BELLE POV Nag-hihintay ako na may gawin si Miguel pero tahimik lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Kasamang dumating ng barkada niya si Josie at nagpakuha pa talaga ng upuan kay Kyle para doon siya maupo sa tabi ni Miguel. Ang sweet nilang tingnan at para silang may relasyon. Hindi ko nga alam kung bakit nandidito pa din ako. Kung sigurado lang sana ako na ako ang mahal ni Miguel, malamang sinampal at pinaalis ko na si Josie. Kaso hindi. Hindi ko pa din alam hanggang ngayon kung anong relasyon namin ni Miguel. Wala akong karapatan dito at baka mapahiya lang ako. MIGUEL POV I have no choice nang umupo sa tabi ko si Josie at umasta ito na parang girlfriend ko. I need to respect her dahil babae ito at hindi naman ako makapag-utos na ipalabas ito dahil walang nakakaalam sa mga sta

