Chapter 12: Dance

1654 Words
Chapter 12: Dance We both went busy for the whole month since our finals are coming. Napansin ko rin na medyo umiiwas na siya sa akin simula noong inamin niyang hindi siya bakla. I wasn't really surprised, though. Gusto ko lang malaman ang totoo at bakit pa siya nagpapanggap na bading gayong masyado namang lantad ang p*********i niya. May isang Sabado na umuwi ako galing practice ng sayaw namin at naabutan ko siya sa labas ng bahay na may ginagawa. Naka-topless at pawis na pawis habang nagpupukpok. "Ano 'yang ginagawa mo?" Pinunasan niya ang pawis sa noo at leeg gamit ang towel na nakasampay sa kanyang balikat. Walang hiya kong pinagmasdan ang matikas niyang braso at ang anim na nakakatulo-laway na pandesal nang humarap siya sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatingin din tuloy ako sa suot kong shirt at shorts. "Double deck," simpleng sagot niya at nagpatuloy sa ginagawa. "Double deck? Ba't ka gumagawa niyan?" "Para hindi na tayo tabi matulog. Naiilang na ako, e." Say what?! Siya pa ang nailang, ha! And he didn't even deny that fact. Masyado ko naman yatang naagrabyado noong nakaraan kaya ayan at gumawa na ng paraan para hindi ko na ulit mahawakan. Pumasok muna ako sa bahay para bitiwan ang gamit at kumustahin ang mga alaga. I giggled when I saw all of them on their running wheel. Mukhang nagpapaligsahan pa. Binigyan ko lang sila ng prutas at gulay na hiniwa-hiwa ko nang maliliit. Mahal din kasi ang food nila na nabibili, e, ang kuripot pa naman nitong si Ariz. Fruits and vegetables are good for them, anyway. Maliban na lang sa ibang bawal. Binuksan ko ang bag na dala at kinuha roon ang box ng binigay na cookies ng isang kaibigan sa akin. Lumabas ulit ako at nilapitan si Ariz na nakaluhod sa harap ng ginagawang double deck. "Hey, want some cookie?" Tiningnan niya lang ang nilahad kong box. "Hindi nga ako mahilig sa matamis." Oh! Right. Sorry naman. Hindi naman ito singtamis noong cake na binigay sa akin na nasira lang sa ref. I felt guilty about it. Sana pala ay binigay ko na lang agad sa mga kaibigan ko iyon. "These are banana flavored cookies. Hindi masyadong matamis." "Hindi na, Savi. Doon ka na sa loob. Maingay rito." "I'm gonna watch you—" Kunot noo niya akong nilingon at mariing nakatikom ang bibig. Lumabi ako habang pinagmamasdang tumulo ang kanyang pawis mula sa gilid ng noo pababa sa leeg. I stepped fowards to him and bent down a little before wiping his lucky sweat using the back of my hand. Iniwas niya ang mukha at pinunasan iyon gamit ang towel. Gumalaw ang muscles ng kanyang panga. "Pawis na pawis ka na. Pahinga ka muna? "Kapag hindi ko 'to tinapos agad, sa sahig tayo matutulog." "Well, bakit ka ba naman kasi gumagawa pa kung puwede naman tayong bumili." He pursed his lips tightly. "Sayang pera. Itong mga gamit ko, libre na 'to." I rolled my eyes and put the whole cookie in my mouth. "Kunat mo," sabi ko habang ngumunguya kaya hindi masyadong naiintindihan. "Ano?" Kinagat niya ang labi. "Huwag ka ngang magsalita habang puno ang bibig." Hay naku! Bahala nga siya riyan. Hindi tuloy ako nakatulog agad dahil gabi na siya natapos. Doon ako sa baba na nilagyan niya ng harang para daw hindi ako mahulog. How thoughtful. April noong nagkaroon kami ng grad ball na sa isang hotel ang venue. Ito 'yong pinaghahandaan namin ng sayaw kaya hindi na ako makakasali sa cotillion noong simula. May inokupang kuwarto para sa amin para doon kami maayusan. Mamita's also here while the makeup artist was doing my makeup. Katatapos lang ng performance namin kaya magpapalit na ako ng gown para sa mismong event. I checked my phone when it vibrated. "Darling, stop looking at your phone! Magugulo ang makeup mo," saway ni Mamita. Lumabi ako at binitiwan iyon para tumingala dahil inutusan ni Carla. Nagpalit na rin ako ng gown matapos makeup-an. I didn't want it grand so it was just a simple spahetti strap golden evening gown with sequins that glimmered everytime they hit the lights. May slit iyon sa gilid ng kanang hita at hanggang sahig ang likod kahit pa naka-heels na ako. Medyo malalim lang ang neckline kaya kita ang cleavage. Mabuti na lang at meron ako noon. My hair is tied up in a fancy bun. Sa gilid ng mukha ko ay may ilang hibla ng buhok na kinulot. I was also wearing a thin white gold necklace with a small heart shape pendant. "You look so fab!" Pumalakpak si Carla at hinawakan ang aking baba. "Smile." I smiled at her. Naningkit ang mata niya sa ngiti ko. "Ayaw mong magpa-brace? I mean, ang cute ng fangs pero hindi ba't mas maganda kung pantay-pantay ang ngipin?" "She doesn't need braces. That cute fangs you're saying are her assets!" ani Mamita. "Well, sa mga Japanese nga naman ay maganda para sa kanila ang mga babaeng may sungki. But either way, you really look stunning even without a grand ballgown!" bawi ni Carla. Ngumiti ako. Maraming makeup artist na ang pumuna sa ngipin ko at sinasabing magpa-brace pero ayaw ko. Hindi naman siya mahaba at abala. Talagang tumubo lang na parang normal na ngipin pero nakaawang nang kaunti sa iba. Like what Mamita said, it might be one of my assets. Kaya bakit ko babaguhin? Nag-picture muna kami bago lumabas ng unit. I was only holding my Charlotte Olympia perspex clutch and inside of it was my phone, lipstick and face powder for retouch purposes. Lahat ng miyembro sa sayaw ay walang kapares na kasali sa ball kaya heto ako at kasama lang si Mamita. Puwede namang magkaroon ng escort na hindi kasali sa ball, kaya karamihan sa kanila, either mga jowa nila o friend. Mea and Kana have their own escort while Echo's escorting his crush from the other section. O, edi sila na ang may escort! "Hija, are you sure you'll be okay alone? Where are your friends?" Mamita asked. "They're probably dancing or eating, Mamita. I'll just find them," I answered and kissed her cheeks. "Hmm... if Juventus is just here..." My lips twisted and I sighed. He said he was busy so he couldn't be my escort. Ayos lang naman. 'Di naman masyadong nakakasama ng loob. "Hayaan mo na po, Mamita. Marami naman akong kakilala." Niyakap ako ni Mamita at hinalikan sa pisngi. "I'm staying in my room here for awhile. Don't hesitate to go up there if you want to leave here." "Okay, Mamita. Punta na po tayong elevator," sabi ko. We waited for the lift's door to open when the other door opened beside it. Napatingin ako roon at nalaglag ang panga nang makitang lumabas si Ariz. Saktong tumunog at bumukas ang elevator sa harap namin kaya napatingin siya. "Mamita! Uh, Ariz is here—" "Nakikita ko, darling!" Mamita chuckled. "So I guess I'll leave you here first, huh?" Nauna nga siyang pumasok sa elevator at ngumiti pa nang makahulugan sa akin. Hinarap ko naman si Ariz nang maglakad siya palapit sa akin. "H-hey..." I greeted awkwardly. "W-why are you here?" Parang may nagkakarerang kabayo sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Maayos na nakasuklay at wax ang kanyang buhok patalikod at nakasuot siya ng amerikanong kulay itim. Sa loob noon ay isang puting longsleeves, I guess, na nakabukas ang tatlong unang butones at walang necktie. Para akong mahihimatay sa harap niya anumang oras nang lumapit pa siya sa akin at hinawakan ako sa baywang para tingnang mabuti. His warm and large hands were sending heat and currents on my body. Pumikit ako nang masamyo ang mabangong pabango niya noong bahagya siyang yumuko. Nagtindigan ang balahibo ko sa batok nang halikan niya ako sa pisngi. I held on his arms for support since my legs were already wobbling. "Ang ganda mo, Savannah," he whispered huskily against my ear. Parang may kumiliti sa tiyan ko at hindi napigilang mapangiti sa sinabi niya. "I thought you are busy?" I asked him. Humarap siya sa akin at halos malunod ako sa klase ng tingin niya. He licked his lips as he chuckled lowly. "Nahirapan akong maghanap ng isusuot kaya ako busy. Mabuti na lang at nahanap kita agad dito." Tumayo na siya nang maayos pero nakahawak pa rin sa baywang ko. Hanggang leeg niya na ako ngayon dahil 4 inches itong heels ko. "You could've told me you're looking for a three-piece suit. Edi sana ay sabay tayong nagpasukat!" Ngumuso ako sa kanya. Ngumiti siya at pinasadahan ulit ng tingin ang damit ko. Uminit ang pisngi ko nang tumigil ang mga mata niya sa aking dibdib. Napaigtad ako nang hawakan niya ang aking balikat pababa sa braso. "You really like showing your skin too much, huh?" "H-huh? Is it too revealing?" utal kong tanong. I thought this is okay. Medyo lantad nga sa dibdib pero hindi naman sa ibaba ko. Should I change? Kinagat niya ang labi at pinasadahan pa ng daliri ulit ang braso at balikat ko. Hindi na ako magtataka kung maramdaman niyang tumataas ang balahibo ko dahil sa ginagawa niyo. "It's okay," napapaos pa ring sambit. "If you're comfortable with this, then it's fine with me." Napalunok ako at tinitigan siya sa mata. "I-if you're not okay with it then I'll probably just change..." "Okay lang, Savi. Hanggang tingin lang naman ang iba kung sakali. Ako lang ang hahawak..." Dumulas ang daliri niya sa ibabaw ng dibdib ko. "...at hahalik dito, Savi." Uminit ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon. Nahugot ko ang aking hininga at dudugo na yata ang labi sa diin ng pagkakakagat ko rito habang pinagmamasdan ang daliri niyang humahaplos sa ibabaw ng aking dibdib. "Savi?" tawag ng kung sino. "s**t!" Napahiwalay agad ako kay Ariz at hinarap si Mea na nakasuot din ng itim na evening gown. She was behind him, mukhang kalalabas lang ng elevator. What the hell! Why is she f*****g here?! Tumawa siya sa reaksyon ko bago tiningnan si Ariz. I gritted my teeth when I saw his smug smile as he pushed his hands inside his pants. "Ano? Gulat na gulat, ma? Parang may ginawang ano, ah..." "Can't you just tell me why are you here?" Lumakad siya palapit sa akin habang nakasuot pa rin ang nakakalokong ngisi sa mga labi. I've already told them about my real relationship with Ariz. Si Echo, alam na pala noon pa dahil sinabi ni Mamita sa kanya. Though Kana kept on asking about the goddamn ring. Kailangan ba talaga noon? Naiinis pa rin ako kay Ariz dahil wala siyang binibigay pero naisip ko rin, bakit ako nagde-demand ng singsing gayong ayaw ko naman talagang matuloy ang kasal? Wait... ayaw ko nga ba? "Kanina ka pa namin hinahanap! Akala namin ay natulog ka na sa room niyo pero mukhang... hmm... ano kaya ang naabutan ko?" Nag-init ang pisngi ko. Imposible namang nakita niya ang ginagawa ni Ariz dahil nakatalikod ito sa kanya kaya natatakpan ako. Pero nakilala niya ako kahit natatakpan na ako ni Ariz. Ibig sabihin, nakita niya nga? Pinadausdos ni Ariz ang kanyang kamay sa aking baywang. Mea's round eyes dropped on my waist. "Let's go, Savi. You should enjoy this night," kalmadong saad ni Ariz. "Oo nga! Enjoy this night!" Ulit pa ni Mea na parang may ibang gustong iparating. Umakyat na kami sa banquet hall. Habang nasa elevator ay panay ang kuda ni Mea at nanunukso pa dahil hindi na ako binitiwan ni Ariz. The color theme of our ball is gold, black and white. Ilang beses naman na akong nakapunta sa mga ganitong party kaya hindi na bago sa akin ang ayos ng lahat. "May two vacant seats pa sa table natin!" Mea informed us. "Come on, guys! Mamaya ay ise-serve na ang main course." Ngumiti ako sa mga bumating kakilala at may ilan pang nakipag-picture. Lumayo sa akin si Ariz para pagbigyan sila. Ayan tuloy, mas natagalan pa kami sa pagpunta sa table namin. "Boyfriend mo, Savi? Yieee!" "Kaya pala wala kang sinasagot sa mga nanliligaw sa 'yo sa school, e. He looks matured and older than you, though. Ilang taon na siya, Sav?" "Twenty-two," sagot ko kahit hindi sigurado. "He's not my boyfriend, though. He's my fiance," sabi ko at tinaas ang kaliwang kamay para ipakita ang singsing na suot. "OMG! You're already engaged?!" Pinagkaguluhan naman nila ang singsing kong bigay lang naman ni Mamita para suotin ko ngayon. Wala sana akong balak sabihin iyon pero... hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang nasabi. I was startled when someone grabbed me harshly on my arm. Suminghap ang nakapaligid sa amin. Kamuntik pa akong matapilok sa taas ng takong ko at sa rahas ng pagkakahila niya sa akin. "May fiance ka na?!" Namumula ang buong mukha ni Joshua, iyong basketball player namin sa school. "Hoy, Josh! Bitiwan mo nga si Savi!" Sinubukan kong bawiin ang braso sa kanya pero mas humigpit ang hawak niya roon. Puwede ko siyang sampolan ng karate skills ko kung hindi lang may biglang humawak sa braso niya at sinapak siya bigla sa panga. Agad siyang bumitiw sa akin dahil lumipad na lang bigla sa isang suntok. "Ariz!" Hinawakan ko agad siya sa braso at inilayo kay Joshua. Nakiusyuso ang mga ka-batch ko dahil doon. Hinila ko na si Ariz palayo roon at hinayaang ang faculty at ilang bantay kay Joshua. What the fudge. We even haven't seated yet! "Ano ba 'yon? Nagkakagulo na naman dahil sa 'yo, ah?" ani Echo nang makaupo kami ni Ariz sa table namin. "Iba talaga ang mamshi of all mamshies!" "Shut up, Kana!" Hinawi ko ang hibla ng buhok sa gilid ng mukha at nilingon si Ariz. Dikit na ang kilay at kanina pa umiigting ang panga niya. Bahagya pang namumula ang kanyang leeg. "Ariz." I held his hand under the table. "I'm sorry..." Bumaba ang tingin niya roon at bumuntong hininga. Inalis niya ang hawak ko sa kanya at siya na mismo ang humawak sa aking kamay. My heart leaped when he entertwined our fingers. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang guluhin ka at ang party niyo." "N-no... it wasn't your fault." I cleared my throat. Humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Nagpatuloy naman ang party kahit pa may maliit na eskandalo ang nangyari kanina. The main course was served and I didn't finish it all. "Ayaw mo na?" tanong ni Ariz na bahagyang nakahilig sa akin. I stuck out my lip. "I'm full." Tumango siya at hinawakan ang baba ko para paharapin sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang punasan niya ang gilid ng aking labi gamit ang hintururo. "May sauce pa." Bahagya siyang tumawa at umayos ng upo. Mabilis ang tingin ko sa paligid at naabutan ang mga kasama sa table na nanonood pala. Meron pa sa ibang table pero noong tiningnan ko, nag-iwasan agad ng tingin. May wine na ni-serve sa amin pero hindi ako tumikim. Si Ariz, inisang lagok lang iyon bago ibinagsak ang wine glass sa mesa. His jaw clenched as he started at his glass. My brows furrowed at him. Nang may sumayaw na sa gitna ay nagtayuan na ang mga kaibigan ko. Kana's wearing a white tube dress that pushed up her boobs that made it look round and full. Bumagay naman iyon sa morenang balat niya. Si Mea kasi, maputi na masyado kaya kung magpuputi pa iyon ay baka baka mag-camouflage na. Ang escort nilang dalawa ay iyong barkada ni Echo na kasali rin sa varsity ng soccer. "Let's dance, Ariz!" maligayang anyaya ko sa kanya. He licked his lips and shook his head. Napawi ang ngiti ko nang kunin niya ang phone mula sa bulsa at tiningnan. Umigting ang panga niya bago ibinalik iyon sa bulsa. "Anong tiningnan mo?" "Wala." Tiningnan niya ako. "Sumayaw ka na roon kung gusto mo. Hindi ako sumasayaw, e." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Hindi naman hiphop ang sasayawin namin, ah? Side steps lang ang gagawin diyan, e. Saka ano 'yong tiningnan niya sa phone? May text ba or something? "I can teach you," I insisted but he shook his head. "It's easy!" He let out a short chortle. "Hindi na, Savi. Baka matapakan lang kita." "Ano ba naman 'yan," reklamo ko at humalukipkip. Mabuti na lang talaga at may nagyaya pa sa aking sumayaw kahit pa nalaman na nilang may fiance ako. They even asked Ariz for consent and he just nodded his head. Sobra akong nairita roon. Ang dali-dali lang talaga sa kanya na hayaan ako sa ibang lalaki? And he won't even dance with me! "Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa," asar ni Echo nang siya na ang kasayaw ko. Pinalibot ko ang braso sa batok niya at lumapit sa kanya. Nasa baywang ko naman ang mga kamay niya habang nakangisi siya sa akin. "Ariz is so annoying. Ayaw niyang makipagsayaw sa akin!" Bigla naman niya akong natapakan kaya sinikmuraan ko nang bahagya. He laughed and apologized. "Alam mo ikaw, ang tagal mo nang sumasayaw sa mga ganito pero lagi mo pa rin akong natatapakan!" "Ikaw lang naman ang tinatapakan ko," pang-aasar niya pa. Umirap ako at mas lalong na-badtrip. Humiwalay na ako sa kanya pero hinabol niya ang baywang ko. "Come on, Savi," nanunuyang tawag niya. "Gusto mong mapapayag magsayaw si Ariz?" Binalik ko ang kamay sa balikat niya at mas naging interesado sa sasabihin niya. He smirked evilly and pulled me closer to him. "Huwag mo 'kong sasapakin, ah. Baka dito pa tayo mag-sparring," he said and chuckled. "O, e, paano ko mapapasayaw si Ariz?" bulong ko sa kanya at bahagyang sumulyap sa table namin. Binalik ko ang tingin kay Echo nang manlambot ang mga binti ko dahil naabutan siyang nakatingin sa amin. Echo's evil smirk wasn't fading on his lips. "Magaling kang umarte, 'di ba? Let's pretend that we're enjoying this dance... in a very intimate position." Naapakan ko siya nang lalo niyang idikit ang katawan sa akin. I smirked when I realized his so cliché plan. Pinalibot ko na ang braso sa kanyang leeg at bahagyang tinagilid ang ulo. "Are you sure this would work? Because if it won't—" Natigil ako sa pagsasalita nang yumuko siya sa akin at tinagilid ang ulo. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na madalas niyang gamitin. He looked down on my lips before licking his own. "W-why are you so close. Stupid..." "Shhh, 'di naman kita hahalikan. Hindi tayo talo, oy." Ngumisi siya bago inilagay ang isang kamay sa batok ko. Napakurap-kurap ako at bumilis ang takbo sa dibdib ko. I closed my eyes and count one to three. Number one pa lang ay may humila na sa braso ko. Napakalas ako kay Echo at dire-diretsong napalabas ng banquet hall. Nang nasa labas na kami ay saka lang ako binitiwan ni Ariz. "Ang sabi ko, magsayaw ka lang. Bakit nakikipaghalikan ka na roon?" Echo's really stupid! Nagalit lang si Ariz sa ginawa niya, e! Susuntukin ko talaga siya kapag nagkita ulit kami. "Ayaw mo kasing makipagsayaw sa akin—" "Kung halikan sa dance floor lang pala ang gusto mo, edi sana ay niyaya mo na lang akong maghalikan tayo roon at hindi magsayaw. Mas papayag pa ako!" sigaw niyang nagpalaglag sa panga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD