Chapter 15: Amor
"s**t. Sunog na naman!"
Pinatay ko na ang kalan at naupo sa monoblock chair. This is my fourth time trying to cook a freaking fried egg and they were all toasted! Sumubok na rin ako ng hotdog pero nasunog din. Ang aga ko pa namang gumising para dito pero ganito pa rin ang kinahinatnan.
"Bakit amoy sunog?"
Napatayo ako at napapunas sa noo nang pumasok sa kusina si Ariz na medyo magulo pa ang buhok. I played with my fingers when he went near the stove and checked what was in the frying pan.
"I... uh, was trying to cook. Iniwan ko lang saglit dahil umihi ako tapos pagdating ko, nasunog."
Ilang araw niya akong hindi pinapansin dahil sa nawala kong singsing. He was still talking to me, though, but always cold. Kaya ngayon, sinubukan kong gawin ito para bumawi sa kanya pero palpak naman.
Lumingon siya sa akin bago lumapit sa mesa. Gumilid ako at pinanood siyang suriin ang ilang hotdog at itlog na sunog na nasa plato.
"I don't think that's edible—"
"Mag-o-overtime ako mamaya," putol niya sa sinasabi ko bago lumingon sa 'kin.
Napakurap-kurap ako. Ilang araw na siyang nag-o-overtime, ah? Gabing-gabi na nga siya lagi nakakauwi. Kausapin ko kaya si Daddy na huwag siyang ipag-overtime. But... Ariz would probably get even more mad at me.
"Anong oras ka uuwi?" bigo kong tanong.
"Gabi," simpleng sagot niya at binalingan ang sunog na luto ko. "Babaunin ko na lang 'yan at doon na lang sa may site ko kakainin.
"H-huh? Hindi, 'wag na. Sunog naman 'yan, e. I'll just buy food for you!"
Gumalaw ang panga niya at ginulo pa lalo ang buhok. "Huwag na. Bibili na lang ako sa labas kung ayaw mong baunin ko 'yan."
Bumigat ang dibdib ko nang makaalis na siya para pumasok sa trabaho. Kumagat ako nang maliit sa isang hotdog at naidura din agad iyon dahil sa pait. The heck. It tasted like hell! Mabuti talaga at hindi niya binaon ang mga 'to.
I called Daddy after taking a bath. Ang tagal pa bago niya sagutin. Siguro nasa meeting o nasa biyahe.
"Savi, I just finished my meeting. Why did you call?"
"Uh, Dad, can you give me the exact location of the site where Ariz is working on?"
"Bakit?"
I bit my lip and heaved a sigh. "Well, we kinda have an argument and... I just want to visit and give him lunch today. Peace offering."
Humalakhak siya sa kabilang linya kaya napapikit ako. Syempre, hindi na ako magsisinungaling dahil baka hindi pa niya sabihin. Mabuti nga at sinabi rin niya bandang huli ang lokasyon.
"Thanks, Dad!" I said before hanging up the phone.
Nagbihis ako agad ng button-down blue dress na may floral pocket sa kaliwang dibdib. Puting block heels ang pinares ko roon bago kinuha ang sling bag. Minimal makeup lang din ang nilagay ko sa mukha at naka-braid ang buhok.
Bago ako umalis ng bahay ay nilagyan ko muna ng pagkain ang food bowl ng mga alaga ko. They're getting bigger every day! Cute pa rin naman sila kahit ganoon. Mabuti nga at hindi sila nagkakasakit, e. Madali lang din silang alagaan maliban sa nangangamoy minsan iyong dumi nila.
Pumunta muna ako ng mall para doon bumili ng lunch na pangdalawahan. Syempre, doon na rin ako kakain sa site para makapag-usap kami nang maayos ni Ariz tungkol sa singsing ko. Hindi ko naman kasi sinasadyang mawala. Ngayon tuloy ay naka-aviators pa ako sa loob kahit walang araw. Pinagtitinginan ako pero hindi naman nilalapitan.
I booked a grab after I bought our lunch. Binigay ko sa driver ang location ng site na sinabi ni Daddy. It took me almost thirty minutes to get there because of heavy traffic. Pagtingin ko sa orasan, mag-aalas dose na. Sakto lang siguro para sa lunch break nila.
Medyo maingay noong lumapit ako sa mga nagtatrabaho. Mukhang patapos na rin naman ang building na ito. Naka-aviators pa rin ako habang nilalapitan ang isa sa mga naka-blue polo shirt at may hard helmet
"Ma'am, bawal po kayo rito," bungad niya kahit wala pa akong tanong.
"Hi! Uh, I'm Engr. Romel Fujita's daughter. Savannah."
Tiningnan ako ng kinausap ko mula ulo hanggang paa. Nagtagal lang ang titig niya sa hita ko kaya nag-snap ako ng daliri sa harapan niya.
"Ay, sorry, Ma'am. Hindi ko po kayo nakilala. Wala po si Sir Romel dito."
"Yeah, I know. I'm not looking for him. I'm looking for Ariz."
"Ah, si Sir Juventus!" Tumango siya. "Nasa may tenth floor, Ma'am. May elevator naman po na gumagana at puwede niyong gamitin.
I smiled sweetly at him. "Thank you."
Nilagpasan ko agad siya at pumasok sa loob. May narinig pa akong sumipol pero agad ding may sumuway noong lumingon ako. I rolled my eyes and ignored them. Hindi naman nila nakitang umirap ako dahil may salamin.
Mabuti at gumagana ang elevator. I checked the paper bag I was holding just to make sure the food is fine. Tinaas ko sa ulo ang suot na salamin sa mata at huminga nang malalim. Lumabas agad ako sa loob nang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito.
Napalinga ako sa paligid nang mapansing puro salamin ang pader ng palapag na ito. Isa lang ang nakita kong pinto kaya doon na ako dumiretso at kumatok. No one answered so I knocked again thrice. Nang wala pa ring tugon, hinawakan ko na ang seradura at pinihit iyon.
I smiled when it clicked before pushing the door open and went inside. Nilibot ko agad ang tingin sa paligid. Wala pa gaanong gamit at disenyo sa loob kaya roon sa isang desk at swivel chair na may dalawang couch sa harap nito ako dumiretso.
"Ariz?" I called and roamed my eyes again.
Nilapag ko ang dala sa mesa at napansin ang dalawang lunchbox na magkapatong doon. My lips twisted when I read the note on top of it.
'Happy eating, Engr. Serrano'
Nilukot ko iyon at agad hinagis sa trash bin. So, someone's giving him food, huh? I thought he'd buy his own? Iyon naman pala ay may nagbibigay na sa kanya! Binuksan ko ang lunch box at nakitang wala na iyong laman.
Kinain niya na? Wow.
"Savi, anong ginagawa mo rito?" Ariz's baritone voice echoed.
Humalukipkip ako at nilingon siya. Lumagpas ang tingin ko sa pintong nasa likuran niya kaya nasisiguro kong doon siya nanggaling. Kinuha ko agad ang paper bag na pinatong sa desk niya at tinalikuran siya.
"Savi!" he called and held my arm to stop me from walking.
Iritado ko siyang nilingon. Salubong din ang kilay niya at mariing nakatikom ang bibig. Ano? Galit siya? Edi magalit siya. Thanks to him, I'm already pissed off, too.
"Let go of my arm, Ariz," I ordered through gritted teeth.
Lumambot ang ekspresyon niya at pilit humarap sa akin. Hinawakan niya na ang dalawang braso ko at bumaba ang tingin sa dala ko.
"What's that?" He tried to reach for it but I hid it behind my back.
"Wala," matabang kong sagot.
Bumuntong hininga siya at sinubukang kunin iyon sa likuran ko. Halos dumikit siya sa akin para lang abutin iyon kaya naamoy ko na ang kanyang pabango.
"Pagkain 'yan? Akin na. Kakainin ko..."
Lumayo ako sa kanya at nilingon ang kanyang mesa kung nasaan iyong lunchbox. I glared at it before looking back at him. Bakit niya pa kakain 'tong binili ko gayong may naghanda naman sa kanya ng lutong bahay at inubos niya pa?
"This isn't for you—"
"For whom, then?" he cut me off coldly and clenched his jaw. "Bukod sa akin, may kakilala ka pa rito, Savi? Ako lang ang dadalawin mo rito kaya akin na 'yan."
He advanced forward with grim face. Napalayo ulit ako kasabay ng pagbukas ng pinto.
"Ariz—"
Natigilan ang papasok na matangkad na lalaking naka-button down polo nang makita kami. Bahagyang natatakpan ng kulay brown na buhok nito ang kanyang mga mata.
"Bakit 'di ka kumakatok?" iritadong sita ni Ariz.
Dahil napatingin ako sa pumasok, hindi ko namalayan na nahablot na ni Ariz ang dala kong paper bag at agad nakalayo sa akin. I stomped my foot on the floor and followed him on his table.
"That's not yours!" Hinampas ko pa ang mesa niya noong umupo siya sa swivel chair at kinuha ang laman ng dala ko.
"Umupo ka. Huwag kang maingay at nagugutom na ako."
"Nagugutom?!" Hinampas ko ulit ang mesa kaya napatingin na siya sa akin, nakakunot pa ang noo. "Ayan, oh! May lunch box na walang laman diyan sa table mo! Imposible namang hindi ikaw ang kumain niyan gayong ikaw lang ang nandito!"
My cheeks and ears were burning. He really didn't have to lie in front of my face!
"Ah, hindi kanya 'yan, Miss. Sa akin 'yan," anas ng lalaking kapapasok lang at lumapit sa amin.
Napatingin ako sa kanya na medyo hinihingal pa sa sobrang galit. Lumagpas siya sa akin at inabot ang lunch box sa mesa bago humalakhak.
"Dala ng girlfriend ko 'to para sa akin. Naiwan ko rito itong lagayan kaya binalikan ko," tila nanunuyang dagdag niya.
"So, are you Engineer Serrano now, huh?"
Ngumisi siya at nilingon si Ariz kaya napatingin din ako sa kanya. Nakapangalumbaba siya habang pinapanood ako gamit ang madilim na mga mata.
"Technically, I'm still not a certified and licensed engineer," he said.
"Why? May iba pa bang Engineer Serrano rito?"
Humalakhak ang lalaking hindi ko kilala at naglahad ng kamay sa akin. Sumandal si Ariz sa kanyang swivel chair at napahilot sa sentido.
"Engineer Atlas Serrano," he introduced and jerked his thumb towards Ariz. "I'm his uncle."
Napakurap-kurap ako at wala sa sariling tinanggap ang kanyang magaspang na kamay. Mabilis ko rin iyong binawi.
"Oh, I'm sorry! I thought... uh..."
"Atlas, she's Savi... my fiance," Ariz said.
Wait, he just called him Atlas? Walang Uncle o Tito?
Atlas surveyed me from head to toe. "Ah, ikaw pala 'yong sinasabi niyang—"
"Atlas. Lumabas ka na dala iyang lagayan mo ng pagkain. Kakain pa kami."
Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-recover sa pagkapahiya nang lumabas na si Atlas at kaming dalawa na lang ulit ni Ariz ang natira. Hinawi ko ang nakatirintas na buhok sa balikat at tinaasan siya ng kilay nang maabutan ang tingin niya sa akin.
"I'm going—"
"Sit, Savannah. We'll eat," maawtoridad niyang utos.
"Hindi... kasi ano, may gagawin pa ako—"
"Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sa akin, Savi? Simpleng pag-upo at kain lang ang hinihiling ko sa 'yo ay hindi mo pa magawa," malamig niyang putol sa akin.
Napamura ako sa isip at labag sa loob na umupo sa upuang nasa harapan ng kanyang mesa. Nilabas niya na ang binili kong pagkain at nilagay iyon sa harapan ko. Tiningnan ko lang iyon.
"Ano? Susubuan pa ba kita?"
"Ariz, about the ring..."
Umiwas siya ng tingin. "Hayaan mo na. I'll just give you another ring."
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Alam kong hindi rin biro ang pag-ipunan iyon lalo na at siguradong kinukuha niya lang din sa suweldo ang pinambili niya roon sa nawala.
"Uh, you don't need to give me another ring, Ariz. Or... I can buy my own before my debut and our engagement party..." I bit my lip.
Tinitigan niya ako nang ilang sandali habang pinaglalaruan ng daliri ang kanyang ibabang labi. My heart doubled its pace as I stared at his lips. They looked so inviting... and... very kissable. Ano kaya ang pakiramdam kung dumampi iyon sa akin?
"Babae, 'lika rito," basag niya sa katahimikan.
Lumabi ako sa kanya. Babae?! Kahit kailan, kung ano-ano na lang tinatawag sa akin. I remember when he called me bruha last time. Umirap ako at hindi siya sinunod.
"Lumapit ka rito. May ibibigay ako sa 'yo," mahinahon niyang ulit.
"What is it? Can't you give it to me while I'm facing you? Hindi naman tayo nagkakalayo."
"Hindi nga tayo nagkakalayo pero gusto kong ibigay sa 'yo ito habang nandito ka sa mismong harapan ko."
"Fine!" Umirap ulit ako at tumayo bago naglakad papunta sa gilid niya.
Pinaharap niya ang inuupuang swivel chair sa akin bago ako hinawakan sa kamay at bahagyang hinihila pa. Nakatingala siya sa akin habang nakataas ang kilay at bahagyang nakangisi.
"Iniisip ko talaga kung bakit ikaw pa itong nagtataray gayong may kasalanan ka sa akin."
"Duh. Edi tarayan mo rin ako. Former sisteret naman tayo, 'di ba?" I retorted sarcastically.
Bahagya akong napatili nang hawakan niya ako sa baywang at hinila paupo sa kanya. I straightened my back when my butt landed on his lap. His arm wrapped around my waist while his other hand rested directly on the skin of my thigh. Humawak ako agad sa armrest ng inuupuan niya at bumaba ang tingin sa hita.
"Payag ka?" patuyang tanong niya at nilapit ang mukha sa akin.
"Na ano?" I asked, frowning.
"Maging sister tayo."
"No! Duh!" Hinampas ko siya sa balikat. "You're not a freaking woman so stop it! Naiirita lang ako kapag naaalala ko kung paano ka umarteng parang bading sa harap ko noon!"
Iyong malandi niyang boses at ang pagtapik sa puwet niya? What the hell. Maalala ko pa lang ay parang gusto ko nang magbigti! He's too manly and handsome to be a gay! Ang husky at lalim ng boses tapos papalitan niya ng pambabae at malanding tono? No, no, no.
"I'm not gay, Savi," he whispered against my ear.
Tumayo ang mumunting balahibo sa batok ko. I pressed my foot on the ground to stand up but he pulled me closer to him again. Tumama ang braso ko sa kanyang matigas na dibdib kaya napalayo ako agad.
"Kung hindi ka sana nagpanggap na bading noon—"
"Kung hindi sana ako nagpanggap na bading noon, malamang na mas lalo kang hindi magiging komportable sa akin," he cut me off.
"Ang sabi mo ay pareho pa tayo ng tipo!"
"Pareho nga. Iyong sa 'yo, tipo mo bilang lalaki. Iyong akin, tipo kong sapakin ang kung sino mang tipo mo."
Mabilis akong lumingon sa kanya pero agad ding inilayo ang mukha dahil halos maghalikan na kami sa lapit. His adam's apple moved up and down before licking his lips.
"I didn't even believe that you were really a gay..." sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga labi. "You were not... a good actor..."
Tumango siya at muling binasa ang labi gamit ang dila.
"And you are..." Ang tingin niya mula sa mata ko ay bumaba mula sa aking leeg. "Turn your back on me."
The swivel chair moved backwards a bit when I shifted on my seat as I intentionally brushed my butt on his rough and hard crotch. He held my waist firmly.
"O? Ba't mo ako pinatalikod?"
Umusog ulit ako pero bigla niyang pinaghiwalay ang mga hita kung kaya't dumiretso akong napaupo sa espasyo sa pagitan nito. Nanigas ako nang tuluyan noong maramdaman ko mismo sa aking likod ang tila bakal na tumatama roon.
He pulled the second drawer on his table and took something in it. Nilingon niya ako nang makuha ang isang itim na kahon doon kaya agad kong binalik ang tingin sa harap.
I waited for a few second until something cold touched my collarbone. Napahawak at bumaba ang tingin ko roon. My eyes went wide when I saw my lost engagement ring used as a pendant on this thin chain necklace.
"This is... how did you find this?"
Ang kanyang magaspang na kamay ay marahang dumausdos mula sa aking balikat pababa sa braso ko. Nanayo agad ang mga balahibo ko nang dumampi ang kanyang labi sa aking hubad na balikat.
"Some concern citizen returned it to me..." he whispered huskily against my skin.
Concern citizen? Sino naman iyon? Bakit sa kanya ibinalik at paano nalaman ng taong iyon kung kanino ang singsing na ito?
"Sinong nagbalik?"
His lips slowly trailed from my shoulders up to my neck which made me close my eyes and tilted my head a bit because of some pleasurable feeling.
"I badly want to kiss you right now, Savi," he breathed on my neck. "Deep, hard, and punishing... but I can wait."
Para na akong mababaliw sa mababaw at parang balahibong haplos ng labi niya sa aking balat. His firm hand was placed flatly on my stomach, slightly pulling me closer to his throbbing member.
"You can... kiss me, you k-know..." Uminit ang pisngi ko sa sinabi.
Marahang halakhak ang pinakawalan niya. "Hmm... no. Wait until your twentieth, Savi."
Huh? My twentieth... birthday? Bakit ang tagal naman? If he wants to kiss me so badly right now, then I'm very willing to accept his punishing kisses! Oh, damn. Anong pinagsasabi ko ngayon? Ni hindi pa nga ako nakakahalik! At kung nagkataon, siya ang unang mahahalikan ko?
I can't wait. Bakit ba hindi na lang ngayon? Halos magdugo ang labi ko nang magpakawala ako ng isang buntong hininga. Muling tumawa si Ariz at lumuwang na ang kanyang hawak sa akin. My shoulders fell in... dismay.
"Come on. Let's eat... and don't ever lose your ring again." He sighed and paused for a moment. "Pero... mawala na ang singsing, Savi, huwag lang ikaw."
"Are we okay now?" I asked worriedly. "I mean... you've been so cold to me these past few days."
"Can't wait to marry you..." he replied instead.
Ako rin. Gusto kong idagdag kaso lang ay nag-aalala rin ako sa posibleng mangyari pa sa mga susunod na araw, buwan at taon. I still want to pursue my career for now. Magkokolehiyo pa lang ako at alam kong marami pa akong pagdadaanan.
And he hasn't passed the exam yet. Sa November pa ang labas ng resulta at kung nagkataon, doon pa lang siya magiging ganap na inhinyero. He would pursue his dream and career, too, just like me.
Now, I'm wondering... he's gonna be a professional while I'm... not? Ang alam ko lang ay umarte, sumayaw at kumanta pero hindi ko ikinokonsiderang propesyon ang mga bagay na 'yon. Pero gusto ko pa ring patunayan ang sarili ko sa kanya. Na kahit paano... puwede kami. Na bagay rin kami.
"Darling, what are you thinking? God, nakasimangot ka sa mismong birthday mo!" puna ni Mamita.
Napatingin ako sa salamin na kaharap. I'm wearing an off-shoulder ball gown. Kulay pula iyon na medyo nagpi-fade paibaba at hanggang ankle lang ang haba. Today's my eighteenth birthday. Ngayon na rin i-a-announce ang engagement namin ni Ariz. Hindi ko alam kung bakit pero parang natatakot akong lumabas sa kuwarto ko.
"Mamita, do you think I deserve Ariz?" I silently asked.
"Huh? Come again, hija?"
Umiling ako at ngumiti. Ilang sandali lang ay pumasok na rin sina Mommy at Daddy sa kuwarto ko para batiin ulit. Dumagundong na naman ang kaba ko nang lumabas na ako sa kuwarto. Sa likod lang ng bahay namin ang venue pero abot-abot ang kaba ko dahil alam kong may ilang media rin sa ibaba.
Naririnig ko na ang sound at ang sinasabi ng emcee mula sa labas nang nasa hagdan na kami. The corner of my lips automatically stretched upwards when I saw Ariz on his three-piece suit, looking so dashing and gorgeous at the other end of the staircase. Seryoso lang ang kanyang mukha habang inaabangan akong tuluyang makababa.
"Hi," I greeted sweetly.
Nilahad niya ang kanang braso sa akin. Kinagat ko ang aking labi at marahang ikinawit ang braso ko roon. Nauna na sina Mamita at ang magulang ko sa labas kaya kaming dalawa na lang ang nandito.
"Shall we, mi hermosa amor?" His lips moved in a sexy way.