Chapter 20

1030 Words
BELLE POV “Let’s eat first, anong oras na din”. Pag-aya ni Miguel. “Huwag kang makulit Jelo ha? Mukhang mamahalin ang mga gamit dito at kapag nabasag mo mahal ang babayaran natin”. Pag-papaalala ni Bianca kay Jelo. Ito na ang tumayong ate kay Jelo pag alis ko kaya naman naging matured agad ito. Mukha na itong nasa 18 years old samantalang kinse pa lamang ito. Sabagay, ako din naman ay napagkakamalang nasa 20’s na gayong kaka-18 ko pa lang naman. Maaga siguro kami naging matured sa buhay dahil hindi kami inispoiled nila Tatay. Bata pa lang kami at may kaniya kaniya na kaming toka sa gawain sa bahay at palengke. Si Jelo nga lang ang medyo naispoiled na dahil bunso ito. “Welcome to our Resto señorito and here’s the Menu” naka-ngiti ito na iniabot ang Menu kay Miguel. Nagtataka naman ako dahil mukhang magkakilala ang dalawa. Nagpupunta din ba dito si Miguel sa probinsiya namin? Isa itong class na restaurant na nandidito sa loob ng Mall. “Well. Nice to see you again Harold. This is Belle my girlfriend and our siblings, Bianca and Jelo” pakilala nito sa amin. “Hi” naka-ngiti kong bati dito. “Nice to meet you too, again, señorito Villamor and to you Ms. Belle” ngumiti din ito sa aking mga kapatid. Isa-isa nang nag-datingan ang mga pagkain. As usual, marami na naman ang inorder ni Miguel. “Wow! Ang daming pagkain!” Makatotohanang sambit ni Jelo. “Come on, let’s eat para makapag-shopping na tayo”. Pagsisimula ni Miguel. Tahimik kaming tatlo ng aking mga kapatid na nakatingin sa pagkain at nakayuko. Kaniya-kaniyang pagdarasal ang ginawa namin. Nagpapasalamat kami sa pagkain na nakahain. Iyan ang turo sa amin ng aming parents. Nakita naman ito ni Miguel at hinintay kaming matapos bago nagsimulang kumain. MIGUEL POV Habang tumatagal ay lalo akong napapahanga ni Belle. Madasalin itong tao. Kailan nga ba ako huling nagdasal? Hindi ko na matandaan. Siguro tuwing birthday ko noong bata ako. Dahil kay God ko sinasabi ang wish ko. “Can I join you?” Wika ng lalake na nakatayo sa bandang gilid ko. Nakilala ko agad ang boses nito at alam kong malapit ito sa akin dahil hindi ito hinarang ng mga body guard. “Mico! Bro, nandito ka din?” Nakipagkamay ako dito at tumingin kay Belle kung payag ito na sumali sa aming table si Mico. Tumango naman si Belle. “Sure!” Sagot ko kay Mico. “Kunyari ka pa e hinintay mo munang sumagot si Belle. Paano pala kung hindi siya pumayag?” Pagtatampo nito kunyari. “E wala tayong magagawa” pag-sakay ko dito. Masayang tanghalian ang nangyari. “So, mag-soshopping kayo?” Tanong nito pag-katapos namin sa pagkain. “Yes bro. Mag-swiswimming itong mga bata bukas at kailangan ng magagamit”. “Ah samahan ko na kayo.” Pag-kusa ni Mico. “Mabuti pa nga dahil kabisado mo dito”. Sagot ko. “Bicolano ka din?” Tanong ni Belle dito. “No. Isa itong resto sa family business namin at kailangang bisitahin. Alam mo na, it’s a no choice, sa mga katulad namin na tagapag-mana” may pag-buntong hininga pa ito. Agad ko naman itong tinapik para pigilan ang sasabihin. Hindi pwedeng malaman ng mga ito na galing ako sa mayamang pamilya. Kahit si Belle ay hindi alam kung gaano ako kayaman kaya nagugulat ito sa mga bagong nalalaman tungkol sa akin. “Talaga? Ikaw ang may-ari nitong sosyal na restaurant?” Di naiwasang tanong ni Bianca. “Yes Ms. beautiful..” sagot ni Mico dito. Napangiwi si Bianca sa narinig. Pareho sila ng ate Belle niya ng ugali. Hindi madaling madala sa mga simpleng pambobola. “Hindi ko akalain na mahilig ka din pala sa babae Mico, akala ko iba ka kina Miguel” sabat ni Belle na naka-ngiti. “Bakit naman nasali ako diyan. Good boy na ako” sagot ko dito. “Woy! Belle. Hindi ako mahilig sa babae. Sila ang mahilig sa akin!” Pagbibiro nito Mico dito. Hawak ang ulo na natatawa si Belle dito. “Well. Huwag mong ibilang sa kanila si Bianca dahil bata pa iyan” ako na ang nag-sabi dito para malaman niya na seryoso ang usapan. “Hey guys! Bakit napaka-seryoso niyo? Hahhaha” pag-awat nito sa amin. “Bakit, ilang taon ka na ba Bianca?” Muling baling nito sa kapatid ni Belle. “15” matipid na sagot nito. “Konting panahon na lang pala ang hihintayin ko eh”. Pagpapatuloy nito. “Hey!” Saway ko dito. “Baka mamaya matakot si Bianca sayo at hindi ka na pasamahin sa pag-shopping”. “Uy joke lang iyon Bianca ha” agad nitong bawi. BELLE POV Nandidito na kami sa store ng kilalang swim wear sa loob ng mall. “So, saang resort ang punta ninyo?” Tanong ni Mico sa amin. Namimili na kami ni Bianca ng susuutin na swimsuit habang si Miguel naman ay hawak-hawak si Jelo. “Sa Villa Killua kuya. Maganda daw doon ang dagat at malawak pa ang swimming pool” magiliw na sagot ni Jelo. Nahuli ng aking paningin ang tinginan ni Miguel at Mico nang marinig ni Mico ang Villa Killua. “Ah oo maganda nga doon.” Sang-ayon ni Mico. “Naka-punta ka na ba doon?” Tanong ko kay Mico. “Ahhmm..” sandali itong nag-isip bago sumagot. “Oo. Minsan”. Matipid nitong sagot. “Gaano ba kadalas ang minsan?” Tanong ko dito at nahalata ko ang kaba sa mukha nito na nakatingin kay Miguel na wari ay nagpapasaklolo. “Hoy Mico! Kanta yun!” Tawag ko dito. “Ha?” Maang na tanong nito. “Kanta yun. Nag-joke lang ako. Masiyado kang seryoso” sabi ko dito. Natatawa si Bianca habang yung dalawa ay walang reaksyon. “Ang hirap naman mag-joke sa mayayaman!” Tanging nasabi ko sa mga ito na nag-tinginan lang. Inakay ko na si Bianca sa mga naroon sa cabinet para mamili ng swimsuit at iniwan namin ang dalawa na hindi pa din ma-gets ang joke na sinasabi ko. Bahala sila doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD