Chapter Eight

2607 Words
CHAPTER EIGHT “SIMPLE LANG naman 'yan, eh. Kung wala rin lang akong pag- asa sa'yo, ano pa ang silbi ng buhay ko?” “Eh papa'no naman ako? Hindi ako marunong lumangoy at hindi rin ako marunong magsagwan. Pa'no pa 'ko makakaalis dito?” “Pwede rin namang bigyan mo na lang ako ng chance para wala na tayong problema?” Pinandilatan niya ito. “Ah, bina- black mail mo nga ako sa lagay na 'to. Grabe ka, Ceddie, ang sama mo!” asik niya. “Hahawakan mo lang naman nang mahigpit 'tong mga sagwan tapos parang itutulak mo lang siya.” “San Diego!” “O, 'wag kang sumigaw, nabubulabog mo ang mga engkanto,” nakatawang sabi naman ng binata. At talagang nakuha pa siya nitong takutin! “Hindi magandang biro 'to, ha! Magsagwan ka na nga para makatatlong ikot na tayo!” “Ang taray talaga,” napailing na ani Ceddie at nagsimula ulit magsagwan. Lihim namang nakahinga nang maluwag ang dalaga. “'Wag ka na uli magbibiro nang gano'n, Ceddie, ha?” “You mean wala talaga akong pag- asang ligawan ka?” Hindi naman siya nakasagot agad. Ang totoo, iyon na ang pagkakataong hinihintay niya, ang finally ay tanungin siya nito kung pwede siya nitong ligawan. Ang kaso, hindi naman niya napaghandaan kung paano siya sasagot ng 'oo'. Pa'no ba kasi? Napatikhim siya. “Um, sasagutin ko ang tatanong mo kapag nakatatlong ikot na tayo.” “Talaga?” masiglang sabi nito at pagkuwan ay bumulong. “Sana pala nag- speedboat na lang tayo.” “Ano'ng sabi mo--” Napahawak siya sa magkabilang- gilid ng bangka nang medyo bumilis ang paglayag nila. “Dahan- dahan naman!” “Time is gold.” PAGKATAPOS NG tatlong ikot ay nagsagwan na si Ceddie papuntang dock at itinali na lang ang bangka sa halip na ibalik sa tabi ng ilog. Nauna itong tumayo at inalalayan siyang umahon at tumuntong sa dock. “Thank you,” sabi niya. “Sana maulit, 'no?” anito nang makaahon na ito sa bangka bitbit ang lantern. “Sana.” Habang naglalalad sila pabalik ng picnic mat ay wala silang kibuan. Katatapos lang niyang isuot ang sapin niya sa paa nang magsalita ito. “It's getting late, I need to take you home,” sabi nitong nakatingin sa suot na relo. Napatingin din siya sa relong suot niya. “Tingin ko nga,” pagsang- ayon naman niya. “Um, sila na ba ang bahalang mag- ayos nito?” “Don't worry, kasama na 'to sa bayad ko. Mga kalahating taong sweldo ko rin ang inabot ng expenses dito.” “Grabe ka naman!” “Joke lang,” nakatawang pakli nito at inalok ang braso sa kanya. “Halika na.” “Okay,” tugon niya at agad na humawak. “Thank you, Cedfrey, ha? Nag-enjoy talaga ako ngayong gabi.” “Parang 'to lang. I'm just happy you liked it. Masaya na rin ako.” Nagsimula na silang maglakad palabas ng eco park. Naging tahimik na naman sila. “Um, Ceddie,” sabi niya ilang sandali pa. “Yes?” “Bakit ako ang hiningan mo ng chance na ligawan kung marami ka namang kakilalang magagandang babae? Bakit ako, bakit hindi si Macy?” Narinig niya itong bumuntong- hininga. “Papa'no ko ba ipapaliwanag? Sa totoo lang hindi ko naman masasabi kung ano ang saktong dahilan, ang alam ko lang, sa kanilang lahat ikaw ang nag- stand out. Sapat na ba 'yon?” She bit her lip, trying hard to hide her smile. She stood out. And that's way too flattering. She's just her. Huh, well said. “Gusto kong maging honest sa'yo, Ceddie. Nakaka- flatter itong atensiyon na binibigay mo sa 'kin kung kailan naman tingin ko walang anumang special sa 'kin. Thank you kung 'yon nga ang dahilan mo. Gusto ko lang malaman mo na kung magbu- boyfriend man ako ngayon, gusto ko sana na siya na rin ang pakakasalan ko. Are you thinking of settling down years from now?” “Oo naman,” mabilis naman nitong sagot. “Payag na 'ko.” “Pardon?” parang nabinging anito. “Pumapayag na 'ko na ligawan mo 'ko. Basta siguraduhin mo lang na malinis nga ang intensiyon mo at kaya mo 'ko gustong ligawan kasi seryoso ka sa 'ting dalawa.” “Bakit, iniisip mo bang naglalaro lang ako? There's no way I would do that.” “Hindi naman sa gano'n. Ito kasi ang unang pagkakataon na magpapaligaw ako at kung pwede sana ito na rin ang huli. Kaya, Ceddie, kung wala ka rin lang planong seryosohin ako, itigil mo na lang 'to habang maaga pa.” “Chelle.” Pareho silang napahintong dalawa at hinarap siya ng binata. Hinawi nito ang buhok niya at inipit sa likuran ng kanyang tenga. “Magtiwala ka sa 'kin. Hinding- hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay mo sa 'kin.” Ngumiti naman siya bilang tugon. “Umaasa ako, Ceddie.” “GOOD NIGHT,” sabay nilang sabi sa isa't- isa nang pareho na silang nakatayo sa harap ng gate. “Salamat ulit ngayong gabi, Ceddie. Nag- enjoy talaga ako.” “Ako rin. I really had a wonderful time tonight. Paniguradong hindi agad ako makakatulog nito mamaya.” Nagkatawanan pa sila nito. “Gumagabi na, Ceddie. Mag- iingat ka sa pag- uwi.” “Hihintayin na muna kitang makapasok.” “Hindi, hihintayin lang kitang makaalis saka ako papasok.” “Sige na. Gusto ko lang makasiguro na safe kang makakapasok sa inyo.” Napabuntong- hininga siya bilang pagsuko. “Makulit ka, eh. Sige na nga. Good night, Ceddie.” Pumasok siya ng gate at nanatiling nakatayo lang doon. “Hayan, nakapasok na 'ko. Pwede ka nang pumasok sa kotse mo,” nakangiting sabi niya. Napakamot naman si Ceddie sa kilay nito. “Ang ibig kong sabihin, sa loob ng bahay niyo,” natawang sabi pa nito. “Okay na 'ko dito, sige na, sumakay ka na sa kotse mo.” Lumapit pa ito at humawak sa gate nila. “Pagsisikapan kong makuha ang matamis mong 'oo'," at pagkatapos ay sumeryoso ang gwapong mukha nito. “Chelle...” “Bakit?” “I think I'm falling for you.” What did he just say? Hindi siya nakapag- react sa sinabi nito. Naramdaman na lang niya ang mga labi nito sa kanyang noo at nang mga sandaling iyon ay abot- abot ang pagbundol ng puso niya sa kanyang dibdib. “I'll call you once I get home.” Humakbang paatras si Ceddie at kumaway sa kanya. “O- okay.” Iyon lang ang nasabi niya dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya nakakabawi. MATAPOS NG gabing iyon ay mas dumalas pa ang paglabas nila. Hindi yata nawawalan ng mga sorpresa si Ceddie dahil lahat ng mga naging date nila ay lagi na lamang iyong memorable. “Friend!” Daig pa ni Chelle ang nakakita ng multo nang bigla na lamang sumulpot sa flower shop niya nang hapong iyon si Macy. Dapat ay matagal na siyang nasanay sa ugaling iyon ng pinsan niya pero sa pagkakataong iyon ay nagulat talaga siya. Kailan ba niya ito huling nakausap, three or four weeks ago? “Macy!” “Aren't you happy to see me? Ikaw naman, o!” Agad itong naupo sa silya na nasa tapat ng mesa niya. “H- hindi naman sa gano'n. Ang tagal kasi nating hindi nakapag- usap. Saan ka ba nagpunta?” “Nawili ako sa pagsama kay Mom na magshopping abroad. Muntik na ngang mawala sa isip ko ang umuwi, eh,” napahagikhik na sagot nito. “Hindi mo ba 'ko na- miss?” “Na- miss, siyempre. Ikaw lang naman ang may lakas ng loob na kulitin ako, eh.” “Ibinili ko kayo ni Tita Cynthia ng mga damit. Sayang at wala ako no'ng birthday niya. 'Yon kasi ang araw ng alis namin, eh. Well, at least, I'm back!” “Masaya akong nakauwi ka na,” napangiti namang sabi ni Chelle. “Ano naman ang pinagkakaabalahan mo habang wala ako?” “Wala masyado. Kilala mo naman ako.” “Gusto mong kumain sa labas? Samahan mo 'ko tutal naman magsasara na rin kayo mamaya.” Gusto sana niyang sumama dito kung wala lang silang usapan ni Ceddie na lalabas din nang hapong iyon. Sa katunayan ay dadating na ito sa flower shop niya anumang sandali. Ang totoo ay worried siya sakali mang magkita ito at ang pinsan niya. “Ang totoo, Macy, gusto ko sanang samahan ka pero hindi pwede sa ngayon, eh. May lakad din kasi ako mamaya.” “Talaga? Saan ka naman pupunta? Sino'ng kasama mo?” sunod- sunod na tanong ng pinsan niya. “Um, si ano...” Mukhang binibiro yata siya ng tadhana dahil kapapasok lang ni Ceddie sa flower shop. “Si siya.” Agad naman itong binati ng mga assistants niya. Halatang nagulat si Macy nang malingunan nito ang lalaki. “Ceddie?” napatayo pa ito. “Macy, fancy meeting you here.” Nagtatanong ang mga mata ng pinsan niya nang tumingin sa kanya. Mukha ngang wala na yata siyang maikakaila pa dito. Napatayo siya at magsasalita na sana nang maunahan siya nito. “You two are dating?” hindi makapaniwalang sabi pa nito. Hindi naman nakapagtataka ang reaksiyon nito. Malamang ay ini- expect ni Macy na hindi katulad niya ang mga tipo nang idini- date ng mga katulad ni Ceddie. “Yes, we've been dating,” nakangiti namang sagot ng binata na sa kanya nakatingin. “How long?” “Wala pa namang isang buwan but we're obviously enjoying each other's company. Right, Chelle?” She smiled shyly. Kung sakali mang magalit ang pinsan niya ay handa na siyang magpaliwanag dito. “When are you planning to tell me about this?” tanong pa sa kanya ni Macy. “A-ang totoo, sasabihin ko naman sa'yo kapag nagkaroon ng tamang pagkakataon, eh. Kaya lang...” “Oh, well, whatever!” patiling sabi nito and hugged her across the table. “I'm so happy for you, Chelle!” Hindi naman siya makapaniwala. “H- hindi ka galit?” “Bakit naman ako magagalit eh matagal na naming pangarap ni Tita na magka- love life ka? Duh!” nakatawang sabi nito. “Alam ko namang umpisa pa lang gusto ka na ng lalaking 'to kaya hindi na 'ko nagdalawang- isip nang humingi siya ng mga impormasyon tungkol sa 'yo.” Dahil doon ay nakahinga siya nang maluwag. Nagkangitian sila ni Ceddie. “Medyo hindi lang ako sanay na may iba ka nang sasamahan pero okay lang. Para rin naman sa kinabukasan mo 'yon, eh. 'Di ba?” “Kinabukasan ka diyan!” pakli pa niya. “Sige na, hindi na 'ko magtatagal. Maghahanap na lang ako ng ibang makakasama. Mag- enjoy kayong dalawa, ha?” “Thank you,” tugon naman ni Ceddie. “Alam ko cliché na ang linyang 'to pero Ceddie, alagaan mo ang pinsan ko, ha?” “Hindi mo naman kailangang ipaalala sa 'kin 'yan pero sige, makakaasa ka na aalagaan ko siya.” Sa kaniya nakatingin si Ceddie habang sinasabi iyon at pakiramdam niya ay may humaplos sa puso niya. “KINABAHAN ako kay Macy kanina, alam mo ba?” sabi niya habang naglalakad na sila papuntang parking lot. “Bakit ka naman kakabahan?” amused na tanong ng binata. “Baka kasi magalit siya sa malalaman niya. Sa pagkakakwento kasi niya sa 'kin tungkol sa 'yo noon talagang gustong- gusto ka niya. Kumpara sa 'min ni Macy, siya talaga ang maganda.” “Chelle,” sabi naman nito at kinuha ang kamay niya. “Maganda ka. Ako na ang nagsasabi no'n at hindi ka pwedeng magduda.” “Oo na, hindi mo na 'ko kailangang bolahin,” pakli niya at sinubukang bawiin ang kamay pero hindi naman iyon pinakawalan ni Ceddie. “Parang hindi ka naman naniniwala, eh.” Hinawakan siya nito sa kanyang pulsuhan kaya napalahad ang kamay niya. “Alam mo may isa akong kakayahan na hindi ko pa nasasabi kahit kanino.” “At ano naman 'yon?” “Nakakabasa ako ng mga kapalaran ng tao base lang sa mga guhit sa palad nila.” “Weh?” hindi kumbinsidong sabi niya. “Ito babasahin ko ang kapalaran mo.” “Sige nga.” Tumikhim- tumikhim pa ito. “Nakikita ko sa kapalaran mo na magkakaroon ka ng maraming- maraming anak balang araw.” “Oohs?” “May nakikita pa 'ko, 'wag kang magulo.” Tumikhim- tikhim pa ulit ito. “Nakikita ko rin na ako ang magiging ama ng mga anak mo.” Marahas niyang binawi ang kamay at malakas itong siniko. “Aray!” daing nito sapo ang tagiliran. “Maraming anak pala, ha? Sira- ulo ka!” “Hindi pa nagkakamali ang hula ko kahit kailan,” nakangiwi pa nitong sabi. “Tigilan mo nga 'ko, Cedfrey. Puro ka naman kalokohan, eh!” “Sorry na nga, 'di ba?” Pero ilang sandali pa, mula sa pagkaasar ay umamo na muli ang mukha ni Chelle. “Masakit ba? Pasensiya ka na, ha? Mukhang napalakas yata ang pagkakasiko ko sa'yo,” concern na sabi niya. “Masakit na masakit. Nabali yata ang ribs ko. Kawawa naman ang puso ko.” “Naku, 'ayan tayo, eh.” TULUYAN na siyang na- at ease sa dalas ng pagpunta nila sa coffee shop. Kagaya na lang ng pagpasok nila. Agad silang nginitian ng Kuya Raffy ni Ceddie nang makita sila nito. Kulang na lang ay sabihin nitong hindi buo ang araw nila kapag hindi sila nakakapagkape. “Tinatanong ni Kuya kung kailan ang engagement natin,” sabi ni Ceddie pagkalapag nito ng order nila. Agad naman siyang natawa. “Ano'ng engagement?” “'Yong pagkatapos no'n kasal agad? Ang sabi ko, mag- iipon pa 'ko para matupad ko ano man 'yong dream wedding mo.” Manghang napatitig siya dito. He mentioned about dream wedding at hindi siya makapaniwala. Doon lang niya na- realize na wala pala siyang dream wedding. Hindi naman kasi pumasok sa isip niya na darating ang araw na magsi- settle down siya. Until Ceddie. “Dream wedding...” wala sa loob na sambit niya. “Ano ang dream wedding mo? Share mo naman sa 'kin.” Napatitig siya sa cheese cake at kinuha iyon mula sa tray. “Wala akong dream wedding. Maikasal lang ako sa lalaking mahal ko, masaya na 'ko.” “Ako rin. Masaya na 'ko maikasal lang ako sa'yo.” Tinitigan niya ito sa naniningkit na mga mata. “'Wag ka ngang humirit ng mga ganyan. Narinig ko na rin kaya 'yan!” angil niya. Napakamot naman si Ceddie sa kilay nito. “Malamang ginaya lang nila 'yon mula sa 'kin.” “Ikain mo na nga lang 'yan.” Siya na ang kumuha ng mga natirang order sa tray at itinabi iyon. “So how was your day?” tanong sa kanya ni Ceddie matapos itong sumipsip sa kape nito. “Para namang hindi tayo magkatext kaninang umaga. Hindi ka man lang ba sinisita ng boss mo sa oras ng trabaho?” “Bakit ako sistahin eh boss din ako?” mayabang na sagot naman nito. “Ano na ngayon ang pinagkakaabalahan mo sa opisina?” “Marami. May bago na nga kaming client, eh. Isang publishing company. They wanted to introduce the first story sharing platform ,na exclusive lang sa Philippines, sa lahat ng mga aspiring writers. Una sa website and then eventually, magiging available na sa mga tablets and mobiles.” “Sa tingin ko interesting nga 'yan,” napatangong sabi naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD