Chapter 13: Permission
Pinulot ko muna sa sahig ang aking pangang nalaglag dahil sa sinabi niya. His face was a bit red and his hair was already disheveled. Tumuwid ako ng tayo at tumikhim.
"Are you jealous?"
Kasi kung nagseselos siya, sabihin niya na lang. Pero ang tanong, e, bakit naman siya magseselos sa nakita niya? Natapakan ang ego kasi inakala niyang hinalikan ko si Echo gayong siya itong fiance ko?
Gumalaw ang kanyang panga at mataman akong tiningnan. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan din ako sa isasagot niya. What if he says no? Edi ako naman ang napahiya dahil nagtunog assuming ako.
"Bakit ako magseselos kung alam ko namang sa akin pa rin ang bagsak mo?" malamig niyang tugon.
My shoulders fell and chest hurt because of his answer. Maybe I expected more than I should have.
"Just to be clear, I'm not going to marry you. Kaya hindi ako sa 'yo babagsak, Ari—" I was cut off by his sarcastic laugh.
"Talaga? Hindi ka pakakasal sa akin? Ano 'yong sinabi mo sa loob kanina na fiance mo ako? At nasaan ang singsing na ipinakita mo sa kanila? I didn't even give you a ring!"
Uminit ang sulok ng mga mata ko at tila pinipiga ang puso sa sinabi niya. Hinila niya ang kaliwang kamay ko at tiningnan iyon. My tears fell as I watched him survey the ring I'm wearing.
Umiling siya at binitiwan ang kamay ko. Yumuko ako at itinago ang kamay sa aking likuran.
"Kaninong singsing 'yan?" Nanatiling malamig ang kanyang tinig.
"You don't have to k-know," I replied in a small voice.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib at tinalikuran siya. The party's not yet over but I want to leave here right now. Ayaw ko nang dagdagan pa ang pagkapahiya ko sa kanya. Pupuntahan ko si Mamita ngayon at pipilitin na lang siyang umuwi.
"Alisin mo sa daliri mo 'yang singsing, Savi," he ordered. "Hindi ko binigay 'yan sa 'yo. That's not your engagement ring."
E, ano naman? Kay Mamita naman 'to kaya nasa aking desisyon na kung kailan ko tatanggalin o kung hindi na. At bakit ko siya susundin? Mas matanda lang siya sa akin pero hindi ako padadaig!
I started walking again when he suddenly held my arm. Dinaluyan agad ako ng kuryente sa katawan at napatingin doon. Hindi ko alam kung masyado ba akong payat o talaga malaki lang ang kamay at mahaba ang daliri niya kaya halos magtagpo iyon ngayong hawak niya ako.
"I said... remove that ring," mas marahan at mas puno ng awtoridad niyang utos.
Marahas kong binawi ang braso at muli siyang nilingon. Wala na akong pakialam kung makita niya mang puno ng luha ang mukha ko at kalat na ang makeup dito. I held my chin up and met his obsidian eyes.
"I won't remove this. This isn't yours. This is mine. So don't tell me what to do," I spat.
Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Kumulo agad ang ulo ko sa ginawa niya kaya tinulak ko siya sa dibdib. Hindi dahil umamin siyang hindi bakla ay lantaran na siyang mambabastos!
Ilang sandali siyang pumikit at nang dumilat ay namumungay na ang mga mata. Mariin ang kagat ko sa aking labi nang humakbang ulit siya palapit sa akin.
"Remove that ring, please," mas kalmado niyang ulit.
"A-yaw ko—" Natigilan ako nang may hinugot siya sa kanyang bulsa.
My mouth formed a big circle when I saw what he was holding! Oh my God! Oh my God! He was holding out a freaking ring!
"A-anong..." Napalunok ako at nanatili roon ang tingin.
"Ito ang gusto mo, hindi ba?" he asked and reached for my shaking hand. "Nagalit ka noong hindi kita binigyan agad ng singsing. May hawak na ako ngayon, Savi. Ang gagawin mo na lang ay tanggalin iyang nakasuot sa 'yo at palitan nitong binili ko."
"B-bakit mo ako binibigyan ng singsing?"
"Ayaw mo?"
"No!" agap ko kaya ngumisi siya agad. "I mean, sayang ang pera mo! Kuripot ka pa naman!"
Ngumiwi siya sa sinabi ko. "Nagtitipid lang ako."
"That is still the same—"
"Para may pang-ipon ako sa singsing na gusto mo," dagdag niya kaya natigilan ako. "Hindi ako singyaman ng pamilya mo, Savi, kaya hindi ko agad mabibili ang mga bagay na gusto mo."
Binawi ko ang kamay sa kanya at agad tinanggal ang suot na singsing ni Mamita para ilagay sa kabilang palasingsingan. Tumikhim ako at muling nilahad sa kanya ang kamay ko. Tumaas ang kilay niya sa akin.
"Oh! Suot mo na! Hindi ba ay akin 'yan? Now, wear it to me. Nang maramdaman ko naman ang dugo't pawis na iginugol mo para sa singsing na 'yan," taas noo kong saad.
He smirked and held my hand to slide the silver ring on my finger. Tinapat ko agad 'yon sa may ilaw at kuminang ang maliit na batong naroon. It was simple yet elegant. Sa palibot mismo ng diyamante ay may maliliit pang kristal.
"May taste ka, ha?" sabi ko, napawi na ang galit sa kanya.
Naibaba ko ang kamay nang hawakan niya ako sa baywang at iharap sa kanya. Lumabi ako at siningkitan ang naglalarong ngisi sa labi niya.
"Babayaran mo 'yan," aniya.
"What?" My nose flared. "Pati ba naman engagement ring, babayaran ko pa?!"
Tumawa siya at hinapit pa ako lalo sa kanya. Napatingala ako at napahawak sa kanyang braso.
"Mahal 'yan, e..."
"Then how much should I pay, huh? Nakakainis naman 'to! Parang ako rin ang bumili! Kuripot talaga!"
Kumislap ang mata niya bago bumaba ang tingin sa aking labi.
"Kasal ang bayad sa singsing na 'yan, Savi. May wedding ring pa tayo. Mahal din iyon kaya siguro sapat na ang limang anak pambayad doon."
Kinagat ko nang mariin ang labi habang pinapakiramdaman ang mabilis na hampas sa aking dibdib. I wanted to talk back and tease him but I couldn't. Pinag-isipan ko lang nang mabuti ang sinabi niya sa loob ng ilang araw.
He wanted to marry and have a child with me! Does that mean... he has feelings for me now? Gustong gusto kong tanungin iyon pero baka barahin niya naman ako at masipa ko lang siya. But if he really does... how about my feelings? Do I feel the same way to him? Do I have feelings for him or what?
Third week of April was my graduation on Senior High. Naroon sina Mamita, Mommy, Daddy at Ariz kaya kahit graduate akong walang kahit anong honor, sobrang saya ko pa rin dahil kumpleto sila at magkakasabay kami ng mga kaibigan ko.
"Okay lang 'yan! Ang dami mo pa rin namang certificates at medals, oh!" Sabay kalansing ni Mea sa nakasabit sa leeg ko.
Natanggap ko iyong mga award dahil sa pagiging active sa theater at dance club. 'Yong iba, hindi ko na sigurado kung para saan iyon.
"Nga pala, Savi, I know this is quite late na para sabihin sa 'yo pero... nakilala na namin noon pa kung sino iyong humampas sa 'yo sa locker room ng gym. Hindi na siguro sinabi sa 'yo ng mga prof pero na-kick out na siya rito. Graduating pa naman din," mahinang sambit ni Kana.
Tumango na lang ako. Honestly, nawala na siya sa isip ko simula noong tumira ako kasama si Ariz. Maganda siguro na hindi ko na rin nakilala kung sino man iyon dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili na sisihin siya kung bakit hindi ako nakasali sa National Tournament. Nanghihinayang lang ako dahil kung hindi dahil sa ginawa niya, graduate na rin siguro siya ngayon.
My parents and Mamita already knew that Ariz and I are really engaged for real. I even showed them the ring he gave me.
"He really bought that?" Dad asked with furrowed brows.
"Yes, Dad. Why?"
Umiling siya at napangisi. "So... I thought you don't wanna marry him?"
"Remember what my type is, Dad? Tall, dark but not really dark, and handsome."
Dad burst out laughing. Sa unang pagkakataon, parang tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari at sa desisyon ko. Niyaya niya akong mag-stay na ulit sa bahay namin pero mas ginusto kong manatili sa bahay ni Ariz.
"But, Daddy, he hasn't given my wallet back yet. My cash and cards are all in there!"
He arched his brow. "Bakit niya raw iyon ginawa?"
"Huh? Daddy, I thought you asked him to do that or something?" I asked confusedly.
He shook his head. "I didn't, Savannah. Kaya pala noong tiningnan ko ang savings account mo, walang bawas o nadagdag."
What? So Ariz probably did that on purpose? Well, that's okay. Tapos naman na at hindi wala namang nawala sa akin. Though naisip ko rin na baka naubos ang allowance niya sa pagbibigay ng pera sa akin noong may pasok pa kami pareho. Siya pa naman lagi ang gumagastos sa lahat ng expenses namin.
Hindi pa lumalabas ang result ng entrance exam ko sa unibersidad na gustong pasukan kaya nanatili akong tambay sa bahay ni Ariz para alagaan sina Sav, Ava at Anna. He was busy reviewing for the board exam so I was behave. Minsan ay ginagamit ko ang laptop niya para manood ng movie habang nasa tabi ko ang mga alaga.
"No! Oh my God! Don't go there, stupid! Nandiyan sila!"
Nakakainis naman 'tong palabas, e. Alam nang may nakaabang na papatay sa pintong pupuntahan, nagpapatuloy pa!
"Ayan! You're so stupid kasi!" sabi ko nang napatay 'yong lalaki sa palabas dahil hindi sinunod ang advice ko.
"Savi, huwag ka ngang maingay. Hindi ka naririnig niyan," sita ni Ariz mula sa banyo.
Grabe, ha? Nandito lang ako sa sala tapos narinig niya pa? Lumabi ako at nagpatuloy sa panonood hanggang sa natapos iyon. Binalik ko na rin sina Sav sa kulungan nila at nagpunta sa banyo.
"Hey, aren't you done yet? I'm gonna pee!"
Ang alam ko kasi ay naglalaba siya ng damit niya roon. Ayaw pa kasing isabay sa laundry ko, e. Kahit kasi hindi pa siya nag-e-exam na ay patuloy pa rin siyang nagtatrabaho sa construction site.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang abs niya.
"Oh, umihi ka na. Bilisan mo at hindi pa ako tapos— Savi!" Nag-iba ang tono niya nang hawakan ko ang matigas niyang dibdib.
"Ay, sorry, pasmado." I giggled.
He glared at me before stepping out of the CR. Pumasok naman agad ako para umihi. Nang natapos ay nagbuhos ng inidoro at tiningnan ang nilalabhan niya. Mukhang nagbabanlaw na lang siya dahil clear na 'yong tubig sa balde.
"Savi, bilisan mo!" Kinatok niya pa ang pinto.
Umirap ako at lumabas na. "Magsama na kayo ng labahin mo. Hmp!"
"Luh, taray naman ng bebe ko." Humalakhak siya at tinampal ang puwet ko bago pumasok sa loob.
Uminit ang pisngi ko at bago pa siya mabugahan ay nasara niya na ang pinto.
On the day of his exam, I wished him good luck. Kalmado nga lang siya habang ako ay panay ang sabi sa kanya sa mga dapat tandaan.
"Remember, kapag hindi mo alam ang sagot, laging A 'yon! A for Atapang Atao!" I said and laughed at him.
"Siguradong gawain mo 'yan, ano?"
"Oo naman. Pero minsan ay B. B for..."
"For?" he probed, smirking.
"For... for Bahala na si Lord."
He chuckled and went near me. I closed my eyes when he planted a soft kiss on my forehead. Lumabi agad ako nang tumuwid siya ng tayo. Tinikom niya ang labi at halatang nagpipigil ng ngisi.
"Good... uh, luck..."
"Salamat."
Kinagat ko ang aking labi bago siya sinenyasan na lumapit. "May bubulong ako sa 'yo."
"Huh?" Humalakhak siya pero yumuko rin ulit.
Humawak ako sa balikat niya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya kaya uminit ang pisngi ko. Tumalikod ako agad at dumiretso sa kuwarto bago pa siya makapagsalita.
"Oh my gosh, Savi," bulong ko at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.
We have never really kissed on the lips and this is the first time I kissed him on his cheek! Gosh! Hindi ba ako masyadong agresibo sa part na 'yon? My gosh! Nakakahiya! Nang umuwi tuloy siya noong araw na iyon ay halos hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang hiya!
"H-how's the exam?" I still asked while we were eating.
Nagkibit siya ng balikat. "Okay lang. Mukhang papasa naman."
"Yabang!"
"Hindi naman. Sinunod ko lang ang payo mo kanina."
Sininangutan ko siya. For the next week, lumabas na ang result ng entrance exam ko sa Unibersidad de Santo Domingo. Nasa harap ko ang laptop at nasa likuran ko naman si Ariz, inaabangan ang pag-type ko sa keyboard.
"Ano na? Ayaw mo bang malaman ang resulta?" tanong niya at pumulupot ang braso sa baywang ko.
"What if I failed?"
"Uh? Isang unibersidad lang ba ang sinubukan mo?"
I nodded. He snorted.
"Then... take another exam?"
"E, ayaw ko na! Ang hirap kaya!"
He chuckled. "Kung sinunod mo ang payo mo sa akin, pasado 'yan. Trust me."
I typed the information needed to know if I passed the exam or not. Habang naglo-load iyon ay hindi ko mapigilang kagatin ang daliri.
"Oh, shit."
Tinapik niya agad ang bibig ko. "Sabing 'wag magmumura, e. O, ayan na."
"Oh my God. Sabi ko na, e!" Nilayo ko ang laptop sa akin.
"Fujita, Savannah Irish... failed," bigong sabi ni Ariz.
Nilingon ko siya at nagkatinginan kami. Then a smile form on his lips slowly.
"OMG! I freaking passed the exam!" I exclaimed merrily and put my arms around his neck.
Tumawa siya at tinukod ang isang kamay sa kama niya kung nasaan kami nakaupo ngayon. His other hand was supporting my weight by holding my waist.
"Congrats," aniya at hinalikan ako sa pisngi.
"Kita mo 'yon, ha? I passed the exam!" sabi ko kahit naghuhuramentado na ang puso dahil sa halik sa pisngi.
"Kita ko nga. May mata ako, e."
Umirap ako bago kinalas ang braso sa kanya at muling tiningnan ang pangalan ko sa screen. Inagaw niya naman iyon sa akin at pinatay bago ako muling kinulong sa kanyang bisig. I stiffened when he buried his face on my neck. Napahawak ako sa dibdib kong nagwawala na.
"Ariz..."
"Hmm?" He nuzzled on my neck.
"Do you really want to marry me?"
His arms tightened around my waist. Napahawak ako roon at napapikit nang halikan niya ang leeg ko patungo sa aking tainga.
"Yes," bulong niya.
"B-bakit? A-akala ko ba ay ayaw mo talaga akong pakasalan?"
"Ayaw mo bang magpakasal sa akin?"
Napadilat ako sa tanong niya. Bahagyang lumuwang ang braso niya sa akin kaya nilingon ko siya. His hot breath fanned my face.
"Gusto..." sagot ko at uminit ang pisngi.
He chuckled and kissed my cheeks. "Sige, bakit gusto mong magpakasal sa akin?"
I pouted my lips. "Uhm... because... uh—"
"Gusto kita," mabilis niyang putol sa sinasabi ko.
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Dumoble ang bilis ng puso ko at hindi alam ang sasabihin. Gusto niya ako? Uh... ganoon ba 'yon? Kaya niya ako gustong pakasalan? Pero hindi ba dapat ay... mahal mo na ang isang tao bago iyon?
Pero kung gusto niya ako kaya niya gustong magpakasal sa akin, ibig sabihin ay gusto ko rin siya? Kasi gusto kong magpakasal sa kanya, e.
I licked my lips and swallowed hard. "G-gusto rin kita..."
Naningkit ang mata niya at bahagyang umangat ang sulok ng labi. Huminga siya nang malalim at muling sumubsob sa aking leeg at hindi na nagsalita. He didn't tease or question me about my feelings for him and I was quite relieved because of that.
Mommy wanted a grand celebration for my debut but I just wanted a simple one. Kahit wala na sanang party pero hindi siya pumayag dahil doon ia-announce ang engagement din namin ni Ariz. Parang wala rin iyon kasi may mga ka-batch ko na sa school ang nakakaalam ng tungkol sa amin.
Every weekend, doon ako sa bahay namin nag-i-stay dahil nami-miss ko rin si Mamita. Nagtatampo na dahil bakasyon naman pero hindi kami makapag-out of town dahil mas pinipili kong manatili roon sa bahay ni Ariz.
"I'm really jealous. You're losing time with me because of him. Hmp!"
I chuckled at Mamita and hugged her sideways.
"Mamita, ikaw pa rin ang love na love ko, okay? Always remember that."
Hinarap niya ako kaya napakalas ako sa kanya. Sumeryoso ang kanyang mukha kaya kumunot ang noo ko. Naningkit ang mga mata niya at napabuga ng hangin.
"Umamin ka nga, hija. Are you falling in love with him? Or... are you already in love with him?"
Tuluyang napawi ang ngiti ko sa kanyang tanong. For a moment, my brain seemed empty. Hindi ko mahanap ang tamang salita para may maisagot sa kanya dahil hindi ko rin alam. Hindi ko sigurado. I am not sure if I'm in love with him but one thing is for sure.
I'm just... happy when I'm with him. Kahit pa buwisit na buwisit na siguro siya noon sa kaartehan ko, hindi niya pa rin naman ako pinabayaan. I don't think Dad asked him to do that. Ariz probably wanted me to learn a lesson while I was living with him. At ako naman, sinunod lang siya kahit pa kayang kaya ko naman siyang suwayin.
"Masaya ka ba sa kanya, Savi?" malambing na tanong ni Mamita nang hindi ako nakasagot.
Marahan akong tumango. Hinawakan niya ako sa braso habang ang isang kamay ay humahaplos sa aking pisngi. Ngumiti siya ngunit hindi nakaligtas sa akin ang pangingislap ng mga mata niya dahil sa namumuong luha.
"You know, hija, I really wanted to have a granddaughter before. Puro lalaki kasi ang naging anak ng mga anak ko. Mabuti na lamang at... pinagbigyan ako ng iyong ina na magkaroon ng isang babaeng apo."
"Mamita, I'll forever be your granddaughter... your favorite apo." Ngumiti ako at pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang pisngi. "For years, Mamita... you're the one who stand by my side. You're more than just my grandmother. How I wish you're my real mother..."
Niyakap niya ako nang mahigpit. Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Ah, she's probably just being emotional right now.
"Sana nga... sana nga ay naging anak na lang talaga kita, Savannah."
Hindi ko alam kung bakit tumatak sa isip ko ang sinabi ni Mamita. Hanggang sa umuwi tuloy ako ay lumulutang ang utak ko. Ni hindi ko tuloy napansin na dumating na si Ariz kung hindi lang niya ako hinalikan sa noo habang nakaupo ako sa sofa at nanonood ng TV.
"Tahimik mo yata?" He chuckled a bit and sat down beside me.
Pinanood ko siyang magtanggal ng sapatos. Palingon-lingon siya sa akin dahil hindi ako nagsasalita. Bumagsak ang mata ko sa kamay niyang humawak sa akin.
"May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.
Umiling ako. "Wala. May tanong lang ako."
Sumandal siya sa sofa habang nakatingin pa rin sa akin. "Ano 'yon?"
Huminga ako nang malalim at sumandal din sa upuan. Tumingin ako sa TV at nakagat ang labi.
"Ayos lang ba sa 'yo kung sakaling... mag-artista ako?"