Chapter 10: Lips

3005 Words
Chapter 10: Lips I finally quit the team. Bigo akong umuwi sa bahay ni Ariz galing sa training center. I told Richard-sensei the truth about my condition. I wasn't really fully recovered. It's okay. I'm still kicking and alive. That's what important right now. Ayaw ko na rin bigyan ng sakit sa ulo si Mamita. Pagdating ko sa bahay, naabutan kong nakaharap sa laptop si Ariz at mukhang seryoso ang ginagawa roon. Sumulyap lang siya sa akin bago ako pumasok ng kuwarto. I opened my cabinet and got the extra ticket for our theater performance tomorrow. Lumabas ulit ako ng kuwarto at nilapitan si Ariz na nasa sofa. "Hey, I wanna give you something." Nagtipa muna siya ilang sandali bago ako hinarap. Pinatong niya ang laptop sa tabi at tinaasan ako ng kilay. I showed him the ticket. "We have a theater performance tomorrow. Hapon iyan gaganapin. It's open for all as long as you have a ticket." Kinuha niya iyon at kunot-noong tiningnan. "Kasali ka rito?" I folded my arms across the chest. "Of course. I'm the female lead," I said proudly. Sumandal siya sa sofa at nagdekuwatro. "Musical play? Marunong ka palang kumanta?" parang nang-aasar pa niyang tanong. "Syempre," proud ko ulit na sagot. "Sana all maraming talent," aniya at tumawa. Tinapik ko siya sa balikat. "Don't laugh, duh. Basta punta ka bukas, ah? Text me if you're outside the school so I could pick you up there. Though, sana ay agahan mo kasi mag-aayos—" "Baka hindi ako makapunta. May pasok ako ng hapon sa trabaho, hindi ba?" putol niya sa akin. Napalunok ako at tinitigan siya. I forgot about it! Nakakainis naman. Laylay ang balikat ko na nilahad ang kamay sa kanya. "Akin na nga 'yan. Hindi ka naman pala makakapunta. Sa iba ko na lang ibibigay." Nilayo niya iyon sa akin. "Binigay mo na, e. Akin na 'to." "E, hindi ka naman pupunta. Sayang naman ang makikinabang pa sana niyan." Nagkibit-balikat siya. "Tingnan natin. Malay mo, pumunta ako," bawi niya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi. Inirapan ko na lang siya at hinayaan ang ticket sa kanya. Inabala ko na lang ang sarili ko kina Sav, Ava at Anna dahil busy rin siya. Probably for his studies. Ngayon ko nga lang siya nakitang nag-aaral, e. As usual, hinatid niya ako kinabukasan sa school. Mas maaga nga lang dahil kailangan para sa preparation namin. Pagkabigay niya sa akin ng pera ay hindi pa ako umalis sa harapan niya kaya nagtaas siya ng kilay sa akin. "Hindi ka talaga makakapunta?" I asked hopefully. His lips slightly protruded as he ruffled my hair. Napasimangot ako lalo. "Hindi, e. Good luck na lang. Galingan mo." Hindi man lang 'yon nakapagpalubag sa loob ko. Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanya. Ayaw ko namang siyang piliting pumunta rito, 'no. May trabaho siya. Dapat iyon muna. Para sa future din namin. Wait, what? Future, hmp! Excuse kaming mga member ng theater club para makapaghanda na mamaya. Alas tres pa naman iyon kaya nagkaroon lang kami ng quick rehearsal, though, hindi lahat. Pinasadahan lang ang ibang scene at nag-practice kaunti sa vocals. I helped with the props men to prepare everything as well as the lightings. Na-check naman lahat at nakitang maayos naman. Halos magkagulo kaming lahat ng ianunsiyo ni Sir Jun na may talent scout na inimbita ang mismong organizer nitong play at ng school! "Hala! Shemay! Kailangan magpakitang gilas. Malay natin at baka it's time to shine?" "Oo nga! Baka may makuha sa atin. Lalo ka na, Savi!" ani Aiden at nilingon ako. Actually, this would be the first time that our organizer invited talent scouts from a television network. Mas lalo tuloy akong ginapangan ng kaba sa dibdib. Sumilip ako mula sa gilid ng stage para tingnan ang mga papasok ng manonood. Mamita already had her ticket as well as my friends. My parents... I also gave them each but I am not sure if they're going to watch. "Savi! Ayusan ka na!" sigaw ng kasamahan ko. "Oo! Teka lang." The story is about a probinsyano who fell in love with the city girl he met in Manila. Love triangle siya, actually. May kaibigan si boy, which is me, na matagal nang may gusto sa kanya pero iba ang gusto at ang city girl iyon. The city girl rejected him many times and I was always there for him. Nang kami na ang nagkakamabutihan, muling bumalik si city girl at nawalan na naman ako ng atensyon sa lalaking gusto ko. I decided to let go of him and returned to our province. A year after that, he came back to me. Iniwan niya si city girl dahil natanto niyang ako talaga ang mahal niya. Pero huli na ang lahat. Dumating siya kung kailan may taning na ang buhay ng babaeng mahal niya. Hawak niya ako sa kanyang bisig nang unti-unti na akong maubusan ng hininga. "Kung alam ko lang na ito na ang ating huling sandali, nanatili na sana ako palagi sa iyong tabi," Darius, who played as Cesar, sang in a lonely voice. "Mahal na mahal kita, Antonietta." Nanatili akong nakapikit hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang kanyang hininga na tumatama sa aking mukha. He was supposed to kiss me but not really a kiss. Iaanggulo niya lang ang kanyang ulo sa tapat ko para magmukhang hinalikan niya ako sa huling sandali. Nang marinig ang palakpakan ng tao ay dumilim na ang paligid at sinara na ang kurtina. Tumayo na ako at nagsilabasan na ang iba pang casts. May intermission pa ang lahat ng casts bago kami pinakilala ulit. "Congratulations, everyone!" Medyo pinagpapawisan pa ako pero nakangiti pa ring humarap sa lahat. I gladly accepted their compliments and appraisals as well as their flowers. "You did great, darling! I'm so proud of you!" Mamita was teary eyed when she hugged me. "SAVANNAH!" my girlfriends yelled. My smile went wide when they ran towards me, almost jumping up and down in excitement. Inabutan nila ako ng bulaklak at niyakap nang mahigpit. Echo was also behind them, smiling proudly at me as he handed me a bouquet of flowers. "Naks, galing ng bida-bida," he said ang hugged me using his one arm. Umirap ako pero ngumisi rin. "Thank you so much!" Isa-isa silang nakipag-picture muna sa akin bago kami nagpakuha ng litrato as a group. Nahiwalay ako sa kanila dahil may ilang kakilala at ibang manonood na nagpa-picture sa akin. Halos mapunit na ang labi ko kangingiti sa harap ng camera nila. Grabe, nakakataba talaga ng puso kapag nakitang maraming nagustuhan ang ginawa mo. "Ang ganda-ganda mo, Ate. Ang galing mo ring kumanta at umarte," sabi ng isang babaeng mukhang junior high pa lang. "Thank you!" Hindi agad ako nakabalik kina Mamita at sa mga kaibigan ko dahil nag-group picture pa ang cast kasama ang ilang manonood pero inabot ko muna sa kanila ang mga bulaklak na dala. "Kuya, Ate, puwede po kayong picture-an? Kayong dalawa lang?" someone requested. "Sure!" si Darius at inakbayan ako agad. I smiled at the camera again. Dahil may nakakita noon, ang dami ring kumuha ng litrato naming dalawa ni Darius hanggang sa tawagin kami ni Aiden at ni Sir Jun. The talent scouts talked to us at the backstage. They congratulated and praised us for doing our best in that play. Pero ang hindi ko inaasahan ay noong abutan ako ng isa sa kanila ng calling card! "We can see so many potentionals in you, hija. Savannah, right? You're pretty. Magaling kang umarte at kumanta na para bang tagos sa puso mo lahat ng binibitiwan mong linya. Very impressive. Your chinky eyes were also expressive!" Mr. Evangelista said. "May lahi kang Chinese, hija?" "Japanese po." I smiled. "Oh? Parang pang-Chinese ang singkit ng mga mata mo." Hindi ako makapaniwalang pinuri ako ng isang tulad niya! Only to find out that he's not just a talent scout but also a commercial director! Oh my God, I can't belive this is happening! Ibinalita ko iyon kina Mamita at sa mga kaibigan. I could really see in their eyes that they were so proud of me very much. Naiyak pa nga sila! Well, except for Echo. "Artista na ang kaibigan natin," aniya sabay iling. "Wala na. 'Di na 'to ma-reach!" Tumawa ako at binatukan siya. Wala na masyadong tao sa Luminous Theater at kami-kami na lang ang nandito. Hindi rin naman kasi puwedeng magtagal ang mga outsider dito sa loob ng theater kaya lumabas na rin si Mamita. She said we would be having our celebration in our house tonight! "Basta, ha? Walang makakalimot kahit sikat ka na," Mea said and wiped her fake tears. "Nakakalungkot mang isipin pero mukhang ganoon nga ang mangyayari, Mea. Alam mo naman kapag naging artista ka, puro artista na rin ang mga kaibigan!" Tinawanan ko ang dalawa at niyakap. "You're so dramatic! Hindi pa nga artista, e. Wait until I become one and I'll prove to you that you guys will always be my best of friends !" I giggled and winked at them. "Hoy, tama na nga 'yan. Sawang-sawa na ako pakinggan 'yan, e, paulit-ulit lang naman dialogue niyo tuwing natatapos ang play nitong si Savi." Sabay-sabay naming nilingon si Echo sabay sabing, "You're so epal!" Nagkatinginan kaming tatlo at tumawa. Pabirong itatapon sana ni Echo ang hawak na limang bouquet nang may tumawag sa pangalan ko. Suminghap sina Mea at Kana sa gilid ko habang ako ay laglag pangang pinagmasdan ang tila modelong rumarampa na si Ariz. Nakasuot lang naman siya ng grey na polo shirt at pants pero umaangat pa rin ang pagiging matipuno ng katawan niya. Idagdag pa na matangkad, guwapo at mabango. I smirked after realizing he really used mens perfume and even waxed his hair. "Hi, Uncle!" bati ng dalawang kaibigan ko sabay hagikgik. "Nandito ka pala! Saan ka nakapuwesto kanina? Natapos mo ang play?" Napahawak siya sa batok at bahagyang yumuko pero nakatingin pa rin sa akin. Pinasadahan ng kanyang dila ang labi kaya mas namula iyon. "Akala ko ba ay hindi ka pupunta... Uncle?" I teased him. He licked his lips again. "Akala ko rin, e," aniya at bahagyang humalakhak. "Paano ka nakapasok?" "Kasabay ko ang Mamita mo," he answered abruptly. "I mean, nakasabay ko ang Mamita mo sa pagpasok diyan sa may gate kaya pinapasok na rin ako. We just showed our ticket." Tumango ako at nanatili ang tingin sa kanya. He was just staring at me as well so I felt a little awkward. Binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko. "Uh, guys, magkita na lang tayo sa room. Samahan ko muna si... Uncle." "Ito-tour mo rito? Puwedeng sumama?" nag-unahan pa sila. "Saglit lang," sabi ni Ariz at hinawakan ako sa braso. Nilingon ko siya. His manly scent touched my nostrils. Nanlaki ang mata ko nang akbayan niya ako sa harap ng mga kaibigan ko. Mea and Kana's faces looked confused while Echo looked like he was about to laugh. "I just want to be clear," he said and cleared his throat. "I'm not her uncle and she's not my niece." Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ang pagkalaglag ng panga ng dalawang kaibigan ko. Echo, on the other hand, looked away while pretending to talk to my freaking flowers. Oh, God, he's so stupid. "Ha? Edi ano ka niya?" si Mea. "Uncle ko nga—" "Magiging asawa," putol ni Ariz sa akin at bumaba ang kamay sa aking baywang. "Fiance." My legs turned like jelly as he held and pulled me closer to him. My hands automatically moved on his back and gripped onto his shirt. "Sabi ko na, e!" ani Mea. "Scammer ka! Uncle, uncle!" Bigla namang kinuha ni Kana ang kaliwang kamay ko at tiningnan iyon na parang sinusuri. "Where's your engagement ring?" "E-engagement ring?" "Savi, so stupid! May mag-fiance bang walang engagement ring?" Biglang inabot sa akin ni Echo lahat ng bulaklak na hawak niya. Halos matabunan pa ako sa mukha dahil patong-patong iyon. "Kayong dalawa, tara uwi!" sabi niya sabay akbay sa dalawang kaibigan namin at lakad palayo. "Teka—" si Mea na magsasalita pa sana. "Alam mo ikaw—" "Hays, alam niyo, date na lang tayong tatlo. Libre niyo ako, ah?" ani Echo sa dalawa. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanilang tatlo. Bago sila tuluyang mawala sa paningin ko ay lumingon pa sa akin si Echo para kumindat. Saka naman ako natauhan at napahiwalay kay Ariz. "Hey! Why did you tell them that you're my fiance?!" I almost kicked him when he knocked on my forehead. "Ikaw, 'wag ka ngang nagsisinungaling sa ibang tao," pangaral pa niya at kinuha lahat ng bulaklak na dala ko. Sumimangot ako at hinayaan siyang kunin mula sa akin iyon. "Magbihis ka na, magdi-date tayo." Nanlaki ang mata ko. "D-d-date?!" Tumango siya. "Date. Kain sa labas?" "At bakit tayo magdi-date?" "Huh? Celebration?" patanong niyang sagot. "Bilis na. Tanggalin mo na rin 'yang makeup mong hulas na." Hinampas ko siya sa braso at umirap. Ngumisi lang siya at bahagyang ginalaw ang ulo para senyasan akong umalis na. "You can sit there while waiting for me," I told him and pointed at the seats. Tumango lang siya kaya nagpunta na ako sa backstage. Naabutan kong nag-aayos na ang mga kasama ko at ang ilan ay nakapagpalit na rin ng damit. Kaunting batian lang ulit at nagpalit na ako ng isang ripped maong shorts at white off-shoulder top. I also removed my makeup and applied new ones. Liptint at powder lang para at least, medyo fresh looking. I even braided my waist length black hair. "Congrats again, guys! Sir Jun, una na po ako," paalam ko sa kanila habang bitbit ang isang Nike sports bag kung saan nakalagay lahat ng gamit at damit ko. "Congrats, Savi! Guwapo ng kasama mo, ah?" Humalakhak si Ellie. "Sino 'yon?" usisa ng iba. "Kaibigan lang. Hehe. Kasama siya ni Mamita ko kanina." Ngumisi na lang ako at lumabas na ng backstage. Natagpuan ko namang nakaupo na si Ariz at nasa tabi niya iyong mga bulaklak. Tumayo agad siya nang makita ako. His eyes surveyed me from head to toe. Tinuro niya ang shorts ko. "Saan sumabit 'yan?" Napatingin din ako roon. May black cycling naman akong suot sa ilalim ng shorts. "Baliw. Style ito." "Ang pangit. Mga kabataan nga naman." Umiling siya at tinuro ang mga bulaklak. "Anong gagawin diyan sa mga bulaklak? Huwag mong sabihing dadalhin mo 'yan habang nagdi-date tayo?" I pursed my lips as I heard him mention the word 'date' again. What kind of date are we really going to do? Friendly date? Celebration date? Uncle-niece date? Romantic date? Tumunog ang phone ko galing sa bulsa ng bag kaya kinuha ko muna iyon. Mamita's calling so I answered it first. "Yes, Mamita? Nasa labas pa po ba kayo ng school o pauwi na po kayo?" "Darling, I'm on our way home. Yayain mo na lang ang mga kaibigan mo sa bahay mamaya at magpapahanda ako." "Uhm, mga what time po, Mamita?" Humalukipkip si Ariz sa harapan ko at pinanood ako. Bahagya akong tumagilid sa kanya dahil sa pagkailang. "Hmm. Alas siete? Para may time pa silang umuwi muna at makapagpalit ng damit. And oh! Invite Juventus Ariz over here. Nakasabay ko siya kanina papasok pero nagkahiwalay kami sa loob ng theater. Nagkita na kayo?" "Ah, yes po, Mamita." Sumulyap ako kay Ariz. "He actually invited me on a—" Suminghap ako at namilog ang mga mata nang agawin ni Ariz ang phone mula sa akin at nilagay iyon sa tapat ng kanyang tainga. "Mamita," aniya. Wow, nakiki-Mamita? Lola mo, ha? Lola mo? Hmp! "Kakain po kasi sa labas ni Savi... Yes, Mamita. Bukas na lang po? Sige... okay po." Then he ended the call. Bahagya niya pang hinagis iyon pabalik kaya muntik kong hindi masalo. What the freak! "Bakit nakiki-Mamita ka?" "Sanayan lang. Ganoon din itatawag ko sa kanya kapag kinasal na tayo." Kumunot ang noo ko. "What? Anong kasal? I though you didn't like the idea of it?" Pinasadahan niya ng dila ang labi at nagtaas ng kilay. "Sure ka ayaw mong magpakasal sa akin?" Ginapangan ng init ang pisngi ko sa klase ng tingin niya. Bakit niya tinatanong ngayon iyan sa akin gayong nagkasundo naman na kami na dapat ay hindi kami magkasundo? "E, 'di ba ang sabi mo, pareho tayo ng type? Kaya ayaw mong pakasal sa babaeng tulad ko?" "Malay mo, nag-iba na pala ang type ko." He smirked and stepped forward. Napatingala ako sa kanya lalo dahil hanggang kili-kili niya lang ako. Umangat ang kanyang kamay at marahang humaplos ang hintuturo sa gilid ng aking mukha. Parang binabayo ang dibdib ko nang dumulas pa iyon sa aking baba para mas iangat pa ang mukha ko. "I've watched the whole play, Savi," he whispered while looking intensely at my eyes. I couldn't find my words to speak. Gusto kong tanungin kung kumusta ba ang acting ko kanina. Hindi ba ako masyadong OA sa harap? Nauutal ba ako? Did I block the audiencs? Did I look ugly with those loose and old dresses I wore? At akala ko ba ay hindi siya pupunta. Kung ganoon, um-absent ba siya para lang mapanood ang play ko? Kay Daddy ba siya nagtatrabaho kaya napakiusapan niya itong hindi papasok ngayon para lang makapunta rito? "Hindi ka lang pala maarte... magaling ka rin talagang umarte," nanunuyang saad niya at bahagyang umangat ang sulok ng labi. Should I be offended or what? He would always call me maarte! Okay, fine. Edi ako na maarte pero bakit kailangang sabihin lagi? Paulit-ulit? "Ang ganda ng palabas niyo pero hindi ko nagustuhan ang dulo." Tumayo siya at binitiwan ako, hindi na nakatingin sa akin. Bumuntong hininga siya at nagpamulsa. Kumunot naman ang noo ko at hinanap ang kanyang mata. "Why? Don't you like tragic romance?" Umiling siya. "Hindi naman. Ayaw ko lang 'yong parteng hinalikan ka." "He didn't kiss me!" agap ko kaya napatingin ulit siya sa akin. "He just made it look like he really did but not for real." Umiling pa ako. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok at bahagyang yumuko para magpantay ang mukha namin. My lips parted when he looked at them. "Ayaw ko ng sinungaling, Savi..." bulong niya habang nakatingin pa rin sa labi ko. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag. "I'm not l-lying. I... ain't allowed yet to kiss someone, said Mamita. Kaya kapag may play na merong kissing scene, tamang anggulo lang ang ginagawa namin para magmukhang naghahalikan talaga. I don't wanna be kissed, too, even if it's for the act..." Tumayo siya at naging mailap ang mga mata. Sinubukan kong humarap sa kanya pero siya na ang umiiwas. "Hey, are you mad?" I asked, pouting. "I'm really telling you the truth. Wala pa akong nahahalikang lalaki... sa lips." Umalon ang kanyang lalamunan bago ako hinawakan sa magkabilang braso. "Gusto mong magkaroon na?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD