MIGUEL POV Sinenyasan ko si Mico na wag nang magsalita pa at sumagot sa mga binabatong mga tanong ni Belle dahil baka malaman pa ng mga ito na ako ang nag-mamayari ng Villa Killua Resort. “Oo, minsan.” Pag-sisinungaling ni Mico kay Belle. Madalas siyang mag-stay sa resort kapag nagagawi dito sa Bicol. Open ang resort ko sa mga kaibigan ko. Tanging barkada ko lang ang nkaka-alam niyon at wala nang iba kahit pa parents ko. Ayaw kong malaman ng lahat na may naipupundar akong mga negosyo. Ayaw ko ding madikitan ito ng pangalan ng Villamor dahil siguradong pag-uusapan ito at wala na akong magiging privacy pa. Isa pa, sobrang laki na ng business ng parents ko kaya nga kilalang-kilala kami kahit saan mag-punta. “Nakapili na kayo?” Tanong ko sa mag-kapatid. “Oo love, okay na ito” sagot na

