Chapter 14: Sorry

1722 Words
Chapter 14: Sorry "Ba't ganyan suot mo?" Nakahalukipkip at nakasandal sa may pintuan ng kuwarto si Ariz habang pinagmamasdan ako. I looked down on my body. I'm just wearing a mustard fitted cropped top and high waist shorts. Nakikita nang bahagya ang pusod ko pero magsusuot naman ako ng denim jacket. Napag-usapan kasi namin nina Mea at Kana na mag-mall ngayong araw dahil matagal na rin kaming hindi nakakapag-bonding. "I'm going to the mall with Mea and Kana," I answered simply. Dahil nakakuha na rin naman ako ng ilan pang gamit sa bahay, may mga sapatos na rin ako rito. I grabbed my leather ankle length boots and slid off my foot inside them. Tumayo na ulit ako mula sa kama at nilapitan siya. "Mamita bought me a new perfume and I have sprayed it on my neck. Can you smell it?" I smiled and flipped my hair to my back so my neck would be shown to him. Tinitigan niya muna ako bago yumuko. I tilted my head a bit to give him more access. Halos isang dangkal pa lang ang layo ng mukha niya sa leeg ko nang lumayo na siya ulit. "Naamoy mo na? It's Versace's Bright Crystal perfume! Ang cute ng lagayan!" "Ah, okay." He nodded and licked his lips. Bumaba ang tingin niya sa aking tiyan at tinuro iyon. "Kita pusod mo. Kakabagin ka niyan," puna niya. "How do I smell?" "Mabango. Iyong pusod mo..." I raised my arm to check the time on my wrist watch. "Oh! It's already quarter to 11! I'll be late na. See you later, babe!" I tiptoed and kissed his cheeks. Umiling siya at hinawakan ang baywang ko nang subukan ko na siyang lagpasan. My stomach tightened because of his electrifying touch. Ngumuso ako sa kanya. "Anong oras ka uuwi?" malambing niyang tanong. Tumingin ako itaas, nag-iisip kunwari. "Probably before dinner?" Binigay niya na kasi sa akin ang wallet ko kaya magagamit ko na ang mga cash at credit cards na matagal nang natengga roon. Dad said he deposited money in my accounts so I think it's okay if I spend some today. Ang tagal na rin noong huli kong facial and body scrub, e. "Okay..." He kissed the top of my head. "Ingat ka. Mag-text ka sa akin kapag pauwi ka na." Tumango ako sa kanya at ngumiti bago tuluyang umalis ng bahay. My debut is coming very near. Last week of June and that's two weeks away from now. Last month ay nasukatan na kami ni Ariz ng isusuot pati sina Mamita at mga magulang ko. May food tasting pa para sa mga ihahanda na natapos na rin. I think hindi lang isa ang organizer ng party ko kaya mabilis lang naayos ang mga kakailanganin. If they'd need my opinions, I would gladly tell them what I want. May mga 18 something pa pero sinabi kong kahit kaunti lang ang isasali dahil ayaw ko nang masyadong engrande. In fact, last year, I just want a European trip instead of this party. Pagdating ko sa mall, dumiretso agad ako sa Strabucks kung saan ang meeting place namin. Iyon kasi ang nasa may tabi ng entrance para mabilis kaming magkita-kita. They were already on a table when I went in. "Hi!" I greeted before kissing their cheeks and sitting in front of them. Mea grinned. Ang hanggang dibdib na buhok nito noon ay hanggang balikat na lang. She has a heart shaped face so it really suits her short hair. "Blooming, ah!" Humalakhak siya. "Ganyan yata talaga kapag in love? Hmm!" I smirked and wiggled my brow. Wala silang in-order dahil sinabihan kong huwag na kami bumili rito at kakain na rin naman. "Well, ganito yata siguro ang alagang Ariz. Wala pa akong ginagawa, maganda na." Then I flipped my hair. "Ay!" Tumawa sila pareho. "Ma, baka may pinsan o kapatid naman 'yang si Ariz? Reto mo kami! Sa kanya kami nagpapareto noon dahil akala ko'y uncle mo pero hindi naman!" ani Kana. Naningkit ang mata ko kay Kana. Ngayon ko lang napuna ang pulang buhok niya. Ayos, ah? Dahil ayos lang sa USD na may kulay ang buhok sa kurso namin, mukhang sinusulit na. Pakulay nga rin ako next time. Maybe before the start of classes on August? "Parang may nakita ako last week sa i********: na kasama mo sa beach, Kana. Lalaki, matangkad at hmm... mestizo? You like mestizo?" Napatingin sa kanya si Mea, mukhang hindi alam ang tinutukoy ko. She probably haven't checked her IG account yet. "Is it true, Kana? Who's the guy? Wait, check ko nga—" si Mea na ilalabas na sana ang phone nang magsalita ako. "Oh, no need, Mea. Just check it later. I'm hungry!" sabi ko at tumayo. "Alright! Nagugutom na rin ako, e. Hindi ako nakapag-breakfast kanina." Lumabas kami ng SB at agad nilang pinag-usapan kung saang restaurant kakain. They even asked where I'd like to eat and I told them I want to eat in KFC. Natigil sila sa pag-uusap at talagang huminto pa sa gitna ng mall. "Are you serious? KFC?" Bahagyang natawa si Mea. "Since when did you eat in there?" "Uhm? Actually, ilang beses na. And their chicken is the best!" Napahawak sa bibig si Kana at natatawa na rin. I rolled my eyes at them. Sabi ko na nga ba. "Oh, come on, Savi! You're not eating in any fast food or even fast-casual restau!" "That was before, Kana! Nagbabago ang trip ng mga tao. Gusto kong kumain doon ngayon. Ayaw niyo ba?" Umiling silang dalawa at nagkatinginan. I frowned at them but we still ended up in KFC. Ako pa ang nag-offer na pumila para sa kanila dahil ngayon lang din sila makakakain dito. Ariz taught me how this works. Pipila ka lang sa counter tulad ng ibang customer at voila, you can tell the cashier your order then wait for your number to be called. "Hala, sis, gusto ko na yata kumain lagi rito. Nauutusan ang reyna!" Humagalpak si Mea. Tumikhim si Kana, nakangisi pa rin. Nagpamaywang ako sa harap nila habang nakatayo at sila ang nakaupo. "Miss, I want an extra rice, too. My drinks would be—" Umirap ako at bahagyang hinampas ang mesa. "Nakakainis kayo, ha. Ako na nga ang pipila, e. You're making me look like a real waitress." "Ay, hindi ba?" Lumabi ako sa kanila at dumiretso na lang ng counter dahil hindi na ako titigilan ng mga 'yon sa kaaasar. Hanggang sa natapos kaming kumain, inaasar pa rin ako. We had facial and body scrub after that. Ilang oras kami sa spa dahil nagpa-full body massage na rin. Parang ang gaan sa pakiramdam nang makalabas kami roon. Pagkatapos ay naglibot na kami para makapamili ng bagong gamit. Mahilig si Kana sa mga sleeveless tops at jeans kaya iyon karamihan ang binili niya. Si Mea naman ay puro heels ang inaatupag. Sa aming tatlo kasi ay siya ang pinakamaliit. Kana's the tallest, about 5'7, while Mea's height is 5'2. Hindi naman kami nagkakalayo pero mas gusto niya raw iyong natatangkaran ako para kunwari ay ako ang pinakamaliit. "Can we go to a bookstore? I'll buy some recipe book," I told them after we paid our bills. Nahulog ang wallet ni Mea at tumawa si Kana. "Ma, 'di ko na kinakaya ang kaibigan natin! Kanina nag-KFC tayo, ngayon naman ay gustong bumili ng recipe book?" Kana said unbelievingly. Hinawi ni Mea ang kanyang buhok at ngumisi sa akin. "Hayaan natin. Baka ipagluluto si Uncle Ariz," she said, emphasizing the word 'uncle'. Well, she's right about that. I can search through Google and watch cooking tutorials in Youtube but I would prefer a recipe book. Sinubukan ko na kasing manood noon tapos ang ending, napunta ako sa isang makeup tutorial. So, at least, kapag recipe book, talagang puro sa pagluluto lang ang titingnan ko. "Wait, let's go to some makeup store pala muna," pigil ko sa kanila. "Bili ka makeup?" "Ay, hindi. Bibili ako ng washing machine kasi makeup store 'yon, 'di ba?" I retorted