Chapter 8: Sell

2989 Words
Chapter 8: Sell "It's Saturday today. Can I visit my Mamita in our house?" Pareho kaming maagang nagising ngayong araw. Siya, para pumasok at ako, para pumunta sa bahay. I miss my Mamita already. It's been almost a week since we last saw each other. And... I kinda need her help, too. "Sige. Basta rito ka uuwi. Mag-text ka kapag uuwi ka na." I smiled widely at him. "Thanks! Can you give me money now, then?" Sinuot niya muna ang itim na shirt bago ako hinarap. Umupo siya sa kama at inabot ang bag para kunin doon ang wallet. "Sa bahay niyo lang ba ikaw pupunta o gagala ka pa?" he inquired. "Sa bahay lang!" Tumango siya at humugot ng isang daan sa pitaka bago nilahad sa akin. His brow rose when my smile instantly faded. "O, bakit ganyan ang mukha mo?" He chuckled. "Sabi mo sa bahay ka lang, 'di ba? O, ayan. Pamasahe pabalik dito. Sagot ko na ang papunta mo roon." I grunted and rolled my eyes at him. Grabe. Wala na yatang tatalo sa kakuriputan niya. Sa lahat ng kilala ko, siya na ang pinakakuripot! "Why don't you just give me back my wallet? I need my money!" Umiling siya at kinuha na ang sapatos sa ilalim ng kanyang cabinet para suotin. Naupo ako sa kama at humalukipkip habang pinapanood siyang magsapatos. I tilted my head when I thought about where he'd possibly hid my wallet. For sure, dito lang 'yon. Hanapin ko kaya? Hehe. Natigilan ako sa pag-iisip nang binato niya ako ng unan sa mukha. Nakakunot ang noo siya sa akin. "Para kang nasisiraan ng bait diyan. Bakit ka nakangiti mag-isa?" My nose flared up. "Ewan ko sa 'yo! Kuripot!" "Anong kuripot?" Hindi ko siya pinansin at binuksan na lang ang cabinet para kumuha ng damit. I picked a white button-down sleeveless top and highwaist denim skirt. Hinarap ko siya at tinuro ang pintuan. "Get out. Magbibihis ako." "Bilisan mo. Sabay na tayo umalis dito." Tumayo naman siya at lumabas dala ang kanyang bag. I locked the door before I stripped and changed my clothes. Puting sneakers lang ang dala ko at walang sandals kaya iyon ang sinuot ko. I grabbed my sling bag and went out of the bedroom. I raised my arms to tie my hair in a high ponytail. Naabutan kong pinapanood ako ni Ariz habang nakaupo siya sa sofa. Umangat ang sulok ng labi niya kaya sinimangutan ko. "Puti ng kili-kili, ah. Anong sekreto mo, sis?" Halos batuhin ko siya ng bag ko sa sobrang gigil. Humalakhak siya at tumayo na para lumabas. "Can you stop calling me sis? We're not sisters! Ang bading mo. Nakakairita." "O, bakit? Kayo nga noong mga kaibigan mo, 'mama' ang tawag niyo sa isa't isa. Sino ba talaga ang ina sa inyo, ha?" Hinampas ko siya sa likod habang inila-lock niya ang pinto. Napaatras ako nang humarap siya. God, why is he so tall? I mean, I'm already 5'4 and I'm sure, tatangkad pa ako! E, siya? He's almost a six footer already! "It's just an endearment! Huwag ka ngang makigaya sa amin." I rolled my eyes. "I wonder if you call your colleagues 'sis' as well?" Inakbayan niya ako at hinila na para makaalis sa tapat ng pinto. I sucked in my lower lip and folded my arms across the chest. "Iba ang tawag ko sa kanila," aniya. Tiningala ko siya. "O, e, ano?" "Papsi, Darling, Sweetie—" Inis ko siyang siniko sa dibdib kaya nabitiwan niya ako. Papsi?! What the f**k. That's so gay! He laughed. "Grabe naman 'yang buto mo, ang tigas. Ang sakit lagi kapag tumatama sa katawan ko." "Why would you call them that? Ano ka bakla? Bakit Papsi?" "Papsi, 'yong kapatid ni Pepsi?" patanong niya sambit. Hinampas ko ulit siya sa braso kaya hinimas niya iyon. "Ang corny mo!" "Papsi naman talaga ang palayaw noong kaibigan ko. Tapos 'yong kapatid niya, Pepsi naman ang palayaw," he explained. I don't know if I'd believe him or not because he was smirking. I guess he was just bluffing. Pero paano 'yong tinatawag niyang darling at sweetie? Ano 'yon, palayaw rin? Babae at lalaki? "Mauna kang sumakay, ah," sabi niya. "Iba ang daraanan mo sa pupuntahan ko kaya magkahiwalay tayo." "Mabuti naman." Bahagya niyang hinila ang buhok ko kaya hinampas ko ulit siya at tiningnan nang masama. Seryoso na ang mukha niya nang bumaba ang tingin sa katawan ko. "Ayusin mo ang pag-upo, oy. Huwag kang bumukaka at makikita 'yang kaluluwa mo." Napahawak naman ako sa laylayan ng palda at bahagya iyong iangat para ipakita sana sa kanya ang suot kong itim na cycling pero hinila niya iyon pababa. "I'm wearing a cycling!" giit ko. Umigting ang panga niya at umiwas ng tingin, nakahawak pa rin sa laylayan ng palda ko. Ang awkward tuloy dahil pareho kaming nakahawak dito tapos bahagya pa siyang nakayuko. "Kahit na. At bakit mo pa ipapakita sa akin? Ipagyayabang mo lang ang legs mo, e, palibhasa ay pinuri ko." Wow! I just wanna show him that I was wearing a cycling so my soul won't be seen like what he said. Hindi ko na lang siya pinansin dahil umayos na rin siya ng tayo at may huminto na ring tricycle sa tapat namin. Hinawakan niya ulit ako sa ulo habang papasok ako sa loob. He was the one who talked to the driver before he bent down to looked at me. Nakahawak ang isang kamay niya sa bubong. "Diretso na 'to sa bahay niyo mismo. Binayaran ko na rin ang pamasahe mo." Tumango ako. "Bye." Bumaba ang tingin niya sa palda ko bago iyon tinuro. "Ayusin mo ang pag-upo. Para kang hindi babae." I mimicked his words so he rolled his eyes. He tapped the ceiling of this tricycle twice before he finally stood up. Sumilip ako mula sa pinto nang umandar na ang tricycle at naabutan siyang nakatanaw pa rin ng tingin dito. Mabuti at nakarating naman ako nang buhay sa bahay. Binati agad ako ng guard at pinagbuksan ng gate. Napangiti ako nang makita ang bakuran naming puno ng bulaklak. Nilapitan ko ang mga rosas at yumuko para amuyin ito. Ah, how I missed them so much! I'll probably water them later if I have time. "Mamita!" I called loudly as soon as I stepped inside the house. "Oh, darling!" Mula sa b****a ng kusina ay lumabas si Mamita. My smile went wider and I immediately ran towards her to hug her tightly. The last time I went here, kinurot niya pa ako sa tagiliran! Now, she was kissing every corner of my face as I giggled. "Mamita, I miss you so much," I said wholeheartedly while still hugging her. "How are you here? Kumakain pa rin po kayo sa tamang oras?" "I miss you, too, darling. I'm still kicking and eating on time, anyway. How are you?" Humiwalay na siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi na parang sinusuri. "Parang tumataba ka, hija." Uminit ang pisngi ko. "Mamita, I'm not getting fat!" "Hindi," aniya at pinisil-pisil naman ang braso ko. "I think you gained weight! What's your weight last time?" "42 kilos." "Let's see your how you weigh now." Hinila niya ako patungo sa kusina at hinanap doon ang timbangan. Tinanggal ko naman ang sapatos at bag ko sa katawan bago umapak doon. "Ilan po, Mamita?" "45 kilos!" she exclaimed. "Hindi ka nagjo-jogging man lang tuwing umaga?" Umalis na ako roon sa ibabaw ng timbangan at sinuot ulit ang sapatos. "I woke up late every morning, Mamita, kaya hindi na ako nakakapag-jogging. But I'll probably go to gym tomorrow." "Uhuh. So... how's Juventus being your fiance?" I sighed and sat down on one of the high stool there. "He's... fine, I guess. By the way, Mamita, can I request for a queen size bed?" Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Why? Maliit lang ang kama sa kuwarto mo roon sa bahay niya?" "Actually, his house is very small. He only has one bedroom and we share the same bed—" Mamita gasped exaggeratedly with wide eyes. "You mean, you're sleeping with him?" I nodded my head. "His bed is very small and tiny like his house. So everytime I woke up, he was hugging me. He said I was so malikot matulog—" Napatayo ako agad mula sa kinauupuan nang bigla na lang humandusay sa sahig si Mamita. My heart was pounding so hard I thought it would break through my ribcage. "Help! Helga! Anyone!" Dumating naman agad ang mga kasambahay namin. Hindi ako mapakali kaya sinabi kong dalhin na namin si Mamita sa pinakamalapit na ospital. Nasa likod kami ng sasakyan at si Kuya Paeng ang nagda-drive. Pinapaypayan ko si Mamita gamit ang kamay ko kahit pa may aircon naman. "Mamita, wake up, please..." "Ma'am, ano po ba ang nangyari?" Kuya Paeng asked. "I don't know! She suddenly fell on the ground while I was talking!" Wala pa ring kulay ang mukha ni Mamita kaya mas lalong dumagundong ang dibdib ko. Bakit siya biglang nahimatay? Is she sick or something? I know she's healthy so why did she faint? Bago pa kami makarating sa ospital ay nagising na si Mamita. I was on the verge of crying so I hugged her tightly. "Mamita," I cried. "I thought you're gonna be dead." Kinurot niya ako sa tagiliran kaya tumulis ang nguso ko "Anong dead ka riyan? Darling, mahaba pa ang buhay ko!" aniya na para bang hindi nahimatay kanina lang. "Ma'am, diretso pa rin ba tayo sa ospital?" Napalingon tuloy si Mamita sa paligid at mukhang ngayon lang napagtanto na nasa sasakyan kami. "Why the hell are we going to the hospital?" naguguluhan tanong ni Mamita. "Because you fainted?" I answered questioningly. Isang kurot ulit sa tagiliran at kamuntik pa akong mauntog sa bubong ng sasakyan. Nakakailan na siya, ah! Ang sakit kaya ng kurot niya! "Diyos mio, hija! Nawalan lang ako ng malay, ospital agad?" "E, Mamita, bakit ka ba kasi nahimatay? May sakit ka ba? Hindi ka ba kumain—" "Aba'y sinong hindi mahihimatay kung maririnig ko mula sa sariling apo na may kasama siyang lalaki sa pagtulog?! And not once, but almost a week! I can't believe you were sleeping with him! I thought you dislike him and that he's gay? But... did you guys use protection?!" Nagsalubong ang kilay ko sa sunud-sunod niyang tanong. Napapreno naman bigla si Kuya Paeng kaya muntik na kaming masubsob ni Mamita sa harapan. "Ay, s-sorry, Ma'am," ani Kuya Paeng. "Sa ospital pa rin po ba tayo? Baka gusto niyo pong magpa-check din, Ma'am Savi?" "What? Bakit ako magpapa-check?" "Paeng, let's go to the hospital. Ipapa-check ko si Savi at baka may internal bleeding nang nangyayari!" "Huh? Mamita, anong internal bleeding?" Nasapo niya ang kanyang noo at napasandal sa upuan. "Hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yo, Savi, kapag nabuntis ka!" Nanlaki ang mata ko at nag-init ang pisngi. Wait... I think she's got the wrong idea of me sleeping with Ariz. And Kuya Paeng... ugh! "Mamita, I didn't have s*x with him!" Her eyeballs almost popped out of their sockets. Tinampal niya bahagya ang labi ko. "Mamita, when I said sleeping, it means sleeping literally. Not what you're thinking," mahinahon kong paliwanag. "Kaya nga po nagpapabili ako ng mas malaking kama." "Eh?" parang bata naman niyang tanong. "E, bakit magkayakap kayo tuwing nagigising ka?" I scratched my nape as my cheeks heated up. "Malikot daw po kasi akong matulog kaya niyayakap niya ako. I don't know. Nasanay na rin naman ako, e." "I can't believe this!" she exclaimed. "I'm gonna buy you a damn king size bed! Paeng, pagkatapos natin dito sa ospital, pupunta tayo agad sa mall!" "Okay, Madam." Napatingin ako sa labas nang tumigil ang sasakyan. Naunang bumaba si Mamita at halos kaladkarin pa ako patungo sa emergency room kung hindi ko lang siya pinigilan. Bigla kong naalala na kailangan ko pala ang tulong niya para sa pabor ko. "Mamita, I need you to do me a favor." "Let me assure that your hymen is still intact and I'll do whatever you want me to do." Napalingon ako sa paligid dahil may ilang naroon at mukhang narinig ang sinabi ni Mamita. Ang lakas pa naman ng boses tapos nag-e-echo pa. "Mamita. Nothing really happened between the two of us. I swear to God!" Tinaas ko pa ang kanang kamay. Naningkit ang mga mata niya. Hindi pa sana siya maniniwala kung hindi lang halos hilahin ko siya patungo sa isang sulok kung saan walang tao. Sinabi ko na sa kanya ang gusto kong mangyari at syempre, pinagalitan ako. "That's not gonna happen, Savi. We'll meet your sports med doctor—" "Mamita," nagmamakaawa kong tawag. "You knew the result, right?" "Kaya nga hindi ako papayag!" mariin niyang sambit. "Huwag ka nang sumali sa National Tournament, Savi. Umarte ka na lang tutal ay diyan ka naman magaling." I pouted when she said the last words. Seryoso pa siya noong una pero tumawa rin. "This will be my last, Mamita. Please, tell my orthopedist to sign a consent saying I'm eligible and allowed to join the competition..." Matindi ang pag-iling na ginawa niya. Lumaylay ang balikat ko at nag-init ang sulok ng mga mata. She's the only one I could ask for help. Pero hindi siya pumayag. Sa susunod na linggo ay magsisimula na ulit ang araw-araw na training namin. Yumuko ako nang hawakan niya ang dalawang braso ko para harapin siya. "If I let you join that competition, I'll risk not only your health but also the license of your doctor, Savannah," kalmado niyang wika. "Kapag may nangyaring masama sa 'yo habang naroon ka, malalaman nilang lahat na dinoktor lang ang medical certificate mo..." "Okay, Mamita. I understand," bigo kong saad. She heaved a sigh and pulled me into a hug. Gusto ko nang maiyak dahil huling laban ko na sana iyon, e. Kaya ko pa naman. Kung hindi ko na talaga kaya, edi magpapatalo na ako. I just want to fight for the last time. Nakahawak si Mamita sa braso ko habang nasa elevator kami. Niyaya niya na lang akong pumunta ng mall para gumaan ang loob ko pero hindi ganoon ang nangyari. Bumukas ang pinto ng elevator sa unang palapag kaya hinila na ulit ako ni Mamita palabas. Nakayuko pa rin ako kaya hindi ko napansin ang naglalakad sa aking harapan. "Watch where you're walking," bulong ni Mamita kaya napatingala ako para mag-sorry sana sa nakabangga. "I'm sorry po," sabi ko sa babaeng nakabangga ko. "It's okay." Ngumiti lang siya sa akin at bahagyang tumabi para makadaan ako. Lumabi ako at hindi pa gaanong nakakalayo sa kanya nang bigla siyang sumigaw. Ay, ano ba 'yan. Eksenadora si ate. "Juven!" she called. Napatigil ako kaya natigilan din si Mamita. Nilingon ko ang tinawag niya at nakitang papalapit sa magandang babae si Ariz. Salubong ang kilay nito at ang tingin ay nasa babae lang. "Oh! Hindi ba ay si Ariz iyan, darling?" Tinawid ng babae ang distansiya nilang dalawa at niyakap sa leeg si Ariz. Mamita gasped beside me. Habang ako, nagngingitngit dito habang matalim ang tingin sa kanilang dalawa. "Why is she hugging your fiance?" Mamita still asked. Akala ko ba ay may pasok siya? Bakit siya nandito? Sino 'yang babaeng kayakap niya ngayon? Hindi kaya ay ang girlfriend niya talagang tunay? Kung ganoon, hindi nga siya bading? My lips parted when Ariz bent down his head lightly to kissed the woman's cheek. Nanikip ang dibdib ko sa nakita at agad iniwas ang tingin sa kanila. "Let's go to the mall, Mamita..." "Wait, aren't you going to—" "Mamita, hayaan niyo na po siya. Tara na po, please," I begged and looked at her. Saglit niya pa akong tinitigan bago kami tuluyang umalis ng ospital. Inutusan niya muna si Kuya Paeng na humanap ng kama para ipadala sa bahay ni Ariz. Pinag-shopping niya rin ako ng mga bagong damit kaya nawala rin ang tampo ko sa hindi niya pagpayag sa pabor ko kanina. We even went to parlor and spa to have a manicure and full body massage. "Look, Mamita, my designs are cuter than yours!" I giggled as I showed her my fingernails. Kulay pink ang cutics na may mga cute na bulaklak at paru-paro. Nagpalinis lang ako ng kuko sa paa at hindi na iyon pinalagyan pa ng cutics dahil nakasapatos ako. Maybe next time. Hindi rin naman kita iyon dahil lagi akong naka-black shoes sa school. Kumain na rin kami sa restaurant bago ako pinahatid sa bahay ni Ariz. Tiningnan ko ang oras sa bagong Apple digital watch na binili sa akin ni Mamita at nakitang pasado alas nuebe na rin. Hindi ko na napansin ang oras dahil masyado akong nag-enjoy sa bonding namin. "Ma'am, nasa bahay na raw po ninyo ang kama," sabi ni Kuya Paeng nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Ariz. He knew his address, huh? Pinagbuksan niya kami ng pinto at inalalayan sa pagbaba. May ilaw na sa bahay kaya siguradong nandiyan na si Ariz. "Mamita, you want to come in first?" I asked her while she was surveying the exterior of the house. Nilingon niya si Kuya Paeng. "Nagkasya kaya ang kama na binili mo sa bahay na 'yan, Paeng?" "Siguro po, Madam. Ang sabi ng delivery man nila ay natanggap na raw po ni Sir Juventus iyon." "Okay," Mamita said and then she hugged me. "Darling, hindi na ako papasok. I'm so tired but I really enjoyed this day. Please, take care of yourself." I smiled and kissed her cheeks. "Kayo rin po, Mamita. Ingat po kayo." Pagkaalis nila ay pumasok na ako ng bahay dahil hindi naman iyon naka-lock. Natigilan ako sa pagsara ng pinto nang matagpuan ko si Ariz sa sala habang nakaupo roon sa gilid ng malaking kama na nasa sala lang. His expression hardened when he looked at me. "Saang basura ko itatapon itong kama, Savannah?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD