bc

The Innocent

book_age18+
7.8K
FOLLOW
31.5K
READ
sex
forced
pregnant
drama
comedy
twisted
sweet
serious
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

Mr. Montenegro a 28 year's old, business man, who fall inlove to a Innocent girl Athena Gomez, who can do everything just get half Million pesos to save here mother

Vigie Gomez.

At sa hindi inaasahang pagkakataon pagtatagpuin ang landas nila sa isang bar,kung saan mababangga ni Mr.Montengro si Athena, at mai babarfine ng isang gabi kapalit ng kalahating Million..

chap-preview
Free preview
kabanata Ika-Una
Kasalukuyang rumaraket si Athena at naglalako ng sabon sa mga barangay nang nakatanggap ito ng tawag mula sa kaniyang kaibigan na si Gerald. "Athena, ang Nanay mo itinakbo namin sa hospital at walang malay," saad ni Gerald sa kabilang linya na rinig sa boses ang pag-aalala nito. Hindi naman agad nakapagpagsalit ang dalaga dahil sa balitang bumungad sa kaniya at pagkabigla hanggang sa muli niyang narinig ang boses ng kaibigan. "Athena! Naririnig mo ba ako? Nariyan ka pa ba?" nag-aalalang tanong ni Gerald sa kabilang linya. Agad namang nabalik sa ulirat ang dalaga at nagmadaling naglakad patungo sa paradahan ng tricycle. "Saang hospital 'yan?" tanong naman agad ni Athena sa kabilang linya na hindi mawala ang pag-aalala sa mukha. Nang malaman nito ang address ay agad nitong pinutol ang linya sumakay ng tricycle at umalis sa kaniyang area ng walang paalam at pinutol na ang linya. Dahil malapit lamang ang hospital ay agad 'tong nakarating habang humahangos pa. Sa kaniyang pagpasok sa loob ng hospital patungo sa emergency room ay siya namang paglabas ng doctor galing ng emergency room ay nagsalita agad ito. "Sino ang kamag-anak ng pasyente?" tanong agad ng doctor. "Ako po," sagot naman agad ni Athena na at nilapitan ang doctor na nababakas ang takot at pag-aalala. Napatingin naman si Gerald at ang ina nito sa kinaroroonan ng boses dahil sa pamilyar na boses ng dalaga. "Kaano-ano mo ang pasyente?" tanong ng doctor kay Athena. "Ako po ang kaniyang anak," sagot agad ni Athena. "Kailangan ng operahan ang Inay mo sa lalong madaling panahon. Dahil sa malala na ang sakit nito sa puso at baka magkakumplikasyo pa 'to na maari niyang ikamatay," saad agad ng doctor. "Po?" sambit ni Athena na napa-awang ang labi nang marining ang wika ng doctor at tumulo ang luha nito ng hindi namamalayan. 'Diyos ko! Ano pong dapat kong gawin? Saan ako kukuha ng malaking halaga? Para sa operasyon ng Inay ko," tanong ni Athena sa kaniyang isipan na nakakaramdam ng pag-aalala. Lumapit si Gerald sa dalaga at hinawakan nito ang palad ni Athena. "Huwag kang mag-alala. Nandito lang kami ni Inay para tulungan kayo. May ipon ako pwede mo munang hiramin. Hindi pa naman ako mag-aaral, next year pa," saad ni Gerald na kita sa itsura nito ang nag-aalala rin. "Doc, magkano po ba ang kailangang halaga? Para maoperahan ang Inay ko," tanong ng dalaga. "Miss Gomez, maghanda ka ng kalahating milyon o higit pa," sagot ng doctor sa dalaga. "A-Ano po? Ka-kalahating Million?" tanong ng dalaga na parang nabingi sa sinabi ng doctor at napalaki ang mga mata nito habang naka-awang rin ang labi nito. "Kailangan mo ng permahan ang waiver, Miss Gomez. Para maoperahan na sa lalong madaling panahon ang Inay mo. Bakit Miss? Pababayaan mo nalang ba ang Inay mo?" makahulugang tanong ng doctor