sarcastically. Bahagyang hinila ni Mea ang buhok ko habang tumatawa. She led the way to MAC since she was the one whose quite good at anything related to makeups. In fact, siya ang madalas mag-maglagay nito sa kanyang mukha. I looked so ignorant while we were inside. First time ko kasing makapunta sa ganitong store dahil hindi naman talaga ako mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Tuwing may event lang naman din ako naglalagay at may makeup artist pa. Liptint at powder lang ang alam ko na madalang ko lang din gamitin. "Nude shades will surely fit on your lips. Hindi naman manipis o makapal ang labi mo. Sakto lang at makurba rin. Kissable," ani Mea at tumawa. "I don't like dark shades, anyway," sabi ko. "Oo, kasi magmumukha ka talagang bampira kapag nagpulang lipstick ka," si Kana na may hawak na tube bottle ng foundation "Shut up." I rolled my eyes and looked back at Mea whose now talking to the store's staffs. Mukhang akong tanga na sumusunod kay Kana dahil tinatawag niya ako sa bawat may nakikita siyang magandang shades ng lipstick. Humalukipkip ako at pinanood na lang siya. Mabuti na lang at natapos din si Mea at bumalik na agad sa amin dala ang isang itim na paper bag na may tatak ng store. "Here! It's my treat so you don't have to pay for them." Mea smiled. "If you're having trouble of using them, you can always contact me or watch some video tutorials in Youtube. Marami roon." "Thank you, Mami!" Pagtatapos namin doon ay nagpunta na rin kami sa bookstore. Mabuti na lang at may baggage counter sa pinasukan namin dahil ang dami rin naming dala. Naghiwa-hiwalay muna kami dahil balak din nilang tumingin ng art materials at ibang libro. I checked the label of each shelves until I found what I was looking for. Tumigil ako sa tapat nito at naghanap na ng medyo makapal na recipe book para mas maraming pagpipilian. May recipe for dessert at ilang pastries na rin doon kaya kinuha ko na. Napatingin ako sa kumalabit sa akin sa gilid at tumitig sa akin. Tiningnan ko ang hawak niya at mukhang magazine iyon. He looked at the magazine and then back to me. "Ikaw ba 'to, Miss?" he asked and showed me the magazine. Kumunot ang noo ko at sinulyapan ang tinutukoy niya. My eyes widened when I saw myself in there! That was taken two weeks ago, iyong tumawag sa akin mismo si Mr. Evangelista para sa photoshoot na iyan. He said he got my number from Sir Jun since he was our theater club's adviser. "Uh... yes." Nanlaki ang mata niya at tinawag iyong dalawang lalaking ilang metro ang layo sa amin. "Brad! May model dito, oh!" he said and looked at me again. "Puwede pong pa-picture?" aniya at nilabas agad ang phone. I was taken aback by his request. Ni hindi ko alam na nailabas na pala ang teen magazine na iyon. Kaming dalawa ni Darius ang naroon sa picture, magkasama. Nakaupo lang naman ako sa isang high chair at may hawak na rose habang inaamoy iyon. I was smiling there while Darius was beside me, one hand inside his pocket's pants and the other on his nape. We were both looking at the camera. "A-ah, sige..." nasabi ko na lang. Naibaba ko ang hawak na libro nang lumapit na siya sa akin para sa selfie. He stretched out his arm and I instantly smiled at the screen. "Isa pa po!" Pinagbigyan ko na lang dahil nahihiya rin akong tumanggi. Hindi naman bago sa akin na may nagpapa-picture since laging ganito ang nangyayari after ng play namin sa theater. Pero parang iba pa rin pala kapag in public ang may nakikipag-selfie sa 'yo. Matapos nilang magpa-picture ay nagpasalamat sila sa akin. Ngumiti na lang ako at nagpaalam na. Napapunas ako sa noo bago kinuha ang phone sa aking bag. To: Mea Punta na kayo ni Kana rito sa counter malapit sa entrance. Hurry up! Nilapag ko ang binili sa counter at binigay ang credit card sa kahera. Napatalon ako nang may kumalabit ulit sa akin mula sa likod. "Yes?" "Puwede rin pong magpa-picture?" the little girl asked while she was holding her phone. Nalaglag ang panga ko at napatingin sa kahera. May hawak din ang batang babae noong magazine na hawak ng lalaki kanina. "Ate?" tawag niya. "Puwede po ba?" "Ah! Uh, sige, pero bayaran ko lang ito, ayos lang ba?" turo ko sa binili. Ngumiti iyong babae at hinintay nga ako. Nang ibigay na sa akin ang paper bag ay saka kami nag-picture. She was smaller than me so I bent down my knee a little for her. "Thank you po! Ang ganda niyo sa personal!" Uminit ang pisngi ko. "Thank you." May lumapit na tatlong lalaki sa direksyon namin, nakakunot ang noo at tinitingnan kami. My eyes widened when I recognized one of them. "Hey, Loke!" Nakakunot pa ang noo niya noong una pero nang tuluyang nakalapit ay nanlaki nang bahagya ang mga mata. "Uy, Savannah!" Tumawa ako. "Wow, tumatangkad na tayo, ah?" He smirked. "Tagal na akong matangkad, Sav. Kasama mo si Echo?" Loke is Echo's older brother. Magkasingtangkad lang sila at parehong player ng soccer. Though, ang balita ko ay nag-iba siya ng sports noong Senior High. "Nope! I'm with my girls and he's not allowed to go with us." I giggled. "Oh? Nga pala, mga kaibigan ko," aniya at hinarap ang dalawang lalaki. "Si Renz saka Emer. Pre, si Savannah pala, kaibigan ng kapatid ko." Naglahad naman sila ng kamay sa akin. Ngumiti ako. "Hi!" I greeted and shook hands with them. "Bakit nagpapa-picture sa 'yo iyong babae?" tanong ni Renz, 'yong medyo patulis ang ayos ng buhok. "Oo nga, Savi. Akala ko kung sino tuloy na artista." Tumawa si Loke at nagpamulsa. "Uh, actually—" My words were cut off when a group of people went towards us. May mga dala silang phone at nagpapakuha ng litrato. Naitulak pa nila ang tatlong lalaki habang nag-uunahan at may humila pa sa kamay ko. "Excuse me, excuse me. Anong meron? Ba't kayo nagkakagulo?" Mea's voice echoed. Nakawala ako sa ilang mga tao na iyon dahil pinalayo rin sila noong guard. I was really caught off guard! Isa lang ang unang nakakakita noong sa magazine kanina pero bakit biglang dumami? Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at hinila ako palabas ng bookstore. Huminga ako nang malalim at napahawak sa dibdib nang medyo nakalayo na kami roon. "Bakit sila nagkakagulo roon?" kunot-noong tanong ni Loke na siyang humila sa akin. "They were asking for pictures." "Bakit? Artista ka?" Ngumisi siya. I rolled my eyes. Pareho talaga sila ng tono ng kapatid niya. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha na ulit ang phone para i-text sina Mea at Kana na magkita na lang kami sa may entrance nitong mall para umuwi. From: Mea Mami! Nakakaloka! Kinuyog ka?! From: Kana Nakuha na namin ang mga pinamili natin. Wait for us there. xoxo Nilingon ko si Loke na nakapamulsa at lumilinga sa paligid, hinahanap siguro ang mga kasama. "Loke, I'll be waiting my friends near the entrance. You can now go and find your friends..." Tumingin siya sa akin. "De, samahan na kita. Malalaki naman na 'yon." "Sinasabi mo bang bata pa ako para samahan mo pa?" Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. I glared at him. "Oh, ang taray mo naman. Kaya na nila ang sarili nila. Ikaw, sasamahan na kita dahil baka pagkaguluhan ka na naman. Masuntok pa ako ng kapatid ko 'pag nalamang hinayaan kita. Tss..." Hinayaan ko na lang siyang samahan ako papunta sa sntrance. Ilang sandali lang ay dumating na rin sina Mea at Kana na tila hirap na hirap sa pagbitbit ng mga pinamili. Sinalubong ko agad sila at kinuha iyong mga paper bags ko. "Gosh! What the hell just happened there? Bakit ka pinagkaguluhan?" Nagkibit ako ng balikat at nilingon si Loke. He nodded his head. "Una na ako. Ingat kayo..." aniya at tumingin sa dalawa kong kaibigan. "Oh, hi, Loke! Nandiyan ka pala, 'di ko nakita," ani Mea. Humawak naman sa dibdib si Loke, animo ay nagulat. "Hala, nandiyan ka pala, Mea. Liit mo kasi, hindi kita nakita." Agad na lumapit si Mea sa kanya pero tatawa-tawang lumayo si Loke, nakataas pa ang dalawang kamay. "Isara mo 'yang bibig mo at kung hindi ay pakakainin kita ng takong!" "Mea! Tama na 'yan," saway ni Kana at nilingon ako. "Gusto mo na ba umuwi? Dito na sana tayo magdi-dinner, e." "Umuwi na nga kayong tatlo. Sumbong ko kayo kay Echo, e. Naglalakwatsa!" ani Loke at bago pa namin malingon ay nakalayo na. "Epal!" sigaw ni Mea at hinawi ang buhok bago tumingin ulit sa amin. "O, ano? Uwi na talaga tayo? Wala pa man din ang driver ko." "I'll take a cab na lang," I told them. "E, bakit ka ba kasi pinagkaguluhan kanina?" "They saw my pictures in a magazine. I didn't know that it was already released. Though, nasabihan naman ako na ngayong buwan iyon." "Oh. Iyong sinabi mong kasama mo si Darius?" Tumango ako sa tanong ni Mea. Nagpaalam na rin ako agad pagkatapos noon bago sumakay sa isang cab. Nakapuwesto ako sa likod at nasa tabi ko ang mga pinamili. Nilabas ko ang phone para makapag-text na kay Ariz nang mapansin ko ang tila kalmot sa ibaba ng kaliwang thumb ko. I probably got this when someone grabbed my hand. Magtitipa na sana ako nang mapansin ko namang nawawala ang singsing sa daliri ko. "s**t!" mura ko habang nanlalaki ang mga mata. "Fuck." Napahilamos ako sa mukha at halos dambahin na ang dibdib ko sa sobrang kaba. What the f**k. Paanong natanggal ang singsing ko? Saan iyon nahulog? Sa may bookstore? God. Kung doon nga, malamang ay hindi ko na makikita iyon! Napasandal ako sa upuan at nakagat nang mariin ang labi. Ano na lang ang sasabihin ni Ariz kapag nalaman niyang nawala ang singsing ko na pinaghirapan niyang bilhin? Ugh! This is so... freaking annoying! "Ma'am, dito na po ba?" tanong ng driver. Mariin akong pumikit at inabot agad ang bayad sa kanya bago lumabas dala ang pinamili. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok na ba ako sa bahay o hindi nang bigla namang lumabas si Ariz. "O-oh! B-bakit ka lumabas?" Naitago ko agad ang kaliwang kamay sa likod. Kumunot ang noo niya. "Kanina pa kita inaabangang mag-text. Mabuti at nakita ko iyong taxi sa tapat kaya naisip ko na baka ikaw na 'yan. Ang tagal mong pumasok kaya lumabas na ako para tingnan." "Ako nga! Haha! Ang galing, 'no? Ako pala 'to?" sabi ko at agad kumaripas ng takbo papasok sa loob ng bahay. Dumiretso agad ako sa kuwarto at ni-lock iyon. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinatawagan si Mea o kaya si Kana pero parehong hindi sumasagot. I jumped in shock when Ariz knocked on the door. "N-nagbibihis ako!" "Mamaya ka na magbihis. Kumain na muna tayo." Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng kuwarto at kinakagat ang kuko. Damn. Ano ka ba naman, Savi! "Savi!" Kinalabog na ni Ariz ang pinto. Sa sobrang taranta ko, nabuksan ko ang pinto at bumungad siya agad sa akin. Nakataas pa ang kamao sa ere at handang kumatok. "Hindi ko sinasadya, Ariz!" pag-amin ko kasabay ng panlalabo ng mga mata. "Anong hindi mo sinasadya?" Umalingawngaw ang kanyang malalim na boses matapos ang ilang sandali. "Ariz..." I bit my lip to supress and showed him my left hand. Hinawakan niya iyon at ilang saglit na tinitigan. Naninikip ang dibdib ko sa kapipigil ng hikbi lalo na noong marahas niyang binitiwan ang kamay ko at tinalikuran ako. "I'm sorry..." bulong kong hindi niya na narinig dahil lumabas na siya ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD