Chapter 7: Hands
He wasn't talking while we were on our way to his house. Dala ko pa rin ang bag ko na medyo mabigat dahil nakailang palit ako ng damit kanina.
Dumiretso agad siya sa kuwarto nang makarating kami sa bahay. I pouted and followed him inside. Nakahiga na siya sa kama at nakatakip ang isang braso sa mga mata.
"Ariz... magpalit ka na muna ng damit."
Naka-pants pa kasi siya. Nakakailang kaya matulog nang nakaganyan.
"Pagod ako, Savi. Huwag mo na muna akong kausapin."
Parang kinurot ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Bahagyang nakaawang ang mapula at makurbang labi niya. I sat beside him and nudged his shoulder.
"At least change your pants, Ariz. You'll feel uncomfortable if you sleep wearing those pants."
Hindi pa rin niya inalis ang braso sa mata nang magsalita. "Kahit anong suotin ko, hindi ako magiging komportable dahil katabi kita."
"H-huh?"
He didn't speak. Nakita kong mabagal na ang pag-angat-baba ng kanyang dibdib kaya napabuntong hininga na lang ako. He must be really tired to fell asleep fast. Tumayo na lang ako at kumuha ng damit para makaligo na.
Habang naliligo ay hindi ko mapigilang isipin kung bakit pa siya pumunta sa bahay namin. He didn't really have to go in our house. May balak naman akong kunin ang numero niya sana kapag nakauwi na ako para sabihing sa bahay na ako matutulog. Hindi ko lang inasahan na mas mauuna pa siyang makapunta sa bahay bago ako.
Nagpalit na ako ng spaghetti strap at shorts. Nagpapatuyo ako ng buhok nang mapalingon ako sa kanya. His position on the bed didn't change. I felt guilty all of a sudden. Kinagat ko ang labi bago tumayo at kinuha ang unan at kumot na magkapatong sa puwesto ko.
He said he won't be comfortable in any way if I'll be sleeping beside him. Okay, then. Ako na ang mag-a-adjust. Lumabas ako ng kuwarto dala ang dalawang unan at kumot. I placed it in the wooden sofa. Doon na ako humiga at sinubukang matulog. I didn't even fit so I had to pull up my knees.
Ilang beses akong naalimpungatan dahil ang tigas ng higaan at pinapapak pa ako ng lamok. I stretched my leg and I hit the edge of this sofa. Tumagilid ako at pumikit ulit nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto.
"Savi," he called out with his bedroom voice. "Doon ka na sa kuwarto."
Hindi ako nagsalita. Sabi mo ay hindi ka komportableng katabi ako kaya bakit mo ako pinababalik doon? O baka naman pinapalipat niya ako pero sa sahig din ako matutulog? Huwag na lang. Mas okay pa rito kaysa sa sahig.
He nudged my shoulder lightly. So epal! Kitang natutulog ang tao, e. Though I wasn't really sleeping.
"Alam kong gising ka pa dahil humihilik ka kapag natutulog. Bumangon ka na riyan. Doon ka na sa kama."
What the hell?! Anong humihilik? I don't snore when I'm asleep! Bahala siya. Nagpatuloy ako sa pagpanggap na tulog.
"Gusto pa yata magpabuhat," bulong-bulong niya. "Huy, tayo ka na. Ano ka, bata? Ang bigat mo kaya."
Duh? Ang laki ng katawan niya, nabibigatan siya sa akin, e, ang gaan ko nga lang. Excuse me but I'm watching my weight every two weeks. And the last time I checked, I weighed only 42 kilos. Nabibigatan na siya roon?
"Isa, hahayaan na talaga kita rito kapag hindi ka bumangon, Savannah.
Umirap ako kahit nakapikit.
"Dalawa... ah, gusto talaga magpabuhat?"
