Pag labas ng magkaibigan sa groserihan ay pinagtitiningan si Athe ng mga tao. At may isang babae na lumapit sa kaniya. "Miss, ikaw to, 'di ba?" tanong nito sa dalaga. "Ha? Hi-Hindi, hindi ako 'yan. Kahawig ko lang siguro," sagot naman agad ni Athena na may pagtanggi. Kinuha ni Gerald ang coupon bond na hawak-hawak ng taong nagtatanong kay Athena. At tiningnan niya ito ng mabuti. At sabay tingin kay Athena ng naka kunot ang noo at sinabing, "Hlikana umalis na tayo rito." Agad na sumakay ng tricycle si Athena. At pinaharurot naman ni Gerald ang tricycle na kanilang sinasakyan. Nagtaka naman ang dalaga dahil imbes dalhin siya nito sa hospital ay dinala siya ni Gerald sa bahay nito. Nang makababa na sila at pumasok sa loob ng bahay ay ni-lock niya agad ang pintuan. "Gerald, bakit mo ni

