Chapter 19

1168 Words
MIGUEL POV “Where are you?” Seryosong tanong ko sa kausap ko. “Malapit na po señorito, papasok na po sa kanto”. Sagot naman nito. Kailangan naming mamili ng susuutin namin para bukas. Mga swimming attires and mga damit din namin ni Belle dahil pareho kaming konti lang ang nabitbit. Isa pa, wala din kaming regalo o pasalubong na naiabot sa mga magulang at kapatid nito. Kausap ko sa cellphone ang body guards nang tawagin ako ni Belle. “Okay sige na, bilisan niyo lang”. Sagot ko sa kausap ko sa phone at lumapit na kay Belle. Nandoon sa tabi nito ang babae na kausap ko kanina na nag-abot sa akin ng tubig. Nakalimutan ko nang mag-paalam dito kanina dahil noong nakita kong tumalikod na si Belle, agad na akong pumasok ng bahay. Hindi ko na nga nalaman ang pangalan nito. May dala-dala itong bowl na may lamang pagkain. Napalunok ako dahil hindi iyun masarap sa paningin ko dahil sa kulay nitong itim. “Hi Miguel” pagbati noong babae. “Oh hi. Nice to see you again” “Dinalhan kita ng ulam baka hindi ka pa kumakain eh” “Ahh thanks pero busog pa ako” pag-tanggi ko dito. “Sige na. Tikman mo lang, masarap ito” namimilit na naman ang babae. Tumingin na ako kay Belle na wari’y nanghihingi ng tulong. Nakikiusap na tingin ang ibinigay ko kay Belle. “Sige na tikman mo lang” sagot ni Belle na naka-ngiti pa. “No!” Napataas ang boses ko dito. Nagulat ang babae sa naging sagot ko. Seryoso na kasi ang mukha ko at hindi talaga ako kakain noon dahil hindi ko naman alam kung ano iyon. Isa pa, kulay itim ito at medyo masangsang ang amoy. Si Belle naman ay naka-ngiti lang. Tuwang-tuwa pa ito sa kalagayan ko. “Masarap iyan. Dugo iyan ng baboy at mga laman loob kaya naman malasa”. Pag-papaliwanag pa ni Belle habang patango-tango naman yung babae. “WHAT???” Halos masuka ako sa sinabi nito at iniiwas ang tingin sa pagkain na iyon. “Oh my God. Please, ayoko niyan” hindi ko napigilang sabi sa mga ito at napa-simangot pa ako dahil sa na-imagine ko. “Haahhaha!!” Tawang-tawa si Belle sa reaksyon ko. Halos hindi ito makahinga sa kakatawa kaya naman napa-ngiti na ako at nawala na sa isipan ko ang naimagine ko. “Kasi naman, alamin mo muna kung kumakain ba yung pag-bibigyan mo Aubrey” sabat naman ni Bianca na pinipigil ang tawa. “Sorry Aubrey. Kung sa amin mo iyan ibibigay siguradong kakainin namin iyan dahil alam naman namin na napaka-sarap ng dinuguan” paghingi ng pasensiya ni Belle sa babae. Napa-simangot na naman ako sa term na binanggit nito, “dinuguan”. “E kaso ito kasing boyfriend ko hindi sanay sa mga pagkaing ganyan”. Pagpapatuloy nitong hingi ng pasensiya. “Saang planeta ka ba kasi galing, love?” Natatawa pa ring tanong nito. Alam kong sinasadya na nitong tawagin akong love para malaman talaga noong babae na may girlfriend na ako. “Love naman. Hindi pa kasi ako nakakain ng ganyan pero taga dito talaga ako sa earth” pag-sakay ko naman dito. Tawa ng tawa ang mag-kakapatid habang nagulat naman ang babae na Aubrey pala ang pangalan. Hindi marahil nito alam na may relasyon kami ni Belle. Natuwa naman ako dahil tinawag din akong “love” ni Belle. Sa wakas! “Ahh boyfriend mo siya ate Belle?” Tanong ng babae. Tumango lang naman si Belle dito habang naka-ngiti at nagpupunas pa ng luha dahil sa sobrang pagtawa nito. Pumasok naman sa pintuan ang isa sa body guards tanda na ready na ang sasakyan sa pag-alis namin. “Let’s go” kinuha ko na ang kamay ni Belle. “Saan tayo?” Nagtataka namang tanong nito. “Bibili na tayo ng swimming attire ni Bianca” sagot ko dito. “Talaga kuya? Ngayon na?” Nag-aalalang tanong nito. “Sama ako kuya.” Paglalambing ni Jelo. “Of course!” Sagot ko dito. “Sige na mag-paalam na kayo kina Nanay at Tatay” utos ni Belle sa mga ito. Nakita naman namin na kumaway si Nanay tanda ng pag-payag nito sa pag-sama sa amin ng magkapatid. Nandoon pa din nakatayo ang babae na di pa din mabawi ang sarili sa pagkagulat. “Aubrey. Thank you sa dinuguan. Diyan mo na lang ilagay sa lamesa at siguradong kakainin namin iyan” nakangiti nitong sabi sa babae. Mabait pa din si Belle dito kahit alam niyang may pagkagusto sa akin ang babae. “Sige. Mauna na ako” tanging nasabi nito at tuluyan nang umalis matapos ilapag sa lamesa ang dala-dala nito. Kumuha lang ng jacket na black si Belle sa kuwarto at magka-hawak kamay na kaming lumabas patungo sa sasakyan. Napaka-sexy nito sa suot ngayon. Simple lang pero ang lakas ng dating. Naka-sleeveless ito na pang-itaas. Naka-sando at naka-tucked-in ito sa shorts na kulay neon peach. Kita ang hubog ng puwetan at balakang nito sa suot na shorts. Naka-pusod ang buhok nito at makikita ang maputing batok nito. Hindi ako makapaniwalang girlfriend ko na ito ngayon. BELLE POV “Wow ate. Ang ganda ng sasakyan na ito” namamanghang sabi ni Bianca. “Thanks sis” sagot naman dito ni Miguel. “Sa iyo ito kuya pogi?” Tanong ni Jelo dito. “Oo at sa iyo na din ito” mabilis na sabi ni Miguel. Nahampas ko naman ito sa balikat para pigilan. Baka mamaya umasa ang mga kapatid ko. “Love! Wag kang magbibiro ng ganyan sa bata baka mamaya hindi na maniwala sa iyo yan kapag seryoso ka na” pag-saway ko dito. Love na din ang tawag ko dito. Naiilang ako noong una pero masasanay na din ako. “Hindi ako nag-bbiro love. Iiwan na natin ito kay Tatay para may magamit silang service kapag nagppunta sa pwesto niyo sa palengke”. “Ha?” Maang kong tanong dito. “Sabi ni tatay malayo daw dito ang puwesto niyo at kailangan pang mag-arkila ng paglalagyan ng karne”. Sagot nito. “Alam mo na may pwesto kami sa palengke?”. “Oo? Bakit?” Tanong nito. “Wala naman”. Naisip ko na baka umiwas na ito sa amin dahil sa mahirap lang kami. Kung tutuusin, maganda na ang buhay namin kumpara sa ibang walang negosyo dito sa barrio pero iba kasi si Miguel. Sobrang yaman nito at walang wala kami sa katayuan nito sa buhay. “Kaya mabuti na iiwan na natin itong pick-up dito, Love. Hindi ko naman ito nagagamit dahil nandoon lang ito sa airport at magagamit ko lang kapag bumaba ako galing sa plane.” Pagpatuloy ni Miguel. “Sabagay. Sayang naman kung hindi magagamit” Sang-ayon ko dito. “Thank you kuya pogi!” Pasalamat ni jelo dito. “You’re welcome!” Nakangiti nitong ginulo ang buhok ni Jelo na noon ay nasa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD