MIGUEL POV
“Hello. Bago ka dito?” Tanong ng isang batang babae nang makalapit sa akin.
“Ahh yes, I’m here to visit.” Alam ko na kung saan papunta ito. Ilang babae na ang naka-usap ko ng ganito.
“Ah ganon ba. Welcome sa aming barrio! Mukhang pagod kana. Nag-dala na ako ng tubig”. Pag-abot nito sa akin at halos mapunit ang bibig nito sa sobrang ngiti.
“No, thanks” nakangiti kong pag-tanggi dito.
“Sige na. Para sa iyo ito” pamimilit ng babae.
Napa-iling na lang ako dito.
Nakita ko naman na nakatingin sa gawi namin si Belle at hinhintay ko itong lumapit pero mukhang wala itong balak na proteksiyonan ako laban sa babaeng ito.
Hindi talaga nakakaramdam ng selos.
Madali kong kinuha ang baso at ininum iyon habang naka-tingin pa din kay Belle. Tinitingnan ko ang magiging reaksyon nito.
Tumalikod lang ito at naglakad papasok ng bahay.
Hindi ko malaman kung may epekto ba dito ang ginawa ko para mag-selos siya.
“Love?” Twag ko kay Belle pagkapasok sa bahay.
Nagtungo na agad ako sa loob ng bahay nang tumalikod si Belle.
Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pag-kain.
“Gusto mong coffee?” Tanong ko dito at umupo na din ako sa tabi niya.
“Huwag mo akong intindihin. Kumain ka na”.
Pagsawalang bahala nito.
“Bakit parang ang sungit ng love ko? Hindi ba maganda ang gising mo?” Pagsuyo ko dito.
Naka-ngiti lang naman si Nanay sa amin at maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga kapatid nito para kumain.
“Huwag kang mag-alala love, ikaw lang” patuloy na pag-suyo ko dito.
Nakita ko naman na gumana ang the moves ko kay Belle dahil napa-ngiti na ito.
“Hay nako. Wala akong planong kumontra sa inyo ni Aubrey kung iyon ang iniisip mo”.
“Why? Nagseselos ka?”
Hindi ito sumagot kaya tinusok ko ng bahagya ang tagiliran nito.
Napasigaw naman ito. Malakas pala ang kiliti ng love ko ah.
“Tumigil ka nga!” Saway nito sa akin.
“Kumain muna kayo! Mamaya na ang harutan nasa harap kayo ng pag-kain” saway ni nanay.
“Sorry po”. Tanging sagot ko habang si Belle naman ay hindi pa din maalis sa labi ang ngiti. Natuwa pa ito nang sawayin kami ng Nanay niya.
BELLE POV
Kaunti na lang talaga mamahalin ko na itong dragon na ito.
Pakiramdam ko unti-unti nang nahuhulog ang puso ko para dito at hindi ko na yata mapipigilan pa.
“Saan ba may magandang pasiyalan dito Bianca, para masulit ng ate mo yung mga araw bago ito mag-aral?” tanong nito sa kapatid kong sumunod sa akin.
“Sa bayan kuya Miguel. Maraming tao doon at marami ding pamilihan o kaya naman baka gusto niyo mag-swimming sa talon”. Magiliw na sagot nito.
“Talon? What’s that?” Maang na tanong ni señorito.
“Para pong dagat pero maliit lang chka hindi maalat ang tubig doon at may umaagos na tubig pababa na mula sa bundok” paliwanag naman ni Bianca.
“Like waterfalls?” Tanong nito.
“Iyon nga kuya. Waterfalls!” Sambit naman ni Bianca.
Mukhang nakagaanan na din ng loob ni señorito ang mga kapatid ko.
Nakakatuwang makita na close sila kaagad kahit kaka-kilala pa lang ng mga ito.
“How about resorts? May mga resorts ba dito?”
“Ay opo kuya! Kokonti pa lang ang mga resorts dito pero may isa akong alam na pinaka-maganda dito”.
“Talaga? Where?”
“Hindi ko pa iyon napuntahan pero naririnig ko iyon sa mga kaibigan ko, Villa Killua ang tawag nila. Mahal daw kasi doon kaya naman wala pang nakakapunta doon galing dito sa lugar natin”. Mahabang paliwanag nito.
“Oh maganda pala, so, we should go there!” Pag-desisyon na naman ni señorito.
“What do you think, Love?” Baling nito sa akin.
Nasanay na nga itong tawagin akong “love”.
Hindi pa ako sumasagot dahil pinag-iisipan ko pa ang alok nito na mag-swimming kami.
“Sige na ate! Pumayag ka na, mag-eenjoy tayo doon”. Pamimilit ni Jelo na humawak pa sa kamay ko.
“Love, pag-bigyan mo na ang mga bata” nakangising pag-uudyok nito.
“Dahil gusto ni Jelo mag-swimming, sige!” Masaya kong tugon kay Jelo.
“Yehey!!” Natutuwang sambit ni Jelo at Bianca.
“Excited na ako ate! Anong susuutin natin? Bawal daw doon ang hindi naka-swimming attire kasi mahigpit daw doon?” Tanong naman ni Bianca.
“Your Kuya Miguel got you!” “Wala na kayong iintindihin pa kung hindi ang mag-enjoy!”
“Kailan tayo pupunta doon kuya pogi?” Excited na tanong ni Jelo.
“Kailan niyo ba gusto?” Balik na tanong nito.
“Bukas na lang at para makapag-pahinga muna tayo bago mamasiyal ulit” wika ko naman sa mga ito.
“O bukas daw little bro and sis!” Masayang sabi nito sa mga kapatid ko.
Busy ito sa kaka-type sa cellphone nito nang kausapin ko ito ng seryoso.
“Señorito, baka masanay na ang mga kapatid ko niyan” sinsero kong tanong dito nang umalis na ang mga kapatid ko para mag-handa ng kanilang dadalhin.
“Love naman. Anong señorito? Baka marinig ka pa nila at saka nakakatanda ang señorito”.
“E anong itatawag ko sa’yo, Miguel?”
Nanlalaki ang mga mata ko dito.
Tumawa naman ito sa naging hitsura ko.
“Pwede mo naman ako tawaging love, o mahal? Ikaw, ano bang gusto mo? Malambing na tanong nito at nakayapos pa sa akin.
Kinikilig ako sa ginagawa nito. Pakiramdam ko hindi kami bagay dahil sa sobrang pogi nito at ang yaman niya din.
Mabilis na kumalas sa pag-kakayakap sa akin si señorito nang may kumatok sa pinto.
Bukas naman iyon kaya alam kong hindi nakatira dito sa bahay ang tao na nasa labas.
“Pasok”. Mahinahon kong sabi na hindi na ako tumayo pa para tingna kung sino ito.
Ganito naman kami sa probinsiya dahil hindi na din iba ang mga kapit-bahay namin.
May mangilan-ngilan nga lang na mga maritess na nagkalat pero nagtutulungan pa din naman kapag may nangangailangan ng tulong.
Lumayo naman si señorito ng konti at may kinausap sa cellphone nito.
Hindi pumasok sa isip ko na ang taong kumatok pala ay si Bianca…