Belle’s POV
Nakakaramdam na ako ng lamig mula sa aircon pero tinatamad pa akong bumangon.
Nakapikit pa rin ako nang kinapa ko ang comforter na nasa bandang tiyan ko at itinaas ito para matakpan ang buo kong katawan.
Bakit ang bigat ng comforter? Nilingon ko ang unan na nakadagan sa aking comforter nang magulat ako sa aking nakita.
Dito natulog si Señorito? Natulala ako sa mukha nito. Sobrang guwapo pala nito sa malapitan.
Pero nag-init ang aking mukha nang makita ko itong nakahubad.
PAK!!!
“What the f*uck!!” Hawak nito ang kaliwang pisngi habang sinasambit ito.
Halatang nasaktan ito sa pagkakasampal ko sa guwapo niyang mukha.
“Ano bang problema mo?” Halos naka-pikit pa din itong nakatingin sa akin.
“Walanghiya ka! Bakit nandito ka sa kuwarto ko? May balak kang masama sa akin no??!”
Pigil ko ang aking sarili. Kailangang makita nito na galit ako kahit sa totoo lang gusto ko pa tunghayan ang mukha nito.
“Whaat??”. Tanong nito. Habang bumabangon sa kama.
Napa-takip naman ako ng mata dahil halos nakahubad na ito sa harap ko ngayon.
“Ako ang may-ari ng Mansion na ito at matutulog ako kahit saan ko gusto!”
Akma itong lalapit sa akin pero mabilis akong tumakbo papunta sa pinto. Nakasimangot kasi ito. Baka saktan ako dahil nasaktan siya sa pagkakasampal ko.
Nagtataka ako na dumeretso pa din ito sa paglakad papunta sa banyo. Kitang kita ko ang kisig ng katawan nito. Halatang nag ggym ito. Nahigit ko ang aking hininga nang makita ko itong lumabas ng banyo ko at nakasuot na ng robe.
Nagmamadali akong lumabas ng Kuwarto at dumeretso na sa dining. Sakto naman naghahain na ang mga kasambahay. Ala sais pa lang ng umaga. Mauuna na akong kumain kaysa kay Señorito. 7 A.M. pa iyon nag-aalmusal.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Parang masaya pa ako na isipin na nagkatabi kami.
Haaay! Nakalimutan ko atang i-lock ang pinto ng kuwarto ko kagabi.
Nasa ganito akong pag-iisip nang magsalita si Manang Rosa.
“Iha, may problema ba? Kanina pa ako nagtataning kung anong gusto mong inumin ngayong breakfast, parang hindi mo ako naririnig?” Tanong ni Manang Rosa.
Hindi ko namalayan na matagal pala akong tahimik dahil sa iniisip ko at hindi ko man lang narinig na nagtanong pala ito.
“Ahhm. Fresh milk na lang po Manang”.
“Sige, iha.” Sambit nito at kumuha na ng baso at sinalinan ito ng fresh milk.
“Good morning po Señorito” bati ni Manang.
Gulat ko itong nilingon at sinimangutan.
Halata na nagulat ito sa ginawa ko. Dati kasi palagi akong nka-yuko at bumabati sa kanya kapag nag-kakaharap kami.
Hindi na ngayon. Pagod na ako sa kakabati dito at wala naman akong kasalanan bagkus siya pa ang may kasalanan sa akin dahil sa pag-pasok niya sa aking kuwarto at pagtabi sa akin magdamag.
First time ko makakita ng hubad na katawan ng lalaki kahit na ganito ako matured kumilos no.
Nawala na ang pagka-virgin ng mga mata ko dahil sa ginawa niyang iyon.
Seryoso lang itong umupo at nagsimula ng kumain.
Pagkatapos kong kumain tumayo na ako agad at hindi na nagpaalam pa sa kanya.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko itong magsalita.
“Manang, pakisabi sa bagong salta dito sa Mansion na wag kalimutang mag-lock ng kuwarto kung ayaw niyang may makatabi matulog magdamag”.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nito. Teka, ako pa ang may kasalanan?
“Manang, paki-sabi din diyan sa lalakeng iyan na hindi siya kaguwapuhan para magdesisyon na pumasok sa kuwarto ng iba.”
Nakita ko ang paglipat ng tingin ni Manang sa aming dalawa ni dragon at wari’y nagtataka.
“Ako ang may-ari ng Mansion at pwede ako matulog kahit saan ko gusto! Ngayon, kung big deal sa’yo yun, mag lock ka nag kuwarto mo!”
Diretso niya sa akin sinabi ito. Halatang naiinis na. Tinapunan ko lamang ito ng masamang tingin at umalis na.
Nagulat pa ako ng bumulong ito sa aking likuran at halos malapit sa tainga ko ang bibig nito kaya napatigil ako.
“Binalik ko sa kuwarto ang robe mo, baka gusto mo ng remembrance” pang-iinis nito. “Excuse me”. Sambit nito at inunahan na ako sa paglalakad at dumeretso sa sasakyan.
Bagay dito ang suot na office attire. Mukha itong may-ari ng Opisina sa porma nito.
Namula ako sa sinabi nito. Hindi sa kilig kundi sa inis. Ang laki ng tiwala niya sa sarili niya!!
“Belle”. Pukaw sa akin ni Manang.
“Po, manang?”.
“Magkasama kayo ni Señorito sa isang kuwarto kagabi?”. Hindi ko maintindihan bakit mukha itong masaya. Imbis na magalit sa lalaking yun dahil pinasok ako sa kuwarto ko.
“Haay nako. Opo Manang, nagulat na lang ako na katabi ko siya at sinampal ko nga ng magising!” Naiinis kong sabi dito.
Hindi naman na nagtanong pa si Manang tungkol dito.
“Siya nga pala Belle, dadating daw bukas ang tutor mo”.
“Tutor?” Gulat kong tanong dito.
“Oo iha. Tumawag si ma’am Jean at sinabi na dadating daw mamaya para makilala mo pero sa Lunes pa ang simula ng klase mo”.
“Po? Nakausap na si ma’am Jean?” Nakangiti kong sambit dito. Sa wakas, makakaalis na ako.
“Oo, nagmamadali nga ng tumawag knina. Mukhang busy din”.
“Ano pong sabi, pwede na kaya ako umalis dito tutal naman wala na si Senyora”.
“Wala nang ibang binanggit kundi ang tungkol sa pag-aaral mo. Habang wala pa ang pasukan, tutor muna daw ang magtuturo sa ito dito sa Mansion para maging handa ka kapag pumasok kana sa School mo”.
Napa-kunot ako ng noo. Itutuloy padin pala ang pag sponsor sa pag-aaral ko.
Haay. Okay na din ito para makapag tapos ako at mabigyan ko ng magandang buhay sila Nanay at Tatay. Para maka-tulong ako sa mga gastusin sa bahay at mapag-aral din ang aking mga kapatid.
“At yung pamimili mo din pala ng mga gagamitin mo para sa pag-aaral mo. Sasamahan ka na lang ng body guards para makapamili. Mas mabuti na din na lumabas ka para hindi ka naman mainip dito sa Mansion” Nakangiti nitong bilin.