HABANG ini-scroll ni Phoebe ang mga products ng mga tao sa Tacloban na gusto kong ibenta namin kung sakaling pumayag nga 'tong makipag-sosyo ay umiinom naman ako ng kape. When she tore her eyes off my Ipod she looks impress and I know that she is. "What do you think? May potensyal sa international market iyong mga gawa nila 'di ba? Especially the bags. I personally love the woven rattan luggage bag." "Hindi ka ba masiyado ng busy para magtayo pa ng boutique?" naging isang tuwid na linya na lamang ang kurba sa 'king labi. She's taking my proposal seriously and I need to be on the same level as hers. Ayaw kong isipin ng kapatid ko na isang impulsive decision ang gusto kong gawin na resulta ng pagnanais kong matulungan ang mga tao sa Tacloban. "I am. Of course with all the preparations

