Chapter 9: Evil

3022 Words
Chapter 9: Evil Halos sakupin ng malaking kama ang buong sala ng bahay ni Ariz. He even moved the TV stand and the wooden sofa on the side for the bed to fit! Mabuti at naipasok pa 'yan dito? Ibinaba ko na lang ang dalang paper bags malapit sa pintuan matapos isara ang pinto. I walked towards the bed and sat on it. Nakamasid pa rin sa akin si Ariz. "I... uh, I told Mamita to buy me a queen size bed... and not the king size because it is—" "King o queen, Savi, pareho pa rin 'yang malaki!" Tumaas ang kanyang tono. "Kung hindi lang ako nahiya sa delivery man, hindi ko tatanggapin ang kama na 'to!" "You could've texted me if you didn't like it!" Gumalaw ang kanyang panga at tumayo, madilim pa rin ang mga matang nakatingin sa akin. "Ilang beses akong nag-text sa 'yo. Pero ano? Kahit isang reply, wala. Hindi ba't ang sabi ko rin ay mag-text ka kapag uuwi ka na?" sunud-sunod niyang tanong. Okay, I was guilty that I didn't even bother to look at my phone. Bumuka ang bibig ko para sana mag-sorry nang maalala ko ang nangyari kanina. My blood boiled when I remember how I saw him kissing the woman at the hospital! "O, e, bakit ikaw? Saan ka galing, ha?" Kumunot ang noo niya at dinilaan ang labi. "May pasok nga ako, 'di ba? At 'yang kama mo—" "Ah, talaga? So, sa ospital na pala ang bagong unibersidad mo?" I retorted sarcastically. Ang kunot sa noo niya ay lalong lumalim dahil sa sinabi ko. His mouth hung open when he probably realized what I was talking about. "Nasa ospital ka kanina? Akala ko ba ay sa bahay niyo lang ikaw?" "Pakialam mo kung saan ko gusto pumunta?" "Pakialam mo rin kung nasa ospital ako kanina?" he talked back. "O, edi 'wag na tayong makialam sa isa't isa! Don't talk to me, you freaking two-timer!" Mas lalong kumulo ang dugo ako at sasabog na yata ako sa sobrang init ng mukha at tainga ko. Hindi na yata talaga kami magkakasundo kahit anong gawin ko. Lahat na lang yata ng sasabihin ko, may pangontra siya agad! Padabog ko siyang tinalikuran at kinuha ang paper bags. Bago pa ako makalagpas ulit sa kanya para pumunta ng kuwarto ay hiniklat niya na ako sa braso. "Ano ba? Let go of me!" His jaw clenched. "Anong sabi mo? Ako? Two-timer?" His grip on my arm tightened. "Sinong itu-two-time ko gayong ikaw lang naman ang babae ko?" "Why don't you ask yourself, idiot! Let go of my arm or I'll kick your balls until they crack!" I theatened. "You'll kick my..." His lips twisted a bit in amusement. Hinila ko ang braso sa kanya at muli siyang tinalikuran. Nang makapasok na ako sa kuwarto ay mabilis din siyang pumasok at sinipa nang padabog ang pinto para sumara. I jumped and pushed him on his shoulder. "Ano ba? Lumabas ka nga rito! Magpapalit ako ng damit!" "Mag-usap tayo nang maayos, Savi. At huwag ka ngang naninigaw o nagtataray sa akin." Parang tinambol ang puso ko nang napaupo ako sa kama kalalapit niya sa akin. Nabitiwan ko ang hawak na paper bag sa ibaba ng kama at tiningala siya. "A-ano ka ba? I said I'm going to change—" He suddenly bent down in front of me and placed both of his hands on my sides, trapping me in between him on the bed. "Bakit nasa ospital ka kanina?" putol niya sa sinasabi ko. Napakurap-kurap ako at hindi agad makapagsalita dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. I bit my lower lip. "Why do you care? Mind your own business—" "You are my business, Savannah," he lazily drawled. "Now tell me, what were you doing in the hospital?" Pinuno ko ng hangin ang dibdib at nag-iwas ng tingin. Bumigat ang dibdib ko nang maisip na hindi na talaga ako makakatuloy sa National Tournament dahil sa lagay ko. "I... uh..." Nagtindigan ang balahibo ko sa batok nang hawakan niya ang aking baba gamit ang hintuturo. The mere touch of his finger on my skin sent electricity down through my spine. "Uhuh... humarap ka sa akin," bulong niya at pilit hinuhuli ang mga mata ko. The corner of my eyes suddenly heated as my sight gone blurred. Pinakawalan ko ang labing kanina ay kinakagat at nagsimulang kumawala ang hikbi mula roon. "I... can't make it to the N-National..." Tinakpan ko ang mukha gamit ang dalawang kamay at tuluyang umiyak sa harapan niya. I was like a kid who couldn't play in the playground because my parents won't allow me. I said I'll be quitting but I want to end this with a fight. I want to show everyone that even though I lack in some freaking brain cells, there are things I'm good at. I want to prove everyone that I'm not some kind of a damsel in distress because I can protect myself through what I've learned in my trainings. Gusto ko pang lumaban kahit sa huling pagkakataon. Pero... hindi na puwede. For a fleeting time, I found myself trapped in Ariz's arms. Tumigil na ang luha ko dahil sa ginawa niya pero humikhikbi pa rin ako. Tinanggal ko ang kamay sa aking mukha at tiningala siya. He wasn't looking at me but his expression was hard. He was slightly caressing my back. My eyes dropped down on his adam's apple when it moved up and down. "Ariz..." "Shh... tapos ka nang umiyak?" He was still not looking at me. Lumabi ako at suminghot. "Why are you hugging me?" Muling umalon ang kanyang lalamunan kaya natuon doon ang pansin ko. "Umiiyak ka, e. Ang alam ko kasi, dapat yakapin ang isang taong mahalaga sa 'yo kapag nakikita mo silang umiiyak para gumaan ang loob nila." Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya. Does he meant I'm important to him? Natigilan ako at tila may kung anong naramdaman sa tiyan. Parang may... "Ariz..." I called again. Bahagya siyang yumuko at nagtagpo ang mga mata namin. Mga matang tulad ng kay Medusa na kapag tinitigan, magiging bato ka. Nakakapanindig balahibo. Nakakaestatwa. Nakakatulala na parang ayaw nang alisin ng taong nakatingin sa kanyang mga mata ang tingin dito. "Hmm? Okay ka na?" Uminit ang pisngi ko at bahagya siyang tinulak dahil tumatama na ang hininga niya sa mukha ko sa tuwing nagsasalita. "I'm gonna..." A long and audible sound filled in the silence on every corner of this room. "...fart." Kumibot ang labi niya at bahagyang kumalas sa akin. The darkness of his eyes twinkled in amusement. A ghost of smile formed on his curvy lips. "Tumae ka na. Kanina mo pa yata 'yan pinipigilan," nangingiti niyang sambit at binitiwan na ako. Halos takbuhin ko ang banyo para maglabas ng sama ng loob nitong tiyan ko. What the freaking f*****g hell! We were in the midst of serious talk and I farted?! Hindi ko alam kung mas okay ba na malakas ang utot ko dahil walang amoy o mas hiniling ko na lang sana na hindi ganoon kalakas ang tunog pero pamatay naman ang amoy? So disgusting! Tapos na ako pero parang ayaw kong lumabas ng banyo dahil nahihiya akong harapin si Ariz! Pero alangan namang mag-stay ako rito hanggang sa matulog siya? Napa-sign of the cross muna ako bago pinihit ang seradura ng pinto. Nakatanggal na ang pagkaka-tuck in ng top ko sa shorts kaya napahawak ako sa laylayan nito. Natagpuan kong nakaupo ulit si Ariz sa gilid ng kama na nasa sala. Yumuko ako agad nang mag-angat siya ng tingin sa akin. "Success?" he asked playfully. I stalked towards him and slightly kick his leg. Suminghap ako nang hawakan niya ang pulso ko at hinila para paupuin sa tabi niya. "Anong gagawin natin dito sa kama mo?" "Ano pa, edi ilagay sa kuwarto," I replied as I rolled my eyes. "Hindi kasya 'to sa kuwarto, Savi. Ipaalis mo na 'to bukas. Dalhin mo sa bahay niyo at huwag dito." I scowled at him. "How am I supposed to bring it in our house myself?!" Bahagya niyang tinapik ang noo ko. "May sinabi ba akong ikaw? Ipaalis mo kako. Marami naman kayong kasama sa bahay kaya pakiusapan mo na lang." "Hatiin kaya natin itong kama tapos ilagay sa kuwarto mo?" I suggested. He raised his brow mockingly. "Talino mo talaga, 'no? Paano mo hahatiin 'to? Lalagariin mo?" "Well, do you have one? We can start— naw!" Napahawak ako sa noo dahil tinampal niya na naman iyon. "Stop doing that! Ang sakit kaya!" Pinisil niya bigla ang pisngi ko. "Alam mo, ang ganda mo na talaga sana kung hindi ka lang maarte." Tumayo siya at nilagay ang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon. Pinagmasdan niya saglit ang kabuuhan ng kama bago muling tumingin sa akin. "Pakuha mo na 'to bukas, ha? Hayaan mo na muna rito ngayon. Kung gusto mo matulog diyan, bahala ka. Basta ako, roon sa kuwarto." "Fine. Tatawagan ko si Kuya Paeng bukas ng umaga para ipakuha ito. Happy?" Tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa kusina. Bumalik siya na may dalang maliit na box ng tetra pack juice. "What's that? Basura?" "Ikaw tapon ko sa basura. Tingnan mo. Anak mo 'yan." Tapos nilapit niya pa sa mukha ko ang box. Nanlaki ang mata ko at agad napatili nang may gumalaw mula sa loob. Nahawi ko iyong hawak niya kaya lumipad iyon. "Ay, anak ka ng—" "What the hell was that?!" Napatayo ako habang sapo pa ang dibdib sa gulat. "Ano ka ba naman? Anak mo nga ang mga 'yan!" natatawa niyang sambit at pinulot ang box bago pinasok ang kamay roon sa loob. "Anong anak? The hell! Bakit gumagalaw?!" Lumapit ulit siya sa akin. Napaatras ako pero dahil kama na ang tumatama sa likod ng tuhod ay napaupo ulit ako roon. "Syempre, buhay. May gumagalaw bang patay?" "Stupid! How am I supposed to have children like those creatures?!" "Maka-creature naman 'to. Ang cute kaya nila." Kinuha niya sa loob ang hayop na gumagalaw sa loob at ipinakita iyon sa akin. Tumili ulit ako at sumampa na sa kama para lang makalayo sa kanya. His lips tugged downwards as he watched me. "What the hell was that? A rat? Oh my God! Oh my God—" "Sshh! Ang ingay mo!" irita niyang saway. "Hamster 'to, hindi daga!" "H-hamster?" Kumunot ang noo ko. "Paano ako magkakaanak ng hamster, ha? Do I look like one?!" His complete white teeth showed when he grinned. "Actually, kaya ko nga hiningi ito sa kaibigan ko dahil naalala kita. Kamukha mo nga, e. Ang cute, oh?" Nilapit niya ulit sa akin ang kamay niya kung nasaan nandoon ang hamster. I don't know if I should be offended or what! Naisip niya ako nang makita ang hamster na 'yan dahil cute ako? Cute ako dahil kamukha ko 'yan? Duh! I'm cuter than that! Saka hindi ako daga. "Lumapit ka rito," utos niya at sinenyasan pa ako. "No! That hamster would eat me!" Humagalpak siya sa tawa kaya mas lalong nag-init ang tainga ko. "Sure ka itong hamster ang kakain sa 'yo?" nakangisi niyang tanong. "Halika ka na rito. Magpakabait ka para maging mabait din sila sa 'yo." Hindi pa rin ako lumapit at masama pa rin ang tingin ko sa hawak niya. Binalik niya sa box ang hamster at nakapamaywang akong tinitigan. Lumabi ako sa kanya at umirap. "Ayaw mo ba sa kanila?" kalmado niyang tanong sa akin. It's not that I don't like them. I'm just afraid that those creatures would join force and attack me. "Ngayon pa lang sila inihiwalay sa magulang. Tatlo pa naman sila. Ibabalik ko na lang ulit sa magulang nila?" Mas tumalim ang tingin ko sa kanya. "Kita mo! You're so bad! Why would you make them seperate from their parents?!" Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Napailing siya at napakagat ng labi, nangingisi. "So ibabalik ko na?" "You're bad!" He arched his brow before nodding his head, looking so disappointed. "Yeah. I'm so bad for giving them to you as a gift." "G-gift? Bakit? Hindi ko naman birthday..." "Tuwing birthday lang ba puwede magbigay ng regalo?" malamig niyang tanong at kinuha na ang box sa ibabaw ng kama. "Kung ayaw mo sa kanila, okay lang. Ibabalik ko na lang sa mga magulang nila. Ang sama ko kasi, 'di ba?" Pumasok siya sa kuwarto dala ang box at padarag na sinara ang pinto. My chest suddenly felt heavy. He was making me feel so guilty and ungrateful! Why would he give me those, anyways? Napapadyak ako sa kama bago tumayo at pumunta ng kuwarto. Naabutan ko siyang nakaupo at nakaunat ang mga binti sa kama habang pinaglalaruan ang tatlong hamsters. Nilagay ko ang mga kamay sa likod at doon pinaglaruan habang naglalakad palapit sa kanya. He didn't look up at me. He seemed very engrossed with those hamsters. Honestly, he looked so... cute. "Uhm... Ariz—" "Sav, Ava, Anna, mukhang kailangan ko na kayong ibalik sa tunay niyong mga magulang. Takot ang Mommy niyo sa inyo," he talked to the hamsters with his lonely voice. Oh my God. Why is he talking with them?! And why the hell they're named Sav, Ava and Anna? They're all girls? How did he know? Dumulas ang isang hamster sa gilid niya patungo sa kama. Lumapit ako roon at pinakatitigan iyon. Nakakainis. Mukha ba talaga akong hamster? Diyan talaga ako kinumpara? Kung sabagay... cute din naman. "Siya si Sav," sabi ni Ariz kaya napatingin ako. He was now looking at me. Bakit ang cute niya nang sabihin iyon? Kinagat ko ang ibabang bago nilagay ang kamay sa harap ni Sav, iyong puting hamster. I was still afraid that she might bite me at first but the she moved towards my hand. Nanlaki ang mata ko at bahagyang nakiliti nang pumatong siya roon. Nanginginig pa ang kamay ko nang iangat ko siya at ilapit sa akin. Sav was behave, though. And she was very cute indeed! "Hala, ang cute niya!" Hindi ko mapigilang mapangiti. "Ang cute nga," sabi ni Ariz kaya tiningnan ko siya ulit at naabutang nakatingin sa akin. "Parang Mommy nila." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Binalik ko ang tingin kay Sav at hinimas ang katawan niya gamit ang daliri. "Akin na si Sav. Ibabalik ko pa sila sa—" "No! They're now mine!" agap ko. "How old are they?" The sides of his lips stretched upwards. "One month. Kaya ayos lang na ihiwalay na sila sa magulang nila." I sucked in my lower lip. "Okay... edi sa 'kin na sila." "Akala ko ba ay ayaw mo sa kanila?" "E, gusto ko na, e! Huwag ka ngang mangialam." He just chuckled and watched me pet the hamster. I don't know if I should be mad at him for naming them after mine as he told me so. Sabi niya ay bibilhan niya ng kulungan bukas ang mga 'anak' ko kaya hinayaan ko na munang naroon sila sa box ngayon. Pero ewan ko ba at nagising ako noong madaling araw at sinilip sila. Baka kasi mamaya ay wala na sila roon, e. Mapagkamalan pang daga tapos kainin! "Savi," paos na tawag ni Ariz mula sa kama. "Matulog ka na muna. Hindi tatakbo 'yan." I was so annoyed at him when I woke up very late on Sunday. Paggising ko ay wala na rin ang malaking kama sa sala at nakabili na siya ng tatlong kulungan para kina Sav, Ava at Anna. May nest beddings, food bowl, watter bottle, hide box at running wheel pa ang bawat isa. "Hoy, bruha, strap ng damit mo laglag na," ani Ariz mula sa likuran ko. Iritado ko siyang binalingan na nakatingin sa balikat ko. Inayos ko ang strap sa balikat ko at inirapan siya. "Ba't wala ka ng bra? Akala ko ba ay ayaw mong magtanggal dahil nandito ako?" He sounded amused. "You're gay naman, 'di ba? Masanay ka nang makita akong walang bra bago matulog at pagkagising kung ganoon." Tumaas ang kilay niya. "Sure ka na riyan?" "E, bakit? Ikaw? 'Di ka sure?" sarkastikong tanong ko. Ngumisi lang siya at hindi ko alam kung bakit uminit na naman ang tainga ko. Bumalik na siya sa kusina kaya tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa harap ng kulungan ng mga hamster. Hinawi ko ang buhok sa aking balikat at dumiretso na rin sa kusina. He was preparing the table so I sat down on one of the monoblocks. Tumingin siya sa akin nang maglagay ako ng tubig sa baso galing sa pitsel. "Huwag kang uminom ng malamig na tubig kapag wala pang laman ang tiyan mo," medyo iritadong puna niya. Muntik pa akong masamid sa gulat. May tumulong tubig sa gilid ng bibig pababa sa dibdib ko kaya ibinaba ko ang baso para punasan iyon gamit ang kamay. Padabog naman siyang umupo sa harap ko. "Bakit ka nagdadabog?" Salubong ang kilay niya at hindi ako sinagot. Umirap ako at nagsimula nang kumain. Ang bilis niya pang kumain kaya nagmadali na rin ako. "Aalis ako mamaya. Punta akong training center saglit," I told him when I finished eating. Sabay kaming tumayo pero nauna siya sa may lababo. Lumapit ako sa kanya dala ang pinggan. "Hey, I said—" Humarap siya sa akin kaya nabunggo ako sa dibdib niya. The tiny hair on my nape stood up when his arms slightly brushed my right boob. "Ano ba? Lumayo ka nga!" Siya pa ang galit. "Iaabot ko 'tong plato ko. Bakit ka nagagalit?" "Bakit ka ba dumidikit? Doon ka na nga sa sala! Naaalibadbaran ako sa 'yo, e." Umirap siya at tinalikuran ako. Natamaan niya ulit ang dibdib ko. Napatalon siya at agad napalayo. "Hoy, doon ka sabi! Huwag ka rito!" pagtataboy niya. Kumunot ang noo ko sa kanya. What the f**k is his problem? Bakit siya pa ang nagagalit? And his ears are fuming red! Napatingin ako bigla sa dibdib ko. I smirked when I finally realized what's happening to him. Tinalikuran ko na siya at nag-isip ng demonyong plano para malaman kung bading ba talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD