Tinitigan ko nang mabuti si Ranus. Ngumisi lang naman 'to sa akin sabay hawak sa 'king likuran at giniya akong sundan na si Dallas. He pulled the door to close it. Ranus met my narrowed eyes. "Anong ibig sabihin nito?" bulong ko na hindi naman niya nasagot pa kasi tinawag na kami ni Dallas. "Tulad ng request mo. Malaway ang space ng living room," anito at kitang-kita ko ngayon. Isa pang napansin ko sa espasyo ng magiging living room ay ang frameless wall. "Safe ba yan kapag may mga bata na rito?" I couldn't help but ask. Kung napigilan ni Dallas ang pagngiti si Ranus ay hindi 'yon itinago sa akin. My eyes grow wider. I am sure they pick up something from my words that I didn't mean to say and point out. Dallas nodded her head. "Kung ganoon ay mukhang may plano na nga talaga kayo. Pat