Napaigtad ako sa kinahihigaan nang sundutin niya ang tagiliran ko. Napaharap ako sa kanya at susuntukin na sana nang hulihin niya ang kamao ko. Nakaluhod siya sa gilid ko at nakapatong ang isang braso sa may ulunan ko.
Parang babagsak na anumang oras ang talukap sa mga mata niya pero pilit pa ring dumidilat. Binawi ko agad ang kamay mula sa kanya.
"Tara na sa kuwarto," mahinahon niyang utos.
"Psh. No, thanks. You said you won't be comfortable if I sleep beside you. Now—"
"Doon ka na sa kama. Ako na rito," mas mahinahon niyang saad.
My lips parted lightly as I stared at him. Seryoso ba siya? Ang tigas ng upuan at ang lamok pa rito tapos gusto niyang dito matulog? I mean, it's okay for me if we sleep on bed together. He seems really behave when sleeping while I sleep restlessly.
Bumangon ako at nilagay ang mga paa sa malamig na sahig. His eyes dropped down on my bare foot for a moment before looking up at me again. I stuck out my lower lip.
"Galit ka ba... sa akin?"
Tumagilid ang ulo niya at napabuga ng hangin. "Hindi. Sige na, Savi. May pasok ka pa mamaya."
"No... you're mad at me," sabi ko at humalukipkip. "You don't want me to sleep beside you."
Mariin siyang napapikit bago naupo sa tabi ko. I watched him as he massaged the bridge of his nose. Mapungay pa rin ang mata niya nang lingunin ako at medyo namumula na.
"Gusto mo ba akong katabi matulog?" he asked carefully.
Natigilan ako nang bahagya. Honestly, I don't sleep with anyone aside from my Mamita. But... we already slept together for two nights now.
"I don't know."
Pagod siyang ngumisi. "Ayaw mo, 'di ba? Kaya ako na rito. Doon ka na sa kama."
"But... it's okay if we sleep together again. I mean, dalawang araw na tayong magkatabi matulog—"
"Sshh..." saway niya. "Don't make it sound like you want to really sleep with me, Savi."
Kumunot ang noo ko. "What? E, we really slept together naman—"
Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang malaki niyang kamay. My eyes went wide as I slapped his hand away. Salubong na ang kilay niya at mariin ang tikom ng bibig.
"What's your problem?"
"Isang tanong, isang sagot. Gusto mo bang tabi tayo matulog ngayon?" ulit niya sa mas maawtoridad na tinig.
I llcked my lips and bowed down my head before nodding at him.
"I want to hear your answer," he said impatiently.
"Yes..." I answered and pouted at him.
Tumayo siya bago walang pag-alinlangang kinuha ang dalawang unan at ang kumot na bahagya pang nakapatong sa hita ko. It revealed my thighs and I saw his eyes gazed at them.
"You really have a nice pair of legs. Iba talaga kapag karateka."
My cheeks heated up and I stood up. Sumunod ako sa kanya sa kuwarto bago sinara ang pinto. He was placing a pillow in between our space on the bed before laying down on his place. Humiga na rin ako at nanatiling nakatingin sa kisame. I'm really glad that we both can sleep with the lights on.
"Patayin mo ang ilaw," biglang sabi niya kaya napatingin ako.
"Huh? Bakit?"
"Nahihirapan akong matulog kapag may ilaw." He sighed and glanced at me. "Saka sayang sa kuryente."
I scowled at him. "Bakit hindi mo sinabi iyan noong unang gabi pa lang? I thought you can sleep with lights on!"
"Pinagbigyan lang kita sa unang gabi mo. Ngayon, patayin mo na ang ilaw."
"Wait... do you have a flashlight?"
"Huwag ka na mag-flashlight. May liwanag naman galing sa labas."
Tumayo na ako sa kama at pinatay ang ilaw. Tama siya. May liwanag na nanggagaling sa labas dahil siguro sa poste ng ilaw at sa buwan. Humiga na ako at tinalikuran siya para matulog.
"Savannah," he called silently.
"Hmm?"
"Please, don't make me so worried again," he muttered huskily.
The next morning I woke up, he was hugging me on my waist. Humikab ako at nilingon siya. I bit my tongue as I observed him while sleeping. Bahagyang humaharang ang buhok sa kanyang mata kaya marahan kong hinawi iyon.
I smirked when I saw his meeting thick eyebrows even when he's asleep. My forefinger shamelessly traced his aristocratic nose down to the curved of his upper lip. Lumabi ako at pinakatitigan iyon. Nakakainggit naman. Mas mapula pa yata ang labi niya sa akin. My lips are rosy, his are almost as red as blood.
Humigpit ang yakap niya sa akin at bahagya akong hinapit palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang tumatama na ang kanyang mainit na hininga sa pisngi ko.
Kung ibang pagkakataon 'to, baka nasaktan ko na siya ulit. But... I don't know. He looked so peaceful when he's asleep. I wonder if he's really a gay? Sana ay hindi. Sayang magiging lahi namin kung sakali.
I shook my head. I mean, sayang magiging lahi niya. Ang guwapo pa naman niya tapos guwapo rin ang tipo niya? Ba't ganoon?
"Anong iniisip mo?" he asked hoarsely.
Dumilat siya at nagtagpo ang aming mga mata. Umiwas ako agad ng tingin at balak na sanang tumayo pero hinila niya ulit ako pahiga.
"Aren't you going to punch me?" His tone was now playful.
"No! Of course not!"
Muli niya akong hinila nang subukan kong bumangon.
"Nakayakap ako sa 'yo ngayon at hindi ko pa tinatanggal. Sigurado kang hindi mo ako susuntukin?" A small smirk played on his lips.
I rolled my eyes. "Kanina pa sana kita sinuntok kung gagawin ko iyon. Now, let me go and I'm going to take a bath!"
Umalis naman siya agad at inunan ang dalawang braso habang nakatingin sa akin. He swiped his tongue over his lips and smirked at me. My gaze diverted at his flexed biceps and I pouted.
May pasok siya sa araw na iyon pero naihatid pa rin niya ako. Pagdating sa may waiting shed ng school kung saan kami bumababa, naglahad agad siya ng kamay sa akin. I arched my brow at him and crossed my arms.
"Are you asking for allowance?"
"Give me your phone."
Kumunot ang noo ko pero ibinigay pa rin sa kanya matapos buksan iyon. His lips were pressed together as he started tapping the tip of his thumbs on my phone's screen. Lumapit ako pero tinulak niya ulit ang noo ko gamit ang hintuturo niya.
I glared at him. He returned my phone and he fished out his own from his pocket. Nag-type siya ulit doon hanggang sa tumingin siya sa akin kasabay nang pagtunog ng phone ko. Tiningnan ko iyon at nang makitang unregistered number ay declined agad sa akin. I don't answer unregistered number, e.
"Sino ba 'to?" Tumunog ulit iyon kaya ni-decline ko ulit.
Bahagyang tinampal ni Ariz ang noo ko kaya tiningala ko siya.
"Tss. Sira. Ako 'yan. Save mo number ko."
"Paano mo nalaman ang number ko?"
Napasuklay siya sa buhok niyang may kahabaan. "Alam mo, ang bagal mo."
"What?"
Napabuga siya ng hangin at umirap. "Hinanap ko ang number mo riyan sa phone at kinabisado. Save mo iyan."
I scratched the bridge of my nose and nodded at him. Ayun lang pala ang ginawa niya. Akala ko naman kung ano.
"Hiniram mo na nga, hindi mo pa ni-save."
"Hindi ko kabisado ang number ko, e." He shrugged.
"Hindi mo kabisado ang number mo pero nakabisado mo agad ang number ko?"
"I-text mo na ako kapag labasan niyo na. Huwag kang aalis dito hangga't wala ako. Magpasama ka ulit doon sa kaibigan mo kung dito mo ako hihintayin."
"Bakit pa? I can wait you up here alone. Gusto mo lang makita si Echo, e," akusa ko.
Tumaas ang kilay niya sa akin. "Madilim na rito kapag gabi. O kaya sa loob mo na lang ako hintayin tapos magte-text na lang ako kapag nandito na."
Ang dami namang alam nito. Nilahad ko na lang ang kamay sa kanya. He handed me an old hundred peso paper bill. Tatalikuran ko na sana siya nang may tumawag sa pangalan ko. I glanced around and saw Darius stalking behind me.
"D-Darius!" I stuttered. "A-anong ginagawa mo rito?"
He smiled at me shyly. "Akala ko nagkamali ako ng tingin. Ikaw pala talaga 'yan."
Ay, no. Imagination mo lang ako. Lumagpas ang tingin niya sa likuran ko kaya napabalik ang tingin ko kay Ariz.
"Ah, Darius... uncle ko pala," pagpapakilala ko. "Uncle Ariz, this is Darius." I giggled a bit.
Ariz threw me sharp glares and held my arm.
"Your Tito?" Darius spoke. "Good afternoon, Tito Ariz."
Pinigilan kong humalakhak nang makita ang lukot na mukha ni Ariz. Tiningnan niya lang ang kamay ni Darius na nakalahad bago ako bahagyang hinila. Yumuko siya sa gilid ng mukha ko para bumulong.
"Guwapo nga 'yan pero bading. Ingat ka."
I suppressed a chuckle with what he said. Really, huh. Naamoy niya ang kapwa paminta?
Sabay kami ni Darius pumasok sa loob. He asked a few questions about Ariz and I gladly answered some.
"Magkamag-anak nga talaga kayo. Parehong maganda ang lahi," huling sinabi niya.
Natigilan ako roon at napaisip. Bakit parang iba ang dating sa akin ng sinabi niya sa 'maganda ang lahi'? Was he pertaining on something or what? Or maybe it was just my wild imagination.
"Get one whole sheet of pad paper," anunsiyo ng guro namin sa Philosophy.
Nataranta agad ako at kinalabit si Echo na katabi ko lang. Lumingon siya sa akin at naglapag agad ng papel sa desk ko.
"Nakinig ka sa lesson?" I asked him worriedly.
"Huh?" Bahagya siyang tumawa. "Nakinig ako pero hindi ko naintindihan, e. Puro defense mechanism yata nabanggit niya."
Nasapo ko ang noo nang mag-flash na ang question sa may board mula sa projector. s**t. Puro pa naman analyzation ang quiz niya!
"Bakit hindi ka nakinig?" I still whispered at him. Nakaharap lang ako sa papel para hindi halatang nagsasalita.
"Naglalaro ako ng ML," he replied silently. "Kopya ako rito sa katabi ko tapos kopya ka na lang sa akin."
Bahagya akong sumulyap sa papel niya na walang harang at nagsulat na ng pangalan sa sariling papel. Syempre, kunwari ay nagbasa ako sa board pero hinihintay ko lang matapos magsulat si Echo. Nang siya naman ang tumingin sa board ay ako naman ang yumuko para magsulat.
Bahagya pa niyang nilapit sa akin ang papel para makita ko. Thank God I have a good eyesight. Tamang paraphrase lang sa sagot niya. Mata ko lang ang gumagalaw at paminsan-minsang tumitingin sa harap para tingnan kung anong ginagawa ng teacher. Baka mamaya, nakatingin na pala sa akin, e.
"Tapos na," bulong ko at bahagyang siniko ang braso niya.
Nakahinga ako nang maluwang nang matapos ang quiz. I even stretched my arms and high-fived with him.
"Sana tama ang sagot!" I laughed.
He smirked. "Valedictorian 'yata 'tong katabi ko," he said and stood up. "Tara kain."
Tumayo agad ako at nilapitan sina Mea at Kana. They were arguing about their answers on the quiz so I shook my head. They really love to argue and debate about something. Kaya nga naisip kong puwede naman silang mag-abogasya pero mas gusto nilang sa broadcasting pa rin sa future.
Apat kami sa squad at kung kaming dalawa ni Echo ang mas close, ganoon din silang dalawa. Pero madalas ding kaming tatlong babae ang magkakasama dahil si Echo, may mas malawak pang circle of friends. Karamihan doon ay ka-team niya sa soccer. 'Yong iba, friends ng friends niya na nagiging friends niya na rin.
"Savi! Sususnduin ka ba ulit ng uncle mo?" excited na tanong ni Mea nang uwian namin.
"Ah, oo. Bakit?"
"Pakilala mo kami!" kinikilig na ani Kana.
Nasa magkabilang gilid ko sila kaya salitan ang tingin ko. Nasa likod naman namin si Echo kasama ang ibang kaklase naming nag-iingay rin.
"Sige. Pero... uh, 'di ba may mga sundo kayo?"
"It's fine! My driver can wait. I just want to see your uncle if he's really hot!" Mea exclaimed.
"Oo nga, Savi. Kapag bet ko talaga, reto mo ako, ah? Para Auntie mo na ako!" Tumawa si Kana. "Kaya lang parang ang awkward, ma!"
Ngumiti ako pero parang naging ngiwi. Nagpaalam na kami sa ibang kaklase kaya kaming apat na lang ulit kami habang palabas ng gate. Tumigil kami sa waiting shed kaya nag-text na ako kay Ariz. I should've texted him earlier.
Nagpamulsa si Echo sa gilid ko at tumingin-tingin sa paligid bago ako hinarap.
"Uncle mo ulit ang susundo sa 'yo?"
Tumango lang ako sa kanya. Mea and Kana were both giggling behind us.
To: Ariz
Dito na me sa waiting shed. Where are you na?
From: Ariz
Tricycle. Lpit n. Jan k lng.
Kumunot ang noo ko sa text niya. Ang jeje, what the heck! Kulang-kulang pa ang letters.
To: Ariz
Can't you complete your words? So jeje.
From: Ariz
Ikaw nga pati text mo, ang arte. So arte.
Umirap ako at ibinulsa na lang ang phone. Binuo nga, hindi ko naman nagustuhan ang sinabi niya. So annoying.
"Malapit na ba, ma?" Mea asked.
"Malapit na raw. Wait lang."
"Bakit Ariz lang ang pangalan niya sa contacts mo? Wala ka talagang galang," ani Echo at tinawanan ako.
Bahagya ko siyang sinuntok sa balikat. I could've put Ariza instead of Ariz, 'no. Next time, I'll change it!
Mga isang minuto lang yata ang nakalipas nang may tumigil nang tricycle sa harap namin. May dala siyang itim na bag ngayon. He fingercombed his hair before glancing at us.
"Tara na," anyaya niya at hinawakan ako sa kamay.
Namilog ang mga mata ko at agad iyon binawi. Kumunot ang noo niya kaya agad akong tumalikod sa kanya para lang ngumisi ng hilaw sa dalawang kaibigan.
"Uhm, U-Uncle, I just wanna introduce my friends pala. This is Mea and Kana..."
Tumango lang si Ariz sa kanila. Kinurot naman ako ng mga kaibigan ko sa braso.
"Uwi na kayo. Gabi na," aniya sa mga kaibigan ko.
"Mamang, ang guwapo nga," bulong ni Kana.
"Huhu, I want him na. He's so thoughtful. Wala pa bang jowa 'yan?"
Pinigilan kong umirap sa hindi malamang dahilan. Naabutan kong nakatingin lang sa akin si Echo. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko nang maramdaman kong may humawak doon.
Ariz just entertwined our hands and he pulled me closer to him. His lips slightly twisted as his shadowed eyes stared at me.
"Una na kami ng pamangkin ko. Pakakainin ko pa 'to."