“Hindi niyo naman yan kakainin. May gagawin ako diyan kesa naman itapon at masayang po”.
Paliwanag nito.
Sumasakit talaga ang ulo ko sa babaeng ito!.
“Fine!” Ayoko ng makipagtalo dito dahil ang tigas ng ulo nito at alam kong hindi ito makikinig sa akin.
Tinanguan ko ang manager at agad naman itong nagtawag ng mga magbabalot ng natira naming pagkain.
“Come on”. Pag-aya ko dito.
“Teka, hindi pa naibabalot”.
“ Bahala na ang body guards diyan, kailangan na nating umalis at tumatakbo ang oras!” Nakasimangot kong tugon.
“E teka, hindi ka pa nagbabayad.”
Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko. Anong tingin nito sa akin mahirap??
Akmang sasagot na ako nang magsalita na ang manager.
“Ahm Miss?”
Tanong nito sa pangalan ni Belle.
“Belle, po”.
Inilahad ni George ang kamay niya para makipag-kamay kay Belle. Agad naman iyong tinanggap nito.
“Nice to meet you Belle, I’m George, the manager of this restaurant owned by Mr. Miguel Villamor”.
“No need to worry about the bills and sa pinabalot mo”.
Belle’s POv
Shoot! Siya pala ang may-ari ng restaurant na ito?
OMG. Nakakahiya ako.
Natigilan ako sa nalaman at hindi ko na natanggal pa ang kamay ko na hawak hawak pa rin ni sir George.
“Halika na”. Pag-agaw ni Señorito sa aking kamay mula sa pagkakahawak ni sir George.
“Señorito, ang yaman niyo po pala. Sa inyo pala yung restaurant na iyon”.
Hinila ko yung kamay ko mula dito dahil nalimutan na ata nitong bitiwan. Ang layo na namin sa restaurant pero hawak pa din nito ang kamay ko.
“Señorito, ang kamay ko po”.
“Shut up!” Bulong niya sa akin. Hindi ko na din hinila ang kamay ko at hinayaan na lang na hawak niya ito dahil mukhang naiinis na siya sa akin na parang may nagawa akong malaking kasalanan. At isa pa, nakatingin sa amin ang mga tao. Parang bigla akong nahiya. Akala ata nila nag-aaway kami.
“Can you please shut your mouth for a moment?” “Parang hindi napapagod yang bibig mo kakasalita”. Napatingin pa ito sa aking mga labi na siya namang naging dahilan ng pamumula ng aking nga pisngi.
Wala na akong nagawa ng dalhin ako ni Señorito sa tindahan ng mga gagamitin ko para sa aking pag-aral. Isa itong sikat na bookstore. Mukhang mahal ang mga nandidito at ang laki ng store. Malawak ito at kumpleto sa lahat ng mga kailangan ko.
Natawagan ko naman ang tutor ko kanina at may mga pinabibili na ito sa akin na magagamit ko din.
Mabilis kong nakuha ang mga kailangan ko dahil may nag assist naman sa akin at deretso na akong pumila sa cashier.
May binigay naman na card sa akin si Ma’am Jean noon na gagamitin ko daw pambayad sa mga bibilhin ko.
Hindi pa din mawala ang kaba ko dahil first time ko mamili na card ang gagamitin na panbayad. Luminga-linga ako para hanapin si Señorito ng may lumakit sa aking babae.
“Madam, dito na po kayo” agad na kinuha nito ang mga pinamili ko at pumunta sa loob ng bookstore na parang kwuarto ulit. Siguro office yun.
Nang makita ko na ang mga body guards ay nakakalat sa paligid, sumunod na ako sa babae para pumasok sa office.
Malamig sa loob. At wow! Nandito pala si Dragon at pa-relax relax lang.
“Yan na lahat ng kailangan mo?” tanong nito.
Tumango lang ako at iniabot niya na ang card niya sa babae.
“Let’s go”. Muling aya niya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
Napansin niya ata na nagaalangan akong iiwan yung mga napamili ko.
“Bahala na ang body guard magdala niyan sa sasakyan”. Mahinahon niyang sabi.
Wala na ang init ng ulo nito. Haay. Salamat naman.
Pero naiirita ko dahil panay pisil nito sa palad ko. Hindi na nga ako nagtangka na hilahin pa yun mula sa kamay niya pero nakatitig pa din ang mga tao. Ano kayang problema ng mga to?
Ilang saglit pa at nandito na kami sa isang store na puro naman mga damit.
Kailangan ko daw bumili ng damit dahil ang baduy daw ng mga sinusuot ko. Di ba, lakas makalait?
Namimili ako sa mga naka-hanger at napapangiwi ako sa mga presyo na nakikita ko. Damit pa ba to? Grabe. Ang mahal naman.
Nagulat ako ng humapit sa bewang ko si Señorito. Ramdam ko ang pag dikit ng likod ko sa katawan niya. Halos prang yakap niya ako sa likod.
“Huwag ka ng mag-react pa. Sumakay ka na lang”. Bulong nito sa akin.
Pag lingon ko kay señorito para sana tanungin kung anong ibig niyang sabihin, papalapit naman ang isang babae at may dala ng ilang pirasong damit na sa tantiya ko ay kasya sa akin.
“Ito po ang mga bagong design namin sir. Kadadala lang nito kahapon dito sa store at sa aming store lang po ito available” nakangiting bida ng babae.
“Pumili ka na.” Baling sa akin ni señorito.
Wow, grabe ang sarap sa pakiramdam. Imagine, guwapo na tapos nakaalalay pa sa akin para mamili ng damit?
Ano kayang nakain nitong taong to.
Hindi ko na ito pinansin dahil naiirita ako. Wala kaming relasyon para gawin niya sa akin ang kinikilos niya.
Guwapo nga at mayaman, pangit naman ng ugali. Ewan ko ba, parang pinapalabas niya lang na mabait siya.
“Hi, Migz”. Bati ng sexy na babae kay señorito. Hahalik pa sana ito sa pisngi ni señorito pero umiwas na ang huli.
Wow ha, palay na lumalapit hindi niya pa tukain.
“Hi”. Simpleng sagot nito sa babae.
“Hey, Migz!” “Grabe, meron ka na agad ipinalit kay Josie?” Nang-aasar na wika ng lalaki na sumulpot galing sa likod ng babae.
Unti-unting nagdatingan ang 3 pang kalalakihan na may mga kasamang sexy na babae.
“Stop it, Kyle!” Seryosong sagot ni señorito.
“So, sino ang magandang binibini na kasama mo ngayon?” Nakangiting tanong ng isa pang lalaki.
“Belle, this is Jack, Kyle, Leo and Mico” and “Guys, meet Belle, my girlfriend”.
Nagulat ako sa sinabi ni señorito. Agad naman akong nakabawi ng maalala ang sinabi nitong “sumakay” na lang ako.
“Wow, kailan ka pa natutong mag girlfriend? Bago yan ahh?” Pang-aasar ni Leo “nice to meet you Belle” baling nito sa akin.
Ngumiti lang naman si Mico. Mukhang ito ang pinaka-mabait sa kanila.
“Mga friend kami ni Miguel. Kami na ang nagpakilala hahhaha.” Sagot naman ni Jack. “Ito naman si Josie at mga kaibigan niya” sabay turo sa mga sexying babae na kasama nila.
“Ex-girlfriend” tipid na sagot ni Josie bilang pagpapakilala sa kaniyang sarili.
Nginitian ko naman ito. Wala naman akong pakialam sa kung ano mang relasyon nila ni señorito.
“Ex-fling, Josie” habol na pagsagot ni Kyle.
Nagtawanan ang grupo pero seryoso lang ang mukha ni Señorito.
“Let’s go” baling nito sa akin at nagyaya nang umuwi.
“Hey, ang bilis mo naman ma-badtrip pare, wag mo na lang pansinin ang mga mokong na iyan” sambit ni Mico nang mapansin ang pag iwas ni Señorito sa kanila.
“It’s okay. Kanina pa kasi kami dito ni Belle, baka napapagod na ito sa pag-shoshopping” nakatingin sa akin si señorito na wari’y nagaalala.
“Kunin ko na lahat yan” pag-kasabi nito sa manager ng store at inalalayan na akong makalabas.
Hindi na ako nakapag-paalam sa mga kaibigan nito dahil sa bilis ng pangyayari.
“Yes, sir, thank you” narinig kong sagot ng store manager. Alam ko na ngayon na ang body guard na lang ang kukuha niyon.