MAKALIPAS ang dalawang araw na pamamalagi ni Edward sa Isla dahil sa bagyo ay nag-decision na itong bumalik na ng Maynila at paalis na ito ngayon nang makita si Andrea na tinitingnan siya. "Andrea, sumama ka na sa 'kin. Para makabawi ako sa pagligtas mo sa buhay ko. At para makilala mo ang asawa ko pati na rin ang kapatid ko." "P-Po?" gulat na saad ng dalaga. "Hindi na po, kasi wala pong kasama si Lola rito at isa pa po ano'ng gagawin ko roon?" tanggi nito at tanong na rin. "Sumama ka na, Andrea. Para makilala mo ang kapatid ko. Sigurado ako magugustuhan mo siya," saad pa ni Edward na may ngiti sa labi at tinitingnan ang dalaga. "Hmmm... hindi na po at salamat na lang po." "Gusto ko lang makabawi sa 'nyo Andrea at makatulong na rin." "Huwag po kayong mag-alala, Sir. May next tim

