Chapter 4

1307 Words
“Sige po, Manang” tanging sambit ko. Kamusta na kaya sila Nanay at Tatay pati mga kapatid ko? One month earlier… “Magpapakabait ka doon anak ha? Mag-aral kang mabuti para naman hindi nakakahiya kila Senyor at Senyora” bilin ni Nanay. “Opo Nay”, sagot ko habang nag iimpake dahil maya-maya lamang dadating na ang magsusundo sa akin papunta sa Mansiyon. “Pasensiya na anak at kailangan nating magkalayo muna. Kailangan mong mag-aral at magagawa mo lang iyon kapag tinanggap natin ang offer nila na mag-sponsor sa iyo kapalit ng mamasukan ka sa kanila bilang katulong”. “Opo Tay, wala pong problema sa akin. Kaya ko po ito dahil sanay na ako sa pagtatrabaho at natuto ako dahil sa pagbabantay sa puwesto sa palengke”. Naka-ngiti kong sambit. “Mabuti naman kung ganoon anak. Kapag may pagkakataon ka, tumawag ka lang sa amin para malaman namin ang kalagayan mo doon”. “Mukha namang mabait sila Senyora, ate. Sana magaan lang na trabaho ang ibigay sa iyo” sambit ni Chelle, kapatid kong sumunod sa akin. “Oo, nga, parang anak nga ang turing sa atin nila Senyora eh palagi pa may dalang chocolate, hihihi” Naki-sali na din sa usapan ang bunso naming si Jelo. “Ganoon talaga sila kahit noon pa. Napakabait nila marahil isa lang ang naging anak ng mag-asawa kaya magiliw sa bata”. Tumango-tango na lang ako. “Hala, sige, bilisan mo na Belle, nandiyan na ang sundi mo”. Nagmamadaling sambit ni Nanay nang masulyapan ang kulay itim na sasakyan. Natataranta naman naming isinakay ang mga gamit ko doon. Isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit. Ito pa lang ang unang pagkakataon na malalayo ako sa mga ito. Pero hindi naman ako umiyak o nalungkot dahil alam ko na makakadalaw din naman ako sa kanila kapag day-off ko at walang pasok sa school. Isa pa, nasa sampung oras lang naman ang biyahe mula Manila pabalik dito sa Bicol. Miguel’s POV “Señorito, napaaga po ang uwi ninyo. Teka at maghahain na ako” bati ni Manang Rosa sa akin. “It’s okay Manang. Busog pa naman ako. Magpapahinga lang muna ako at bababa na lang mamaya”. “Sige po Señorito”. Tugon nito. Hindi nakaligtas sa aking paningin si Belle na noon at nasa gilid ng pool. Nakaayos ito at mukhang aalis. Tumingin ako kay Manang at agad naman nitong na-gets kung anong nasa isip ko. “Ah Señorito, aalis po si Belle kasama ng mga body guards dahil mamimili ng mga gagamitin niya para sa pag-aaral niya at para na din makapamasyal at hindi pa iyan lumabas dito simula ng dunating sa Mansion”. Mahabang paliwanag nito. “Mag-aaral siya?” Nagtataka kong tanong. “Opo, tumawag kasi si Ma’am Jean at yun ang bilin. Tutor na daw muna ang magtuturo sa kanya para ihanda sa dadating na pasukan.” “Bakit hindi ko iyon alam? Teka”. Mabilis kong hinanap ang contact ni Tita Jean sa cellphone ko at tinawagan ito. As expected, walang sumasagot. “Huwag mo munang paalisin yan Manang, magpapalit lang ako”. “Sige po señorito”. Belle’s POV Nakatitig nanaman ako dito sa swimming pool. Simula nung dumating ako dito hindi ko pa nasubukang mag swimming. Nakataklob kasi ito ng parang net at nakakahiya naman maligo dito dahil kailangan pang ipalinis bago magamit. “Hey, you!, halika na”. Pagyaya ni Señorito sa akin. Nagtataka akong napatitig dito. Anong halika na ang pinagsasabi nito? Wala naman sa usapan na kasama ko ito. Hinihintay ko lang ang mga body guard na sasama sa akin. “Bilisan mo at sasamahan na kita sa pamimili ng gamit mo! Baka kung mapaano ka pa, mukha ka pa namang T*anga”. Ang kapal ng mukha nito! Grabe. Kahit gusto kong tumutol hindi ko nagawa. Ang sakit ng sinabi niya. Kahit galing akong probinsya, at totoo naman na may pagka-t*anga ako minsan lalo na sa mga bagay na hindi ko pa alam, masakit pa din masabihan noon. Tahimik akong sumunod dito sa kotse. Isinara na ng body guard ang pintuan at umalis na kami ng Mansion. Walang umiimik sa amin ni Señorito habang nasa biyahe. Katabi ko siya ngayon dito sa likuran ng sasakyan. Ang driver at body guard naman ay nasa harapan. May isa pang nakasunod sa amin na sasakyan, marahil mga body guards din iyon ni Señorito. Tahimik kaming bumaba ng sasakyan at dumeretso na sa napaka-laking mall. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong mall. Hindi ko maiwasang mamangha sal laki nito. “Huwag mong sabihing ngayon ka lang nakapunta dito?” Tanong ni señorito na parang nang-aasar. “Opo, ngayon pa lang po”. Naglakad lang ito sa unahan ko at huminto sa restaurant. “Let’s eat first” desisyon nito dahil hindi man lang nagtanong kung kakain ba muna kami bago mamili. Sabagay, sino ba ako para tanungin nito. Señorito ito at ako naman ay inisponsoran lang sa pag-aaral. Actually, kasambahay dapat talaga ako kapalit ng pag-aaral ko pero hindi naman ako pinapakilos nila Manang Rosa kahit tumulong lang sa Mansion. Sinundan ko ito hanggang makapasok sa isang kuwarto sa loob ng restaurant. May kuwarto pala sa loob ng restaurant? Napansin ko naman na may lamesa at upuan dito sa kuwarto. Naiwan ang mga body guards sa labas at dinampot na ni dragon ang Menu. Dragon na naman ang tawag ko dito sa isip ko dahil walang ka gentle gentleman. Pagkapasok nito sa pintuan ay basta na lamang nitong ibinagsak iyon at muntikan pa akong matamaan sa mukha dahil nakasunod ako dito. “Bilisan mo, pumili ka na ng kakainin mo”. Sambit nito at tumingin sa waitress na nasa tabi nito para sabihin ang order nito. Agad naman akong nagmadali pumili sa Menu. “Burger na lang po at orange juice, Ms.” Sambit ko dito nang lumingon na ito sa gawi ko. “Iyan lang? Kumain ka ng madami dahil tuloy-tuloy na ang pamimili mamaya.” “Hindi pa po ako ganoon ka gutom, okay na po ang burger”. “Bahala ka, wag kang mag-iinarte mamaya na pagod at gutom dahil hindi ako papayag na kumain pa mamaya dahil sayang sa oras”. Ang Sungit naman nito. Hindi naman ako nagpasama sa kanya para magreklamo. Imbis mag-enjoy ako sa pamamasyal ko, nawala na ako sa mood. Miguel’s POV Nagsidatingan na ang order namin at halos mapuno nito ang lamesa. Parang nalula ang mukha ni Belle sa nakita. First time ata kumain ng hapunan at ngayon lang nakakita ng maraming putahe. “Kain na!” Alok ko dito. “Ang dami naman niyan Señorito, mauubos mo lahat iyan?” Tanong nito sa akin na nag-aalala. “Uubusin natin yan”. Nagulat man ito sa dami ng nakahain, kumain din naman ito ng madami. Natakam siguro. “Ang dami pang natira señorito, sayang” “Hindi yan masasayang dahil bayad naman iyan” sagot ko dito. “Ay , sayang po. Madaming hindi nakakakain na mga mahihirap. Baka yung iba hindi pa nga alam kung saan kukuha ng panghapunan”. Nailing lang ako sa sinabi nito. Bakit poproblemahin niya pa ang problema ng iba. Dumating na ang manager ng VIP room para ihatid kami sa labas ng restaurant ng magsalita si Belle dito na ipapabalot ang mga natirang pagkain namin. “Sir, pakibalot po nitong mga natira namin. Take-out po.” Nanlaki ang mga mata ko at agad din na tumingin sa gawi ko ang manager. “No!” Malakas kong sabi. Napahiya ako sa ginawa nito. “Sayang naman yan señorito at malinis pa naman yan. Yung iba nga hindi naman nagalaw.” “Kahit na!” Tinitigan ko ito ng masama para itigil niya na ang kalokohan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD