos mamanhid ang kamay ko nang hampasin ko siya sa binti. "Aray! Anong problema mo?!" Tumayo ako sa mismong kama at nilagay ang dalawang kamay sa balakang. Kinusot niya ang mga mata at naniningkit akong tiningnan. "Why the heck I was sleeping on the floor, huh?!" Pumikit ulit siya at hindi ako pinansin. Sa sobrang inis ko, inupuan ko siya sa tiyan at sinampal sampal ang mukha. "Savi, ano ba! Umalis ka nga sa ibabaw ko," iritado niyang sabi. "I'm asking you! Paano ako napunta sa sahig? Tinulak mo ako, 'no?" I accused him. "Wow!" sarkastikong aniya. "Hindi ba't sinabi ko nang magulo ka matulog? O, e 'di hinayaan na kita diyan sa sahig para malaman mong totoo ang sinasabi ko!" "E, bakit hindi ako nagising?!" "Anong hindi? Nag-i-sleep talk ka lang ba ngayon? Tabi ka nga! Akala mo naman ay napakagaan mo." Hinawi niya ako sa braso kaya napaupo ako sa gilid niya. Napasabunot na lang ako sa buhok at umalis na ng kama. "I hate you! Ang sakit ng katawan ko!" Bumangon siya at napakamot sa ulo. "Kasalanan ko?" "Oo—" "E 'di wow." He smirked and stood up from the bed. Dahil alam kong wala pa siya sa huwisyo, agad ko siyang sinunggaban at sinuntok sa panga. Napaatras siya at nasapo ang tinamaan ko. Matalim niya akong tiningnan. "Bakit ka nanununtok?" kalmado niyang tanong pero nakamamatay ang tono. Bigla akong nanliit at napaatras nang humakbang siya palapit sa akin. His jaw moved as he tilted his head a bit. "It was your f-fault!" "Kasalanan ko? Kasalanan kong nahulog ka? Sigurado ka? Nasaan ang ebidensiya mo?" Naghahamon ang tinig niya. Hindi ako nakaimik at napayuko na lang. Alright. I admit that I don't have any proof that he pushed me from the bed. Tumigil siya sa paglapit sa akin nang napasandal na ako sa pader. I played with my fingers. "Ang hirap kasi sa 'yo, puro ka bintang. Bakit hindi ka mag-abogado? Ipagtanggol mo 'yong mga kriminal na gago," he said grimly. Parang nanigas ang kalamnan ko sa sinabi niya. He wasn't directly cursing me but he sounded really pissed off. Bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya sa harapan ko at padabog na isinara ang pinto. We were silent the whole morning. Nauna akong naligo sa kanya dahil nagluluto pa siya. Paglabas ko ng banyo, pumunta agad ako ng kusina. I'm gonna apologize to him. "Ariz," I called him softly. Sinulyapan niya lang ako pero patuloy siya sa paglalagay ng nilutong ulam sa mangkok. Lumabi ako at nilapitan siya. I tugged at his sleeves when he turned his back at me. "I'm sorry..." I whispered. He didn't speak. Huminga ako nang malalim. "Uy, sorry na." Tinusok ko siya sa braso. Ang tigas naman. "Kumain ka na," malamig niyang sambit. We ate in silence. Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang kumakain. Ni hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Tumulis lalo ang nguso ko. "Are you still mad at me?" "Hanggang gabi ako mamaya. Baka hindi kita masundo. Bibigyan na lang kita ng dagdag baon," aniya, hindi sinagot ang tanong ko. "Anong oras ka makakauwi?" "Hindi ko sigurado. Bumili ka na lang ng hapunan mo. I-lock mo ang pinto kapag nakauwi ka na. Huwag mong buksan kapag may kumatok. May susi ako ng bahay kaya hindi ko kailangang gawin 'yon." "Okay," matamlay kong wika at tumango. Hinatid niya pa rin naman ako sa school at binigyan ng two hundred pesos. Malamig pa rin ang tungo niya sa akin hanggang sa umalis na siya. Tahimik ako sa klase at hindi masyadong nakausap ang ilang kaklase. Inusisa pa rin naman ako ni Echo tungkol kay Ariz kaya pati sina Mea at Kana, nagtanong din. Pinanindigan ko ang sinabing uncle ko si Ariz at pansamantala akong nakikitira sa kanila. "Bakit ka naman doon makikitira? How about your Mamita?" Mea asked. "Basta... pansamantala lang naman." Echo's eyes narrowed at me. "Sigurado kang tito mo 'yon? Ilang taon na siya?" Napaisip ako sa sinabi niya. I mentally did the math. If he's already in his last year in college, then he's probably four or five years older than me. "Twenty-two?" "Bakit parang 'di ka sigurado?" Tumawa si Kana. "Nag-aaral pa?" Tumango ako. "Guwapo?!" Mea grinned at me. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kung ano. Ano ngayon kung guwapo, e, lalaki naman din ang gusto? Hindi siya bet. Napabuntong hininga na lang ako. "Guwapo." Nagtilian sila ni Kana at inalog-alog ako sa balikat. Echo looked bothered and silent for unknown reason. "Pakilala mo kami, Savi! For sure, he's matured? College student na 'yan malamang. Anong kurso?" "Civil engineering—" "Wow! Balita ko, bagay ang mga inhinyero sa future AB Communication student!" Kana laughed as she high-fived with Mea. Natawa na lang din ako sa kanila. Kung alam lang nila na pareho sila ng tipo. Gusto rin ng lalaki. Alas sinco nang kinausap ako ng isa sa mga teacher namin at sinabihang excuse na ako sa mga klase. May training pala kami mamaya sa karate kaya nauna akong umalis sa tatlo. Nagpalit na muna ako ng white shirt at jogger pants bago dumiretso sa training center. Halos lahat ng nasa team Rizal ay nandoon na. Kinumusta rin nila muna ako bago ako nagpalit ng gi, 'yong uniform namin. We did some stretching first before doing our usual trainings such as jogging, high kicks, and punching. Nagpahinga kami saglit sa may mat at nag-usap nang tawagin ako. "Sensei," I uttered. Humalukipkip siya at tiningnan ang binti ko saglit. "Sigurado ka bang puwede ka pang lumaban sa parating na Nationals?" "P-po? Oo naman po." Huminga siya nang malalim at napahilot sa sentido. "I want to see the medical result of your injury first." Nanlaki ang mga mata ko. My heart started to drummed so fast. "Ano po... uhm, wala na po akong ganoon. Simpleng pilay lang naman ang nangyari—" "Still, Savi. Hindi kita pasasalihin sa team natin kapag hindi ka puwede dahil sa naging injury mo. Balita ko ay baseball bat pa ang ipinanghampas sa 'yo?" "Sensei..." kinakabahan kong usal. "Ayos lang po talaga ako. Saka may kata pa po. Kasali ako roon..." Richard-sensei nodded his head. "Tulad ng sabi ko, hindi kita pasasalihin kapag hindi pa talaga maayos ang lagay mo. Now, if you can't provide a medical result or certificate, then at least present me your doctor's legit consent saying you're eligible to join the competition. I can't risk your health, my dear student." Napalunok ako at napatango na lang sa sinabi niya. Marami kaming coach sa isang team pero madalas ay siya ang nakakausap ko at nakaka-sparring. I know he's just worried about me but... I sighed heavily and shook my head. Pasado alas otso kami natapos at nagkayayaan pa silang sabay-sabay na lang mag-dinner. Ililibre pa raw ako. Hindi na ako tumanggi dahil naalala kong sinabihan ako ni Ariz na maghapunan na lang din sa labas dahil gagabihin siya ng uwi. Nagpalit lang ulit kami ng damit bago dumiretso sa isang Japanese restaurant. I was laughing so hard while we were eating because of their jokes. Nawala tuloy sa isip ko na kailangan ko pala na mapakiusapan ang doktor na tumingin sa akin sa ospital. It's already thirty minutes past nine o'clock when we decided to go home. "Bye, guys!" Nagkawayan na sila at nagbeso nang lumabas kami sa kainan. "Ikaw, Savi? Hindi ka ba magpapasundo?" Ngumiti ako. "Hihintayin ko si Kuya Paeng dito. Sige na. Ingat kayo." Tumango sila at kumaway na rin. Now I'm left alone. Halos kaltukan ko ang sarili nang matantong hindi ko alam kung paano umuwi ngayon! Hindi ko alam ang address ng bahay ni Ariz. I have no choice but to really call Kuya Paeng to pick me up here. "Ma'am, hindi niyo naman po agad sinabi na hindi kayo uuwi sa bahay ng fiancee niyo. Nandito po kami ni Sir Romel sa Batangas." "What? Anong ginagawa niyo diyan?" I stomped my feet. "Paano ako uuwi ngayon?" "E, Ma'am, pasensiya na po talaga. Bakit hindi na lang po kayo sa bahay niyo mismo dumiretso?" Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip. Oo nga. Bakit hindi na lang ako umuwi sa amin? "Okay, Kuya Paeng. Thanks for that wonderful tip." Binaba ko ang tawag at nagtawag na ng taxi. Nakauwi naman ako agad kaya lang at muntik pang kulangin sa pamasahe kung hindi ko lang tiningnan ang metro sa harapan. Excuse me, hindi ako ignorante! "Darling!" gulat na sambit ni Mamita nang salubungin ako sa loob. "Mamita, I missed you!" Yumakap ako agad sa kanya at hinalikan siya pisngi. Humiwalay naman siya agad sa akin at kinurot ako sa tagiliran. Napalayo ako at ngumiwi. "Ikaw bata ka! Pinag-alala mo ako! I thought you were being kidnapped for real! Kumunot ang noo ko at natawa na lang sa kanya. "Huwag kang tumawa-tawa, Savi, ha. Your fiancee's here! Hinahanap ka!" Sabay turo niya sa kinalulugaran ni Ariz. My lips parted when he walked towards us. Mariing naglapat ang mga labi niya habang namumungay ang mga mata. "Umuwi na tayo sa bahay ko, Savi," tila pagod na pagod niyang utos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD