VILLA KILLUA RESORT BELLE POV Ang ganda ng resort at ang lawak. Hindi makita ang hangganan nito. Kaya siguro mahal daw ang accommodation dito sabi ni Bianca. May limang building akong natatanaw na mukhang mga hotel. “Let’s go” pag-aya ni Miguel. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko ito. “Gusto ko nang mag swimming kuya pogi!” Excited na wika ni Jelo. “Later bro. We need to see our room first” sagot naman ni Miguel sa makulit na bata. Tumapat kami sa VIP ROOM 1. Tinulungang ipasok ng isang lalaki ang mga dala-dalang naming mga gamit. Muli kaming tumapat sa isa pang pinto na katapat nito. Ang naka-sulat doon ay VIP ROOM 2. Dito ipinasok ng lalaki ang mga gamit namin ni Miguel. Nag-aalala akong tumingin kay Nanay. Baka magalit ito dahil tumatabi ako matulog sa iisang kuwarto k