sa dalaga. "Hindi po, doc. Hinding-hindi ko po pababayaan ang Inay ko at gagawin ko po lahat ng paraan para maoperahan siya at madugtungan ang buhay ng Inay ko," madiin na sagot ng dalaga. "Sige, Miss Gomez. Ipapahanda ko na ang operating room. Para maoperahan agad ang Inay mo. Paki pirmahan na lang ang waiver na ibibigay sa 'yo," saad ng doctor. Maglalakad na sana 'to palayo nang muling magsalita ang dalaga. "Doc, paki-usap po, gawin n'yo po ang lahat para mabuhay ang Inay ko. S'ya na lang po ang mayroon ako," pagmamakaawa nito sa doctor habang tumutulo ang luha. "I will, Miss Gomez. At gagawin ko ang trabaho ko," saad ng doctor. Pag-alis ng doctor at pagkatapos pumirma ng dalaga ng waiver ay agad na lumapit ang dalaga kay aling Koring. "Aling Koring, kayo na po sana ang bahala kay Inay at sana po, kung maari ay huwag n'yo siyang iiwan," pakiusap ng dalaga sa Ginang. "Saan ka pupunta, Athena?" takang tanong naman ni Gerald. "Huwag kang mag-alala, Gerald. Gagawa lang ako ng paraan para makahanap ng kalahating million at kahit ano gagawin ko para kay Inay. Babalik rin ako agad," saad at paalam nito kay Gerald. Tumalikod na 'to at tumakbo palabas ng hospital. 'Wala na 'kong ibang paraan na na-iisip kung hindi ang puntahan si Dina," saad ng dalaga habang naglalakad. Agad itong nagpara ng taxi at sumakay. Nang makarating s'ya sa bar na pinagtatrabahuan ng kaibigan ay agad n'yang hinanap si Dina. At sakto naman na nakita n'ya ito agad. Kaya kinawayan s'ya nito tumayo at naglakad papalapit sa kaniya. "Uy! Kumusta ka? Bakit ang lungkot ng mga mata mo? Umiyak ka ba? Ano'ng problema mo?" sunod-sunod na tanong nito kay Athena. "Best, si Inay kasi nasa hospital. Kailangan ng operahan. Kailangan ko ng tulong mo. Baka naman mayroon kang kalahating million d'yan? Pangako babayaran kita. Kahit may interest pa. Kilala mo naman ako 'di ba?" pagsusumamo ni Athena at hindi mapigilang tumulo ang luha nito. Niyakap s'ya agad ng kaibigan at sinabing, "Kilala kita, best. Alam kong lahat gagawin mo para sa Inay mo. Best, pasinsya kana ah. Alam mo naman 'di ba? May mga kapatid akong pinag-aaral at pamilya na sinusuportahan. May pera ako halika rito ibibigay ko sa 'yo. Pero best. Pagpasinsyahan mo na 'yan lang ang ipon ko. Kunin mo na lahat." "Best, salamat, ah," saad nito kay Dina at niyakap n'ya ito ng mahigpit. "Kaso lang, best. Kalahating million ang kailangan ko kulang pa rin to. Ano bang ang dapat kong gawin? Saan ako kukuha ng kalahating million?" nag-aalalang tanong nito at kita sa mukha ang pagsusumamo. "Kung gusto mo, best. Puwede kong kausapin ang manager ng bar. Puwede kang magtrabaho rito bilang waitress, kaso lang best, alam mo naman na hindi maiiwasan na bastusin ka rito at pag interisan ka. Lalo ka na cherry ka pa. Best, huwag na lang hindi ka nababagay sa lugar na 'to," saad ni Dina na nagdadalawang isip na ipasok ang kaibigan sa bar. "Pero, best. Paano ang Inay ka? Kailangan ko 'tong gawin para sa kaniya. At wala na akong ibang pagpipilian," wika naman ni Athena kahit pa labag sa kan'yang kalooban. "Sigurado ka ba, best?" tanong muli ni Dina. "Oo, best. Siguradong-sigurado na ako," sagot naman ni Athena at tumingin sa mga mata ng kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.4K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
596.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook