Chapter Nine

2656 Words
CHAPTER NINE “BIRTHDAY NG Kuya ko bukas at magkakaroon kami ng family dinner, gusto nila na makapunta ka. Pupunta ka naman, 'di ba?” sabi sa kanya ni Ceddie matapos siyang makababa ng motor nito at mahubad ang suot niyang helmet. “Wow, I'm flattered,” manghang sabi niya. “Oo ba. 'Yon lang pala, eh. Pakisabi na salamat sa pag- imbita.” “Tiyak na matutuwa si Mom na pumayag ka,” nakangiting sabi naman nito. “O, heto. Salamat sa paghatid, ha?” sabi pa niya at inabot dito ang helmet. “Walang anuman. Magpahinga ka, ha?” “At ikaw naman mag- iingat ka. Kita tayo bukas, Ceddie. Papasok na 'ko.” “Teka, may nakalimutan akong sabihin sa'yo,” pahabol naman ng binata. “Ano naman 'yon?” kunot- noo niyang tanong. “I love you.” Iyong pakiramdam na sandaling tumigil ang mundo niya nang marinig ang mga salitang iyon. Kahit tatlong kataga lang iyon, iba ang naging dating niyon sa kanya. “U-umuwi ka na nga,” sa halip ay sabi niya. “Kung anu- ano pang pinagsasasabi mo diyan!” “Bakit? Hindi naman kita binubola lang, ah? I love you, Chelle!” Pakiramdam niya kaunti na lang ay magliliyab na ang pisngi niya. “Umuwi ka na sabi, eh. Papasok na 'ko.” Tinalikuran na niya ito at pumasok ng gate nila. Ang lakas na pala ng pagkabog ng dibdib niya. “Chelle, I love you!” narinig pa niyang sigaw nito. Nang lumingon siya ay papaalis na ang motor nito. Napasandal siya sa pintuan nang makapasok na siya. Napahawak siya sa dibdib niya at pilit kinalma ang sarili. “Kalma ka lang, Chelle. Kalma lang. Sinabihan ka lang ng 'I love you', 'yon lang.” Napabuga pa siya ng hangin. “Kalma ka lang, kalma-- ahh! Sinabihan niya 'ko ng I love you!” Natampal niya ang magkabilang pisngi. Hindi niya alam kung bakit ganoon siya kung umasta. Para siyang fourteen year- old girl na niyaya ng crush niya sa prom! Mabuti na lang at wala pa doon ang Nanay niya. Tiyak iisipin nitong nasisiraan na siya. Natauhan lang siya nang may marinig siyang pagkatok sa pinto. “Chelle, anak, 'andiyan ka na ba sa loob?” Speaking of her Nanay. Umalis siya sa pagkakasandal sa pinto at muling binuksan iyon. “N-nay! M-magkasunod lang po pala tayong dumating,” natarantang sabi niya. “Nanggaling ako sa kapit- bahay at pagbalik ko hindi ko na maitulak ang pinto. Ang akala ko nasira na,” sabi nito nang makapasok. “Ay, sorry po. Napasandal lang ako. Medyo napagod po kasi ako, eh.” “Hinatid ka na naman ba ni Ceddie? Sana pinatuloy mo muna siya kahit sandali lang. Makamusta ko man lang kahit sandali.” “Naku, sayang naman po. Nagmamadali kasi siya kasi tutulungan pa niya si Tita sa bahay nila.” “Gano'n ba? Kung gano'n sa susunod na lang,” napatangong anang ginang. Naglakad sila papuntang kusina. “Ano pong ginawa niyo sa kapit- bahay?” tanong pa niya sabay hila ng upuan at naupo. Binuksan naman ng ginang ang ref at naglabas ng orange juice na nasa pitsel. “Kinausap ako ni Tilde. Dahil summer na rin naman, niyaya niya akong mag-organize ng recreational activities sa barangay hall para sa mga street children. Pumayag naman ako kaagad. At least may pinagkakaabalahan ako, 'di ba?” “Magandang idea nga po 'yan, Nay. Kung may maitutulong ako, handa akong mag-volunteer,” nakangiti naman niyang sabi. Kumuha ng baso si Cynthia sa isa sa mga nakataob sa mesa at binuhusan iyon. “Kamusta naman ang naging araw mo kasama si Ceddie?” tanong pa nito. Nakagat niya ang ibabang labi nang maalala na naman ang eksena sa tapat ng bahay nila. “Okay naman po. Masaya,” kimi ang ngiting sagot niya. “Nag- 'I love you' na ba?” Nabitin ang pag- inom niya sa juice dahil sa tanong nito. “P-po?” Nagbuhos din ito ng juice sa sariling baso at naupo sa tabi niya. “Ang sabi ko, sinabi na ba niyang mahal ka niya?” “B-bakit niyo po natanong?” Hindi naman kaya narinig nito ang sigaw ni Ceddie sa kanya kanina? Pero imposible nga pala iyon. “Wala naman. Baka lang kasi nagsabi na siya para makapag- isip- isip ka na rin kung saang level na ba ang nararamdaman mo para sa kanya? Para masagot mo na siya ba.” Napaisip tuloy siya. Oo nga't sinabi na rin nito sa kanya ang three magic words na iyon sa wakas. Ano na ang kasunod? Hinihintay rin ba ni Ceddie na ibalik niya ang mga salitang iyon dito? Yes, he is special to her. Hindi na niya maikakaila pa iyon. Nagkapuwang na nga ito sa puso niya. Palagi siyang masaya kapag ito ang kasama niya dahil hindi ito pumapalyang patawanin siya. Just then she realized one thing habang umiinom siya ng juice. Tiningnan niya si Aling Cynthia at matamis na nginitian. “Ang sarap po ng timpla niyo, Nay.” FINALLY AY nakilala na rin niya ang Papa nina Ceddie. Nasa midfifties na rin nito ang ginoo at nakasuot ng salamin. Hindi niya napansin ang pagka- terror sa aura nito dala marahil ay hindi naman ito nakasuot ng uniform ng dean. Naalala pa nga niya si Val Kilmer dito during his Bruce Wayne days. Nevertheless, magiliw nga itong tao at magaan pang kausap. Sinundo siya ni Ceddie sa kanila sakay ng kotse nito. Sa biyahe ay nabanggit nito sa kanya na kaya motor lagi ang ginagamit nito pagpasok ay dahil si Antonio ang pinapagamit nito ng kotse. “Magsa- start na ang dinner wala pa ang birthday boy?” tanong ni Ceddie habang nakatipon sila sa sala. “Nagtext si Raffy sa 'kin kanina. May sinundo lang siyang kaibigan pero papunta na rin sila dito,” sagot naman ni Amanda. “Hindi si Samantha?” “Hindi at masaya ako para kay Raffy.” Sakto namang may tunog ng humintong sasakyan sa labas ng bahay. “Mukhang sila na nga 'yon.” Napatayo pa silang apat nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Raffy kasama ang isang babaeng balingkinitan at may katamtamang height. Hindi na ito iba sa kanya dahil madalas niya itong makita sa coffee shop ni Raffy kapag pumupunta sila doon ni Ceddie. “Magandang gabi po,” magalang na bati nito bagama't nahihiya. “Ikaw na ba si Jasmine?” nakangiting tanong ni Amanda. “Ako nga po.” Lumapit ito kay Amanda at nakipagbeso- beso saka nakipagkamay kay Antonio. “Nice to meet you po. Sino po sa inyo ang may birthday? Nagulat po ako nang imbitahan ako ni Raffy.” “Si Birthday Boy talaga, o,” napangiting sabi ni Ceddie. Nagulat naman si Jasmine at takang napatitig kay Raffy. “Baliw ka, Raffy, ikaw pala ang may birthday?” “Yeah. Happy birthday to me,” natawang sabi naman ni Raffy. “May nabiktima na naman ako.” Pagkatapos niyon ay niyaya na sila ng mag- asawa na maghapunan. “Hi, Chelle,” mahinang bati sa kanya ni Jasmine pero sapat na para marinig niya. “Ito ang unang pagkakataon na hindi tayo sa coffee shop nagkita,” nakangiting sabi naman niya. Natawa naman ito. “AT ITO ang picture nilang dalawa pagkatapos nilang matuli. Ang cute, 'no?” Natatawa na lang sina Jasmine at Chelle. Nasa sala sila habang ipinapakita ni Amanda ang albums ng mga ito lalo na ang mga childhood pictures ng magkapatid. “Ma, tama nang panglalaglag 'yan. Birthday na birthday ko, eh,” napapakamot na sabi naman ni Raffy. Sila ni Ceddie ay nasa kanan ni Amanda at sa kaliwa naman nito sina Jasmine at Raffy. “Bakit parang ikinakahiya mo naman ang sarili mo no'ng bata ka pa? Natural lang namang maging sipunin, ah?” natawang pang- aalaska pa ni Jasmine dito. “'Yon na nga, eh. Eh ang gwapo ko na ngayon, eh!” “'Asan, ba't hindi namin nakikita?” “Nagdadahilan lang ang mga batang 'yan para masolo na nila ang mga dalagang 'to, Hon. Ikaw naman,” singit ni Antonio na nanonood lang sa kanila habang nagkakape. “Gusto ko lang i-build up ang mga binata natin, Hon. Diskarte ko 'to, okay?” “You're the boss.” “Pero sige na nga, tama na 'to. Ayoko namang pagselosan ako ng mga prinsipe ko,” ani Amanda at isinara ang album at ipinatong sa mga naunang albums sa mesa. “I-enjoy niyo na ang oras niyo bago pa lumalim ang gabi. Magpapahinga na kami ng Papa niyo.” “Tita, nabitin naman kami ni Jasmine do'n,” ani Chelle. “Bumalik ulit kayo sa susunod na dinner. Ayos ba 'yon?” ani Amanda at kinindatan siya. Lumapad naman ang ngiti niya. “Gusto po namin ni Jasmine 'yon.” Nagkayayaan silang maglakad- lakad sa labas ng bahay pero sa magkaibang direksiyon. “Huwag na lang tayong magtagal kasi mukhang uulan,” sabi pa ni Raffy bago sila naghiwa- hiwalay. “Ang cute ng family mo, Ceddie,” sabi pa niya nang makalayo na sila sa bahay. “Don't worry. Magiging part ka rin in the near future,” sabi naman nito at kinindatan siya. Walang dudang sa kanilang magkapatid, ito talaga ang manang- mana kay Amanda. “Sira,” natawang pakli naman niya. “Kompleto na naman ang araw ko kasi kasama kita. I'm happy na nakilala ka na rin ni Papa.” “Masaya rin akong makilala siya. Gusto ko nga siyang i-congratulate, eh. Napalaki niya kayo ng Kuya mo nang maayos. Siguro katulad din niya ang Tatay ko. Sayang nga lang at hindi ko man lang siya nakasama sa paglaki ko.” “Everything happens for a reason,” ani Ceddie at hinawakan ang kamay niya. “Nandito na rin naman ako, eh. Kasing gwapo ko naman siya at kayang- kaya pa kitang alagaan. Hindi mo na kailangang malungkot.” “Wala namang nabanggit si Nanay na mayabang ang Tatay ko.” “Kumukontra ka na naman. Gusto mo kilitiin kita?” “'Wag!” “'Yon naman pala, eh. Tsaka isa pa, wala namang dapat ipag- alala ang Tatay mo kasi mahal kita. Ikaw lang naman 'tong ayaw umamin na mahal mo rin ako.” Nang sulyapan niya si Ceddie ay nakatingala ito. Hinila niya ito sa kamay dahilan upang mapahinto ito. Saktong pagbaba nito ng tingin ay tumingkayad siya at bumulong sa tenga nito. “I love you, too, Ceddie.” “A-ano'ng sabi mo?” tila hindi makapaniwalang tanong nito. “Akala ko ba alam mong mahal din kita? Ba't hindi ka naman yata naniniwala?” “Kasi, ano, ginulat mo naman ako. Pwede bang pakiulit no'n? Gusto kong marinig ulit, eh. Sige na, Chelle.” Kunwari ay sumimangot siya. “I love you, too, Ceddie at oo na, sinasagot na kita.” “Sinasagot mo na rin ako?” Tumango- tango naman siya. “Yes, sa wakas!” tuwang- tuwang hiyaw nito at napasuntok sa hangin. “May girlfriend na 'ko!” Gayon na lamang ang pagkataranta ni Chelle nang tumahol ang mga aso sa mga kabahayan. “Ceddie!” nanlalaki ang mga matang sabi niya. “Hayaan mo sila. Naka-kadena naman ang mga aso dito, eh,” nakatawang sabi nito at niyakap siya nang mahigpit. “Ito na ang pinakamasayang gabi ng buhay ko. Ano nga ulit 'yong sinabi mo?” “Ay, unlimited?” Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at dinampian ng halik ang noo niya. “I love you, Chelle.” Nang dahan- dahang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya ay napapikit siya. Mangyayari na ang first kiss nila at...excited na siya. Ang kaso hindi pa man naglalapat ang mga labi nila ay napamulat na siya. Bigla na lang umambon! “Bumalik na tayo, Ceddie!” Hinila niya ito sa kamay at tumakbo. “Pero magki- kiss pa tayo, eh,” mahinang himutok ng binata. “Ano bang binubulong- bulong mo diyan? Magkakasakit ka na naman kapag nabasa ka ng ulan kaya bilisan na natin!” Medyo nanghinayang siya nang hindi natuloy ang first kiss nila pero masaya pa rin siya. Boyfriend na niya si Ceddie at alam niyang tototohanin nito ang mga sinabi nito na mamahalin siya at aalagaan. One month later... ANG AKALA niya ay dadalhin siya ni Ceddie sa Sanctuary bilang celebration ng unang monthsary nila pero sa halip ay sa bahay ng mga ito nito siya dinala. Hindi naman siya dismayado dahil alam niyang may sorpresa ito sa kanya. “Dito lang kayo sa bahay magdi- date? Aba, naghihirap ka na ba, anak, kaya binabarat mo ang girlfriend mo?” “Ma, naman,” parang batang ingos ni Ceddie. Nadatnan nila ang mga magulang nito na nakabihis at mukhang papaalis. Natawa naman si Chelle. “Wala raw pong bukingan, Tita.” “Ma, male- late na kayo sa concert ni Papa. Mag- enjoy kayo, ha? Uwian niyo na lang kami ni Kuya ng giveaways.” “Ano'ng concert? Charity event lang 'yon, 'no.” Sakto namang bumaba na ng hagdan si Antonio habang inaayos ang kwelyo ng dilaw na polo shirt nito. “Hon, ready na 'ko.” “Hon, bakit ka nag- dilaw? Mapagkakamalan kang politiko niyan!” “Okay lang 'yan. Mukha ka namang first lady, eh. Halika na. Iwan na natin dito ang mga bata.” Hinalikan sila ni Amanda at niyakap. “You kids have fun,” sabi nito nang siya na ang niyakap nito. “Thanks, Tita. Kayo rin po,” nakangiting tugon naman niya. Hinatid pa nila ang mag- asawa sa may pintuan. “At ngayong solo na kita, oras na para ipakita ko na sa'yo ang surprise ko,” sabi ni Ceddie pagkasara nito ng pintuan. “Nasa'n na ba kasi 'yon at excited na 'ko?” nakangiting sabi naman niya. Mula sa bulsa ng jeans ni Ceddie ay naglabas ito ng puting panyo. “Basta pipiringan muna kita.” “Bakit may ganyan pa?” “Pikit ka na.” Wala na rin siyang nagawa nang piringan siya nito at alalayan paakyat ng hagdan. Kahit wala siyang makita, alam niyang sa kwarto nito siya dinala. Narinig pa niya ang pagbubukas at pagsasara ng pinto at narinig uli niya iyon matapos ang ilan pang hakbang. Tiyak niyang nasa work shop na sila ni Ceddie. “Ready ka na?” pagkuwa'y tanong nito at nahimigan niya ang ngiti ng nobyo. Lalo namang nadagdagan ang excitement na naramdaman niya. “Ready na,” nakangiti niyang sagot. Nang sa wakas ay tanggalin na ni Ceddie ang piring niya, nakusot- kusot pa niya ang mga mata at pilit inaninag ang nasa harapan niya. Nang sa wakas ay luminaw na ang kanyang paningin, nanlaki ang mga mata niya nang makita kung ano ang nakapinta sa dingding. Iyon 'yong painting ng isang babae na nakita niya noong dalawin niya si Ceddie noong may sakit pa ito. Sa pagkakataong iyon nga lang, may mukha na ang babae. At kamukha pa niya. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa binata. “Ako 'yang babae?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Ang babaeng mahal ko, wala nang iba.” Nilapitan niya ang painting at hinaplos. “Ceddie, ang galing...” “Nagustuhan mo ba?” tanong naman nito at niyakap siya mula sa likuran. “Gustong- gusto ko, Ceddie. Thank you so much!” “I love you,” sabi nito at hinalikan siya sa pisngi. “I love you, too. 'Yong gift ko naman sa bahay ko na lang ibibigay, ha?” “Ikaw ang bahala,” at lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Tumingala naman siya at hinalikan din ito sa pisngi. Kung pwede lang sana niyang masabi ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon but she can't. It's just that there are no right words to describe her happiness lalo pa't yakap- yakap siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD