BELLE POV May mga liwanag akong na-aaninag at maingay ang paligid. Pilit kong inaalala ang mga nangyari. Hindi ko na namalayan na nakalayo na ako sa resort. Hindi ko na alam kung nasaan ako dinala ng mga paa ko. Iyak ako ng iyak hanggang sa mapagod ako. Nakatulog ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Ayoko nang bumalik sa Resort na iyon. Gusto ko nang umuwi. Naluha ulit ako nang maalala ang mga nakita ko kanina. Ang tanga ko para maniwala sa Dragon na iyon! Pinaglalaruan niya lang pala ako pero ang totoo ay may relasyon pa sila ni Josie. Padami ng padami ang mga ilaw at maingay na sa paligid. Natatakot ako. Yakap ko ang sarili ko at hindi ako tumatayo sa pagkaka-upo. Baka masasamang tao ito. Nagsisi ako na napalayo ako sa paglalakad at napapunta sa lugar na ito. “Sir nand

