Kinabukasan ay maagang nagising ang mag-asawa. Si Athena naman ay kanina pa kinakabahan at naiiyak, pero pilit nitong pinipigilan. Hindi rin ito makatingin ng diretso sa mga mata ng kaniyang asawa. Paalis na sila ng bahay nang nagsalita si Edward. "Ang tagal naman ni Troy. Saglit lang at tatawagin ko." "Andito na 'ko hindi muna ako kailangan pang tawagin, sumakay ka na at ako na ang magda-drive," saad ng nakababatang kapatid nito. "Babe, okay ka lang?" tanong ni Edward sa kaniyang asawa. 'Yes, I'm okay," saad nito at pilit pinipigilan ang patak ng luha. Agad na sumakay si Troy sa kanilang sasakyan at pinagbuksan naman ni Edward ang asawa nito ng pintuan ng sasakyan at dali-daling sumakay na rin. Noong nakasakay na ang lahat ay agad namang nagmaneho si Troy paalis. Nang makarating

