Chapter 16: Expert

1893 Words
Chapter 16: Expert "Savi, nakapag-pack up na. Puwede nang umuwi," wika ni Aura na siyang nagpadilat sa akin. Pagod akong tumayo mula sa couch na kinahihigaan ko. Itutupi ko na sana ang kumot na ginamit pero agad niya iyong kinuha mula sa akin para siya na ang mag-ayos ng hinigaan ko. "Thank you," I said huskily. Humikab ako at muling tiningnan ang mga gamit sa aking bag. Nandito ako ngayon sa set ng taping namin para sa isang pelikulang pagbibidahan ko. May sarili akong tent kung saan ang nakakapasok lang ay ang personal artistant kong si Aura, mga makeup artist at ang manager kong si Adeche. College is already hard but it's getting harder for me because of my work. For two years, nagagawa ko naman silang pagsabayin dahil sinusuportahan ako ng mga kaibigan ko at nina Mamita. At sa loob ng dalawang taon na iyon ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ako ng isang pelikula I'm happy for that since gradually, I'm learning some experience that I can use in the future. Lalo na't ang makakapareho ko rito ay si Darius—na siyang naging ganap kong katambal sa mga serye mula noong tuluyan kaming pumasok sa showbiz. It's not been hard to work with him since we've been partnered before in our theater performances for years. "Savi, nasa labas na si Engineer," Aura informed me while I was typing on my phone. Natigil ako sa pagtitipa at tila nawala ang antok sa ibinalita niya. Tumingin muna ako sa salamin at bahagyang sinuklay ang nagulong buhok gamit ang daliri. Nang makuntento ay tumikhim ako at tinalikuran ang salamin para lumabas ng tent. An automatic smile was formed on my lips when I saw him talking to my manager. Nakatupi hanggang siko ang kanyang longsleeves at nakabukas ang unang tatlong butones. His face was shadowed by the moonlight. "Ariz!" I called and walked towards them. Lumingon si Ade dahil nakatalikod siya sa akin. She's already thirty and prefer to be called by her first name. Naalala ko noong tinawag ko siyang 'Madam' ay nakatanggap ako ng kurot sa mismong singit ko. Ayaw niya nang tinatawag na ganoon ng mga alaga niya. Ariz's deep set of eyes darted on me. He unfolded his arms and tapped Ade's shoulder. Ngumisi ang manager ko sa akin nang makalapit ako. "Kanina ka pa?" tanong ko at niyakap ang braso dahil sa lamig ng gabi. "Engineer, Savi, maiwan ko na kayo. Engineer, salamat ulit," ani Ade. Tumango si Ariz sa kanya. Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin si Ade na palayo sa amin. Ah, they're probably talking about the renovation of her house in Rizal. "Nasaan ang mga gamit mo?" he finally asked when we're all alone. Lumabi ako at lumapit pa sa kanya para yakapin siya. The sides of his lips rose as he touched my arms. "Ang lamig ng braso mo. Nasa sasakyan pa ang jacket ko." He then kissed the top of my head. "How's your day?" "I miss you, Ariz..." Humalakhak siya at tinanggal ang pagkakayakap ng mga braso ko sa kanya. Tumulis lalo ang nguso ko nang tingalain siya. "Wala kang pasok bukas, 'di ba?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Wala pa man ding sinasabi ay alam ko na ang gusto niyang iparating. Lumawak agad ang ngiti ko at tumango sa kanya. "Wala! Doon ako matulog sa unit mo, ha?" excited kong saad. On my eighteenth birthday, my parents gave me a condo unit as a gift. Para daw malapit na sa USD dahil nasa Maynila iyon. Ayaw ko sanang tanggapin dahil mas gusto kong magkasama kami ni Ariz pero hindi na sila pumayag dahil daw nasa legal age na ako. Parang ewan 'tong mga magulang ko, e. Kung kailan legal na ako, saka naman sila magbabawal na magsama kami sa iisang bahay? Wala lang akong magawa dahil si Ariz na mismo ang nagpalayas sa akin sa bahay niya. Little did I know, he had bought the unit beside mine! Mas maliit nga lang iyong kanya dahil hindi pa raw niya afford iyong katulad sa akin. But seriously, that already cost a lot. Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng perang pinang-ipon niya para doon dahil ang sabi ni Daddy, hindi rin naman ganoon kalaki ang sinasahod niya noong nagtatrabaho pa siya bilang construction worker sa site. "Let's go," aniya at hinawakan ang kamay ko pagkakuha sa aking gamit. Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa set bago kami umalis doon. His black Montero Sport was parked just a few meters away from there. Nilagay niya muna ang bag ko sa likod ng sasakyan bago binuksan ang pinto sa front seat. Kinuha ko muna ang jacket niyang nakapatong sa upuan bago ako tuluyang pumasok. I hugged myself when I felt his warmth and smelled his intoxicating manly scent from his jacket. "I'm hungry. I wanna eat," I said as he revved the engine. Nagsalubong ang kilay niya at naglapat ang mga labi. "'Di ka kumain?" Natutop ko ang bibig nang magsimula na siyang mag-drive. Kumain naman ako pero kanina pang alas sais iyon. Tuwing break kasi namin ay tinatapos ko iyong homework namin dahil nga wala akong pasok bukas at puwede akong sa condo ni Ariz matulog. Ayaw ko namang pumunta roon para lang gumawa ng homework. "Nevermind. Let's just go to your pad." "Drive thru tayo?" Sabay sulyap sa akin. "May nadaanan akong McDo kanina noong papunta ako sa set niyo. Doon na lang?" Lumabi ako at tumango na lang kahit hindi naman talaga kumakain ng galing doon. I want him to cook for me but he's probably tired because of work. Mag-aalas dose na rin ng madaling araw at base sa damit niya, mukhang dumiretso siya sa set namin pagkagaling sa trabaho. Puwede naman akong magpahatid kay Kuya Nilo, iyong personal driver ko na kinuha ni Ade, pero sinabihan ako ni Ariz na susunduin niya ako ngayon dahil gabing-gabi na matatapos. Sa susunod nga kapag malayo ang lugar na pagti-taping-an namin at may pasok siya, hindi na lang siguro ako magpapasundo. Tumigil siya sa drive thru na tinutukoy at bumili ng burger at fries. Tubig lang ang inumin dahil ayaw niya nang umiinom ako ng softdrinks. Last year kasi, napasobra ako sa softdrinks kaya nagkaroon ng UTI at na-confine pa sa ospital. That was my unhealthiest academic year. Idagdag pa na palagi akong puyat para tapusin ang mga projects sa school habang nasa set. "Bibili sana ako ng rice meal nila pero baka hindi ka rin makakain nang maayos sa biyahe," aniya at nagsimula na ulit mag-driver. "It's alright. I don't eat rice in the midnight, anyways." Nilagay ko sa may dashboard ang paper bag kung nasaan ang fries. Binuksan ko ang balot ng dalawang burger na binili niya at kumagat muna sa isa. Tinapat ko naman ang isang nakabukas na burger sa bibig niya para kumagat din siya roon. "Kagatin mo 'ko," I said teasingly in a singsong voice. Umiling siya at bahagyang ngumisi bago kumagat doon. Napakagat din tuloy ako sa labi habang pinagmamasdan siyang ngumuya. His lips were closed as the muscles on his jaw moved sexily. Umalon ang lalamunan niya matapos ngumuya pero ang kamay ko ay nakatutok pa rin sa bibig niya. Nilapit ko ulit ang burger sa labi niya. Hay nako. Mabubusog na lang yata ako habang pinagmamasdan siyang kumain. "Kumain ka na." "Kakain naman ako, ah. E, ikaw, kailan mo ba ako kakainin?" Nailayo ko agad ang kamay sa kanyang nang umubo siya. Binitiwan ko sa lap ang burger at binigay sa kanya agad ang tubig. Binitiwan niya ang kambyo para hawakan ang lagayan ng tubig at uminom doon. "You okay? Nasamid ka ba or you have some kind of TB na?" His jaw locked as he glanced at me with knitted brows. "Anong kakainin kita ang sinasabi mo riyan?" "Huh? 'Di ko gets. May sinabi ba akong kakain mo ako? I'm not even a freaking food so why would you eat me?" Halos mamuti ang buto niya sa daliri sa higpit ng kapit sa manibela. I protruded my lips and bit on my burger. Did I say something wrong? "Ewan ko sa 'yo," irita niyang sagot. "Huwag ka na nga lang magsalita at kumain ka na lang diyan." "Fine! Sungit nito. Nagtatanong lang ako, e." Umirap ako at binaling na lang ang tingin sa labas. Hindi ko naubos ang binili niya dahil mukhang na-badtrip pa siya sa hindi malamang dahilan. Nag-init lang ang puwet ko sa loob ng sasakyan, e. Muntik pa akong makatulog kung hindi lang niya ako tinapik sa hita at sinabihang 'wag matulog. Sus, kunwari pa siya. Ayaw ako pagsalitain pero ayaw din akong manahimik. Hmp! Fine, I'll be the one to adjust for him! Pagkababa ko ng sasakyan niya ay agad kong tinakpan ang bibig para humikab. Pinakita ko ang simangot sa kanya nang bumaba na siya at tiningnan muna ako bago kinuha ang gamit ko sa likod ng sasakyan. "Tara na." Sumunod lang ako sa kanya dahil hawak niya ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng building. Nasa likod naman nito ang parking at mahigpit ang security kaya wala namang basta-bastang nakakapasok na media. Idagdag pa na may ilan din talagang artista at bigating mga tao ang nandito sa tower namin. Pero kahit naman may artista o wala sa isang gusaling tulad nito, dapat mahigpit pa rin ang seguridad. Nang nasa loob na kami ng elevator at sumara iyon ay agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya ng kamay sa akin at pumunta sa harapan niya. He looked down at me when I wrapped both my arms on his waist. "Are we gonna kiss tonight?" I asked cheekily. Napatingin siya sa itaas bago bumaba ang tingin sa akin. Tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo. "May CCTV dito, Sav—" "I know. But we're not gonna kiss here! Sa unit mo!" nakasimangot kong putol sa kanya. Bumuntong hininga siya at muling tumingin sa itaas. Iritado ko ring tiningnan ang CCTV camera pero ngumiti rin. Baka nanonood 'yong nagbabantay, e. "Hindi tayo maghahalikan doon, Savi," seryoso pero nangingiti niyang sinabi. I rolled my eyes. "Edi anong gagawin natin doon? Magtititigan?!" "Matutulog." "Grr! Ewan ko sa 'yo! Ayaw mo lang akong halikan, e! Hindi naman ako bad breath, ah?" reklamo ko habang nakayakap pa rin sa kanya. "May sinabi ba akong ganoon?" "O baka ikaw?" Kahit hindi naman talaga kasi amoy na amoy ko nga ang hininga niya ngayon. Mainit at amoy mint! Tumaas ang kilay ko at balak sanang tumingkayad para amuyin kunwari ang bibig niya nang takpan niya ang bibig ko. Nakakaloka siya, ha. He said he would kiss me on the lips on my 20th but he didn't! I haven't tasted those kissable lips that he has! Paano niya akong natiis na hindi halikan sa labi? I can't believe this. Baka maniwala na lang ako bigla na bading nga siya? No way! He's a straight man! I believe in the power of his boner every morning, duh! "Tapos na ang 20th birthday ko, ba't ayaw mo pa akong halikan sa labi? Wala pa tuloy akong first kiss!" Binasa niya ang labi gamit ang dila habang tumatawa. Umismid ako at humiwalay na sa kanya para talikuran siya. "Bakit ba gusto mong halikan kita?" natatawa niyang tanong sa likuran ko. "Duh. Because that's what a couple usually do?" "Kissing isn't really necessary in a relationship—" "It is!" "Saka hinahalikan naman kita—" Humarap ulit ako sa kanya, nag-iinit ang pisngit at tainga. "Sa pisngi at noo lang. Why not on the lips?!" Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa braso. Bahagya pa ring nakangisi ang kanyang labi kaya inirapan ko iyon. He crouched a bit to level his face on mine. Sumimangot ako lalo. "Why? Whether I kiss you on the cheeks or on your lips, it won't change the fact that I'm in love with you, Savi," he whispered huskily. My cheeks heated and I looked away from him. He never said directly to me those three words yet but hearing him say that he's in love with me make my heart goes wild. Paano pa kaya kung sabihin niya na mismo iyon sa akin? Baka bigla na lang tumalon itong puso ko palabas sa katawan ko. "But I want you to kiss me..." He sighed and stood up straight when the elevator opened. Nauna akong lumabas sa kanya at dumiretso sa tapat ng unit niya. Alam ko naman ang password ng unit niya kaya nakapasok ako agad. But even though I know his password, I know what privacy means. Papasok lang ako rito kapag alam kong alam niya. I kicked my sandals off my feet and removed his jacket on me. Tinanggal ko rin ang tali sa buhok at dumiretso sa kanyang kulay grey na sofa para humiga. Ngumuso ako nang makitang pinulot niya ang sandals ko sa sahig at nilagay sa shoe rack. Bumangon ako ulit. "Come on, Ariz! Let's kiss!" Hinagis niya sa tabi ko ang aking bag at tinalikuran ako. Sumunod ako papasok sa kanyang kuwarto at lumundag agad sa kama niya. He was unbuttoning his longsleeves while looking at me. "Maliligo ka?" nakangising tanong ko habang nakaupo na parang palaka sa kanyang kama. "Oo. Pero kung gusto mong mauna, bilisan mo na lang. Matutulog pa tayo." "Ehh! Let's kiss first, shall we?" Nang tuluyang maalis ang damit ay hinagis niya iyon sa mukha ko. Tumawa siya nang alisin ko iyon at inihagis pabalik sa kanya habang nakalabi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang likod ng ulo ko bago hinalikan nang mabilis ang aking pisngi. "Ligo ka na para makatulog na tayo." I pouted. "Why don't we just take a bath together to conserve water? You know, it's just a suggestion but I would be really glad—" "—if you take a shower first, Savi." I groaned. He chuckled and ruffled my hair. "Hindi mo talaga ako hahalikan?" He pressed his lips together. "Hinalikan na kita. Dali na, Savi, maligo ka na." Padabog akong tumayo at huminto sa harap niya. Walang hiya kong pinagmasdan ang kanyang katawang batak sa trabaho. I've seen and touched his chest and abs but I guess, I will always be amazed on how he could have this perfectly sculptured body without really doing routine exercises like me. Iyong patubo ko ngang abs noon, naudlot pa. I put my hands on the hem of my shirt to undress in front of him but before I could do that, he already had his back on me. Natigil ako sa ginagawa at ang likod niya naman ang pinagnasaan ko. Ano ba 'yan, pati yata likod niya ay may mukha na dahil naguguwapuhan din ako! "Kunwari pa 'to," bulong ko matapos hubarin ang damit at dumaan talaga sa harap niya. "Bilisan mo," nangingiting saad niya habang nakapikit. "Huwag kang mag-alala at hindi ako maninilip." "Dumilat ka!" He smirked while his eyes were still closed. "Oo, kapag sigurado na akong nasa banyo ka na." Ugh! How annoying! Sa sobrang inis ko, nagtagal ako nang sobra sa loob ng banyo niya. Mabuti nga at may bathtub kaya nagbabad ako roon. Kaya lang ay bigla akong nakonsensiya dahil siguradong kanina pa siya naghihintay. Hindi pa naman siya kumakatok kapag naghihintay. Nang magsawa ay tumayo na ako sa bathtub at kinuha ang robang nakasabit sa may pader. May shower cap ang buhok ko para hindi iyon mabasa kaya tinanggal ko na lang nang masuot na ang robe. Bumuntong hininga ako nang maabutan siyang nakapagpalit na ng shorts at shirt habang nakahiga sa kama. Gamit niya ang kanang braso bilang unan at nakapikit pa. Marahan akong naglakad patungo sa tabi niya at tinapik siya sa braso. He opened his sleepy eyes and tapped the vacant space beside him on the bed. "Magbihis ka na tapos tulog na tayo," napapaos niyang sambit. "Hindi ka na maliligo?" Umiling siya at muling pumikit. "Hindi ba talaga tayo maghahalikan?" Muli siyang dumilat at bahagyang natawa. Inalis niya ang pagkakaunan sa braso at inangat ang kalahating parte ng katawan para sumandal sa headboard ng kama. I sucked in my lower lip when he reached for my waist and pulled me near him. "You don't even know how to kiss..." "Alam ko kaya! Nag-practice ako!" walang preno kong sinabi. "Darius taught me how to kiss!" Napatingala siya sa akin at dumilim ang mukha. Napalunok ako at umusbong ang kaba sa dibdib. I shouldn't have said that, should I? Dapat yata ay secret na nagpa-practice ako para magulat siya na marunong na akong humalik. Binitiwan niya ako at bumalik sa pagkakahiga. "Okay. Paturo ka na lang humalik lagi sa kanya kung ganoon," he said coldly. "Huh? Ayaw ko ng practice, Ariz. I want it real!" Niyugyog ko pa siya sa braso. "O, edi kay Darius ka magpahalik. Tutal sa kanya ka rin naman nagpaturo." Napamaang ako sa sinabi niya. Did he really say that? Gusto niya akong magpahalik sa ibang... lalaki? Wait, no. Darius isn't really... a guy. Last year, he told me that he was kind of still questioning. Hindi raw siya sigurado sa kung ano talaga siya at sino ang gusto niya. "Edi sa kanya na ako magpapahalik!" bigla kong nasabi dahil sa inis. I just want a simple kiss on the lips from him. I know Mamita told my manager that she won't allow yet a kissing scene on my series that's why my first kiss is still reserved for Ariz. Tapos sasabihin niyang magpahalik ako sa ibang lalaki? Sinong matinong boyfriend ang magsasabi ng ganoon sa girlfriend? Mabigat sa dibdib akong naglakad palabas ng kuwarto niya. My eyes were burning and blurred because of the unshed tears. I can't believe he had rejected me multiple times within few hours and even told me to kiss another guy. What the actual f**k is his problem? Kinuha ko ang bag sa sofa at agad dumiretso sa may pintuan para kunin ang sandals. Hahawakan ko na sana ang seradura nang bigla akong tinulak patalikod sa pinto. Nabitiwan ko ang bag sa gulat at bago pa makapag-react ay naramdaman ko na ang malambot at mainit na labi ni Ariz sa akin. Uminit agad ang buong katawan ko at napahawak sa kanyang balikat. I closed my eyes and was about to kiss him back but he pulled himself away from me. Iniwan niya akong nakapikit pa rin at hinihingal sa ginawang halik. "You're not going anywhere, Savi," he breathed harshly against my lips. "And you're not going to kiss other men." Mabigat pa ang talukap ng mga mata nang dumilat ako para tingalain siya. He was holding my waist to prevent me from breaking down on my knees while his other hand was on the side of my neck. Dinilaan ko ang aking labi habang nakatingin sa kanyang medyo nangingintab at namumulang labi. "You said... hmm..." Natigilan ako dahil muli niya na naman akong hinalikan sa labi. Napapikit muli ako at tuluyan nang ikinawit ang mga braso sa kanyang leeg. Hindi ko alam na mabilis napawi ang inis ko nang dahil sa halik niya. Hindi lang ang inis ko ang nawala kundi ang mismong ulirat ko ay kumawala na sa akin. Nanggigil niyang kinagat ang aking ibabang labi. I parted my lips and sighed but he instantly delved his tongue inside my mouth. Halos manginig ang tuhod ko sa kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan dahil sa ginawa niya. My cheeks, ears, and my whole body are burning because of his damn soul eating kisses. Bumagsak ang mga kamay ko sa aking gilid nang humiwalay ulit siya sa akin. Habol ko ang aking paghinga habang nakasandal ang ulo sa kanyang dibdib. I bit my lip when I heard his heart beating so loud against my ear. Bahagya niya akong inilayo sa kanya at muling ipinantay ang mukha sa akin. I couldn't even look at him straight in his eyes when he cupped my face. "You don't know how to kiss properly, Savi. You must learn from the expert..." he whispered before planting a feather kiss on my lips. "You must learn from me. Not from any of your boys who aren't even circumcised yet."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD