MIGUEL POV Nag-paalam na si Belle na matutulog na. Ilang saglit pa kaming nag-kwentuhan ni tatay. Marami itong kinuwento tungkol sa buhay nila pati na ang rason kung bakit nasa Mansion si Belle. Pina-sundo daw ito nila Mom and Dad dito papuntang Maynila. Ibig sabihin ay nagsasabi si Belle ng totoo? Na hindi siya ang nagdala sa parents ko sa hospital? Kung ganoon, sino? Bakit ang sinasabi ni Tita Jean ay si Belle ang nagdala sa hospital? Gusto ba ni tita Jean na kamuhian ko si Belle? Ang dami kong katanungan pero hindi naman ako kinakausap ni tita Jean. Hindi naman nagtanong si tatay at hinayaan lang akong magkwento dito kaya hindi ko pa din nasabi dito na anak ako ng mga Villamor. Kinuwento ko na din dito na maaga akong humawak ng negosyo kaya naman nasanay na ako mamahala sa mg

