Chapter 11: Hard

1273 Words
Chapter 11: Hard "Which restaurant here are we gonna eat? I'm craving for some good steak—" Hinawakan ni Ariz ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Dumaloy agad ang kuryente sa katawan ko dahil sa ginawa niya. Looking around inside the mall, I noticed that some people were glancing at our direction. Pareho kaming walang dalang anumang pabigat maliban sa phone at wallet. 'Yong bag at mga bulaklak na natanggap ko kanina ay iniwan ko muna kay Echo. I told him to bring those in our house or I won't invite him tomorrow in our small dinner celebration. Dahil bida-bida at medyo sipsip din kay Mamita, pumayag naman ang magaling kong kaibigan. Dapat talaga ay mamaya ang dinner pero ang sabi ni Ariz, sinabihan niya si Mamita na kaming dalawa na lang muna ang magse-celebrate ngayong araw. How's that? I think... it's fine for me. "Anong restaurant? Hindi tayo magre-resto at magastos," aniya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko roon nang magsimula siyang hilahin ako bahagya para maglakad na ulit. "Kung hindi sa resto, saan tayo kakain? Samgyup kaya?" I suggested. Tagal ko na palang hindi nagsa-samgyup. "Nah. Sa KFC tayo." Sabay lingon at ngiti niya sa akin. "Libre kita isang bucket ng chicken nila para mas tumaba ka." Natulala ako sa kanya. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa ngiti niya. He looked so... annoying! Bakit ba siya ngiti nang ngiti sa akin? Kanina pa 'yan, ah. Simula noong tinanong niya ako kanina sa LT I was really confused of what he was talking about that I'd like to have. Hindi niya naman sinagot noong tinanong ko kung ano ang tinutukoy niya. Nakakainis pa na sinabihan akong slow! Hello, kasalanan ko bang hindi kumpleto ang tanong niya? Tapos simula noon, panay na ang ngisi o ngiti niya sa akin. Kairita, ha. Ang sarap tanggalin 'yong maliit niyang nunal sa kaliwang pisngi na kanina ko lang napansin. Hmp. "If I ever get fat, I would look so ugly." "Ayos lang. Ako lang naman ang magtitiis sa mukha mo habang-buhay." Uminit agad ang pisngit ko at sinuntok siya sa braso gamit ang libreng kamay. He chuckled and let go of my hand to put his arm over my shoulder. "Hindi mo kailangang tiisin ang mukha ko dahil siguradong bago o pagkatapos ng debut ko, hindi na tayo ulit magkikita." "At bakit naman? Fiance kita," mariin niyang sambit. "Ano ba? Kunwarian lang naman 'to, e! Fiance fiance pa, wala nga akong singsing, e!" bigla kong nasabi. Ugh! This is Kana's fault! Why did she even mention about the freaking engagement ring when I didn't even think of it? Ngayon, nabanggit ko pa tuloy! Baka anong isipin ng lalaking 'to. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. Ngumuso ako at umirap sa kanya. "Gusto mo ng singsing?" seryosong tanong niya. "For what? This engagement kemerut will not last long so I don't really need it." "Sure ka, ayaw mo ng singsing?" Sumilay ang ngisi sa kanyang mapulang labi. "You know what? You're so stupid. Why would you ask your fiance if she wants a damn ring when it's obvious that she does? I mean, sino bang babae ang ayaw mabigyan noon ng nobyo niya? Well, it's not like we are really—" "Gusto mo nga ng singsing?" ulit niya. Sa irita ko, napasagot na lang ako ng, "Yes!" So stupid, Savannah! Ba't ako nag-yes? The hell! Tumango siya habang nakangisi at nagsimula na ulit maglakad. Bagsak ang balikat kong sumunod sa kanya at masama ang loob. I said I want a ring and he just f*****g nodded his head? Tanggalan ko kaya siya ng ulo. "Aren't you gonna buy me a ring?" He sucked in his lower lip. "Sino ba ang may gusto?" "Ako—" "O, edi ikaw ang bumili," he cut me off and laughed. Bumilis ang paghinga ko at nag-init ang magkabilang tainga. He's really pissing me off! And he didn't even care if he saw me shooting him deadly glares when we went inside this freaking KFC! "Ako na ang o-order. Dito ka lang." Hindi ko siya pinansin at nilabas na lang ang phone. This is so corny. Ngayon lang ako nakakain sa lugar na ito. Usually, sa fine dining or buffet restaurant kami kumakain, e. Noong dumating na siya dala ang food, hindi ko pa rin siya pinansin. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba sa inis o dahil nagustuhan ko ang chicken nila rito. He really bought one bucket of chicken with so many side dishes. Hindi namin iyon naubos kaya ipinabalot niya na lang for take out. Tumawa siya nang makitang ang sama ng tingin ko sa hawak niyang paper bag. "Sayang 'to. Puwedeng kainin mamaya," he reasoned out. Hindi na lang ako nagsalita dahil bumalik ang inis ko sa kanya. Nauna akong naglakad habang nakahalukipkip at tumitingin sa paligid. He was just following me like a good dog everytime I'd go inside a familiar boutique to scan some nice tops. Hinawakan ko ang isang pastel pink na jacket at may fur sa balikat. Lumapit ang nakangiting staff sa akin at kinuha iyon sa pagkakasabit. Napaatras ako bigla at napailing. "Wala bang dark violet nito?" I asked her. "Dark violet, Ma'am? I'll check it po..." Alam kong wala dahil puro pastel ang kulay ng mga damit nila. Syempre, hindi ko naman mabibili iyan kaya kailangang magtanong ng wala na kunwari ay iyon ang gusto para makaiwas. Padabog akong lumabas ng boutique na iyon at gusto nang umuwi. "Ayaw mo ba noon? Hindi ba ay mahilig ka sa pink?" tanong ni Ariz na nasa gilid ko na. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "I want to go home." "Baka may gusto ka pang puntahan? Sasamahan naman kita—" "I said, I want to go home! Can't you understand that? Akala ko ba ay ako itong bobo pero bakit simpleng english sentence ay hindi mo maintindihan?" I lashed out. I thought this would be a date? Parang wala nga akong kasama dahil sunod lang siya nang sunod sa akin! Parang mas bodyguard pa ang dating niya, e. Nakakainis. Sana ay tinuloy na lang ang dinner sa bahay namin! "Okay... uuwi na tayo. Huwag ka nang sumigaw," mahinahon niyang wika at lumingon sa paligid. Umayos ako agad nang mapansing tinitingnan na nga kami ng mga tao. Hinawi ko ang baby bangs sa gilid ng noo at tinalikuran na siya. Mabuti nga na nag-taxi kami kanina at ngayong pauwi dahil hindi ko na alam kung anong gagawin kapag nag-tricycle o jeep kami. I didn't talk to him until we got home. Dumiretso siya sa kusina habang ako ay dumiretso sa kuwarto para kumuha ng tuwalya. Napalingon ako sa tabi ng cabinet nang makitang puno na ang lagayan ko ng mga gamit na damit. Ipapa-laundry ko na lang siguro bukas nang maaga dahil hindi naman ako naglalaba. Hahawakan ko pa lang sana ang seradura ng pinto sa banyo nang bumukas iyon at niluwa si Ariz. I rolled my eyes when he stepped sidewards so I could go in. "Savi..." he called softly. Sinara ko ang pinto sa mismong mukha niya. Mabilis lang akong naligo at lumabas ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok ko at dumiretso na sa sala kung nasaan si Ariz. Mula sa gilid ng mata ko ay namataan kong sumunod ang ulo niya sa akin. Nilapitan ko ang alagang hamsters at bahagyang yumuko para buksan ang kulungan ni Sav. Ava and Anna were both inside their hide box. Walang pagkain si Sav kaya kinuha ko muna siya at dinala sa kusina. "Wait here and I'll give you some food," I said as I placed her on the table. Binuksan ko ang ref at kumuha ng sliced fruits na binili ko kahapon at hindi ko naman naubos. Hiniwa ko ulit iyon nang mas maliit pa bago umupo ulit sa tapat ng mesa. "Here, Sav." Nilagay ko sa harapan niya ang platito kung saan ko nilagay ang prutas. Lumapit naman siya agad doon at kumuha ng isa. I smiled while watching her eat. "Does it taste good?" Nagpangalumbaba ako habang pinapanood siyang kainin iyon. Hindi niya naman naubos at mukhang inayawan na kaya bumalik na ulit ako sa sala dala siya. Pinapasok ko siya sa kulungan nang tumikhim si Ariz. "Savi, magbihis ka na muna." Tumuwid ako ng tayo at nilingon siya. May lamesita na sa harap niya at may mga coupon bond doon habang nakaupo siya sa sahig. "Magbibihis ako kung kailan ko gusto," mataray kong saad. Nabitiwan niya ang hawak na mechanical pen siguro at bumuntong hininga. "Magkakasakit ka niyan." "So? Why do you care? Ano ba kita? If I get sick or what, then it's my fault." His expression hardened as he looked at me darkly. Gumalaw ang panga niya at napailing bago bumalik sa ginagawa. Kumuyom ang kamao ko at nagmartsa papasok sa kuwarto. I locked it and changed in my usual spaghetti top and dolphin shorts. I won't wear a f*****g bra! Kung naiilang siya, edi mas mabuti! Irita akong tumapat sa electric fan at naka-number 3 pa iyon habang pinupunasan ang buhok. Nag-phone lang ako pagkatapos noon at hindi namalayang nakatulog na. Nagising lang ako nang may narinig na nagsasalita malapit sa tabi ko. Bahagya kong dinilat ang kaliwang mata para silipin si Ariz na nakatalikod sa akin. How did he even got in here after I locked the door? "May ipapasa kaming project bukas kaya hindi ako makakapunta. Next week na lang, Mae," he said on the other line. Bumangon ako at kinusot ang mata. Lumingon siya sa akin nang maramdaman sigurong gumalaw ako. I instantly avoided his eyes when they met mine. "Oo nga. Sige na. Ibaba ko na 'to." I checked the time on my phone and it's already past 8 o'clock. Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri bago tumayo nang magsalita siya. "Savi, mag-usap muna tayo." "Talk to my hand," I retorted and showed him my right hand. "Savannah!" Bahagyang tumaas ang kanyang tono. "Huwag ka ngang para bata. Bakit hindi ka namamansin? Galit ka?" Ha! Ako pa ang parang bata? E, bakit niya pa ako tinatanong kung bakit ako hindi namamansin kung ganoon naman pala ang iniisip niya sa akin? "You know what? Let's just not mind each other," I told him coldly. "Nagugutom na ako. Lalabas lang ako para bumili ng pagkain." "May pagkain pa riyan sa ref. Iinitin ko na lang." "Huwag ka na mag-effort. Kakahiya naman sa 'yo at baka masyado na akong pabigat dito. I'll just go out—" "Hindi ka lalabas nang ganyan lang ang suot!" Dumagundong ang boses niya at isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya at hawak na ako sa braso. Mabilis ang paglukso ng puso ko habang tinitingnan ang nag-aalab niyang mga mata. For a moment, I thought he would hurt me. Lumayo agad ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "Don't you dare touch me again! Wala kang pakialam kung lumabas man ako nang ganito lang ang suot o nakahubad lang!" "Anong sabi mo, Savannah?!" Bumilis ang pag-angat-baba ng kanyang dibdib at mas lalong dumilim ang titig sa akin. Isang hakbang ay natawid niya na ang distansiya naming dalawa at mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Ngumiwi ako at agad nag-init ang sulok ng mga mata. "Hindi ko alam na ganyan ka pala. Ayos lang sa 'yo ang mabastos? O, edi sige! Lumabas ka na!" Binitiwan niya ako kaya napaatras ako. Tinulak ko siya at mabilis na binuksan ang cabinet. I grabbed my jacket and immediately went out of the room. Sinuot ko iyon at ang tsinelas habang palabas ako ng bahay. I can't believe him! I didn't really mean what I've said and he really let me go out? He really doesn't care about me! Fine. Bakit nga ba ako apektado? Sabi ko ay walang pakialamanan. Nanlalabo ang paningin ko habang naglalakad. I would wipe my tears every now and then until I found a small variety store. May nag-iinuman doon na limang lalaki kaya agad akong napatigil sa pag-iyak at lakad. Tumalikod agad ako at naglakad pabalik nang may isa sa kanila ang lumingon sa direksyon ko. Nadapa pa ako nang marinig kong may mga yabag din sa likuran ko. Lumingon ako at nakitang nakasunod na 'yong mga nakita ko sa tindahan. Halos manlamig ako at tumayo agad para bilisan ang takbo nang may humila sa braso ko. I shrieked and was all ready to kick the hell out of him when his familiar scent reached under my nose. Natigilan ako at parang nabunutan ng tinik sa dibdib nang akbayan niya ako at nagsimulang maglakad na parang normal lang na bypasser. Lilingon sana ako sa likod nang hawakan niya ang ulo ko para pigilan. I was pouting the whole time we were walking until we got home. Doon niya lang din ako binitiwan. Napatalon ako nang padarag niyang sinara ang pintuan. "Magpalit ka ng damit bago kumain. Bilisan mo," malamig niyang utos at nilagpasan ako. I let my hot tears rolled down my cheeks as I went inside the bedroom. Tinanggal ko ang jacket at pinatong iyon sa tabi ko habang nakaupo ako sa kama. I stretched my left leg and it showed the wound I got after tripping my own self. I pouted and just stared at it when the door slammed open. Kinuha ko agad ang jacket sa tabi ko at pinatong sa ibabaw ng hita kaya natamaan ang sugat. Tiningnan niya ako gamit ang nakakaestatwang mga mata. "Bakit hindi ka pa nagpapalit?" His voice was still laced with ice. "Matutulog na lang ako ulit," sabi ko sa maliit na boses. "Ang sabi mo ay nagugutom ka?" Naglakad na siya palapit sa akin. "Halika na. Nakahanda na ang pagkain." Umiling ako. Hinawakan niya ako sa pulso at bahagyang hinila iyon. Ngumiwi ako at agad binawi nang maramdamang kumirot sa banda roon. Nagulat ako nang bigla niya ulit kunin ang kaliwang pulso ko at tiningnan iyon. He heaved an audible sigh. "Nadapa ka." "Hindi, ah." I panicked a bit when he removed the jacket on my lap and knelt down in front of me. Tinakpan ko agad ang tuhod kaya mas lalong naging obvious sa kanya na may tinatago. "Tss..." Matalim niya akong tiningnan. "Tingnan mo ang nangyari sa pagiging pasaway mo." "'Di naman masakit," sabi ko. Hs smirked annoyingly. "Talaga?" Then he suddenly stretched out my left leg, causing me to wince in pain. "Don't touch my leg." Binitiwan niya ang binti ko at tumayo. Pinanood ko siyang may kinukuha sa ilalim ng kanyang cabinet bago umupo sa may kaliwa ko. He tapped his lap twice. "Ano?" "Patong mo rito ang binti mo. Gagamutin ko." "Huwag na—" "Hurry up, brat, or you won't be able to walk if it got infected." "W-weh?!" Tumango siya. "Oo. Mas malala kung mapuputulan ka ng binti. Gusto mo ba 'yon?" Nanlamig ako at agad naipatong ang binti sa ibabaw nang kanyang hita. Bahagya akong nakaharap sa kanya habang ginagamot niya iyon. He was holding my leg to keep it still while gently pressing the cotton on my wound. Kinagat ko ang aking labi habang pinapanood siyang seryoso sa panggagamot. Hindi ko alam na ang ganito kaliit na sugat ay puwede palang maging dahilan ng pagkaputol ng binti I couldn't remember if I had ever tripped before when I was a kid, though. Nang matapos siya sa tuhod ay ang pulso ko naman ang ginamot niya. Lumabi ako nang matapos siya at napansing nakapatong pa rin ang binti ko sa ibabaw ng hita niya. I moved it a bit and intentionally brushed it on his crotch. My face heated immediately. Why the hell did I even do that?! "Savi," nagbabanta niyang tawag. "Puwede mo nang ibaba ang binti mo. Masyado ka naman yatang nag-enjoy." Ginalaw ko ulit ang binti ko at pinatama ulit doon. I bit my lip to stop myself from chuckling when he groaned. "Savi!" "I'm sorry. Pasmado yata ang binti ko," dahilan ko at lumabi pa lalo matapos tamaan ulit iyon. My God. Why is that even so hard? Namula na ang kanyang tainga at ang leeg. He held my thigh and gently pushed it. "Aray!" eksaheradang sabi ko. "Ang sakit! Huwag mo namang itulak!" Umawang ang labi niya habang tinitingnan ako. "Akala ko ba ay hindi masakit?" tila nagdududang tanong niya. "Late reaction 'yan, e. Masakit na ngayon! Bakit? Bawal?" His eyes turned into slits as he glared at me. Hindi ko pa rin inaalis ang hita sa ibabaw niya. Nilapit ko ang kamay sa tuhod na may sugat para tingnan kunwari. Sinubukan niya ulit itulak ang binti ko kaya ayan, nadulas tuloy ang kamay ko at nalaglag sa ano niya. "Oops..." I said as I let my hand stayed there until he grabbed my hand. "Nananadya ka ba?" pagalit niyang tanong. "Ha? Wait! What's wrong with that thing in between you? It was hard!" Binawi ko ang kamay sa kanya at tuluyan nang kinapa iyong matigas at nakaumbok sa pagitan ng mga hita niya. Napaigtad siya at napatayo agad kaya nalaglag ang binti ko sa sahig nang tuluyan. "Savannah!" he growled. "Bakit mo hinawakan?!" "Ang alin? Iyong bumubukol?" I asked innocently. "Bakit ba matigas iyon? Is that supposed to be that hard?" Namula ang kanyang buong mukha at napasabunot sa buhok. A small smirk formed on my lips as I watched him looking so frustrated and... I don't know. "Paanong hindi titigas kung dinidikit mo ang binti mo rito? At talagang hinawakan mo pa?!" Gusto ko nang matawa sa itsura niya. Agrabyadong agrabyado naman siya. Parang hinawakan ko lang, e. Pero bilib din ako sa kanya dahil parang kaunti na lang ay mumurahin niya na ako pero hindi pa ginagawa. "I didn't know gays can get hard when a woman touches their..." Nginuso ko iyong bukol niya. "Anak ng..." Napatingala siya kaya kitang-kitang ko ang paglabas ng ugat sa kanyang leeg. "Hindi ako bakla, Savannah! So stop teasing me about it! Hindi mo gugustuhing makita kung paano mag-init ang dalawang ulo na meron ako!" he threatened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD